Tinignan ni Mandy si Harvey at naglakad papunta dito, ng walang kibo. Tahimik itong nagtanong, "Harvey, ano ang balak mong gawin?" "Ano bang kaya mong gawin habang nakatitig ka lang sa regalo?" "Wala namang tutbong bulaklak jan kung tititigan mo lang yan, tama?" Sumimangot si Harvey York at sinabi, "Hindi mo naiintindihan. Binigay na sa akin ito noon ni Master Naiswell. Baka mamahalin ito!" Humagikgik si Mandy Zimmer.'Sino ba sa tingin mo si Master Naiswell?' 'Sige, sabihin na natin na malaki ang paghanag sayo ng tao dahil sa magaling kang kumilatis ng mga antigo.' 'Pero para sabihin na siya ang nagbigay sayo nito, sinong niloko mo?' Nagpatuloy ang gift ceremony. Kahit si Alex Swift at ang iba pa ay naghanda ng kanilang mga regalo. Syempre, ang kanilang mga regalo ay hindi kasing garbo ng iba, tulad ng pangkaraniwan na calligraphy at pinintang larawan lang naman. Subalit, lahat sila ay mga opisyal ng gobyerno. Ang pagdalo nila sa salo-salong ito ay isa nang regalo
Naibaling ang tingin ng lahat kay Harvey York. At muli na naman siyang napansin ng lahat. Tinuro ni Harvey York ang bola ng putik na binato sa sahig ng lalaki nang mukhang matapang. Tinitigan siya nang masama ng madla pagkatapos makita ang mga ginawa niya. ‘Walang hiya ang live-in son-in-law na ito!’ ‘Ang kapal ng mukha niyang magsalita ngayon!’‘Malinaw na basura ang binigay niya. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin na ang regalong ito ang orihinal na pallet matapos niyang marinig na sabihin ito ni Keith Yates?!’‘Ang bagay na yan ay ang pinakamamahal na anak ni Shane Naiswell ng first-rated family ng South Light, ang Naiswell Patriarch!’‘Sinasabi na nanghingi na noon ang first-in-command military force ng South Light ngunit wala silang napala.’ ‘Ibibigay niya ito sa isang live-in son-in-law na tulad ni Harvey York? Bakit naman?’ ‘Dahil ba sa dumi lang ito?!’ “Harvey! Anong ginagawa mo?! Wag ka ngang magloko!” Naluluha na si Mandy. ‘Di ba niya nakikita ang na
Gustong sampalin ng mga taong nakakita nito si Harvey. ‘Anong nangyayari dito?’ ‘Bakit ang kadiri naman ng lalaking ito? Sinasadya niya ito!’ Gustong-gusto nang magtago ni Simon at Lilian sa ilalim ng mesa. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Ayos na noong una, tapos na ang lahat. Ngunit talagang sinabi ng mokong na ito na ang basurang hawak niya ay ang tunay na Authentic Lung Tonic! Hindi ba siya natatakot na mabuking siya? Sa ngayon, gusto nang sakalin ni Simon si Harvey. Bumangon si Zack sa kinatatayuan niya at sumigaw, “Grandma Yates, ako na lang ang magsasalita para sa mga Zimmers tungkol dito!” “Ang lalaking ito na si Harvey York ay ang live-in son-in-law mula sa pamilya ko!”“Ngunit wala kaming kinalaman sa mga ginagawa niya!” Habang nakikinig kay Zack, nasiguro ng lahat ng mga panauhin na ang nakakadiring pallet ay hindi ang Authentic Lung Tonic. Sabay-sabay na sumigaw ang madla. “Patriarch Yates, bakit hinahayaan mo pa ring manatili dito ang isang lala
Hindi napigilan ni Finn Yates na magtanong, “Lola, ito ba ang tinatawag na Authentic Lung Tonic?”“Imposible ito!”"Para na ring katumbas ng buhay ni Master Naiswell ang bagay na iyan, hinding-hindi niya ito iaalok kanino man. Isa pa, isa lang siyang hamak na live-in son-in-law!"Nagsalita din ang iba bilang pagsang-ayon.“Grandma Yates, tingnan mo po ito nang mabuti! Maraming manloloko ngayon. Kung hindi marunong mag-ingat ang isa, siguradong maloloko siya!”“Oo! Hindi biro ang gamot na ito. Kung peke ito, bukod sa wala kang makukuhang anumang benepisyo mula dito, maaari ka pang malason!""Grandma Yates, wala sa hitsura ng lalaking ito na nagmamay-ari siya ng Authentic Lung Tonic!"Kumunot ang kilay ni Keith Yates at sinab, “Ma, hindi basta-basta makukuha ng sinuman ang Authentic Lung Tonic na pagmamay-ari ni Shane Naiswel, kahit pa ang first-in-command ng hukbo?"Pakiusap, pag-isipan mo ito nang mabuti!"Nababahala si Keith tungkol sa bagay na ito, naniniwala ang kanyang mat
Walang pag-asang nanginging si Mandy Zimmer.Matatanggap niya na mayabang at walang kinabukasan ang sarili niyang asawa.Pero hindi niya matatanggap na magnanakaw ang asawa niya!Sa sandaling iyon, nagdilim maging ang mukha ni Keith Yates habang sinabi niya, "Harvey York, parehong nandito ngayon ang second-in-command ng South Light General Police Station at ang first-in-command ng Buckwood Police Station!”“Sa ganitong oras, mas mabuting linawin mo ang isyung ito!”"Hindi pa huli ang lahat para ipawalang-bisa ang iyong pagkakamali!"Hindi dahil sa kung gaano naunawaan ni Keith si Harvey, dahil lamang sa kung magpakita ang isang bagay na ninakaw sa birthday ceremony ni Grandma Yates, masisira ang reputasyon ng pamilya Yates!Kaya ngayon ang pinakamagandang gawin ay ibalik ni Harvey ang bagay habang umaasang tatanggapin ni Shane Naiswell ang paghingi niya ng tawad.Sakali lang, mawawala hangga't maaari ang mga negatibong epekto mula sa insidenteng ito.Hindi inaasahan ng lahat,
Seryosong nagsalita si Harvey York, "Kung meron pa nito si Shane Naiswell, siguradong ibibigay niya ito sa akin kung hihingi ako..."Hindi lang siya nagyayabang. Sa katayuan niya ngayon, siguradong magpapakita ng respeto si Shane kung hihilingin niya ito."Sige na, sige na, Harvey, naiintindihan ko na kung gaano ka kagaling!"Naisip ni Grandma Yates na gusto pa ring magyabang ni Harvey habang pinutol niya siya, "Ano pa man iyan, nagpapasalamat ako sa iyong intensyon!"Pagkatapos, sumenyas pa si Grandma Yates kina Simon Zimmer, Lilian Yates, at Mandy Zimmer at sinabi, “Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Halikayo at maupo sa harap ko ngayon!"Anong magandang balita!Tulala pa rin sina Simon at ang dalawa habang naglakad sila sa mesang kinaroroonan ni Grandma Yates.Ngumiti si Grandma Yates at sinabi, “Ngayong nandito na ang lahat, may ia-anunsyo ako ngayon!”“Mula ngayon, opisyal nang bumalik ang panganay kong anak, si Lilian, at ang kanyang pamilya bilang bahagi ng pamilya!”"S
Malawak ang ngiti ni Grandma Yates at sinabi, “Keith, ang husay mo, nagawa mo pang imbitahan si Sheldon Xavier mula sa South Lights at si Mr. Kyle Quinlan!”"Isa itong karangalan para sa isang matandang babaeng katulad ko!"Tuwang-tuwang napalingon ang iba pang mga Yates kay Keith Yates at sinabi, "Chief Yates, ang galing mo! Talagang darating ang mga kilalang taong tulad nila para ipagdiwang ang kaarawan ni Lola!"“Paano mo nagawa iyon?!”"Mukhang hindi magtatagal bago maging panibagong top-class family ang pamilya Yates!"Sa sandaling iyon, proud ang lahat ng pamilya Yates sa kanilang sarili.Isa itong karangalan!Bakas din sa mukha ng mga bisita ang inggit at paghanga.Kamakailan, sinabing si Kyle Quinlan lamang, ang second-in-command ng South Light ang nandoon sa birthday banquet ni Grandma York, na nagmamadaling umalis pagkatapos dumalo.At ngayon sa birthday ceremony ni Grandma Yates, ang first at second-in-command ay parehong narito. Ipinahihiwatig nito na mas prestihiy
"So ano ngayon ang dapat nating gawin?" Medyo naging awkward si Kyle Quinlan, nandito sila para ayusin ang isang bagay at hindi man lang nila naisipang magdala ng kahit anong regalo.Ngayon kahit si Grandma Yates ay nasa labas para salubungin sila, parang mali kung manatili pa sila sa sasakyan, ‘di ba?Sandaling nagkatinginan ang dalawa at walang magawang ngumiti bago bumaba ng sasakyan.Pagkatapos ay nauna nang bumati si Sheldon Xavier at sinabi, "Grandma Yates, naparito ako nang hindi imbitado para batiin ka ng magandang kapalaran at kaligayahan!"Dagdag ni Kyle, "Sana magkaroon ng mahabang buhay si Lola!"Tuwang-tuwa si Lola Yates kaya napabulalas siya ng "Magaling!" nang maraming beses.Ang pamilya Yates ay mga inapo ng mga opisyal ng estado kaya naiintindihan nilang mabuti ang katayuan ng dalawang lalaki. Na hindi kayang ihambing ng pamilya Yates ang kanilang sarili dahil napakalaki ng agwat.Pinadama nila sa pamilya ang karangalan sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang