Pagkaraan ng mahabang panahon, nanginginig na tumayo si Simon at inakbayan si Lilian.“Honey, wag ka nang umiyak. Hindi pa nga natin alam kung anong nasa loob, paano kung maganda iyon?!”“Maganda? Paano iyon magiging maganda?!"Sobrang maputla na ang mukha ni Lilian."Umaasa lang ako na isang uri ito ng kristal o antique! Kung ito ordinaryong bagay iyon…”Halos himatayin ulit si Lilian habang nagsasalita.Sa wakas ay may pagkakataon siyang makipag-ayos kay Grandma Yates pagkalipas ng mahabang pagkakataon. Kung ang basurang ito na si Harvey York ang magiging dahilan ng pagkawala nito, baka mamatay talaga siya sa galit!Maya-maya, magsisimula na ang birthday banquet.Gayunpaman, karamihan sa mga VIP na bisita na dapat dadalo ay hindi pa dumarating.Halos lahat ng mga taong ito ay mga big shot ng South Light at gobyerno ng Buckwood.Maaaring si Keith Yates ang third-in-command ng South Light at may napakataas na katayuan sa gobyerno, ngunit ang mga big shot ang may hawak ng tuna
Habang nagtsi-tsismisan ang lahat, ilang lalaking naka-uniporme ang matikas na pumasok sa banquet hall.Pinangunahan sila ng isang binata. Mukha siyang twenty-seven or eight years old, ngunit may aura siya ng pagiging elite.Siya ang anak ni Keith at pinsan ni Mandy, si Finn Yates.Isa siyang captain-level inspector sa Buckwood Police Station, kung kaya nagtataglay siya ng awtoridad sa Buckwood.Pumasok siya sa bulwagan, kasunod ang kanyang mga tauhan, na mukhang tuwang-tuwa.“Lola, Dad. Hayaan iyong ipakilala ko siya sa iyo, siya ang second-in-command ng Buckwood Police Station, si Deputy Inspector Greg Finch. Siya ang third-in-command, si Kevin Caulfield…”Nagpakilala si Finn ng pito hanggang sa walong opisyales sa Buckwood Police Station. Pawang mataas ng isa o dalawang antas sa kanya ang mga ito.Gayunpaman, wala ang chief inspector.May paggalang ang lahat ng mga higher ups kay Finn Yates.Sa pangunguna ni Finn, naghandog ang bawat isa sa kanila ng kanilang mga regalo at
Ang totoo, sina Simon at Lilian ang may pinakamababang ranggo sa buong pamilya Yates.Hindi na kailangang sabihin pa, si Keith Yates ang third-in-command ng South Light. May mataas na katayuan siya at napakalawak na kapangyarihan.Malapit nang maging deputy inspector ng Buckwood Police Station ang kanyang anak, bata siya at maraming mararating.Tungkol naman kay Tanya Yates, nagsimula siya ng sarili niyang negosyo. Bagama't hindi ito isang major business, kimukita siya ng libu-libong dolyar kada taon.Si Leyton Luv naman ay ang vice president ng Buckwood Bank. Siya rin ay may napakalaking kapangyarihan at mataas na katayuan. Sa katunayan, hindi mabilang na mga tao ang patuloy na humingi ng tulong sa kanya.Kung ikukumpara sa kanilang lahat, walang binatbat sina Simon at Lilian. Mga payaso lang sila.Nakapagbigay ng magandang impresyon noon si Mandy Zimmer, ngunit sa huli ay nabigo siya dahil kay Harvey York.Sa ngayon, nahihiya sina Simon at Lilian.Biglang umalingawngaw ang mg
Nag-ingay ang mga tao pagkatapos marinig ito at nagsimulang mag-tsismisan.Pambihira na ang pagkakakilanlan ni Finn Yates. Gaano kaya kahusay ang taong personal niyang pinuri?Isang natatarantang bisita ang nagtanong, “Hindi ba sinabi ng pamilya Yates na si Finn ang pinaka-talentadong binata sa kanyang henerasyon? May iba pang brother-in-law na katulad niyang may kakayahan?""Paano naging posible para sa isang apo ng pamilya Yates na magpakasal sa isang ordinaryong lalaki? Anumang mangyari, siguradong pipili siya ng isang mayaman at makapangyarihang lalaki, ‘di ba?"Umikot ang mga tingin ng mga tao sa paligid, sa wakas ay tumingin sila kay Harvey York. Nang makita siya, nagsimula silang manginig.“Ang lalaking ito, ang kanyang mga mannerisms…!”Ang mga Zimmer, na nasa madla, ay mukhang balisang balisa. Nang marinig nila ang tsismis, nagpalitan sila ng tingin at tahimik na tumawa.Tinakpan ni Quinn Zimmer ang bibig niya habang tumatawa. "Lolo, ngayon alam ko na sa wakas kung baki
Sa mismong sandaling ito, sobrang putla ng mukha ni Mandy Zimmer na wala na itong kulay. Hindi niya alam na hanggang dito na pala kumalat ang tsismis.Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabi ni Finn.Nang sa wakas ay natauhan na siya at magsasalita sana para itama ang hindi pagkakaunawaan, bigla siyang pinutol ni Harvey York."Brother-in-law, ako nga si Prince York."Para kay Harvey York, ayos lang kung alam ng pamilya Yates ang tunay niyang pagkatao. Maaari pa niyang silipin ang mga reaksyon ng mga ito.Hiss!Napasinghap ang mga tao doon.'Si Prince York ba talaga ang lalaking ito?''Siya ang taong kumokontrol sa mga York at nagtayo ng isang million-dollar company mag-isa!'‘Malapit nang maging ubod ng yaman ang pamilya Yates!’Sa ngayon, walang ibang iniisip si Finn.“Naku, mabuti kong brother-in-law! Nasa mga kamay mo ang pamilya Yates! Sa hinaharap, kakailanganin naming lahat ang iyong suporta!”May malalim na tingin si Keith Yates sa kanyang mga mata.Kung ang
Pak!Sa gulat na tingin ng mga tao, inihampas ni Grandma Yates ang kanyang tungkod sa likod ni Harvey.Matapos niyang hampasin si Harvey, sigaw niya, "Mahalagang malaman ang sarili mong limitasyon! Hindi mo ba alam ang sarili mong kakayahan?"Pagkatapos ay tinusok niya ang kanyang tungkod sa harap nina Simon at Lilian.“Disiplinahin niyo nang maayos ang live-in son-in-law niyo! Paanong hindi niya maintindihan kung kailan siya dapat at hindi dapat magsalita?""Kung hindi niyo alam kung paano siya tuturuan nang maayos, ilabas niyo siya rito at umalis kayo!""Masayang pagdiriwang dapat ang birthday banquet ko, hindi isang sirko kung saan may payasong pwedeng umarte na parang baliw!"Masyadong mabigat ang kanyang mga salita.Natulala sina Simon at Lilian. Nakayuko lang sila at nanatiling tahimik.Tumulo ang luha ni Lilian.Ito ang kanyang pamilya!Pinangarap niyang makabalik sa kanyang pamilya na puno ng karangalan.Ngunit ngayong nakabalik siya, napilitan siyang tiisin ang kah
Sobrang nakakahiya!Dati, naisip ni Lilian na nakakahiya na buhay niya sa pamilya Zimmer.Hindi niya sukat akalaing mas masahol pa ang kahihiyang naramdaman niya ngayon!Kahit si Simon Zimmer ay nagngangalit sa kanyang mga ngipin.Nandito sila para mapalapit sa pamilya Yates. Kahit na hindi sila maligo sa kasikatan ng mga Yates, sapat na ang makabuo siya ng ilang koneksyon.Ngunit anong nangyari sa huli? Bukod mapahiya nang sobra, anong napala nila?“Lumayas kayo! Pinahiya niyo ang buong pamilya Yates!" sigaw ni Finn, hindi na napigilan ang sarili. “Nakakahiya kayo sobra!”"Pwede niyong ipahiya ang inyong sarili sa lahat ng gusto niyo, pero huwag niyong idamay ang ama at lola ko dito!""Maaaring wala kayong pakialam kung mapahiya kayo, pero hindi pwedeng masira ang reputasyon ng pamilya ko!"Mapait na sinabi ni Finn, galit na galit dahil hindi wala sa inaasahan niya ang pamilya ni Simon.Walang magawa sina Simon at Lilian. Nakayuko lang sila habang umalis sila sa bulwagan.A
"Bilisan na natin at pumunta na tayo sa harap. Malapit na tayo!" Nagmadaling pumunta sa harap sila Simon at Lillian, umaasa sila na magkakaroon sila ng pagkakataon na makabawi. Nagsimula silang mag-imagine na abot tainga ang ngiti ni Grandma Yates kapag natanggap niya ang regalo nila sa kanya. "Ang kasunod ay isang pares ng antigong porselanang banga na limandaang taon na ang tanda! Gawa ito sa mga pugon noong sinaunang panahon, at napakamamahalin nito. Kapag may nakakuha sa pares na ito, lalong tataas ang halaga nito!"Nagpatuloy sa pagbabasa ng listahan ang host. Tumayo sila Tanya Yates at Leyton Luv, at magalang nilang binati si Grandma Yates. "Hiling namin na mas yumaman ka pa at mas humaba pa ang buhay mo!" Makikita ang ngiti sa mukha ni Grandma Yates. Sinenyasan niya ang host na dalhin sa harap niya ang pares ng mga banga. Tiningnan niya ng matagal ang mga banga at tumango siya. "Oh, Tanya! Napakabait mo!" "Syempre nanan! Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." A