Kahit na si Yoel Graham ang first-in-command ng Buckwood, tumutulo pa rin ang malamig na pawis sa kanyang likod.Mabilis siyang yumuko sa harap ni Harvey York at sinabing, “Kasalanan ko! Kasalanan ko itong lahat!”“Dahil sa kawalan ng kakayahan ko kaya matigas ang ulo ng mga tauhan ko. Hindi ko sila tinuruan nang maayos!”"Pinakamalaking pagkakamali ko na hinayaan ko ang mga taong ito na pukawin ka, Mr. York!”“Humihingi ako ng paumanhin, Mr. York. Tatanggapin ko ang anumang parusang ibibigay mo para sa akin!"“Ano?!”Nagulat ang madla matapos makita ang eksena.Inakala ng lahat na si Yoel ang backbone ni Harvey.Ngunit hindi nila naisip na kailangan niyang maging magalang kay Harvey at yumuko habang humihingi siya ng tawad. Hindi siya mangangahas na pabulaanan ang mga desisyon ni Harvey.Natulala si Dawson Surrey!Nagulat si Reign Jackson!Namangha si Marvin Brown!Nabigla si Yelena Surrey!Natulala ang lahat!Walang sinuman ang naka-isip mangyayari ito at talagang mas m
Thud!Hindi na kinaya pa ni Stevie Surrey ang pagkagulat. Bumigay na ang kanyang mga binti.Thud!Thud!Thud!Sumunod rin ang principal, pati ang mga board of director, puno ng desperasyon ang kanilang mga mukha.Dahil iba-blacklist ang kanilang mga pangalan sa education sector ng Buckwood, ibig sabihin nito ay tuluyan nang natapos ang kanilang mga career sa academia sa buong buhay nila.Hindi nila sukat akalain na hahantong sila sa ganito.“Tungkol naman sa iyo, iyo, iyo! At iyo!”“Bukod sa hindi kayo nag-aaral nang mabuti bilang mga estudyante, nagpakalat pa kayo ng mga tsismis sa paaralan at pinahiya ang kapwa niyo estudyante!”“Kailangan kong i-record ang nakakakilabot demerit na ito. Suspendido kayong lahat sa loob ng isang buong buwan!”Matapos marinig ang mga salita ni Tim Zepeda, bumagsak sina Yelena Surrey at ang kanyang mga tagasunod, nakaupo sa sahig. Namumutla ang mga mukha nila sa sandaling iyon.Bagaman hindi sila expelled, may bad record sila kasabay ng isang
“Hindi!”Malamig na tumawa si Harvey York.“Masyado kayong naging mayabang at bossy, akala niyo umiikot lang ang mundo sa inyo!”“Sa mga mata niyo, mga katulong lang ninyo ang lahat. Kung suwayin nila kaso, dapat silang mamatay!”“Hindi kayo dapat patawarin!”“Dawson Surrey, bumalik ka sa mga Surrey at sabihin sa kanila. Kung hindi niyo kayang magbigay ng pahayag, tatapusin ko mismo ang mga Surrey sa loob ng sampung araw!”“Ngayon, layas!”‘Di nagtagal, parehong tumakbo palayo sina Dawson at Yelena Surrey habang bahag ang kanilang mga buntot.Hindi nila sukat akalain na malaki ang aakuing responsibilidad ng mga Surrey dahil sa maliit na bagay na ito!Kinailangan nilang magmadaling umuwi para i-report ang sitwasyon. Kung hindi, katapusan na ng mga Surrey!***Sa podium.Laking gulat ni Tim Zepeda habang pinanood ang eksena. Tunay ngang hindi dapat pag-tripan si Harvey York.Pasalamat siya at kinampihan niya siya. Kung hindi, wala na sa kanya ang kanyang posisyon.Lumapit s
“Syempre! Mr. Harvey York, huwag kang mag-alala. Hindi kita bibiguin!”Tuwang-tuwa si Tim Zepeda sa sandaling iyon.Hindi niya sukat akalain na ang ikalawang rurok ng kanyang buhay ay mangyayari sa ganitong paraan.***Nang maayos na ang mga bagay-bagay, bumalik din sa klase si Xynthia Zimmer nang maluwag. Sa patnubay ng isang magaling na gurong tulad ni Ms. Yuna, makakahinga rin ng maluwag si Harvey.Nang sasakay na si Harvey sa kanyang kotse, naghahanda nang umalis, narinig niya ang mabilis na mga yabag ng high heels.Nang lumingon siya para tingnan kung sino iyon, nakatuon na sa kanya ang kulay-melon na mga mata ni Ms. Yuna; kahit normal na titig lang iyon, may bahid pa rin ng exoticism.“Anong meron?” Tanong ni Harvey.Lumapit si Ms. Yuna at tahimik na sumagot, “Mr. York, hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan para sa nangyari ngayon, Kung hindi dahil sa iyo, aakuin ni Xynthia ang sisi sa bagay na hindi naman niya ginawa.”Ngumiti si Harvey.“Bahagi ng pamilya ko si Xy
Luke Surrey!Ang binatang nagmamay-ari ng Mercedes Benz G Class ay ang prinsipe ng mga Surrey, isa sa mga first-rated family sa Buckwood.Normal para sa kanya na makipagkita kay Ms. Yuna. Estudyante ni Ms. Yuna si Yelena Surrey, pagkatapos ng lahat.Hindi naman galit si Luke na tinanggihan siya ni Ms. Yuna. Pagkatapos ay nagtataka niyang binaling ang kanyang tingin kay Harvey York na tahimik na nakatayo sa gilid.“Dahil ba sa lalaking ito kaya mo ako tinanggihan?”“Nagmamaneho ng Porsche 718, isang basurang kotse na nagkakahalaga ng ninety thousand dollars. Hindi mo naman siguro naisip na mas maganda ang kotse ng lalaking ito kaysa sa Benz G Class ko, ‘di ba?"Kumunot ang noo ni Ms Yuna.“Luke, wala itong kinalaman sa mga kotse. Ayoko lang kumain kasama ka, iyon lang.”"Kahit na magmaneho siya dito ng kotseng nagkakahalaga ng fifteen thousand dollars, sasama pa rin akong kumain sa kanya!"Ngumiti si Luke.“Ms. Yuna, hindi lang maganda ang trato mo sa akin sa puntong ito!”“P
Napatigil si Luke Surrey matapos marinig ang mga salitang iyon, saka siya ngumiti at napagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Harvey York.“Tama ka, bata. Nangangailangan ang tunay na pag-ibig ng mas maraming pera. Magkano pa ang gusto mo?"Nagdilim ang mukha ni Ms. Yuna parang gabi sa sandaling iyon matapos marinig ang mga salitang iyon.Hindi niya sukat akalain na ibebenta siya ni Harvey para sa kaunting pera.Sa sumunod na sandali, nagtaas si Harvey ng isang daliri at ngumiti.Saglit na napatigil si Luke, saka tumawa."Determinado ka rin, 'no?! Humihingi ka ng one hundred thousand dollars?!"Napangisi si Harvey.“Nagkakamali ka, Prince Surrey. Hindi iyon ang ibig kong sabihin."“One million dollars?”Napasimangot si Luke. Kumukulo siya sa galit.Gustong gamitin ng lalaking ito na nanggaling kung saan ang pagkakataong ito para agad na umakyat sa mga ranggo!Puno ng paghamak ang tingin ni Luke kay Ms. Yuna.'Ito ba ang lalaking pinili mo?’‘Pera lang ang nakikita ng lalak
Sa rooftop level ng mall, sa isang music bar.Madalas puntahan ang lugar na ito ng mga kabataan. Gusto nilang bisitahin ang lugar para sa pagkain at inumin.Pagkatapos mag-order ng ilang pagkain, nagsimulang kumain si Harvey York nang walang pakialam sa mundo.At hindi man lang ginalaw ni Ms Yuna na nakaupo sa harap niya ang mga kubyertos niya. Sobra pa rin siyang nag-aalala.“Kumain ka. Lalamig ang pagkain kung hindi mo gagalawin iyan. Baka wala ka nang oras para kumain kung maghihintay ka pa,” udyok ni Harvey habang naghahain ng pagkain para sa kanya.Napakagat lang si Ms. Yuna dahil sa takot na masaktan ang damdamin ni Harvey, ngunit hindi niya maitago ang kanyang pag-aalala. May gusto siyang sabihin, ngunit sa huli ay hindi niya ito sinabi.“Anong meron? Hindi ba masarap ang pagkain?"Nagtataka si Harvey.Nag-aalangan si Ms. Yuna na sagutin siya kanina, saka tahimik siyang sumagot, "Harvey, mukhang pag-aari ni Luke Surrey ang lugar na ito."Nagulat si Harvey.'Anong pagka
Pagkaraan ng ilang sandali, isang lalaking nakasuot ng suit ang mabilis na naglakad patungo kay Luke Surrey.“Prinsipe, sinuri ko nang maigi ang lalaki.”"Nasa ilalim ng pangalan ng isang malaking kumpanya ang kotse ng lalaking ito. Babae ang registrant, so sa palagay ko ay nirentahan lang ang kotse.”“At ayon sa pangalan niya, dapat ay siya siyang live-in son-in-law.”"Sa mga iba pa niyang detalye, maghihintay ako hanggang bukas."Natawa si Luke matapos marinig ang tungkol dito."Isang live-in son-in-law na nagrenta ng kotse ay maglalakas-loob na nakawin ang babae ng prinsipe?”“Hindi na kailangang suriin pa siya. Hindi natin kailangang mag-aksaya ng oras sa mga taong ito."Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, itinulak ni Luke ang pinto ng box room at agad na naglakad patungo sa kinaroroonan nina Harvey York at Ms. Yuna.Pak!Isang bulto ng pera ang biglang hinampas sa hapag-kainan ni Harvey; tumalsik ang sabaw sa buong lugar, nadumihan ang kanyang damit.Walang kamalay-m