Nang makita kung paano kumilos si Harvey, sumigaw ulit si Brody, "Basura, hindi mo ba ako narinig?""Tanga ka ba na hindi nakakaintindi?"“Manager Jenner, kalimutan mo na iyan. Hindi masyadong exciting ang ipadila sa kanya ang talampakan ng sapatos mo. Sa tingin ko, mas mabuting paluhurin natin siya at tumahol na parang aso!"Sumabat si Roxanne, nakangisi. Malupit ang mga salitang lumabas sa maganda niyang bibig.“Harvey, gagawa ako ng pabor kay Manager Howard. Basta’t lumuhod ka at tumahol na parang aso, ipinapangako ko sa iyo na hinding-hindi ko pahihirapan si Mandy at ang buong pamilya Zimmer sa hinaharap. Ganito na lang?”Nagningning ang mga mata ng lahat sa sinabi ni Roxanne.Mas masaya ito kaysa sa ipadilat kay Harvey ang talampakan ng kanilang sapatos.Sa sandaling ito, nilabas ng lahat ang kanilang phone, gustong i-record ang video.“Bilisan mo! Bilisan mo at lumuhod ka na!”“Total naman at mababang uri ka ng tao, normal para as iyo na tumahol na parang aso sa harap na
Natuwa ang lahat. Napatingin sila kay Felix ng may paghanga.Marunong talagang maglaro si Manager Howard. Walang limitasyon ang kanyang kinabukasan!Maya-maya, naglakad na sila palabas habang nasa balikat ng isa't isa ang mga kamay nila.Si Felix lang ang naiwan sa kwarto. Mapanlinlang niyang tinitigan si Harvey, puno ng kayabangan ang mga mata niya.Inisip ni Harvey ang nangyari sa kanya. Tumingala siya at tinitigan si Felix, hindi nagbabago ang ekspresyon niya."Nagdala ka ng grupo ng mga tao para insultuhin ako, ito ba ang layunin mo ngayong gabi?"Nagsindi ng sigarilyo si Felix at nakangiting sumagot, “Syempre hindi, ano pa ang silbi ng pang-iinsulto sa iyo?”"Gusto ko lang sabihin sa iyo na basura ka sa pang-aalipusta sa iyp. Hindi ka karapat-dapat kay Mandy.""Bukod sa wala kang silbi sa kanya, baka mamatay pa siya dahil sa iyo."“Kaya, Harvey, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon."“Hiwalayan mo na si Mandy Zimmer bukas. Umalis ka sa Buckwood at magsimula ng bagong bu
“Chief Instructor! Walang hiya ang mga taong iyon!"Ang lalaking dumating ay si Ray Hart, at kanya rin ang private club na ito. Kaya alam niya ang buong pangyayari. Ang kaso, hindi siya nangahas na pumasok nang hindi sinasabi ni Harvey."Hindi. Pumunta ka sa Buckwood ngayong gabi at hanapin si Yvonne. Ite-text ko siya tungkol sa ilang mga personnel adjustments sa kumpanya. Tutulungan mo siya sa bagay na iyon."Malamig na sinabi ni Harvey.Kalaunan ay hindi niya planong harapin ang mga bagay na tulad nito agad-agad. Sa halip, gusto niyang maghintay hanggang ang lahat ng asset ng kumpanya ay maayos na na-integrate bago magpatuloy.Gayunpaman, gusto niyang magmadali dahil sa ang nangyari ngayong gabi.“Opo!”Hindi naglakas-loob si Ray na suwayin ang utos ni Harvey. Kilala si Harvey sa kanyang tough-minded professionalism. Ang tanging magagawa niya ay tuparin ang utos ni Harvey nang buong pwersa.***Habang pinapahiya si Harvey...Sa Buckwood, sa Zimmer mansion.Sa sandaling ito
Hinintay ni Mandy si Harvey sa entrance. Pagbalik niya ay mabilis niyang inabot ang isang malaking tuwalya. Puno ng pag-aalala ang mukha niya.Kinalat ni Felix ang footage ng pagpapahiya kay Harvey sa group chat ng pamilya Yates. Lahat sila ay abala din sa pag-upvote ng video.Pinuri pa ni Grandma Yates si Felix dahil dito. Para sa kanya, napakahusay ng mga ginawa ni Felix.Nais ni Mandy na tanggalin ni Felix ang video sa sandaling maipadala ito, ngunit tinuligsa siya ng lahat ng mga miyembro ng pamilya Yates dahil dito.Sinabi din nila na wala na ang lahat dignidad ng basurang lalaking iyon para sa pamilya Yates. Kung nakikita pa rin daw ni Mandy and sarili niya bilang apo ng pamilya Yates, dapat niyang palayasin si Harvey.Sa naging usali ng kanyang pamilya, kumulo sa galit si Mandy.Mabilis niyang napagtanto na ang diumano’y pagtitipon sa pagitan ng kanilang dalawang pamilya ay isang set-up lamang simula’t sapul.Gusto ng isang pamilya na paalisin si Harvey sa pamilya.Gusto
Niliitan ni Quinn ang kanyang mata habang nakatingin kay Mandy, saka ngumiti.“Ay, Mandy! Sakto ang pagdating niyo! Halika, sukatin niyo ang mga formal outfits na inihanda ko para sa inyong lahat kung kakasya."Habang nagsasalita siya, isang katulong ang nagtulak ng isang clothes stand.Walang malay na napatingin si Mandy at ang kanyang pamilya sa katulong.Ang sumunod na segundo, nakasulat ang labis na paghamak sa kanilang mga mukha.Formal nga ang mga outfits na binanggit ni Quinn, pero para sa mga butler at maid.Nilabas talaga ni Quinn ang mga damit na pang-katulong para sa kina Mandy sa kanyang pamilya. Anong pinaplano niya?Nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Mandy, mahinahong sinabi ni Quinn, “Ay, Mandy. Narinig ko na kapag lumalabas ang malalaking pamilya, kailangan nila ng ilang katulong na sasama sa kanila. Kung hindi, mapapahiya nila ang buong pamilya!""Mula ngayon, magiging isang first-rated family ang mga Zimmer.""Kaya nga may mga bagay na kailangang bi
“Total ikaw na nagsabi ng pag-alis sa mga Zimmer, gawin mo ang sinabi mo!”“Halika, ilabas mo ang kontrata!”Sa utos ni Zack, nilabas ang isang kontratang nakahanda na.Simple lang ang laman ng kontrata. Kailangan ni Mandy Zimmer at ng kanyang pamilya na tuluyang lumayas sa mga Zimmer, at walang kahit anong bitbit.Mula sa araw na iyon, an forty-nine percent na stocks at assets ng mga Zimmer sa kumpanya ay wala nang kinalaman kina Mandy at sa kanyang pamilya.Dapat ding magbitiw si Mandy sa kanyang posisyon bilang CEO.Nang matapos niyang basahin ang kontrata, namutla ang mukha ni Mandy na parang papel.Walang tigil sa panginginig ang katawan ni Simon Zimmer.Bumagsak sa sahig si Lilian, hindi makagalaw dahil sa galit.“Zack, Quinn! Mga wala kayong utang na loob!”“Planado niyo ito! Matagal niyo na itong gustong gawin!”Malamig na sumagot si Zack, “Eh ano naman kung planado ito? Ngayon, bibigyan ko ang pamilya mo ng dalawang pagpipilian!”“Una: pirmahan niyo ang kontrata!”
“Tama! Dahil dati ka naman naming kamag-anak, kukuha ako ng ilang mga litrato para sa iyo upang mapalawak ang iyong mga pagkakataon."Malamig na sumagot si Harvey York, “Litrato niyo bilang mga katulong?”Kumibot ang mga mata ni Quinn. Huminto siya, saka malamig na sinabi, “Sa tingin mo ba ay may pakialam ako sa kalokohang sinasabi ng isang palaboy na aso?”Walang pakialam si Harvey sa mga taong ito. Kumuha siya ng kopya ng kontrata at lumingon kay Mandy.“Mahal, tara na.”Pagkaalis nila Mandy at ng pamilya sa Zimmer household, hinawakan ni Lilian ang manggas ni Harvey York at sinigawan siya.“Harvey! Anong karapatan mong pirmahan ang kontrata sa ngalan namin?!”“Masaya ka bang makitang namamalimos ng pagkain ang lahat parang ikaw?!”Sagot sa kanya ni Harvey, “Huwag kang mag-alala, Kapag nandiyan si Mandy, makakapag-enjoy pa rin kayo ng marangyang buhay.”Napabuntong-hininga si Simon Zimmer.“Harvey, pwede bang gumising ka sa katotohanan? Umasa tayo sa mga Zimmer para magtagu
“Mula sa araw na ito, malapit nang maging first-rated family ang mga Zimmer!”“Mga kasama, pumunta sana kayo mamayang gabi sa mga Zimmer para uminom…”Tuso ang mayayaman. Nang marinig nila ito, bumati sila nang malakas. Dinala pa nila ang kanilang buong pamilya para batiin si Quinn at ang iba pang mga Zimmer.Abala ang lahat sa paghanga sa kanila.Alam nilang lahat ang tungkol sa proposal ni Prince York.Napuno sila ng selos at paghanga habang nakatingin kay Quinn, ang walang dudang bida ng palabas.Katumbas ito ng pagkamit ng pinakamataas na ranggo nang walang kahirap-hirap para maabot ang tuktok!Sa ganitong mga sitwasyon, sobrang sikip ng lugar na para bang mga celebrity sila na lumalabas sa kanilang mga tahanan.Pero, nang malapit na sa mga Lexus ang mga Zimmer...Umikot lahat ng mga kotse at umalis.“Anong nangyari?!”“Sabihan mo sila na huminto!”“Hindi ba nila nakitang wala pa sa kotse ang bride nila?!”Nagulat ang mga Zimmer at hindi makapaniwala. Pagkalipas ng mai