Malawak ang ngiti ni Grandma Yates at sinabi, “Keith, ang husay mo, nagawa mo pang imbitahan si Sheldon Xavier mula sa South Lights at si Mr. Kyle Quinlan!”"Isa itong karangalan para sa isang matandang babaeng katulad ko!"Tuwang-tuwang napalingon ang iba pang mga Yates kay Keith Yates at sinabi, "Chief Yates, ang galing mo! Talagang darating ang mga kilalang taong tulad nila para ipagdiwang ang kaarawan ni Lola!"“Paano mo nagawa iyon?!”"Mukhang hindi magtatagal bago maging panibagong top-class family ang pamilya Yates!"Sa sandaling iyon, proud ang lahat ng pamilya Yates sa kanilang sarili.Isa itong karangalan!Bakas din sa mukha ng mga bisita ang inggit at paghanga.Kamakailan, sinabing si Kyle Quinlan lamang, ang second-in-command ng South Light ang nandoon sa birthday banquet ni Grandma York, na nagmamadaling umalis pagkatapos dumalo.At ngayon sa birthday ceremony ni Grandma Yates, ang first at second-in-command ay parehong narito. Ipinahihiwatig nito na mas prestihiy
"So ano ngayon ang dapat nating gawin?" Medyo naging awkward si Kyle Quinlan, nandito sila para ayusin ang isang bagay at hindi man lang nila naisipang magdala ng kahit anong regalo.Ngayon kahit si Grandma Yates ay nasa labas para salubungin sila, parang mali kung manatili pa sila sa sasakyan, ‘di ba?Sandaling nagkatinginan ang dalawa at walang magawang ngumiti bago bumaba ng sasakyan.Pagkatapos ay nauna nang bumati si Sheldon Xavier at sinabi, "Grandma Yates, naparito ako nang hindi imbitado para batiin ka ng magandang kapalaran at kaligayahan!"Dagdag ni Kyle, "Sana magkaroon ng mahabang buhay si Lola!"Tuwang-tuwa si Lola Yates kaya napabulalas siya ng "Magaling!" nang maraming beses.Ang pamilya Yates ay mga inapo ng mga opisyal ng estado kaya naiintindihan nilang mabuti ang katayuan ng dalawang lalaki. Na hindi kayang ihambing ng pamilya Yates ang kanilang sarili dahil napakalaki ng agwat.Pinadama nila sa pamilya ang karangalan sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang
Sa likuran ng Audi A6, mayroong dalawang respetadong pigura na nakaupo sa loob nito sa sandaling iyon.Pareho silang walang kamalay-malay na gustong tumayo nang makitang binubuksan ni Harvey York ang pinto ng kotse, ngunit pinigilan sila nito."Maghanap ka na lang ng pwesto."Ikinaway ni Harvey ang kanyang kamay.Bagama't kaswal niya itong sinabi, hinayaan pa rin ni Sheldon Xavier ang driver na magmaneho ng sasakyan papunta sa tanggapan ng gobyerno ng South Light. Pagkatapos ay pumunta sila sa isang side room na angkop para sa mga pribadong pagpupulong.Hindi engrande ang lugar, at medyo luma. Gayunpaman, ang tsaa na inihain ng staff ay top-notch.Uminom si Harvey ng tsaa at sinabi, “Elder Xavier, bakit kailangan mong makipagkita sa akin agad?”Pagdating naman kay Kyle Quinlan, tumango lang si Harvey sa kanya. Itinuturing na itong isang pagbati.Ngumiti si Kyle at sinabi, “Prince York, nabalitaan kong umalis na si Melissa Leo at ang iba pa sa South Light, at lahat ng asset ngay
Hindi maganda ang kulay ni Sheldon Xavier. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya at sinabi pagkaraan ng ilang sandali, “Napakataas ng katayuan ng taong iyon!”"Narinig kong kahit ang big boss ng Country H ay mataas ang tingin sa kanya at gusto siyang papuntahin sa Wolsing military para maging Chief Instructor…”“Hayaan mo na lang siya kung anong gusto niya!”"Ang pinakamahalagang bagay para sa atin ngayon ay sabihan ang pamilya at mga subordinate natin sa pag-offend sa kanya."agad na pinagpawisan ng malamig si Kyle Quinlan. Mabilis siyang tumayo at sinabi, “Tama, salamat sa pagpapaalala sa akin, Elder Xavier. Karaniwang walang disiplina ang pamilya ko at hindi maganda ang ugali. Kaya, kailangan kong bumalik at balaan sila ngayon."***Kasabay nito.Bumalik si Harvey sa Buckwood Hotel.Malapit nang matapos ang birthday banquet sa oras na ito.Gayunpaman, dahil sa pagdating ng dalawang big shot sa South Light Province upang ipagdiwang ang kaarawan ng matanda...Maraming opisyal
Muling tumingin si Grandma Yates kina Simon Zimmer at Lilian Yates pagkatapos magsalita. Sabi niya, “Dapat mas disiplinahin niyo siyang dalawa!”“Kung tutuusin, may magandang kinabukasan ngayon si Mandy!”“Huwag niyong hayaang maapektuhan siya sa career ni Mandy. May ilang mga bagay na dapat pagpasyahan sa lalong madaling panahon!"Tila, naniniwala si Grandma Yates na malapit nang maging isang top family ang pamilya Yates.Kung kaya, hindi niya dapat magustuhan ang isang live-in son-in-law na tulad ni Harvey!Kahit na binigyan siya ni Harvey ng Authentic Lung Tonic.Pagkatapos ng lahat, pinahahalagahan niya ang potensyal at kinabukasan ng nakababatang henerasyon, at hindi ang iba.Malinaw na naunawaan nina Simon at Lilian ang kanyang mga salita, at taimtim na sinabi sa sandaling iyon, "Okay, Inay, alam namin!"‘Di nagtagal pagkaalis nila Mandy at ng kanyang pamilya…Sinabi lang ni Grandma Yates sa malalim na boses, "Keith, anong tingin mo sa kanila?"Nag-isip sandali si Keith
Napakunot ng noo si Simon Zimmer nang marinig ang mga salita. “Hindi magiging madali iyan. Hindi tayo papayagang umalis ng matanda!""Lalo na at isasama natin ang mga resources at proyekto!""Masyadong kumplikado ang bagay na ito!"Bahagyang nakasimangot ni Mandy at sinabi, "Talagang magandang ideya ang pag-alis sa pamilya Zimmer pero hindi ito madaling gawin!"Kilalang-kilala ni Mandy ang pamilya Zimmer.Wala gaanong kakayahan noong una pa lang ang pamilyang ito. Magaling lang sila sa pagiging mga linta na sumisipsip ng dugo ng iba.Kung gusto niyang dumistansya sa kanila, maliban kung iwanan niya ang lahat, kung hindi, magiging mas mahirap ito.Biglang sinabi ni Harvey, “Mandy, gawin mo lang ang gusto mo. Gawin mo ito nang buong tapang, tiyak na susuportahan kita!"Ngumiti si Mandy kay Harvey matapos marinig ang pagsuporta niya. Ito ang nagustuhan niya kay Harvey. Anuman ang kanyang desisyon, siguradong susuportahan siya ni Harvey.Gayunpaman, parehong kakaiba ang mga ekspre
Ayon sa mga tsismis, alam na ni Prince York na ang pamilya Yates, ang pamilyan Robbins, ang pamilya Surrey, at ang pamilya Cloude ay gumawa ng hakbang laban sa kanya noon.Ngayong bumalik na malakas si Prince York, baka hindi na makatulog nang mahimbing ang apat na first-class na pamilyang iyon.***Sa Moon Lake ng Buckwood. Isa itong five-A-level na tanawin.Gayunpaman, ang main area ng tanawing ito ay naging isang private club maraming taon na ang nakalipas.Ngayon, daan-daang mga security guard ang nakakalat sa lugar na ito.Mayroon ding mga sniper na nakatago sa dilim, at paminsan-minsan ang mga pulang tuldok na ay tumatawid sa paligid.Bantay-sarado ang tanawing ito ngayon. Idineklara sa publiko sumasailalim sa maintenance ang lugar, ngunit sa totoo lang ay chartered ito.Maraming signal jamming setup sa paligid ng tanawin upang matiyak na walang makakatawag sa lugar na ito at lahat ng mga electronic gadget ay hindi rin gagana dito.Sa sandaling ito, sa isang maliit na is
Sa sandaling ito, bahagyang gumalaw ang pain ni Stephen York.Sa sandaling itinaas niya ang kanyang mga braso, nakita niya ang isang silver Arowana na lumipad sa kanya at dumaong sa pampang.Nang makita ang silver Arowana na tumatalon at nagpupumiglas, mukhang nataranta ang apat na pinuno.Pinanood ni Stephen ang eksenang ito nang may labis na interes. Nabitawan lamang niya ang kanyang pamingwit pagkatapos mamatay ang silver Arowana. Pagkatapos ay pumalakpak siya, tumalikod, at ngumiti. Sinabi niya, "Mga pinuno, ano ang inyong palagay sa malaking insidenteng nangyayari sa Buckwood kamakailan?"Bahagyang nalito si Grandma Yates. Siya ang unang nagsalita. “Tungkol dito, gusto ko ring magtanong kay Young Master York. Bakit may mga tsismis sa labas na nagsasabi na wala na sa kapangyarihan ang mga Yorkat lahat ng mga ari-arian ng mga York ay kinamkam ng Sky Corporation?"May makahulugang ngiti si Stephen at sinabi, “Natalo lang kami sa isang laro at binalik ang ilang bagay sa kuya ko.
Dumilim ang mga mata ni Peyton matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Pagkaraan ng mahabang oras, bumuntong-hininga siya at umalis mula sa kabilang panig.Noong sandaling umalis siya, biglang huminto sa paglalakad si Harvey. Nahulog ang mga piraso ng papel mula sa langit.Sumimangot si Harvey. Tumingin siya sa magkabilang gilid, at pagkatapos ay sumipa siya paharap.Bam!Lumipad ang isang brick sa lupa patungo sa isang mukhang sinaunang puntod.Sumabog ang puntod, at isang kulay pulang kabaong ang lumipad patungo sa direksyon ni Harvey. Umatras siya, masama ang kanyang loob.Bam!Sumalpok ang kabaong kung saan nakatayo si Harvey.Isang mabahong amoy ang tumagas, at binalot ng alikabok at lupa ang buong lugar. Kasabay nito, lumabas mula sa iba’t ibang direksyon ang mga taong may matataas na sombrero at nakadamit na pang-onmyoji.“Yin-Yang Techniques?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa kanila.“Magaling.“Gaya ng inaasahan kay Representative York.“Hindi na nak
Bumuntong-hininga si Peyton nang makita ang kaswal na ekspresyon sa mukha ni Harvey.“May isang bagay kang hindi alam.“Ang Golden Sands ay itinuturing na ang lugar na tinatawag na Midheaven.“Sa madaling salita, ito ang lupain kung saan isinilang ang Country H.“Ang dating emperador, si Emperor Toghon, ay ginawang kapitolyo ang Golden Sands dahil dito.“Subalit, naging ang Wolsing ang kapitolyo ng bansa noong kinuha ni Emperor Khan ang trono.“Gayunpaman, ang kahalagahan ng kasaysayan ng Golden Sands sa bansa ay higit pa sa imahinasyon mo!“Dahil kontrolado ng John family ang buong siyudad, hindi lang napipigilan ang Patel family at ang six Hermit Families, kundi pati ang buong Midheaven ay pag-aari din nila!“Sa madaling salita, kapag ginalaw mo si Blaine ngayon, magdudulot ito ng malaking kaguluhan sa buong lugar!”“Hindi naman na makakakuha ng mas maraming mga Blaine ang John family para palitan siya. Anong magiging problema?” sagot ni Harvey.Muling bumuntong-hininga si
"Hula ko, mukhang ang Wright family ang target ng Evermore."Kumunot ang noo ni Harvey York.“Ang Wright family?”"May balak bang magdulot ng problema ang Evermore kay Big Boss?""Gusto ba nilang mamatay o ano?""Kung wala ang apat na haligi at ang tulong ng Nine Elders, malamang kaya niyang mapaalis ang grupo ng mga walang kwentang tao na nagtatago sa Wolsing ng mag-isa, di ba?"Si Peyton Horan ay umiling.“Hindi kasing simple ng iniisip mo ang mga bagay-bagay.”"Ang Evermore ay napakatagal nang nabubuhay. Marami ring matatandang hangal na malapit nang mamatay ang may koneksyon sa kanila."Ang Wolsing ay maaaring hindi nagkakaisa.""Hindi pa natin alam kung gaano na kalalim ang Evermore.""Siguro galing din sa Evermore si Big Boss.""Kung gagawa ng kahit ano ang Evermore sa Wolsing, ang buong Wolsing ay magkakaproblema!""Ang buong lungsod ay malulugmok sa kaguluhan!""Ang Country H ay magkakagulo kung hindi tayo mag-iingat..."Nag-aalala si Peyton.Bahagyang tumango s
Si Harvey York ay kilala lamang si Peyton Horan dahil nailigtas niya si Taila Horan.Ang dalawa ay nagkakilala lamang sa loob ng maikling panahon. Hindi sila madalas magkita, pero mayroon pa rin silang magandang relasyon."Ayos naman si Talia. Pinatira ko siya sa aking lumang bahay kasama ang isang tauhan para protektahan siya. Hindi mo kailangang mag-alala.”Nagpakita si Peyton ng banayad na ngiti."Gayunpaman, dapat kang mag-alala nang higit para sa iyong sarili."Ngumiti si Harvey."May nalaman ka ba?"Tumango si Peyton at tumingin sa paligid bago ituro ang isang maliit na daan."Bakit hindi tayo maglakad-lakad?"Tinanggap ni Harvey ang alok. Matapos senyasahn ang mga espiya ng Heaven’s Gate na umalis, sinamahan niyang maglakad-lakad si Peyton.Si Peyton ay nagbigay ng senyales sa mga eksperto ng Dragon Cell na huwag sumunod upang bigyan sila ng espasyo.Ang lugar ay isang gubat na may ilang mga libingang mukhang sinauna sa tabi ng daan. Isa sa mga customer ni Harvey ay n
Si Mandy Zimmer ay nasiyahan ng husto sa pananatili sa Ostrane One. Itinuturing na niyang tahanan ang lugar…At sa kabila nito, nangyari ang ganitong bagay.Ibinigay ni Harvey York kay Mandy ang isang piraso ng pastry pagkatapos buksan ang kahon."Sa nakikita ko, tinatrato ka ng Jean family na parang isang superhero!""Saanman may problema, ikaw ang haharap dito...""Malamang ay may malaking respeto sila sayo!"Tumawa ng mapait si Mandy."Tinatawag mong respeto yun?"Sinasadya nila akong ipadala sa kamatayan ko!"Ang Wolsing ay isang sinaunang lungsod na may isang libong taon ng kasaysayan!""Mas malalim pa ang tubig doon kaysa sa mismong Atlantic!""Ang Nine Elders, ang top ten families, ang five hidden families, at lahat ng uri ng puwersa ng iba't ibang sagradong martial arts training grounds...""Huwag kalimutan ang mga panlabas na puwersang nagdudulot ng gulo doon..."Ang lugar na iyon ay talagang nakakatakot."Mamamatay ang mga tao doon kung hindi sila mag-iingat."
Kalahating oras ang lumipas, umalis si Harvey York sa Golden Cell sakay ng isang magaspang na off-road na sasakyan.Walang pangangailangan na siya pa ang humawak sa natitirang sitwasyon. Dahil nandito na si Peyton Horan, tiyak na magbibigay siya ng paliwanag kay Harvey tungkol dito.Si Kensley Quinlan ay ikukulong sa buong buhay niya.Tungkol kay Faceless at sa kanyang anak na babae, malamang na magdusa sila pagkatapos mapunta sa kamay ng Golden Cell.Dahil sa kung gaano kalakas at misteryoso ang Evermore, sinubukan ng Bansa H na makahanap ng mga lead tungkol dito ngunit walang nagtagumpay.Mula nang mahuli si Faceless at ang kanyang anak na babae, nakagawa ng ilang progreso ang bansa.Pagbalik sa Fortune Hall, inihanda na ni Castiel Foster ang isang nagliliyab na baga para daanan nina Harvey at ng iba pa.Nagsimula siyang magdasal ng isang bagay pagkatapos noon.Humagulgol si Harvey. Nawalan siya ng masabi matapos makita ang tanawin.Sa wakas, siya ang pinaka-mahusay sa ganit
Nakaramdam ng paghihinagpis si Kensley Quinlan.Ang simpleng mga salita ni Harvey York ay sapat na upang makuha ang pabor ni Jesse Xavier.Dapat ay nasa panig ni Kensley si Jesse, pero madali siyang tinalikuran nito.Si Lexie York, na nanatiling tahimik hanggang ngayon, ay biglang tumayo."Tama ‘yun. Ang paninira sa kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa sa pamamagitan ng pang-aabuso sa kapangyarihan ay isang krimen. Kung hindi mo maipaliwanag ang iyong sarili, kailangan nating imbestigahan ang sitwasyon nang mabuti!"Kung may hindi pagkakaintindihan, o pinipilit kang gawin ito, dapat ka nang magsalita ngayon!"Ang apat na haligi ay lilinisin ang iyong pangalan!"Si Jesse ay ngumiti bago nagpakita ng malalim na ekspresyon sa kanyang mukha."Tama ‘yun. Mabuti pa umamin ka na."Pero, mas mabuti pang huwag kang magsasabi ng kalokohan."Lalo na, mas malaking krimen iyon."Ang tanging paraan para makaalis ka sa sitwasyong ito ay ibigay mo sa amin ang pangalan ng taong nasa l
Natigilan si Kensley Quinlan.Pinilit niyang lumingon bago tumingin kay Harvey York na may nakakatakot na ekspresyon."Idineklara ko nang wala kang sala! Malaya ka na! Ano pa bang gusto mo?!"Ang pagtatanong sa suspek ay responsibilidad ng Dragon Cell!""Kung hindi ka pa rin nasisiyahan, maaari kang humingi ng kompensasyon kapag lumiko ka pakaliwa pagkatapos mong lumabas!"“Ayon sa batas, bibigyan ka namin ng halos labing-anim na libong dolyar bilang kompensasyon.”"Sa tingin mo ba kailangan ko ng pera?"Kinagat ni Kensley ang kanyang mga ngipin."Ano pala ang gusto mo?""Ikinulong mo ako at sinampahan ng kaso nang walang dahilan.""Kung hindi ako pinalad, habambuhay sana akong mananatili sa likod ng rehas, di ba?""Baka barilin na ako sa puntong ito."Si Harvey ay bahagyang umiling."Bakit hindi mo ipaliwanag kung bakit mo ako pinahirapan ng ganito?""Nasaan ang paghingi mo ng tawad?"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley bago siya nagngalit ng kanyang mga ngipin."Pasensy
"Kung nais mo, maaari mong imbestigahan ang lugar at hanapin ang pangunahing salarin.""Sa totoo lang, wala naman akong kapangyarihan bilang isang simpleng first-in-command!""Hahayaan namin si Master Horan na asikasuhin ito bilang paggalang sa Dragon Cell. Ayos lang ba iyon?" tanong ni Samuel Bauer nang kalmado."Oo naman!" sagot ni Peyton Horan, na nakangiti.“Mga kawal!”"Dalhin niyo na sila!"Si Peyton ay ikinumpas ang kanyang kamay bago dinala ng kanyang mga eksperto ang nagngangalit na mag-ama palabas ng lugar.Ang dalawa ay may kakayahan sa martial arts. Si Faceless ay talagang kahanga-hanga dito…Ngunit sa sandaling ito, hindi sila magtatangkang lumaban.Si Samuel at ang iba pa ay muling inalis ang isa pang alas ni Kensley Quinlan.Lalong lumala ang kanyang ekspresyon agad nang makita ang nangyari.Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Alam niyang wala na siyang magagawa kay Harvey York ngayon.“Mukhang inosente pa rin ako."Walang makakapagp