Pak!Sa gulat na tingin ng mga tao, inihampas ni Grandma Yates ang kanyang tungkod sa likod ni Harvey.Matapos niyang hampasin si Harvey, sigaw niya, "Mahalagang malaman ang sarili mong limitasyon! Hindi mo ba alam ang sarili mong kakayahan?"Pagkatapos ay tinusok niya ang kanyang tungkod sa harap nina Simon at Lilian.“Disiplinahin niyo nang maayos ang live-in son-in-law niyo! Paanong hindi niya maintindihan kung kailan siya dapat at hindi dapat magsalita?""Kung hindi niyo alam kung paano siya tuturuan nang maayos, ilabas niyo siya rito at umalis kayo!""Masayang pagdiriwang dapat ang birthday banquet ko, hindi isang sirko kung saan may payasong pwedeng umarte na parang baliw!"Masyadong mabigat ang kanyang mga salita.Natulala sina Simon at Lilian. Nakayuko lang sila at nanatiling tahimik.Tumulo ang luha ni Lilian.Ito ang kanyang pamilya!Pinangarap niyang makabalik sa kanyang pamilya na puno ng karangalan.Ngunit ngayong nakabalik siya, napilitan siyang tiisin ang kah
Sobrang nakakahiya!Dati, naisip ni Lilian na nakakahiya na buhay niya sa pamilya Zimmer.Hindi niya sukat akalaing mas masahol pa ang kahihiyang naramdaman niya ngayon!Kahit si Simon Zimmer ay nagngangalit sa kanyang mga ngipin.Nandito sila para mapalapit sa pamilya Yates. Kahit na hindi sila maligo sa kasikatan ng mga Yates, sapat na ang makabuo siya ng ilang koneksyon.Ngunit anong nangyari sa huli? Bukod mapahiya nang sobra, anong napala nila?“Lumayas kayo! Pinahiya niyo ang buong pamilya Yates!" sigaw ni Finn, hindi na napigilan ang sarili. “Nakakahiya kayo sobra!”"Pwede niyong ipahiya ang inyong sarili sa lahat ng gusto niyo, pero huwag niyong idamay ang ama at lola ko dito!""Maaaring wala kayong pakialam kung mapahiya kayo, pero hindi pwedeng masira ang reputasyon ng pamilya ko!"Mapait na sinabi ni Finn, galit na galit dahil hindi wala sa inaasahan niya ang pamilya ni Simon.Walang magawa sina Simon at Lilian. Nakayuko lang sila habang umalis sila sa bulwagan.A
"Bilisan na natin at pumunta na tayo sa harap. Malapit na tayo!" Nagmadaling pumunta sa harap sila Simon at Lillian, umaasa sila na magkakaroon sila ng pagkakataon na makabawi. Nagsimula silang mag-imagine na abot tainga ang ngiti ni Grandma Yates kapag natanggap niya ang regalo nila sa kanya. "Ang kasunod ay isang pares ng antigong porselanang banga na limandaang taon na ang tanda! Gawa ito sa mga pugon noong sinaunang panahon, at napakamamahalin nito. Kapag may nakakuha sa pares na ito, lalong tataas ang halaga nito!"Nagpatuloy sa pagbabasa ng listahan ang host. Tumayo sila Tanya Yates at Leyton Luv, at magalang nilang binati si Grandma Yates. "Hiling namin na mas yumaman ka pa at mas humaba pa ang buhay mo!" Makikita ang ngiti sa mukha ni Grandma Yates. Sinenyasan niya ang host na dalhin sa harap niya ang pares ng mga banga. Tiningnan niya ng matagal ang mga banga at tumango siya. "Oh, Tanya! Napakabait mo!" "Syempre nanan! Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." A
"Ikaw!" Nanginig sa galit si Yates sa galit 'Bakit binigyan ako nina Mandy Zimmer at ng pamilya niya ng isang molding ball?! Minamaliit ba nila ako na buhay pa rin ako sa edad na to?!'"Sister, di mo kailangang bigyan si Grandma Yates ng kahit na ano kung di mo gusto! Kung wala kang pera, mas maganda pa ang kahit na ano kesa sa bagay na to. Pwede na kahit prutas lang!" Walang masabi si Tanya Yates. Sa umpisa, gusto niyang tulungan ang kapatid niya at magsalita nang maganda para kay Lilian. Ngunit nanginginig na sa galit si Grandma Yates at hindi nagtangka si Tanya na galitin pa ang matandang babae. Gustong-gusto ni Lilian Yates na iuntog ang ulo niya sa lapag. Magiging ayos pa rin ang lahat kung hindi sila naglakad sa harapan ng kanyang asawa. Ngunit ginawa nila ito at sila ang naging himpilan ng atensyon ng buong hall… at binigyan sila ng ganitong bagay! Nakakahiya! Hindi lang sa pamilya ng kanyang ina, pati rin sa Buckwood. Hindi, sa buong South Light! 'Hindi s
Tinignan ni Mandy si Harvey at naglakad papunta dito, ng walang kibo. Tahimik itong nagtanong, "Harvey, ano ang balak mong gawin?" "Ano bang kaya mong gawin habang nakatitig ka lang sa regalo?" "Wala namang tutbong bulaklak jan kung tititigan mo lang yan, tama?" Sumimangot si Harvey York at sinabi, "Hindi mo naiintindihan. Binigay na sa akin ito noon ni Master Naiswell. Baka mamahalin ito!" Humagikgik si Mandy Zimmer.'Sino ba sa tingin mo si Master Naiswell?' 'Sige, sabihin na natin na malaki ang paghanag sayo ng tao dahil sa magaling kang kumilatis ng mga antigo.' 'Pero para sabihin na siya ang nagbigay sayo nito, sinong niloko mo?' Nagpatuloy ang gift ceremony. Kahit si Alex Swift at ang iba pa ay naghanda ng kanilang mga regalo. Syempre, ang kanilang mga regalo ay hindi kasing garbo ng iba, tulad ng pangkaraniwan na calligraphy at pinintang larawan lang naman. Subalit, lahat sila ay mga opisyal ng gobyerno. Ang pagdalo nila sa salo-salong ito ay isa nang regalo
Naibaling ang tingin ng lahat kay Harvey York. At muli na naman siyang napansin ng lahat. Tinuro ni Harvey York ang bola ng putik na binato sa sahig ng lalaki nang mukhang matapang. Tinitigan siya nang masama ng madla pagkatapos makita ang mga ginawa niya. ‘Walang hiya ang live-in son-in-law na ito!’ ‘Ang kapal ng mukha niyang magsalita ngayon!’‘Malinaw na basura ang binigay niya. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin na ang regalong ito ang orihinal na pallet matapos niyang marinig na sabihin ito ni Keith Yates?!’‘Ang bagay na yan ay ang pinakamamahal na anak ni Shane Naiswell ng first-rated family ng South Light, ang Naiswell Patriarch!’‘Sinasabi na nanghingi na noon ang first-in-command military force ng South Light ngunit wala silang napala.’ ‘Ibibigay niya ito sa isang live-in son-in-law na tulad ni Harvey York? Bakit naman?’ ‘Dahil ba sa dumi lang ito?!’ “Harvey! Anong ginagawa mo?! Wag ka ngang magloko!” Naluluha na si Mandy. ‘Di ba niya nakikita ang na
Gustong sampalin ng mga taong nakakita nito si Harvey. ‘Anong nangyayari dito?’ ‘Bakit ang kadiri naman ng lalaking ito? Sinasadya niya ito!’ Gustong-gusto nang magtago ni Simon at Lilian sa ilalim ng mesa. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Ayos na noong una, tapos na ang lahat. Ngunit talagang sinabi ng mokong na ito na ang basurang hawak niya ay ang tunay na Authentic Lung Tonic! Hindi ba siya natatakot na mabuking siya? Sa ngayon, gusto nang sakalin ni Simon si Harvey. Bumangon si Zack sa kinatatayuan niya at sumigaw, “Grandma Yates, ako na lang ang magsasalita para sa mga Zimmers tungkol dito!” “Ang lalaking ito na si Harvey York ay ang live-in son-in-law mula sa pamilya ko!”“Ngunit wala kaming kinalaman sa mga ginagawa niya!” Habang nakikinig kay Zack, nasiguro ng lahat ng mga panauhin na ang nakakadiring pallet ay hindi ang Authentic Lung Tonic. Sabay-sabay na sumigaw ang madla. “Patriarch Yates, bakit hinahayaan mo pa ring manatili dito ang isang lala
Hindi napigilan ni Finn Yates na magtanong, “Lola, ito ba ang tinatawag na Authentic Lung Tonic?”“Imposible ito!”"Para na ring katumbas ng buhay ni Master Naiswell ang bagay na iyan, hinding-hindi niya ito iaalok kanino man. Isa pa, isa lang siyang hamak na live-in son-in-law!"Nagsalita din ang iba bilang pagsang-ayon.“Grandma Yates, tingnan mo po ito nang mabuti! Maraming manloloko ngayon. Kung hindi marunong mag-ingat ang isa, siguradong maloloko siya!”“Oo! Hindi biro ang gamot na ito. Kung peke ito, bukod sa wala kang makukuhang anumang benepisyo mula dito, maaari ka pang malason!""Grandma Yates, wala sa hitsura ng lalaking ito na nagmamay-ari siya ng Authentic Lung Tonic!"Kumunot ang kilay ni Keith Yates at sinab, “Ma, hindi basta-basta makukuha ng sinuman ang Authentic Lung Tonic na pagmamay-ari ni Shane Naiswel, kahit pa ang first-in-command ng hukbo?"Pakiusap, pag-isipan mo ito nang mabuti!"Nababahala si Keith tungkol sa bagay na ito, naniniwala ang kanyang mat
Si Elias ay kumunot ang noo kay Harvey sandali bago huminga ng malalim."Sa relasyon namin, tiyak na kakampi ako kay Kairi."“Gayunpaman… Wala nang pag-asa si Kairi na manalo."Si Dalton ay gumagamit ng lahat ng kanyang lakas upang agawin ang trono ng pamilya."Hindi lang ang sangay ng Wolsing, pati ang sangay ng Northsea at Mordu ay sumusuporta sa kanya. Maraming matatandang miyembro mula sa pangunahing sangay ang sumusuporta sa kanya."Si Kairi ay hindi makabangon."Humigop si Harvey ng kanyang tsaa, pagkatapos ay tiningnan si Elias nang may pag-usisa."Si Dalton? Ang prinsipe ng sangay ng Wolsing? Kilalang-kilala mo ba siya? Anong klaseng tao siya?”Nag-isip si Elias sandali."Si Dalton ang pinakamataas sa lahat ng limang pangunahing sangay. Hindi lamang siya mahusay sa martial arts, kundi isa rin siyang napakahusay na manlilinlang. Dahil sa kanyang katayuan sa Wolsing, mayroon siyang magandang relasyon sa sampung pinakamataas na pamilya at sa sagradong lugar ng pagsasanay
Nang makita ni Kairi ang mga tao mula sa overseas at Gangnam branch na umalis, nag-atubili siya sandali bago tuluyang huminga ng malalim.Ngumiti si Harvey nang makita ang ekspresyon ni Kairi."Ano? Nagsisi ka ba na dinala mo ako dito?“May pagkakataon ka pang iligtas ang sitwasyon."Papuntahin mo ang mga tao mo sa kanila. Malamang patawarin nila ang pangunahing sangay para dito.”Si Kairi ay matalim na tumingin kay Harvey. "Minamaliit mo ba ako?"Ngumiti si Harvey."Medyo masyadong kumplikado ang sitwasyon ng pamilya mo ngayon. Wala tayong ibang pagpipilian kundi harapin sila agad."Kapag naintindihan nila na ito lang ang paraan para mapanatili ang kanilang mga posisyon, tiyak na susuko sila...""Wala na tayong oras para makipaglaro sa kanila."Sumimangot si Kairi. “At kung hindi nila maisip iyon?”"Kung gayon, kailangan lang nating pahinain sila bago ang lahat," sagot ni Harvey. "Isa pang bagay, makikipagkita ako kay Elias. Tingnan natin kung makukuha natin siya sa panig m
Hindi na magtatangkang ipakita ni Rudy ang kanyang lakas.Sa wakas, naintindihan niya ang sitwasyon.Si Harvey ay isang kept man… ngunit padalos-dalos din siya.Kung patuloy na magmamalabis si Rudy, tiyak na papatayin siya nang walang pag-aalinlangan!Ang makapangyarihang tao ay hindi ilalagay ang sariling buhay sa panganib. Siya ay isang makapangyarihang prinsipe; hindi ito makabuluhan na mamatay dahil lamang sa isang simpleng alagad!Sa mga sandaling ito, nagpasya siyang pigilin ang sarili at magpakatatag."Oh? Tumigil ka na rin pagkatapos mong matutunan ang leksyon mo?”Sinipa ni Harvey si Rudy sa tabi."Tigilan mo na ang pagpapakita sa harap ko. Kung gagawin mo ulit ito, papatayin kita!“Ngayon, umalis ka na!“Kung gusto mong makatrabaho kami, kung ganun isipin mo ang aming kondisyon!“Kung hindi, magkikita tayo bilang magkaaway!”Natisod si Rudy pabalik kay Alfred, mukhang miserable. Puno siya ng pagkabigla at galit, ngunit hindi na siya naglakas-loob na labanan pa si
“Aaagh!”Si Rudy ay nanginginig sa sakit.Wala talagang balak si Harvey na palayain siya; agad niyang tinapakan ang mukha ni Rudy, pinadapa ang mukha nito sa sahig na kahoy.Lahat ay natigilan; hindi man lang sila makapag-isip habang pinapanood nila ito nang may pagkabigla.Siyempre, walang inaasahan na magiging matapang si Harvey na gawin ang ganitong bagay. Hindi lang siya hindi natatakot sa mga banta ni Rudy, naglakas-loob pa siyang tapakan ang mukha ni Rudy.Unang bumalik sa katinuan si Alfred, at nagalit. "Ano ang ibig sabihin nito? Alam mo ba ang mga magiging kahihinatnan ng paggawa ng ganitong bagay?”Sumigaw si Titania at ang iba pa sa matinding galit matapos makabawi sa kanilang mga sarili."Anong karapatan mong saktan ang aming prinsipe, hayop ka?! Papatayin ka namin!"Ipinagpag ni Titania ang kanyang panghampas at sumugod pasulong. Ang mga eksperto ng Gangnam branch ay humugot ng kanilang mga armas; sila ay nag-aalab sa galit, handang putulin si Harvey sa piraso.Ka
Nagpakita si Rudy ng tusong ngiti, na parang nakontrol na niya ang sitwasyon. Pati si Alfred, na kalmado sa buong panahong ito, ay tumingin nang may pag-usisa kay Harvey.Ang mga nakatayo sa likuran ay nagmamasid kay Harvey nang may pagdududa. Sila ay kumbinsido na pinapahiya niya ang kanyang dangal bilang isang lalaki.Hawak ni Harvey ang tseke, at ilang beses niya itong sinilip."Ang daming zero; maraming tao ang hindi makikita ang numerong ito sa buong buhay nila..."Talagang nakakaakit, syempre. Pero hindi ito sapat.”Tumawa si Rudy nang malamig."Ano? Sa tingin mo ba ay masyadong maliit ang labinlimang milyon?"Binigay ko sa iyo ito para sa ikabubuti ng pangunahing sangay!“Kung patuloy kang magmalaki at magmataas, huwag mo akong sisihin kung hindi ako magpigil!"Makakamit ko ang aking layunin sa pagpatay sa iyo!""Ang layunin namin ay simple: nandito kami para pigilan si Kairi na magkaroon ng live-in na manugang!""Patayin namin kung sino man ang interesado siya!"Sin
Nagtigilan si Rudy; natural siyang naapektuhan ng mga salita ni Harvey.Gayunpaman, hindi nagtagal at nagising siya sa katotohanan. Kung wala ang tulong ni Alfred, siya ang unang mamamatay kung talagang lalaban siya para sa trono. Pagkatapos ng lahat, ang sangay ng Gangnam ang pinakamasama sa buong pamilya."Huwag mo kaming pag-awayin, Harvey!" Sumigaw si Rudy nang galit, ang kanyang ekspresyon ay madilim. "Tapat ako kay Prinsipe Alfred. Ang parehong overseas at Gangnam branches ay nagkakaisa! Akala mo ba madali lang kaming mapaghihiwalay? Minamaliit mo kami!”"Ganoon ba?” Umiling si Harvey, na may mapaglarong ngiti. "Kung gusto mo talagang maging katulong ni Prince Alfred... Paano kung gawin mo akong pabor at maging katulong ni Kairi na lang? Sisiguraduhin kong aalagaan kita nang mabuti kung gagawin mo ito.”“Ikaw…”Si Rudy ay nag-aapoy sa galit na walang kapantay. Si Harvey ay isang live-in na manugang lamang, at gayunpaman, napakahusay niyang sumira ng mga espiritu ng tao.Bak
Si Kairi ay pinipigilan ang kanyang pagnanais na pumalakpak matapos marinig ang mga salita ni Harvey.Alam na alam niya kung gaano kahirap pakisamahan ang dalawang prinsipe. Dahil dito niya dinala si Harvey upang subukan ang sitwasyon.Hindi niya akalain na madali lang mapapahiwalay ang mga prinsipe!Ang galing!Agad na pinagsaluhan ni Rudy ang mesa, handang tumayo."Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo, Rudy?""Bawat dakilang tao ay kailangang maging mapagpasensya.""Si Lady Patel dito ay dinala ang kanyang live-in na asawa upang subukan kami.""Hindi natin maaaring mawala ang ating asal.""Bukod dito, hindi pa natin alam kung sino ang namamahala sa salu-salo.""Bakit mo pa gagastusin ang iyong lakas eh ang dami pa nating oras?”Ipinatong ni Alfred ang kanyang tasa. Malinaw na mas kahanga-hanga siya kaysa kay Rudy.Sa puntong iyon, huminga nang malalim si Rudy upang mapakalma ang kanyang sarili.Tumawa si Kairi, pagkatapos ay sinubukan niyang ayusin ang sitwasyon."Hindi
Parang sinesermonan ni Rudy si Titania, pero nagsasalita siya sa kakaibang tono habang nakangiti. Kitang-kita na hinahamak niya si Kairi, lalo na si Harvey.Pagkatapos marinig ang pagkakakilanlan ng dalawa, agad na lumipat ang mga tingin ng mga tao sa likod nina Alfred at Rudy kay Harvey.Alam ng lahat si Kairi bilang ang lady ng pamilya Patel, at ang pinakamalakas sa pangunahing sangay ng pamilya. Malaki ang posibilidad na siya ang magiging susunod na tagapagmana ng pamilya.Gayunpaman, kailangan niyang makahanap ng isang live-in son-in-law kung gusto niyang pamunuan ang pamilya. Hindi siya pinapayagang magpakasal sa ibang pamilya.Ayon sa mga patakaran ng pamilya, kailangan maging kahanga-hanga ang lalaki upang umangkop sa pagkatao ni Kairi.Ang lahat, kasama na si Alfred, ay tinitingnan si Harvey nang may mapanghusga at nagdududang mga ngiti. Sayang; wala silang nakikitang kahit anong espesyal sa kanya na karapat-dapat sa pagmamahal ni Kairi.Naniniwala si Titania na mamamatay
Maraming tao, na nakataas ang mga ulo, ang nakatayo sa likod ng mga kabataan.Malinaw na sila ay mga dalubhasang martial artist. May mga matitinding tingin sila, tila hinahambingan ang lahat sa kanilang paligid.Ang pagtingin sa mga taong ito ay sapat na upang ipakita na ang dalawang lalaki ay mga prinsipe ng pamilya.Kairi ay nangangarap kung akala niya na mahihikayat niya ang mga prinsipe na suportahan siya.Siyempre, narito sila para sa trono! Dumating lang sila para ipakita ang kanilang lakas!Kung hindi kasangkot sa mga interes ng lungsod, Evermore, at mga kilusan ng Island Nations ang pag-akyat ni Kairi sa kapangyarihan...Tumalikod na sana si Harvey at umalis na ngayon.Mula pa noong sinaunang panahon, ang alitan sa loob ng mayayamang pamilya ay palaging pinakamalupit.Nang maalala ito, mahinahong sinuri ni Harvey ang dalawang prinsipe.Alam niya na ang prinsipe na walang emosyon ay mula sa overseas branch—si Alfred. Ang blonde na prinsipe ng sangay sa Gangnam—si Rudy.