Dinala ni Joel Flynn ang gift box sa pareho niyang mga kamay at lumakad sa tabi ni Ethan Hunt hanang may pagkamangha sa kanyang mukha, at kasama ang hiwayan ng madla.Pinakita ni Yonathan York ang regalo."Regalo ito para kay Lieutenant Colonel Ethan. Isa itong limited-edition Patek Philippe antique sports watch.""May kasaysayan ang relong ito na umabot sa isang daang taon, at nag-iisa ito. Tunay na hindi mabibili ng pera!""Para sa mga York, sa palagay namin ay angkop ang bagay na ito sa katayuan ni Lieutenant Colonel Ethan!""Huwag ka sanang magkamali ng intindi, Lieutenant Colonel Ethan!""Makakatanggap ang lahat ng dumalo sa banquet ngayong gabi ng mamahaling regalo!""Ito ang mga patakaran sa South Light, at mga patarakan din para sa mga York. Kung tutuusin, ito ang pangunahing layunin ng birthday banquet na ito!""Wala itong kinalaman sa kung ano pa man.""Huwag kang mag-alala, hindi ipagkakalat ng mga tao ang pagtanggap mo sa regalong ito. Isipin mo na lang na souvenir
Para kay Yonathan York, talagang dapat ipagdiwang ang mapansin ang kanyang sariling anak ng isang big shot na tulad ni Ethan Hunt.Posible ring kunin ng sarili niyang anak ang kanyang posisyon bilang pinuno ng pamilya sa hinaharap.Ngunit hindi ito magandang balita para kay Quinton York.Sa kanyang mga mata, marangal na tao si Ethan Hunt na inimbitahan gamit ang mga koneksyon ni Yonathan.At ngayong partikular na binanggit ni Ethan si Wayne York, ano kaya ang maaaring ibig sabihin nito?Gayunpaman, sandali lamang itong pumasok sa isip nina Yonathan at Quinton, lalo silang nasabik sa kasalukuyan.Ngayong nagsabi si Ethan ng ganoon, kahit sino pa ang susuportahan niya sa mga York, siguradong nagpapakita siya ng suporta sa pamilya York.Walang pakialam ang mga manonood na nasa baba ng entablado sa away sa loob ng pamilya York.Ang nakita nila ay ang pagpapakitang-gilas lamang ng mga York ng sandaling iyon.Ipinakita talagang kinilala ni Lieutenant Colonel Hunt mismo ang Famous Fo
Hindi nagtagal, kasama sina Yonathan at Quinton York sa kanyang tabi, narating ni Ethan Hunt ang middle seat na iniwang bakante para sa kanya.Nakangiting nagsalita si Yonathan, "Lieutenant Colonel Hunt! Nireserba ang upuang ito para sa iyo, walang sinuman dito sa kwartong ito bukod sa iyo ang karapat-dapat na umupo dito.""Maupo ka, Lieutenant Colonel Hunt!" Winelcome si Ethan ng second-in-command ng South Light para maupo habang may ngiti sa kanyang mukha.Para sa kanya, kinakailangan niyang mapanatili ang magandang relasyon kay Ethan Hunt.Nang marinig ang kanilang mga salita, nanatiling tahimik si Ethan at kumunot ang kanyang noo.Hindi siya umupo sa sandaling iyon o gumalaw man lang, itinuon niya ang kanyang tingin sa upuang nasa harapan niya.Sa sandaling iyon, medyo nag-panic ang lahat.Lalo na ang mga York, na hindi talaga maintindihan ang sitwasyong kanilang kanila.Kailangang tratuhin nang may pag-iingat ang isang big shot na tulad niya, ganoon din sa pamilya York.I
Tumawa si Ethan Hunt. "Tiyak na hindi ako ang karapat-dapat na umupo dito sa kwartong ito...""May iba pa?"“Sino ang taong iyon? Paki-paliwanag ito sa amin, Lieutenant Colonel Hunt!" Tanong ni Yonathan York."Hmm, kung hindi tatayo mismo ang taong iyon, hindi ako maglalakas-loob na sabihin ang pangalan niya."May misteryosong hitsura si Ethan."At saka, nasa kwarto na siya at nakikita ko siya!""Ano?! May isang taong mas mataas pa ang katayuan kaysa kay Lieutenant Colonel Hunt sa kwartong ito?""At may posisyon siyang kasing taas ni Lieutenant Colonel Hunt na hindi siya naglakas-loob na sabihin sa atin kung sino siya?"Sa sandaling iyon, naging magulo ang buong lugat, maging si Grandma York na nasa private room ay hindi mapigilang sumilip sa mga puwang ng mga bintana.Nais din niyang malaman kung anong klaseng big shot ang dumating sa Buckwood.Hindi ito isang mahalagang taong mula sa Wolsing, ‘di ba?"Lieutenant Colonel Hunt, mawalang-galang na pero pwede ko bang malaman k
Maya-maya, agad na tumayo ang mga tao at umaasang kilala nila ang taong binanggit ni Ethan Hunt.Kahit sina Rosalie Naiswell at Bruce Cloude ay kabilang sa kanila, tumingin din sila sa paligid, nais na makita kung sino ang taong iyon!Hindi mapakali ang lahat, lalo na ang mga nasa back row ng mga tao nang dumaan si Ethan sa middle row.Si Harvey York lang ang mukhang walang pakialam, matatag parang isang bundok, at hindi gumagalaw parang isang bato.Nang makita ito, hindi mapigilan ni Xynthia Zimmer na magbiro, "Brother-in-law, huwag mong sabihin sa aking ikaw ang tinutukoy ni Lieutenant Colonel Hunt."Walang pag-aalalang sinabi ni Harvey, "Mhm, tama ang hula mo."Ngunit tumawa lang si Xynthia, inakalang nagbibiro sa kanya ang kanyang brother-in-law.Ngunit makalipas ang maikling sandali, narating ng pangkat ng mga tao ang mga dulong hilera.Nagging excited ang mga taong nakaupo sa dulo at tumayo silang lahat.Tila hindi mapakali ang mga York.Talaga bang nilagay nila ang maa
Si Brother-in-law ba talaga yun?!Sa sandaling ito, wala nang maramdaman si Xynthia kundi pagkamangha at pagkagulat at hindi rin makapaniwala.Biglang binaling ng lahat ang kanilang tingin sa kanila.Nagging spotlight sina Harvey York at Xynthia Zimmer sa buong kwarto!Pakiramdam ni Xynthia ay parang hindi siya makahinga.Parang tumigil ang oras at nag-yelo ang hangin.Nawala ang lahat ng katwiran sa utak niya at para siyang latang walang laman.Nanginginig si Xynthia, gusto niyang tanungin ulit si Harvey ngunit hindi man lang niya makuha ng lakas para buksan ang kanyang bibig.Masyadong misteryoso ang lalaking ito!Thunk, thunk, thunk… Biglang lumabas si Ethan sa sandaling ito, lumilikha ang army boots ng nagmamartsang tunog sa makapal na carpet.Agad na narinig ng lahat ang tunog, para silang minamartilyo sa kanilang dibdib.Binalik ng tunog na ito ang lahat sa katotohanan mula sa paglipad ng kanilang isipan.Habang nakatingin sa nag-iisang lalaki at isang batang babaen
Nakakagulat!Nakakanginig!Hindi kapani-paniwala!Talagang isa itong hindi malilimutang bagay sa buhay ng mga taong naroroon sa birthday ceremony!Hindi inaasahan nina Yuna Shaw, Yvette Yanes, Carter Coen at iba pa na makita si Harvey York dito.Bukod pa dito, siya ang tunay na pinuno sa kanilang lahat!Hindi binigyan ni Ethan Hunt ng pagkakataon ang iba na humanga. Sa halip, yumuko siya at sinabi, “Chief Instructor, pumunta na po kayo sa pwesto sa harapan kasama ang iyong mga subordinates!”“Sa iyo ang upuan na iyon!”"Ikaw lamang ang karapat-dapat sa upuang iyon!"Bahagyang tumango si Harvey, at walang pakialam na sinabi, "Sige."Sa sandaling ito, halos pumalibot ang lahat.Dahan-dahang umikot si Ethan, nakatingin sa mga tao mula sa mga York, at sinabi, "Yonathan York, Quinton York, ayaw mo bang malaman kung sino siya?”“Ipapaliwanag ko sa inyo!”"Pansamantalang umalis ang taong ito sa Buckwood tatlong taon na ang nakararaan.”“Noong panahong iyon, hawak niya ang titulo
Nagduda pa rin si Rosalie Naiswell kay Harvey York kanina.Akala niya’y mayabang lang siya. Babalik na sana siya at udyokin ang kanyang lolo na huwag magpalinlang sa lalaking ito sa hinaharap.Gayunpaman, sa sandaling ito, biglang hindi niya alam kung anong ekspresyon ang dapat niyang ipakita.Kung naguguluhan siya kanina, mas naguguluhan siya ngayon.Muling binaling ni Harvey ang walang pakialam na tingin niya kay Bruce Cloude.Sinulyapan lang siya ni Harvey, hindi umiimik.Gayunpaman, tumulo ang malamig na pawis ni Bruce sa tingin ni Harvey.Tuluyan niyang hindi makontrol ang kanyang katawan sa sumunod na sandali. Agad siyang napaluhod.Hindi na muling tumingin sa kanya si Harvey pagkatapos niyon.Hindi siya karapat-dapat!Matapos dahan-dahan maglakad papunta sa harapan, hinila ni Ethan Hunt ang upuan para kay Harvey. Si Harvey naman ay kaswal na umupo.Katabi niya sina Ethan at Xynthia, at sa tabi nila ay sina Kyle Quinlan, Yoel Graham, at iba pa!Alam na nilang lahat na