Walang pakialam na tinitigan ni Harvey si Barry Waters. Makalipas ang ilang sandaling, tumalikod siya at umalis nang walang ginagawa.Natulala si Tyson Woods. Kailan pa nagsalita nang mabait si Harvey? Umalis talaga siya ng ganun-ganun lang!“Prince, ito…”Walang pakialam na sinabi ni Harvey, “pakawalan mo na lang siya.”“Bakit?” Nabigla si Tyson Woods. “Hindi ba sinaktan niya si Sister-in-law?”“Prince York, huwag kang mag-alala. Akong bahala sa kanya.”Pero sabi hi Harvey, “Hindi ka pa rin ganoon katalino kahit matagal mo na akong sinusundan.”“Hindi mo ba makita na walang kwenta ang lalaking ito? Anong kakayahan ang meron siya para pangasiwaan ang raw material market sa Buckwood? Malinaw na merong nasa likod niya!”“Hindi ba ang pamilya Surrey?” Tanong ni Tyson Woods.Umiling si Harvey. “Mahirap sabihin kung sino talaga.”Ang apat na malaking first-class na pamilya; ang mga Surrey, ang mga Robbins, ang mga Yates, at ang mga Cloude ay malinaw na magka-kakampi.Malaki ang n
“Magaling. Nagpakita ba ang basurang iyon?”Malamig na sinabi ni Wayne York.Tila nanginig ang kanyang boses nang sinabi niya ang “basura”, pero hindi ito napansin ng mga tao sa paligid.Kahit na gustong atakihin ni Wayne si Harvey, hindi siya naglakas-loob sa sabihin sa kanyang mga subordinate ang tunay na pagkakakilanlan ni Harvey.Kahit ano pang pagkakakilanlan ni Harvey ang malantad, nakakatakot ang pwedeng mangyari.“Tinutukoy mo ba ang walang kwentang hangal na iyon? Ang live-in son-in-law na iyon, si Harvey York?!”"Nagpakita nga siya tulad ng sinabi mo, ngunit wala siyang ginawa sa akin. Sa palagay ko, hiniling pa niya kay Tyson Woods na pakawalan ako.""Tulad ng inaakala mo, malamang ay kinatawan siya ng isang big shot."Tumango si Wayne. Inunat niya ang kanyang daliri at marahang tinapik ang armrest ng kanyang wheelchair. Maya-maya, tumawa siya at sinabi, “Mukhang napakabait ng lalaking iyon. Kung hindi niya naisip na isang Surrey ang taong nasa likod mo, hindi siya g
Kinabukasan, dumating si Mandy sa construction site ng Silver Nimbus Mountain Resort nang maaga, gaya ng dati.Subalit, hindi alam ni Mandy kung anong mararamdaman habang nakatingin siya sa construction site na walang laman. Bukod sa walang mga construction worker, hindi rin pumasok ang mga empleyado.Nang sinabi ni Harvey na maayos ang lahat ngayon, lihim siyang umasa sa sinabi niya.Gayunpaman, ang sitwasyon ngayon ay pareho sa kahapon.Habang iniisip ito, mapait na ngumiti si Mandy sa kanyang sarili.'Mandy, Mandy. Anong iniisip mo?'Kung may kakayahan nga si Harvey, paano siya nanatiling isang live-in son-in-law?Minsan, hindi rin ito maintindihan ni Mandy. Paano ito nagawa ni Harvey? Paano niya natiis ang mga batikos at pang-iinsulto ng mga Zimmer nang hindi ito pinapansin?Nang bumuntong-hininga ulit si Mandy, isang van ang tahimik na tumigil sa tabi ng kalsada. May May nagmamatyag kay Mandy gamit ang isang telescope.“Brother Frank, iyan si Mandy Zimmer.”“Pumuna kayo
“Prince York, ako nang bahala. Haharapin ko sila.”Sabi ni Tyson Woods, saka siya tumayo.Tumango si Harvey. Hindi tama na makialam siya sa mga nangyayari sa lansangan. Ang pinakaligtas na paraan ay ang hayaan si Tyson na harapin ito.At saka, alam ni Harvey na tila may mali sa lahat.Parang may hindi makapaghintay na makita siyang magsimula ng digmaan sa pamilya Surrey.Pagkaalis ni Tyson, hinanap ni Harvey si Ray Hart.Sa kasalukuyang posisyon ni Ray sa Buckwood, madali lang para sa kanya na matukoy ang eksaktong address ni Barry Water sa isang tawag.Hinatid ni Ray si Harvey patungo sa tirahan ni Barry.Sa sandaling ito, nasa bahay si Barry. Tinutulungan siya ng isang secratary na may magandang mahabang binti na linisan ang mga sugat ka kanyang mukha.“CEO Waters, sinong gumawa nito sa iyo? Napakalupit niya!” Malambing na sinabi ng secretary. “Sabihin mo sa akin, at sasampalin ko siya para sa iyo!”Tumawa si Barry at pinalo ang pwet ng secretary. “Pilyang babae, walang ka
Natural na alam ni Barry na ayon sa plano, dapat ay nahulog sa mga kamay ni Frank Costello si Mandy.Gayunpaman, hinawakan niya ang kanyang ulo at ngumisi. “Basura! Makikipagkita ang asawa mo, wala akong kinalaman doon. Kung dinukot siya, dapat ka nang umalis at hanapin siya! Bakit mo ako hinahanap?”Lumabas din ang secretary ni Barry na may mahabang binti. Tila nagbabanta siya kay Harvey sa kanyang titig. "Sino ka? Ang kapal ng mukha mong saktan si CEO Waters! Hindi mo ba alam na kaya niyang tumawag ng pulis para kaladkarin ka palayo sa isang tawag lang?""Hindi maganda ang mood ko ngayon. Hindi ako magsasalita ng kalokohan sa iyo."“Tatanungin kita ulit.” Malamig ang ekspresyon ni Harvey. “Nagpadala ka ba ng dumukot sa asawa ko, si Mandy Zimmer?”“Harvey, kailangan mong magpakita ng ebidensya para suportahan ang sinasabi mo! Seryoso akong negosyante. Hindi ako kailanman gagawa ng ganoong bagay!”“Sinasabi ko sa iyo! Insultuhin mo ako ulit, at idedemanda kita ng paninirang-puri!
Natawa ang mga alipores sa likod ni Frank Costello sa mga sinabi ni Mandy Zimmer.“Mandy, nakita mo ba talaga ang sarili mo na isang masarap na ulam? Ang lakas ng loob mong pagbantaan si Mr. Costello?""May tao talagang ganito katapang sa mga araw na ito? Wala kang ideya kung ano ang iyong hinaharap!"“Hindi mo pa nakita kung ano ang kakayahan ni Mr. Costello! Kapag makita mo, magmamakaawa ka sa kanya ngayon mismo!”“Mr. Costello, masyado kang mabait sa babaeng ito. Kung ako iyan, tinulak ko na siya sa bingit ng kamatayan at hinayaan siyang agaw-buhay!”Tila mas malupit ang mga alipores kumpara sa iba. Natural na mukha silang may karanasan na sa sitwasyong ganito.Iwinagayway ni Frank ang kanyang kamay at lumapit kay Mandy. Pagkatapos ay itinaas niya ang baba ni Mandy gamit ang kanyang kanang kamay, nakangiti.“Dalaga, wala pa akong nakilala na nang-insulto sa akin sa loob ng maraming taon!”"Nagrereklamo ka ba tungkol sa mahaba mong buhay?"“Dapat alam mo ang tungkol sa propo
Hindi nagtagal ay dumating si Barry Waters.Nagkatitigan siya at si Frank, kita ang pagsimangot nila.Ang bagong upstart ng Buckwood, si Tyson Woods, ay isang lalaking pagtripan. May usap-usapan pang may malaking tao na sumusuporta sa kanya sa likod. Kahit ang mga gang boss at ang kanilang mga ninuno ay takot kay Tyson.Nang papunta na sa kanila ang isang lalaking tulad niya, hindi maiwasang matakot ng dalawa.“Baka kailangan nating humingi kay Lord York ng tulong,” maingat na sinabi ni Barry.Kasing dilim ng gabi ang mukha ni Frank. Alam niya kung paano magre-react si Wayne York. Pakialam lang ni Wayne ang kalalabasan, hindi kung paano ito ginawa.Kung humingi ng tulong si Frank kay Wayne York, kamatayan ang aabutin niya.At saka, hindi sigurado si Frank kung mahaharap ni Wayne York si Tyson Woods.Habang nag-iisip ang dalawa kung ano ang susunod na gagawin, nakarating na si Tyson Woods pagkaraan ng ilang sandali. Kasama niya rin si Harvey.Napansin ni Frank si Harvey nang du
Hindi maipaliwanag ni Frank ang pressure na nararamdaman niya mula kay Harvey na itinulak siya pababa, ang parehong pakiramdam noong nakaluhod siya sa harap ni Wayne York.‘Sino ang lalaking ito? Bakit mas malakas ang aura nito kaysa kay Wayne York?’“So sabihin mo sa akin,” Malamig na nagsalita si Harvey. “Anong plano ni Barry Waters sa asawa ko?”Nanginig si Frank, saka niya sinabi kay Harvey ang totoo.“Gusto niyang matikman ang babae ni Prince York.”“At...at sinabi niya na sinusuportahan siya ng mga Surrey, at walang maglalakas-loob na galawin siya!”Pinagpawisan nang husto si Barry sa mga sinabi ni Frank.Ito ay, sa katunayan, bahagi ng kanyang plano.Pero nang hindi niya alam kung bakit, pakiramdam ni Barry ay may ginawa siyang mali.“Sigurado ka bang sarili niya itong ideya?” Biglang nagtanong si Tyson.“Syempre sigurado ako, Brother Tyson! Malaki ang binayad sa akin ng lalaking ito. Kung hindi, bakit ko siya tutulungan na may lakas ng loob ng isang leon?"Malamig na