Sa Buckwood Hotel.Bagama't hindi sikat ang lugar na ito, hindi ito binuksan sa publiko. Sa halip, ginamit ang lugar na ito para tanggapin ang mga dayuhang bisita at investors.Dito idadaos ang birthday banquet ni Lola Yates.Sa pamamagitan nito, makikita rin natin ang katayuan ng mga Yates sa Buckwood.Ngayon, hinarangan ng mga pulis ang mga kalsada sa lugar na ito. Marami sa kanila ang nagpapatrolya sa paligid.Maliban sa mga may invitation card, walang pwedeng pumasok sa lugar na ito.Sinabi ring maging ang mga waiter na bahagi ng internal services ay espesyal at maingat na pinili. Sapat ito upang mailarawan ang impluwensya ng pamilya Yates sa Buckwood.Sunod-sunod na pumasok ang mga luxury car sa parking lot ng hotel. Ang mga lumabas sa mga kotseng ito sa harap ng hotel ay pawang mga big shot mula sa mga elite ng Buckwood.May ilan ring mga tao mula sa mga business circle. Pagkatapos ng lahat, isang aristokratikong pamilya ang mga Yates.Sa mga taong ito, itinuturing ang p
“Tay, nandito kami para dumalo sa birthday banquet. May invitation card kami." Sabi ni Simon Zimmer, bahagyang nagngangalit ang kanyang mga ngipin.Hindi sigurado si Simon kung nagsasabi ng totoo si Harvey, ngunit hindi na siya makaka-atras ngayon!“Oh? May invitation card ka?" Tumawa si Zack Zimmer. "Edi ipakita mo ito sa amin!"“Ito…”Agad na napatingin si Simon kay Harvey York."Sabi ni Harvey...""Anong sinabi niya?" Napangiti si Zack."Sinabi kaya niya sa iyo na may sinabihan siyang magpapadala ng invitation card dito at hayaan kang pumunta?"“Oo.” sagot ni Simon.“Pfft! Hahaha…”Sa sumunod na segundo, nagtawanan ang mga Zimmer.Paano naniwala sina Simon at ang kanyang pamilya sa malamyang kasinungalingan ni Harvey?Sobrang nakakatawa ito!Tumingin si Senior Zimmer kay Simon at sinabi, “Napakatanga mo pa rin. Hindi ko dapat dinala ang pamilya mo sa Buckwood noon. Nahihiya talaga ako!”Maliwanag na nakalimutan ni Senior Zimmer kung bakit nakapunta ang pamilya Zimmer s
"Mr. York, Mrs. Zimmer, nandito kayo pareho. Heto ang inyong imbitasyon, pakitabi itong mabuti."Magalang na ibinigay ni Yvonne Xavier ang imbitasyon kay Harvey York. Saka siya tumalikod at umalis.Nagulat sina Simon Zimmer at Lilian Yates at hindi makapaniwala.'May nagpadala talaga ng imbitasyon!'Natulala rin ang mga Zimmer sa mga pangyayari. Hindi nagyayabang si Harvey York, may dumating talaga para magbigay ng imbitasyon!At ang taong nagdala ay walang iba kundi si Yvonne Xavier ng Sky Corporation!Anong karangalan!Habang hindi pa rin makagalaw sina Simon Zimmer at Lilian Yates sa pagkagulat, magalang na ibimbitahan ang kanilang pamilya sa banquet.Napuno ang malaking bulwagan ng mga tao.Hindi pinansin ni Mandy Zimmer ang hall na puno ng mga tao. Sa halip, tinitigan niya si Harvey.“Harvey, makinig ka sa akin!”“Ha? Hindi ba na sa loob na tayo?”Naguluhan si Harvey York.‘Nasa loob na tayo, anong problema ngayon?’Seryosong sinabi ni Mandy Zimmer, “May utang na loo
“Ma, Kuya!”Pinigilan ni Lilian ang kanyang mga luha. Sa wakas, matapos malayo sa kanyang pamilya sa mahabang panahon, nakabalik siya sa kanila!Excited rin si Simon. Gusto niyang batiin ang pamilya.Lalong nagliwanag ang kanyang mga mata matapos makita si Keith Yates.Kung makikilala niya ang lalaking ito, magiging matatag ang kanyang katayuan sa pamilya Zimmer sa hinaharap.Pero bago pa man siya makapagsalitak, tumango lang si Keith Yates.Si Lola Yates naman ay nagpakawala ng malamig na harrumph. Saglit niyang tiningnan si Mandy at ang kanyang pamilya, at saka ipinikit ang kanyang mga mata.Nagulat sina Simon at Lilian.Ito ang pinakamagandang halimbawa ng pagiging walang pakialam!Nakakahiya! Talagang nakakahiya!Mapagtitiisan pa ang ugali ni Keith Yates sa mga mata ni Lilian Yates.Natural na halos hindi pa siya tanggap ng kanyang kapatid bilang pamilya. Para naman sa sarili niyang ina, kailangan pa ng matanda ng mas maraming oras.Kung hindi araw ngayon ng birthday ba
Sa mga salita ni Harvey, tumingin ang lahat sa kanya ng may pagkasuklam.Lalo na si Lilian, na ang mukha ay kasingdilim na ng gabi.Naintindihan niya kung anong klaseng tao ang kanyang ina.Noong ikasal si Lilian kay Simon, ambisyosong lalaki pa siya. Noon pa man, gusto nang sakalin ni Grandma Yates si Lilian sa kanyang pinili.Ngayong may sinabi ang asawa ni Mandy Zimmer na nakakahiya, imposible para kay Lola Yates na magkaroon ulit ng mataas na tingin sa pamilya.Tulad ng inaasahan, tahimik na bumuntong-hininga si Grandma Yates, saka tumalikod siya at umalis. Hindi man lang niya pinansin ang pamilya ni Mandy Zimmer nang umalis siya.Malamig na pinandilatan ni Keith Yates si Harvey York, saka tumalikod at umalis din.Dahil napakahusay ni Mandy Zimmer sa mata ng mga Yates, matatanggap nila siya bilang kamag-anak.Ngunit dahil napangasawa niya ang isang lalaking tulad ni Harvey, kailangang pag-isipan ulit ng buong pamilya kung dapat ba talaga nilang tanggapin siya.“Ayos lang i
Pagkaraan ng mahabang panahon, nanginginig na tumayo si Simon at inakbayan si Lilian.“Honey, wag ka nang umiyak. Hindi pa nga natin alam kung anong nasa loob, paano kung maganda iyon?!”“Maganda? Paano iyon magiging maganda?!"Sobrang maputla na ang mukha ni Lilian."Umaasa lang ako na isang uri ito ng kristal o antique! Kung ito ordinaryong bagay iyon…”Halos himatayin ulit si Lilian habang nagsasalita.Sa wakas ay may pagkakataon siyang makipag-ayos kay Grandma Yates pagkalipas ng mahabang pagkakataon. Kung ang basurang ito na si Harvey York ang magiging dahilan ng pagkawala nito, baka mamatay talaga siya sa galit!Maya-maya, magsisimula na ang birthday banquet.Gayunpaman, karamihan sa mga VIP na bisita na dapat dadalo ay hindi pa dumarating.Halos lahat ng mga taong ito ay mga big shot ng South Light at gobyerno ng Buckwood.Maaaring si Keith Yates ang third-in-command ng South Light at may napakataas na katayuan sa gobyerno, ngunit ang mga big shot ang may hawak ng tuna
Habang nagtsi-tsismisan ang lahat, ilang lalaking naka-uniporme ang matikas na pumasok sa banquet hall.Pinangunahan sila ng isang binata. Mukha siyang twenty-seven or eight years old, ngunit may aura siya ng pagiging elite.Siya ang anak ni Keith at pinsan ni Mandy, si Finn Yates.Isa siyang captain-level inspector sa Buckwood Police Station, kung kaya nagtataglay siya ng awtoridad sa Buckwood.Pumasok siya sa bulwagan, kasunod ang kanyang mga tauhan, na mukhang tuwang-tuwa.“Lola, Dad. Hayaan iyong ipakilala ko siya sa iyo, siya ang second-in-command ng Buckwood Police Station, si Deputy Inspector Greg Finch. Siya ang third-in-command, si Kevin Caulfield…”Nagpakilala si Finn ng pito hanggang sa walong opisyales sa Buckwood Police Station. Pawang mataas ng isa o dalawang antas sa kanya ang mga ito.Gayunpaman, wala ang chief inspector.May paggalang ang lahat ng mga higher ups kay Finn Yates.Sa pangunguna ni Finn, naghandog ang bawat isa sa kanila ng kanilang mga regalo at
Ang totoo, sina Simon at Lilian ang may pinakamababang ranggo sa buong pamilya Yates.Hindi na kailangang sabihin pa, si Keith Yates ang third-in-command ng South Light. May mataas na katayuan siya at napakalawak na kapangyarihan.Malapit nang maging deputy inspector ng Buckwood Police Station ang kanyang anak, bata siya at maraming mararating.Tungkol naman kay Tanya Yates, nagsimula siya ng sarili niyang negosyo. Bagama't hindi ito isang major business, kimukita siya ng libu-libong dolyar kada taon.Si Leyton Luv naman ay ang vice president ng Buckwood Bank. Siya rin ay may napakalaking kapangyarihan at mataas na katayuan. Sa katunayan, hindi mabilang na mga tao ang patuloy na humingi ng tulong sa kanya.Kung ikukumpara sa kanilang lahat, walang binatbat sina Simon at Lilian. Mga payaso lang sila.Nakapagbigay ng magandang impresyon noon si Mandy Zimmer, ngunit sa huli ay nabigo siya dahil kay Harvey York.Sa ngayon, nahihiya sina Simon at Lilian.Biglang umalingawngaw ang mg
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”