Napatigil si Luke Surrey matapos marinig ang mga salitang iyon, saka siya ngumiti at napagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Harvey York.“Tama ka, bata. Nangangailangan ang tunay na pag-ibig ng mas maraming pera. Magkano pa ang gusto mo?"Nagdilim ang mukha ni Ms. Yuna parang gabi sa sandaling iyon matapos marinig ang mga salitang iyon.Hindi niya sukat akalain na ibebenta siya ni Harvey para sa kaunting pera.Sa sumunod na sandali, nagtaas si Harvey ng isang daliri at ngumiti.Saglit na napatigil si Luke, saka tumawa."Determinado ka rin, 'no?! Humihingi ka ng one hundred thousand dollars?!"Napangisi si Harvey.“Nagkakamali ka, Prince Surrey. Hindi iyon ang ibig kong sabihin."“One million dollars?”Napasimangot si Luke. Kumukulo siya sa galit.Gustong gamitin ng lalaking ito na nanggaling kung saan ang pagkakataong ito para agad na umakyat sa mga ranggo!Puno ng paghamak ang tingin ni Luke kay Ms. Yuna.'Ito ba ang lalaking pinili mo?’‘Pera lang ang nakikita ng lalak
Sa rooftop level ng mall, sa isang music bar.Madalas puntahan ang lugar na ito ng mga kabataan. Gusto nilang bisitahin ang lugar para sa pagkain at inumin.Pagkatapos mag-order ng ilang pagkain, nagsimulang kumain si Harvey York nang walang pakialam sa mundo.At hindi man lang ginalaw ni Ms Yuna na nakaupo sa harap niya ang mga kubyertos niya. Sobra pa rin siyang nag-aalala.“Kumain ka. Lalamig ang pagkain kung hindi mo gagalawin iyan. Baka wala ka nang oras para kumain kung maghihintay ka pa,” udyok ni Harvey habang naghahain ng pagkain para sa kanya.Napakagat lang si Ms. Yuna dahil sa takot na masaktan ang damdamin ni Harvey, ngunit hindi niya maitago ang kanyang pag-aalala. May gusto siyang sabihin, ngunit sa huli ay hindi niya ito sinabi.“Anong meron? Hindi ba masarap ang pagkain?"Nagtataka si Harvey.Nag-aalangan si Ms. Yuna na sagutin siya kanina, saka tahimik siyang sumagot, "Harvey, mukhang pag-aari ni Luke Surrey ang lugar na ito."Nagulat si Harvey.'Anong pagka
Pagkaraan ng ilang sandali, isang lalaking nakasuot ng suit ang mabilis na naglakad patungo kay Luke Surrey.“Prinsipe, sinuri ko nang maigi ang lalaki.”"Nasa ilalim ng pangalan ng isang malaking kumpanya ang kotse ng lalaking ito. Babae ang registrant, so sa palagay ko ay nirentahan lang ang kotse.”“At ayon sa pangalan niya, dapat ay siya siyang live-in son-in-law.”"Sa mga iba pa niyang detalye, maghihintay ako hanggang bukas."Natawa si Luke matapos marinig ang tungkol dito."Isang live-in son-in-law na nagrenta ng kotse ay maglalakas-loob na nakawin ang babae ng prinsipe?”“Hindi na kailangang suriin pa siya. Hindi natin kailangang mag-aksaya ng oras sa mga taong ito."Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, itinulak ni Luke ang pinto ng box room at agad na naglakad patungo sa kinaroroonan nina Harvey York at Ms. Yuna.Pak!Isang bulto ng pera ang biglang hinampas sa hapag-kainan ni Harvey; tumalsik ang sabaw sa buong lugar, nadumihan ang kanyang damit.Walang kamalay-m
Nang walang pagda-dalawang isip, natural na medyo nadismaya si Ms. Yuna.Dahil ito ay nangangahulugan na ang kanyang walang malasakit na ugali sa Buckwood High School ay hindi dahil sa kanya na may aktwal na kapangyarihan.Dahil lang sa hindi niya alam kung gaano talaga kalakas ang mga Surrey.Maswerte rin siya. Tinawagan pa ng kanyang asawa ang first-in-command ng Buckwood kasama ang iba pa para tulungan siyang makatayo sa kanyang kinatatayuan.May mga butas pa rin ang teoryang ito.Ngunit mabilis na nagbago ang mga impresyon ni Ms. Yuna kay Harvey York sa isang iglap dahil sa titulong live-in son-in-law.Nagpakita rin ang mga mata niya ng bahagyang pandidiri sa kanya.Anong klaseng maruming pag-iisip ang mayroon ang live-in son-in-law kung hindi niya niyayang kumain?Ngunit hindi dapat sisihin si Ms. Yuna; maganda rin siya at may pares ng kulay-melon na mata. Natural na may mga maiitim na balak ang mga lalaking lumalapit sa kanya.Kaya naman palagi siyang nag-iingat at nandi
“Anong pagkakataon?” Kalmadong tanong ni Harvey York.Hinampas ni Luke Surrey ang kanyang kamay sa mesa at tinapon ang natitirang pagkain ni Harvey sa sahig. Pagkatapos ay tinapakan niya ang mesa gamit ang kanyang leather boot.“Ngayon, lumuhod ka! Dilaan mo ang bota ko at linisin, at pagkatapos ay pwede ka nang umalis!"“Oo! Dilaan mo ang bota ko!”“Ang lakas ng loob mong ligawan ang babaeng gusto ni Prince Surrey?! Kapal ng mukha mo!”"Maswerte ka at hindi ka pa bugbog-sarado hanggang sa mamatay, sa pagiging mayabang mo sa harap ng prinsipe!"“...”Naghiyawan ang mga tao. Nakangiti si Luke na akala niya nanalo na siya, mababa ang tingin niya kay Harvey nang buong pagmamalaki.Muli na namang bumuntong-hininga si Harvey."Ms. Yuna, hindi ko sukat akalain na nakamamatay pala ang kagandahan mo."Kumunot ang noo ni Ms Yuna. Talagang nandidiri siya kay Harvey sa mga sandaling iyon.Hindi lang live-in son-in-law ang lalaking ito, gusto pa niyang ibaling ang lahat ng sisi sa kanya
Tumawa si Harvey. Hindi niya inaasahan si Luke Surrey ay kakalma sa importanteng sandali tulad nito.Inasar niya si Luke ng sandali, tapos tumawa ng mahina habang bumubulong, “Nakakatuwa.”“Ngayon, alis na!” Nanlalamig na sinabi ni Luke.“Inutos ni Prince Surrey na umalis ka na! Bakit ka pa din nakatayo diyan?!”“Umalis ka na ngayon! Pagkatapos nito, magbantay ka at tandaan na si Prince Surrey ay hindi tao na maaari mong bastusin!”Kaharap ang bugso ng mga insulto at sigaw mula sa ibang tao, umalis si Harvey na walang pakialam.Mabilis na naglakad si Yuna para habulin si Harvey.Pagkita nito, ang mukha ni Luke ay nandilim ng ilang shade. Subalit, wala siyang pinigilan..“Prince, bakit mo siya pinakawalan? Hindi ka niya sinunod!” Isang tagapagsilbi ang kaagad na lumapit at nagtatakang nagtanong.Smack!Sinampal ng malakas ni Luke ang tagapagsilbi sa mukha at malamig na sumigaw, “Ano ang alam mo? Ang lalaking iyon ay siguradong mayroong kakayahan, kaya tignan mo ang lahat! Imbe
Ano ang ibig sabihin nito?Si Harvey ay biglang naging maingat.‘Isa akong matinong tao, kaya huwag kang maglakas loob na puntiryahin ako.’Hindi inisip ni Yuna na ang kanyang statement ay kahinahinala, kaya inabot ni Harvey ang isang invitation card ay nagdagdag, “Merong pagtitipon ngayong gabi na kinakailangan ako na magdala ng isang lalaking partner.”“Nakita mo naman ang mga bagay para sa akin. Wala akong kahit anong lalaking kaibigan.”“Kung ikaw ay handa na maging aking lalaking partner ngayon gabi, tatanggapin ko ito bilang iyong kabayaran sa aking pabor.”Inisip ni Harvey ang kanyang alok ng sandali. Tinanong niya, “Ang pagtitipon ba na ito ay sobrang importante para sayo?”Mahinahong tumango si Yuna. “Ang mga tao na dadalo sa pagtitipon ngayong gabi ay lahat kilalang tao sa industriya ng edukasyon sa Buckwood, pati na ang buong South Light. Umaasa ako na makilala ang ilan sa kanila.”“Ito ay tutulong sa pagunlad sa hinaharap ng Buckwood High School at ang ating mga est
Matapos dumating sa exhibition centre ng college town, si Harvey at Yuna ay lumabas ng taxi. Napagtanto ni Harvey na maraming tao ang nagmamatyag, siguro naghihintay sa mga headmaster at chairman ng iba’t ibang prestihiyosong mga eskwelahan.Ng mapansin nila ang pagdating ni Harvey at Yunaa, marami ang nagisip na ang dalawa bilang mga kakumpitensya at tinitigan sila na parang mga kutsilyo.Ngunit ng makita nila si Yunaa na naglabas ng invitation card, sila ay walang masabi.Sino ang hindi magmamaneho ng mamahaling kotse para dumalo sa isang pagtitipon sa edukasyon tulad nito?Kahit na ang mga tao na gustong hindi mapansin ay kahit papaano magmamaneho ng Aaudi o BMW. Malinaw, walang sino man ang dadating sa isang taxi lang!Si Harvey at Yuna ay pumasok sa banquet hall sandali matapos silang dumating sa exhibition centre.Merong mga tao talagang nakatalaga mismo para tignan ang kanilang mga invitation card, na nagdadala sa kanila sa entrance. "Mr. York, Ms. Yuna. Ang banquet ay mag
Bandang alas-singko ng hapon, nagmaneho si Kairi para sunduin si Harvey.Ang pamilyang Patel ay isa sa limang nakatagong pamilya, ngunit walang nakakaalam na sila ay naninirahan sa isang magandang maliit na bayan na daan-daang milya ang layo mula sa Golden Sands.Ang Tahanan ng mga Patel!Medyo rustic ang pangalan. Si Harvey ay medyo na-bingi sa gulat nang dumating siya.Akala niya magiging isang tahimik na kanayunan, pero makikita niya ang mga villa at townhouse sa lahat ng dako. Ang mga kalye ay puno ng mga mamahaling sasakyan.Isinasaalang-alang na ang lugar na ito ay kung saan nagmula ang pamilya Patel, ito ay isang mayamang lugar. Walang karaniwang tao ang makakapag-isip kung ano ang hitsura ng lugar na ito.Mabilis na naintindihan ni Harvey ang sitwasyon pagkatapos ng paliwanag ni Kairi.Ang mga pangunahing sangay ng pamilya Patel ay kumalat sa buong mundo. Ngunit kahit gaano sila kalayo—kahit gaano pa sila kagaling, maipagmamalaki pa rin nila ang kanilang tahanan sa Patel
”Tungkol kay Peyton, sa tingin ko wala rin itong kinalaman sa kanya."Posibleng na-set up siya...“O baka pinilit siya."Sa huli, ang karakter ng mga matatandang ito ay hindi basta-basta maaring gayahin ng mga kabataan."Sinabi ni Harvey kay Kairi ang lahat ng nangyari, na parang hindi siya ang nakaranas nito ng personal.Sumimangot si Kairi."Ang iyong kahanga-hangang kakayahan sa pakikipaglaban ay lalo lamang magpapalakas ng pagnanais ni Blaine na patayin ka.“Mayroon kang malapit na relasyon sa Patel family at sa anim na Hermit Families."Walang sinuman sa amin ang nakapansin, naging tagapagsalita ka na para sa aming mga interes."Gusto ng John family ang Golden Sands para sa kanilang sarili. Hindi titigil si Blaine hanggang hindi ka namamatay.”"Kung talagang kasabwat niya ang Evermore at ang Island Nations, hindi ko siya palalampasin," sagot ni Harvey.Huminga ng malalim si Kairi at tumango. "Oo nga pala, narinig ko na si Mandy ay malapit nang pumunta sa Wolsing."Bigl
Habang nag-iisip pa, bumalik si Harvey sa Fortune Hall.Hindi alam nina Castiel at ng iba pa na siya ay dumaan sa isang sitwasyon ng buhay at kamatayan. Agad nilang inihain kay Harvey ang isang tasa ng tsaa pagpasok niya.“Nasaan si Mandy?”Nang makita niyang walang tao sa lugar, tumingin si Harvey sa back hall.Nag-atubili si Castiel sandali."May gusto sanang sabihin sa'yo ni Mrs. Zimmer."Nagpunta siya para magpaalam."Kung handa kang pumunta sa Wolsing kasama siya, maaari mo siyang tawagan kahit kailan."Natigilan si Harvey; nabanggit ni Mandy ang pagpunta sa Wolsing, pero hindi niya akalain na ganito siya kabilis.Tumingin si Harvey sa direksyon ni Mordu.Hindi siya maniniwala kung ang pag-alis ni Mandy ay walang kinalaman sa pamilya Jean o sa sampung pinakamalalaking pamilya. Marahil hindi niya alam na ginagamit na siya bilang isa sa mga trump card laban sa kanya.Ang mga taong pinakamalapit sa kanya ang siyang makakasakit sa kanya ng pinakamarami, pagkatapos ng lahat!
May ngiti sa magandang mukha ni Lexie."Sa usaping katandaan, kailangan mo akong tawaging Tita."Hindi ko papatayin ang isang tao para lang patahimikin sila!“Alam ko na ang mga Islander ay mga mapagsamantala, at ikaw ay isang binatang halos walang karanasan!"Iyon ang dahilan kung bakit ako nagpakita para patayin ang mga taong ito!"Sinagip kita! Kahit hindi mo ako pasalamatan, sana huwag mo naman akong siraan ng ganyan!”Nagpakita si Lexie ng isang kaawa-awang ekspresyon nang walang magawa siyang tumingin kay Harvey. Parehong walang kapintasan ang kanyang mukha at katawan. Anumang lalaki ay maloloko sa kanyang kaakit-akit na kilos.Si Harvey ay kumunot ang noo kay Lexie, pagkatapos ay ngumiti."Kung ano ang inaasahan mula sa ginang ng Dragon Palace.""Hindi lang ikaw magaling sa pagbaril, magaling ka rin sa mga salita.""Wala akong laban sa'yo, sa totoo lang."“Gayunpaman, medyo mabagal ka.“Sinabi na sa akin ng elder ang kailangan kong malaman."Hindi pa tayo tapos dito
Mas mahalaga, si Harvey ay gumagamit lamang ng kanyang palad.Kung gumamit siya ng anumang galaw mula sa sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts, aaminin ng mga nakatatanda ang pagkatalo.Sa wakas, ang mga sining ng pakikidigma ng Country H ay hindi matutumbasan.Gayunpaman, ang mga atake ni Harvey ay simple. Ang kanyang bilis ay talagang pambihira.Bawat sampal ay tila mahina, ngunit ang mukha ng matanda ay ngayon ay lubos nang namamaga. Patuloy siyang natitisod paatras.Sige na! Ikaw ay isang kilalang tao sa Island Nations!Sabihin mo sa akin nang tapat!“Sa kabila ng iyong Bushido Spirit, ang tanging magagawa mo lang ay lumuhod, di ba?”Patuloy na pinagsasampal ni Harvey ang matanda hanggang napilitan itong gumapang muli sa lupa.Ang iba pang pitong matatanda ay natigilan sa kanilang kinalalagyan. Hindi sila maglalakas-loob na gumalaw kahit kaunti, at agad silang lumuhod sa lupa.‘Nagbibiro ka ba? Ang mga sampal niya ay talagang nakakatakot!Ang mga sampal niya ay tal
”Tapusin na natin ‘to, Harvey!”Matapos makita na lahat ng iba ay itinaboy, ang nakatatandang lalaki sa harap ay natumba mula sa lupa at itinutok ang kanyang espada kay Harvey."Ako pa rin ang elder ng pamilya Masato! Ako ay isang tunay na royalty, na may dugong maharlika!“Maging sa Island Nations, ako ay isang pigura na sinasamba ng maraming tao!”"Kaming makapangyarihang mga Islander ay hindi mapapahiya ng isang katulad mo!"Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso. "Lumuhod ka, at hindi kita papatayin.""Gusto mong lumuhod ako?!"Ang elder ay nag-aapoy sa galit. Galit na galit siyang tumawa."Sino ka ba sa akala mo, hayop ka?"Talaga bang iniisip mo na magagawa mo ang lahat ng gusto mo dahil lang ikaw ang kinatawan ng Country H Martial Arts Alliance at ang young master ng Longmen?""Walang sinuman sa buong bansa ang makapagpapaluhod sa akin!"Kahit na ang Head Coach niyo!“Mas pipiliin ng pamilya Masato na mamatay kaysa magmakaawa para sa aming buhay!"Mga onmyoji kam
Nakita ang pagbabago kay Harvey, ang ekspresyon ng nakatatanda ay patuloy na nagbabago. Dinala niya ang kanyang espada patungo sa lalamunan ni Harvey sa bilis ng liwanag.Hinampas ni Harvey ang kanyang daliri sa talim nang walang balak na umiwas dito.Clang!Isang malakas na tunog ang narinig; ang matanda ay umatras ng ilang hakbang, ang buong katawan niya ay nanginginig. Isang sigaw ang biglang narinig mula sa Demon Sword.Pinunasan ni Harvey ang kanyang mga daliri nang may pagduduwal habang nakatayo sa kanyang pwesto, na parang may nahawakan siyang nakakadiring bagay.Ang matanda ay sumabog sa galit; siya ay lumundag sa hangin bago muling ibinaba ang kanyang espada. Siya ay isang onmyoji, ngunit mayroon din siyang malalim na pag-unawa sa martial arts ng Island Nations.Ang kanyang atake ay katulad ng killer move ng Shindan Way.Gayunpaman, hindi man lang maalala ni Harvey ang pangalan ng galaw, lalo na hindi siya nagmamalasakit. Tinapakan niya ang lupa; nagkabasag-basag ang mg
Swoosh, swoosh, swoosh!Winasiwas ng natitirang pitong elder ang kanilang mga kamay, agad nilang hinagis ang mga talisman nila.Lahat ng klaseng napakasamang hugis na kamukha ng iba’t ibang bagay ang sumulpot sa ere. Mga fox, mga python, at sumulpot din ang isang cyclops.Bumuntong-hininga si Harvey, pagkatapos ay muli niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Nagsimulang umubo ng dugo ang pitong elder, agad na nanginig ang kanilang mga katawan.“Witchcraft! Anong ginawa mo?!”Galit na galit ang pinuno ng mga elder.Walang nagawa ang isang elder kay Harvey… Pero ngayon, kahit na ang pito ay hindi man lang siya nagalusan.“Paninira! Isa itong paninira!” sigaw ni Harvey.“Natutunan ko lang ito mula sa Book of Changes!“Malinaw na isa itong geomancy art, pero sinasabi niyo na isa itong witchcraft?“Gaano kawalanghiya ba kayong mga tao kayo?”“Ang Book of Changes?”Tumingin ang mga elder sa isa’t isa.Ayon sa mga alamat, ang Book of Changes ay mayroong maraming anyo, kabilan
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e