Hindi man lang kumurap si Harvey York nang hinarap niya ang pangungutya ng lalaki.Sa paningin niya, walang halaga ang payasong ito. Kaya natural na wala siyang pakialam.Kung ikukumpara sa mga York, mas mababa pa ang lalaking ito sa isang maliit na piraso ng alikabok.Matapos makita ang ugali ni Harvey York, bahagyang nagbago ang isip ni Rosalie.Tatlong buwan na ang nakalipas, tila napuno si Harvey ng espiritu para sa kanya; isang lalaking kayang tanggihan ang kanyang sariling imbitasyon.Paano siya naging ganito na nilunok lang ang pagpapahiya sa kanya?Maaari bang magbago nang ganoon lang ang isang lalaki sa loob ng tatlong buwan?Matapos huminga nang malalim, binalik ni Rosalie Naiswell ang kanyang malamig na ugali.Tumingin siya nang masama sa lalaki at malamig na sinabi, “Bruce Cloude. Kung sino ang ida-date ko at magiging kaibigan ko ay hindi mo na problema, pwede ba?""Kung mang-iinsulto ka ulit ng kaibigan ko, huwag mo akong sisihin kung hindi na kita kakausapin!"N
Nang makitang napahiya si Harvey York ng dalawang tao nanggaling kung saan, medyo nagalit si Xynthia Zimmer.Hinila niya ang braso ni Harvey at malamig na sinabi, "Kayong dalawang lumabas kung saan!""Ang iikli ng paningin ninyong mga tao kayo!"“Magaling ang brother-in-law ko! Lalo na sa isang masamang taong tulad mo!”"Sa tingin mo ba ay takot siya sayo?! Wala lang siyang pakialam sa iyo!""Dahil langgam ka lang sa kanya!"Sa totoo lang, hindi alam ni Xynthia Zimmer ang totoong pagkatao ni Harvey.Ngunit ang isang taong binilhan siya ng isang property na nagkakahalaga ng ilang daang milyong dolyar nang ganoon lang, isang taong kayang bilhin ang Spinning Restaurant sa Buckwood Tower, ay hindi isang taong madaling mapukaw ng isang payasong tulad ni Bruce Cloude.“Naku, Harvey! Ang cute ng sister-in-law mo!"Wala man lang pakialam si Bruce Cloude. Sa halip, ngumisi siya sa kanila."Isa akong langgam? Sige, aaminin ko. Sa harap ng isang lalaking tulad ni Prince York, isa lang a
Medyo dismayado si Rosalie Naiswell kay Harvey York, ngunit hindi niya agad ito inilantad. Sa halip, malamig niyang sinabi, "Harvey York. Hindi ako naniniwala sa iyo dati, ngunit pinatunayan mo sa iyong sariling lakas na may kakayahan ka.""Ngayon, gusto kong makita kung magagawa mo rin ito. Patunayan mong tama ka, at talagang may kakayahan ka!”Malamig na tumawa si Bruce Cloude."Dahil gusto ito ni Rosalie, aasahan ko rin ito.""Kapag inangkin mo na ang mga York, sisiguraduhin kong maging security team leader mo ako. Bigyan mo sana ako ng pagkakataong gawin ito kapag nangyari iyon, CEO York!"Talagang trinato iyon ni Harvey York na isang totoong pangako.Saglit niyang tiningnan si Bruce Cloude mula ulo hanggang paa. "Tama, mukhang hindi ka akmang maging security team leader sa maselan mong katawan. Pero dahil nangako na ako sa iyo, sisiguraduhin kong makukuha mo ang posisyon.""Siguraduhin mong makapasok sa opisina sa oras."Pagkatapos, hindi na napigilan ni Bruce Cloude ang s
Nagtatakang nakatingin ang lahat kay Joel Flynn pagkatapos marinig ang kanyang mga salita.Habang napatunayan niya ang halaga ng antique watch, kayamanan pa rin ito ng isang patay.Hindi kalayuan sa likuran, nanlalamig na parang blizard ang mga ekspresyon ni Harvey York.Hindi namalayang napatingin sina Xynthia Zimmer at Rosalie Naiswell kay Harvey York.Pareho nilang naramdaman ang isang aura may hangaring pumatay sa kanyang titig.Sina Joel Flynn at Bruce Cloude, sa kabilang banda, ay hindi man tiningnan si Harvey York. Wala sa kanila ang nakapansin sa kanya.Sa oras na iyon, puno ng intensyong pumatay ang puso ni Harvey York.Hindi lamang pinaghati-hatian ang mga gamit ng kanyang mabuting kaibigan, may isa pang hinanda ito bilang regalo sa ibang tao!Kinaway ni Joel Flynn ang kanyang kamay, at maingat na dinala ng kanyang mga galamay ang isang safe box.Pumunta si Rosalie Naiswell at tiningnan ang nasa loob. Pagkatapos ay tahimik niyang sinabi, "Tama iyan, ito talaga ang an
Sa ngayon, medyo balisa sina Yonathan York, Quinton York, at ang mga higher ups sa loob ng York.Natural na napagtanto nilang ang lalaking ito ay walang iba kundi si Harvey York.Wala silang magawa habang pinapanood ang lalaki na pinalayas nila sa Buckwood tatlong taon na ang nakaraan na nakatayo mismo sa harap nila, buong buo.Sa punto pang nagsasabi siya ng isang nakakapukaw na bagay…Ito ba ang kanyang paraan ng pagpukaw sa prestihiyo ng pamilya York?Kung hindi dahil sa birthday banquet, at kung ibang okasyon iyon, may mga tao nang handang patumbahin si Harvey York.Pagkatapos ng lahat, masyadong maliit ang mga tsansang mag-isa si Harvey York.Marahil ay walang iba pang mga pagkakataong patumbahin siya kung papalampasin nila ito.Biglang tumawa nang mahina si Harvey York."Mas makakabuti kung wala talagang nabugbog.""Pagkatapos ng lahat, narinig kong ang isang kilalang doktor, si Tobias Baker ay dinala sa border para mag-opera ang mga sugatang sundalo. Sa palagay ko hind
Opisyal nang nagsimula ang banquet ni Grandma York. Maayos na nakaupo ang mga bisita sa kanilang mga upuan.Nakaupo si Grandma York sa isang kahon mag-isa, mukhang marangal ngunit mahiwaga.Ang mga panauhin naman ay may kanya-kanyang pwesto sa venue.Hindi masyadong malapit sa entablado ang upuan ni Xynthia Zimmer base sa natanggap niyang imbitasyon, nasa middle row siya nakaupo.Hindi ito masyadong inisip ni Harvey York. Umupo siya sa tabi ni Xynthia Zimmer.Sina Rosalie Naiswell, Bruce Cloude, at ang iba ay nakaupo sa middle seats na malapit sa front row.Ang karamihan ng mga upuan sa harapan ay nakalaan para sa mga taong may pinakamataas na katayuan.Ang mga taong dumalo sa banquet sa araw na iyon ay nagmula sa iba't ibang klaseng mga negosyo at background.Ang mga opisyal ng gobyerno, mga grupo ng mob, mga tao sa militar, at maging ang mga tao sa mga business circle ay naroon. Lahat sila ay may mataas na katayuan.Sapat na ito para patunayan kung gaano kakilakilabot ang mg
Halos napuno ang mga upuan sa front row nang isa-isang ipakilala ang mga malalaking tao.Ngunit may isa pang upuang nanatiling bakante.Alam ng lahat na mayroon lamang isang lalaking may kakayahang umupo doon mula sa mga nakaraang pangyayari.At iyon ay ang maalamat na si Prince York!Gayunpaman, iba ang sitwasyon ngayon.Sa araw na ito, ang upuan ay para sa pinuno ng apat na God of War sa South Light!Ang lalaking maaaring mag-trabaho kasama ang first-in-command, ang upuan ni Lieutenant Colonel Ethan Hunt!Kahit na lieutenant colonel lang si Ethan Hunt, masyadong malaki ang kanyang awtoridad.Tiningnan ni Yonathan York ang mukha ng madla na puno ng antisipasyon, saka ngumiti at sinabi, "Mga kasama, ibigay natin ang malakas nating palakpak sa pinuno ng apat na God of War, ang lieutenant colonel ng Sword Camp, si Ethan Hunt!"Clap, clap, clap, clap!Parang kidlat ang ingay ng palakpakan ng madla.'Nandito na si Ethan Hunt!''Masyadong mataas ang kanyang katayuan sa South Lig
Dinala ni Joel Flynn ang gift box sa pareho niyang mga kamay at lumakad sa tabi ni Ethan Hunt hanang may pagkamangha sa kanyang mukha, at kasama ang hiwayan ng madla.Pinakita ni Yonathan York ang regalo."Regalo ito para kay Lieutenant Colonel Ethan. Isa itong limited-edition Patek Philippe antique sports watch.""May kasaysayan ang relong ito na umabot sa isang daang taon, at nag-iisa ito. Tunay na hindi mabibili ng pera!""Para sa mga York, sa palagay namin ay angkop ang bagay na ito sa katayuan ni Lieutenant Colonel Ethan!""Huwag ka sanang magkamali ng intindi, Lieutenant Colonel Ethan!""Makakatanggap ang lahat ng dumalo sa banquet ngayong gabi ng mamahaling regalo!""Ito ang mga patakaran sa South Light, at mga patarakan din para sa mga York. Kung tutuusin, ito ang pangunahing layunin ng birthday banquet na ito!""Wala itong kinalaman sa kung ano pa man.""Huwag kang mag-alala, hindi ipagkakalat ng mga tao ang pagtanggap mo sa regalong ito. Isipin mo na lang na souvenir