Napangisi si Felix sa sinabi ni Harvey. Ayaw niyang makipag-usap sa mga taong tulad ni Harvey.Tinitigan niya nang masama si Mandy at sinabi, “Sister Mandy, pakinggan mo lang ang tapat kong mga salita!”"Nakatadhana ang live-in mong asawa na walang mararating sa buhay!"“Kung ako sa iyo, papalayasin ko na siya! Tapos magsisimula kang muli!”"Sinasabi ko ito para sa ikabubuti mo. Pinagtatawanan ka ng iba!"Nagkunwaring nag-aalala si Felix, na para bang iniisip niya talaga si Mandy.Natawa naman si Stanley Robbins na nasa tabi niya. “Oo, Miss Zimmer. Napakahusay mo, at matagumpay na rin ang iyong career. Bata ka pa at maganda. Paano magiging karapat-dapat sa iyo ang ganoong lalaki?""Dapat mong isaalang-alang ang iba pang mahuhusay na lalaki. Bukod sa aalagaan ka nila, palalakasin din nila ang career mo!"Tinindig ni Stanley ang kanyang dibdib pagkatapos sabihin ito. Napaka-simple ng ibig niyang sabihin. Pinapahiwatig niyang siya ang matagumpay na lalaki.Pumunta ang dalawang it
“Anong meron? Mukhang nalilito si Mandy Zimmer. Nagtataka siya kung bakit biglang iimbitahan ni Felix si Harvey.“Niyaya niya akong samahan siya sa isang party at makipagkilala sa ilang mga tao sa Sky Corporation. Pupunta ako. Baka makakatulong ito sa iyong mga development sa hinaharap.” Walang pakialam na sinabi ni Harvey.‘Sige, pumunta ka at bumalik agad.”Medyo nag-aalala si Mandy, pero wala siyang dahilan para tanggihan si Harvey dahil gusto niyang pumunta at makipagkilala.***Makalipas ang kalahating oras.Sa isang private club sa beach ng Half Moon Bay.Mahigit isang dosenang tinaguriang senior executive ng Sky Corporation ang nagtipon dito.Karamihan sa mga taong ito ay dating mga department manager ng mga York.Nang tinatag ni Harvey ang hundred billion group noon, nagtatrabaho na sila doon.Nang maglaon, dahil sa internal conflict sa pagitan ng mga York, nawala ang mga die-hard loyalist ni Harvey at umalis.Gayunpaman, hindi umalis ang mga taong ito. Sa halip, aga
“Nandito na siya!”Biglang sinigaw ni Felix, habang nakangisi.Naglalakad si Harvey sa entrance ng private club habang nasa likod niya ang kanyang mga kamay. Kalmado siya at walang pakialam.Isang makapangyarihan, hindi maipaliwanag na aura ang nakapalibot sa kanya habang naglalakad siya.Saglit lang nilang naramdaman iyon, ngunit palaisipan pa rin ito sa mga executive na naroroon."Felix...ito ba ang talunang sinasabi mo?"Ang isa sa kanila, na medyo hindi sigurado, ay nag-aalangang nagtanong.Medyo pamilyar sa kanya ang lalaking ito, ngunit hindi niya matandaan kung saan niya nakita siya.Sa totoo lang, noong mga wala pa silang saysay lahat. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong personal na makita si Harvey.Gayunpaman, maaaring nakita nila ang pigura ni Harvey mula sa malayo sa ilang pagkakataon. Kaya, nagkaroon sila ng maliit na impression sa kanya.Subalit, maliit lamang na impresyon iyon.Ngumisi si Felix. “Oo, siya yun! Bahala na kayo.”Pagkatapos ay lumapit siya para
Bumalik ang diwa ng mga executive nang marinig ang mga sinabi ni Felix.Nagtawanan silang lahat, nakahawak sa kanilang mga tiyan. Hindi pa sila nakilala ang sinumang kayang magyabang nang ganoon.Si Roxanne Barr ang naunang ngumiti. “Kilala mo ba kung sino si Prince York? Siya ang number one na tao sa South Light ngayon!”“Kahit ang first-in-command sa South Light ay kailangang maging magalang sa harapan niya!”“Paano magiging isang live-in son-in-law ang isang taong tulad niya?!”“Paano siya magpapakita dito, sa lahat ng lugar?!”“Pwede bang tumigil ka na sa pagpapatawa?”Kinutya din ni Brody Jenner si Harvey. "Sa panahon namin sa hundred-billion group, nagtatrabaho na kami sa ilalim ng York Enterprise. Nang mamahala ang Famous Four ng mga York, nasa matataas din kaming posisyon. Kaya ngayon, kailangan din kaming seryosohin ni Prince York!"“Sa palagay mo ba ay maloloko mo ang mga taong may kaalaman at karanasan na tulad namin?""Sa panahon ngayon, kahit ang basura ay nangang
Inabot ni Felix Howard ang kanyang kamay at tinapik si Harvey sa balikat. Nakangiting niyang sinabi, "Basura, naiintindihan mo na ba?""Hindi lang ikaw, pati si Mandy Zimmer at ang buhay ng buong pamilya Zimmer ay nasa mga kamay namin!""Tama iyan, Harvey. Dapat makinig ka sa amin. Kailangan mong gawin lahat ng gusto namin!""Kung hindi, mula sa oras na ito, wala nang lugar para sa iyo at kay Mandy sa Buckwood!"Mayabang na tumawa nang malakas si Brody Jenner.Matagal na silang hindi nakakkita ng ganoon kasayahang laruan.Ang iba ay hahayaan lang na ma-bully pa sila, o lumuhod at humingi ng awa.Konti lang ang pumiling lumaban tulad ni Harvey. Labis silang nasasabik sa ganito.“So, ibig sabihin ba nito ay pinagbabantaan mo ako?”Sa sandaling ito, gustong tumawa ni Harvey.Sa simula, hindi niya binigyang-pansin ang mga walang kwentang ito.Wala siyang pakialam, kahit na magbago sila. Nasa lahat ng dako ang ganoong klaseng tao.Gayunpaman, ang problema ay talagang pinagbantaa
Nang makita kung paano kumilos si Harvey, sumigaw ulit si Brody, "Basura, hindi mo ba ako narinig?""Tanga ka ba na hindi nakakaintindi?"“Manager Jenner, kalimutan mo na iyan. Hindi masyadong exciting ang ipadila sa kanya ang talampakan ng sapatos mo. Sa tingin ko, mas mabuting paluhurin natin siya at tumahol na parang aso!"Sumabat si Roxanne, nakangisi. Malupit ang mga salitang lumabas sa maganda niyang bibig.“Harvey, gagawa ako ng pabor kay Manager Howard. Basta’t lumuhod ka at tumahol na parang aso, ipinapangako ko sa iyo na hinding-hindi ko pahihirapan si Mandy at ang buong pamilya Zimmer sa hinaharap. Ganito na lang?”Nagningning ang mga mata ng lahat sa sinabi ni Roxanne.Mas masaya ito kaysa sa ipadilat kay Harvey ang talampakan ng kanilang sapatos.Sa sandaling ito, nilabas ng lahat ang kanilang phone, gustong i-record ang video.“Bilisan mo! Bilisan mo at lumuhod ka na!”“Total naman at mababang uri ka ng tao, normal para as iyo na tumahol na parang aso sa harap na
Natuwa ang lahat. Napatingin sila kay Felix ng may paghanga.Marunong talagang maglaro si Manager Howard. Walang limitasyon ang kanyang kinabukasan!Maya-maya, naglakad na sila palabas habang nasa balikat ng isa't isa ang mga kamay nila.Si Felix lang ang naiwan sa kwarto. Mapanlinlang niyang tinitigan si Harvey, puno ng kayabangan ang mga mata niya.Inisip ni Harvey ang nangyari sa kanya. Tumingala siya at tinitigan si Felix, hindi nagbabago ang ekspresyon niya."Nagdala ka ng grupo ng mga tao para insultuhin ako, ito ba ang layunin mo ngayong gabi?"Nagsindi ng sigarilyo si Felix at nakangiting sumagot, “Syempre hindi, ano pa ang silbi ng pang-iinsulto sa iyo?”"Gusto ko lang sabihin sa iyo na basura ka sa pang-aalipusta sa iyp. Hindi ka karapat-dapat kay Mandy.""Bukod sa wala kang silbi sa kanya, baka mamatay pa siya dahil sa iyo."“Kaya, Harvey, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon."“Hiwalayan mo na si Mandy Zimmer bukas. Umalis ka sa Buckwood at magsimula ng bagong bu
“Chief Instructor! Walang hiya ang mga taong iyon!"Ang lalaking dumating ay si Ray Hart, at kanya rin ang private club na ito. Kaya alam niya ang buong pangyayari. Ang kaso, hindi siya nangahas na pumasok nang hindi sinasabi ni Harvey."Hindi. Pumunta ka sa Buckwood ngayong gabi at hanapin si Yvonne. Ite-text ko siya tungkol sa ilang mga personnel adjustments sa kumpanya. Tutulungan mo siya sa bagay na iyon."Malamig na sinabi ni Harvey.Kalaunan ay hindi niya planong harapin ang mga bagay na tulad nito agad-agad. Sa halip, gusto niyang maghintay hanggang ang lahat ng asset ng kumpanya ay maayos na na-integrate bago magpatuloy.Gayunpaman, gusto niyang magmadali dahil sa ang nangyari ngayong gabi.“Opo!”Hindi naglakas-loob si Ray na suwayin ang utos ni Harvey. Kilala si Harvey sa kanyang tough-minded professionalism. Ang tanging magagawa niya ay tuparin ang utos ni Harvey nang buong pwersa.***Habang pinapahiya si Harvey...Sa Buckwood, sa Zimmer mansion.Sa sandaling ito