Bumalik ang diwa ng mga executive nang marinig ang mga sinabi ni Felix.Nagtawanan silang lahat, nakahawak sa kanilang mga tiyan. Hindi pa sila nakilala ang sinumang kayang magyabang nang ganoon.Si Roxanne Barr ang naunang ngumiti. “Kilala mo ba kung sino si Prince York? Siya ang number one na tao sa South Light ngayon!”“Kahit ang first-in-command sa South Light ay kailangang maging magalang sa harapan niya!”“Paano magiging isang live-in son-in-law ang isang taong tulad niya?!”“Paano siya magpapakita dito, sa lahat ng lugar?!”“Pwede bang tumigil ka na sa pagpapatawa?”Kinutya din ni Brody Jenner si Harvey. "Sa panahon namin sa hundred-billion group, nagtatrabaho na kami sa ilalim ng York Enterprise. Nang mamahala ang Famous Four ng mga York, nasa matataas din kaming posisyon. Kaya ngayon, kailangan din kaming seryosohin ni Prince York!"“Sa palagay mo ba ay maloloko mo ang mga taong may kaalaman at karanasan na tulad namin?""Sa panahon ngayon, kahit ang basura ay nangang
Inabot ni Felix Howard ang kanyang kamay at tinapik si Harvey sa balikat. Nakangiting niyang sinabi, "Basura, naiintindihan mo na ba?""Hindi lang ikaw, pati si Mandy Zimmer at ang buhay ng buong pamilya Zimmer ay nasa mga kamay namin!""Tama iyan, Harvey. Dapat makinig ka sa amin. Kailangan mong gawin lahat ng gusto namin!""Kung hindi, mula sa oras na ito, wala nang lugar para sa iyo at kay Mandy sa Buckwood!"Mayabang na tumawa nang malakas si Brody Jenner.Matagal na silang hindi nakakkita ng ganoon kasayahang laruan.Ang iba ay hahayaan lang na ma-bully pa sila, o lumuhod at humingi ng awa.Konti lang ang pumiling lumaban tulad ni Harvey. Labis silang nasasabik sa ganito.“So, ibig sabihin ba nito ay pinagbabantaan mo ako?”Sa sandaling ito, gustong tumawa ni Harvey.Sa simula, hindi niya binigyang-pansin ang mga walang kwentang ito.Wala siyang pakialam, kahit na magbago sila. Nasa lahat ng dako ang ganoong klaseng tao.Gayunpaman, ang problema ay talagang pinagbantaa
Nang makita kung paano kumilos si Harvey, sumigaw ulit si Brody, "Basura, hindi mo ba ako narinig?""Tanga ka ba na hindi nakakaintindi?"“Manager Jenner, kalimutan mo na iyan. Hindi masyadong exciting ang ipadila sa kanya ang talampakan ng sapatos mo. Sa tingin ko, mas mabuting paluhurin natin siya at tumahol na parang aso!"Sumabat si Roxanne, nakangisi. Malupit ang mga salitang lumabas sa maganda niyang bibig.“Harvey, gagawa ako ng pabor kay Manager Howard. Basta’t lumuhod ka at tumahol na parang aso, ipinapangako ko sa iyo na hinding-hindi ko pahihirapan si Mandy at ang buong pamilya Zimmer sa hinaharap. Ganito na lang?”Nagningning ang mga mata ng lahat sa sinabi ni Roxanne.Mas masaya ito kaysa sa ipadilat kay Harvey ang talampakan ng kanilang sapatos.Sa sandaling ito, nilabas ng lahat ang kanilang phone, gustong i-record ang video.“Bilisan mo! Bilisan mo at lumuhod ka na!”“Total naman at mababang uri ka ng tao, normal para as iyo na tumahol na parang aso sa harap na
Natuwa ang lahat. Napatingin sila kay Felix ng may paghanga.Marunong talagang maglaro si Manager Howard. Walang limitasyon ang kanyang kinabukasan!Maya-maya, naglakad na sila palabas habang nasa balikat ng isa't isa ang mga kamay nila.Si Felix lang ang naiwan sa kwarto. Mapanlinlang niyang tinitigan si Harvey, puno ng kayabangan ang mga mata niya.Inisip ni Harvey ang nangyari sa kanya. Tumingala siya at tinitigan si Felix, hindi nagbabago ang ekspresyon niya."Nagdala ka ng grupo ng mga tao para insultuhin ako, ito ba ang layunin mo ngayong gabi?"Nagsindi ng sigarilyo si Felix at nakangiting sumagot, “Syempre hindi, ano pa ang silbi ng pang-iinsulto sa iyo?”"Gusto ko lang sabihin sa iyo na basura ka sa pang-aalipusta sa iyp. Hindi ka karapat-dapat kay Mandy.""Bukod sa wala kang silbi sa kanya, baka mamatay pa siya dahil sa iyo."“Kaya, Harvey, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon."“Hiwalayan mo na si Mandy Zimmer bukas. Umalis ka sa Buckwood at magsimula ng bagong bu
“Chief Instructor! Walang hiya ang mga taong iyon!"Ang lalaking dumating ay si Ray Hart, at kanya rin ang private club na ito. Kaya alam niya ang buong pangyayari. Ang kaso, hindi siya nangahas na pumasok nang hindi sinasabi ni Harvey."Hindi. Pumunta ka sa Buckwood ngayong gabi at hanapin si Yvonne. Ite-text ko siya tungkol sa ilang mga personnel adjustments sa kumpanya. Tutulungan mo siya sa bagay na iyon."Malamig na sinabi ni Harvey.Kalaunan ay hindi niya planong harapin ang mga bagay na tulad nito agad-agad. Sa halip, gusto niyang maghintay hanggang ang lahat ng asset ng kumpanya ay maayos na na-integrate bago magpatuloy.Gayunpaman, gusto niyang magmadali dahil sa ang nangyari ngayong gabi.“Opo!”Hindi naglakas-loob si Ray na suwayin ang utos ni Harvey. Kilala si Harvey sa kanyang tough-minded professionalism. Ang tanging magagawa niya ay tuparin ang utos ni Harvey nang buong pwersa.***Habang pinapahiya si Harvey...Sa Buckwood, sa Zimmer mansion.Sa sandaling ito
Hinintay ni Mandy si Harvey sa entrance. Pagbalik niya ay mabilis niyang inabot ang isang malaking tuwalya. Puno ng pag-aalala ang mukha niya.Kinalat ni Felix ang footage ng pagpapahiya kay Harvey sa group chat ng pamilya Yates. Lahat sila ay abala din sa pag-upvote ng video.Pinuri pa ni Grandma Yates si Felix dahil dito. Para sa kanya, napakahusay ng mga ginawa ni Felix.Nais ni Mandy na tanggalin ni Felix ang video sa sandaling maipadala ito, ngunit tinuligsa siya ng lahat ng mga miyembro ng pamilya Yates dahil dito.Sinabi din nila na wala na ang lahat dignidad ng basurang lalaking iyon para sa pamilya Yates. Kung nakikita pa rin daw ni Mandy and sarili niya bilang apo ng pamilya Yates, dapat niyang palayasin si Harvey.Sa naging usali ng kanyang pamilya, kumulo sa galit si Mandy.Mabilis niyang napagtanto na ang diumano’y pagtitipon sa pagitan ng kanilang dalawang pamilya ay isang set-up lamang simula’t sapul.Gusto ng isang pamilya na paalisin si Harvey sa pamilya.Gusto
Niliitan ni Quinn ang kanyang mata habang nakatingin kay Mandy, saka ngumiti.“Ay, Mandy! Sakto ang pagdating niyo! Halika, sukatin niyo ang mga formal outfits na inihanda ko para sa inyong lahat kung kakasya."Habang nagsasalita siya, isang katulong ang nagtulak ng isang clothes stand.Walang malay na napatingin si Mandy at ang kanyang pamilya sa katulong.Ang sumunod na segundo, nakasulat ang labis na paghamak sa kanilang mga mukha.Formal nga ang mga outfits na binanggit ni Quinn, pero para sa mga butler at maid.Nilabas talaga ni Quinn ang mga damit na pang-katulong para sa kina Mandy sa kanyang pamilya. Anong pinaplano niya?Nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Mandy, mahinahong sinabi ni Quinn, “Ay, Mandy. Narinig ko na kapag lumalabas ang malalaking pamilya, kailangan nila ng ilang katulong na sasama sa kanila. Kung hindi, mapapahiya nila ang buong pamilya!""Mula ngayon, magiging isang first-rated family ang mga Zimmer.""Kaya nga may mga bagay na kailangang bi
“Total ikaw na nagsabi ng pag-alis sa mga Zimmer, gawin mo ang sinabi mo!”“Halika, ilabas mo ang kontrata!”Sa utos ni Zack, nilabas ang isang kontratang nakahanda na.Simple lang ang laman ng kontrata. Kailangan ni Mandy Zimmer at ng kanyang pamilya na tuluyang lumayas sa mga Zimmer, at walang kahit anong bitbit.Mula sa araw na iyon, an forty-nine percent na stocks at assets ng mga Zimmer sa kumpanya ay wala nang kinalaman kina Mandy at sa kanyang pamilya.Dapat ding magbitiw si Mandy sa kanyang posisyon bilang CEO.Nang matapos niyang basahin ang kontrata, namutla ang mukha ni Mandy na parang papel.Walang tigil sa panginginig ang katawan ni Simon Zimmer.Bumagsak sa sahig si Lilian, hindi makagalaw dahil sa galit.“Zack, Quinn! Mga wala kayong utang na loob!”“Planado niyo ito! Matagal niyo na itong gustong gawin!”Malamig na sumagot si Zack, “Eh ano naman kung planado ito? Ngayon, bibigyan ko ang pamilya mo ng dalawang pagpipilian!”“Una: pirmahan niyo ang kontrata!”
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai