Walang sinuman ang kayang palitan sa posisyon si Yonathan bilang pinuno ng mga York, maski si Harvey noong nasa rurok pa siya.Kahit na kinuha ng Famous Four ng mga York ang karamihan sa awtoridad ng pamilya, madali pa rin niyang napanatili ang kanyang posisyon bilang pinuno ng pamilya.Pinapakita lamang nito kung ano ang kakayahan ni Yonathan York.Sa katunayan, sinasabing kumatawan siya sa mga York at nakipaglaban sa maraming digmaan noon.Maaaring hindi malawak ang reputasyon ng lalaking tulad niya sa lipunan, ngunit ang kanyang posisyon sa loob ng mga York ay sobrang taas.Kumplikado ang relasyon niya sa mga taga-militar. Sinasabing kilala pa niya ang mga tinawag na god of war sa loob ng militar.Hindi maikakaila ang kontrol ni Ethan Hunt sa Sword Camp ng militar ng South Light, kaya't hindi magagamit ni Yonathan ang sinumang nagtatrabaho sa ilalim ni Ethan Hunt.Hindi ganoon sa iba pang mga sundalo. Madaling matatawagan ni Yonathan ang anuman sa kanila kung kailan niya gust
Tiningnan nang mabuti ni Yonathan York si Quinton York sa isang maikling sandali. Tapos, tumawa siya. “Ah, Quinton. Halos nakalimutan kong ikaw ang gumagawa ng mga desisyon para sa lahat ng mga pangunahing bagay na may kinalaman sa pamilya sa ilang nagdaang taon...""Ngayong mayroon kang naisip na plano, natural na hindi ako tututol dito.""Hindi ko kayang tanggapin ang ganyang papuri." mahinang ngumiti si Quinton. "Pansamantala lang akong humalili sa iyo at ginagamit ang iyong awtoridad bilang pinuno ng pamilya. Masaya kong ibalik sa iyo ang iyong kapangyarihan anumang oras na nais mo para rito.”Maingat na sumagot si Yonathan, "Dahil naipasa ko na sa iyo ang aking awtoridad, parang hindi tama kung babawiin ko ito.""Umaasa lang akong magagawa mo ang lahat ng makakaya mo kung magpapasya kang harapin ang lalaking iyon.""Gamitin mo ang pangalan ko at magpadala ka ng ilang mga sulat para tawagin ang mga dati kong kasamahan, subordinates, at kasosyo dito..."Tahimik na tumawa si Q
Lubos na trinato nang maayos nina Simon Zimmer at Lilian Yates si Harvey York sa mga nagdaang araw.Marahil ay nakonsensya sila, o naawa kay Harvey.Hindi ito pinansin ni Harvey. Masaya na siyang makitang mabuti ang lagay ni Mandy.Kinagabihan, binisita ni Xynthia Zimmer ang Gardens Residence.“Brother-in-law, may sabihin ko sa iyong malaking bagay! May mabuting balita ako!"Ngumiti si Xynthia.Nagtatakang nagtanong si Harvey, "Magandang balita? Ikakasal ka na ba?""Ano ba! Tumigil ka nga sa kalokohan mo, okay? Wala naman akong boyfriend. Ikaw ba ang pakakasalan ko?"May binanggit si Xynthia at konsensyang tumingin kay Mandy."Ano ang magandang balita?" Tanong ni Harvey. "Bilisan mo at sabihin mo na."Natutuwa si Xynthia at buong pagmamahal na niyakap si Harvey. “Subukan mong hulaan, Brother-in-law! Kung tama ka, bibigyan kita ng halik bilang pabuya..."May kakaibang silaw sa mga mata ni Xynthia habang nagsasalita siya.Walang pakialam na sinabi ni Harvey, "Hindi ako intere
Kinabukasan.Sa mga bihirang araw na sa wakas ay may oras na si Mandy Zimmer, sumigaw si Xynthia Zimmer tungkol sa kagustuhan niyang bumili ng bagong set ng mga damit. Kung kaya, dinala ni Mandy si Harvey York pra mamili kasama ang kanyang maliit na kapatid.Sa kasamaang palad, paikot-ikot ang mata ni Xynthia sa paligid at natatangi ang kanyang aesthetics. Sa kabila ng pag-ikot sa maraming shopping mall, hindi pa rin niya makita ang gusto niya.Bagaman lubos na nakakapagod ito para kay Harvey, nagustuhan niya ang ganitong klaseng buhay.Ang lahat ay simple. Pamimili, pagkain, at pag-inom. Para sa kanya, puno ng saya ang ordinaryong buhay ng karaniwang tao, naiiba mula sa buhay na ginugol para makipaglaban sa isa't isa sa kapangyarihan.Subalit, dinidikta ng tadhana na imposible para sa kanya ang mag-enjoy ang gayong buhay.Habang masaya siya sa karanasan, pagkatapos mamili buong araw, hindi na nakatiis si Harvey."Mamamatay na ako. Buong maghapon tayong nagsho-shopping at hindi
“Xynthia? Sinabi niyang pupunta siya para kitain ang kanyang dyosa at man-crush. Sinabi niya sa atin na mauna na tayong kumain. Susunod siya mamaya.""Malaki na siya. Hindi siya mawawala. Hayaan mo na lang siya.""Umakyat ka na muna at magpahinga."Nakangiting sinabi ni Mandy Zimmer. Nakita niyang medyo naiirita si Harvey."O sige."Hindi na masyadong nagsalita pa si Harvey. Sa halip, dumiretso siya sa harap ng elevator.Nang papasok na sana siya, may mga security guard na nagmadali."Bawal kayo pareho sumakay sa elevator!"Malamig na sinabi ng seguridad, hinarangan sila.Bahagyang nakasimangot si Harvey. "Bakit?""Ngayon, ang mga staff at crew members lang ang pwedeng gumamit sa ang lahat ng mga elevator. Bawal ang mga ordinaryong tao!" Paliwanag ng security guard. "Ito ay para maiwasan ang paparazzi na makapasok."Walang pakialam na sinabi ni Harvey, "Papunta sa Spinning Restaurant sa Buckwood Tower ang elevator na ito. Wala naman itong kinalaman sa event mo, ‘di ba?”“Si
"Anong ibig mong sabihin?" Walang pakialam na sinabi ni Harvey York."Ang mga guest ngayon ay pawang mga major superstars. Kung may mangyari sa kanila, kaya bang bayaran ng isang hampaslupang tulad mo ang mga kahihinatnan?"Nagtanong ang security chief.Malamig na sinabi ni Harvey, "Kung tama ang pagkakaalala ko, isa itong pampublikong lugar, ‘di ba? Hindi ba pwedeng makalakad ako sa entablado? Wala sa mga ito ang may katuturan.""Karaniwan ay pwede, pero hindi ngayon!"Malamig na dumura ang pinuno ng seguridad."Ginamit niyo ang pampublikong lugar nang walang awtoridad. Pinagbawalan niyo pa ang mga tao na dumaan! Ang laki rin ng kapangyarihan niyo, no!” Sinabi ni Harvey, malalim ang boses niya."Oo, malaki ang kapangyarihan namin. Pagkatapos ng lahat, may mga malalaking artisting sumusuporta sa amin! Ang perang kanilang kinita sa loob lamang ng ilang minuto ng pagpapakita ay isang halagang hindi mo kailanman makukuha sa buong buhay mo!""Ito ang pribilehiyo!" Sigaw ng security
Noong una, normal ang ekspresyon ni Harvey. Nang kausapin siya ni Yuna sa ganoong paraan, hindi niya maiwasang malamig na sumagot. "Gusto ko lang gamitin ang elevator para umakyat at kumain. Sinabi mong naka-block naka-block ang lugar at hindi mo ako hahayaang umakyat.""Sige, hindi na ako kakain.""Ngayong gusto kong lumabas, at hinaharangan mo pa rin ang daanan ko. Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo bang lumipad ako palabas dito?"Sa mga salita ni Harvey, malamig na sinabi ni Yuna, "Wala akong pakialam kung paano, pero mas mabuti kung lalabas ka na agad ngayon!""Lalabas, ganoon ba?" Tumango si Harvey. "Tingnan natin kung sinong gagawa niyon!"Nang marinig nila ang pagyayabang ni Harvey, tumawa si Yuna at ang iba pa.Papalayasin sila ng lalaking ito? Nasa tamang pag-iisip pa ba siya?Nang hahayaan na lang ng mga managers ang security na itaboy si Harvey, dumating ang ilang artistang nakatayo sa ‘di kalayuan. Nagsimulang maghiyawan ang mga fans.Nagmamadaling lumakad si Yuna
Sa sandaling ito…Natulala si Carter Coen.Natulala si Yvette Yanes.Kahit si Yuna Shaw ay medyo nagulat.Lalo na ang mga security guard. Sa mismong segundong iyon, tahimik silang lahat.Ang middle-age na lalaking sobrang galang kay Harvey ay hindi lamang basta-bastang tao, ngunit sa katunayan ay siya ang general manager ng Buckwood Tower. Ang kanyang posisyon ay katumbas ng may-ari ng Buckwood Tower, gayon pa man ay magalang siya sa harap ng taong ito.Higit sa lahat, kita ng mga nakatayo sa likuran niya ang kanyang damit na basa sa malamig na pawis.Hindi nila ito maisip!Kinausap ni Harvey ang taong in charge sa Buckwood Tower na bumaba sa loob ng tatlong minuto. Sa huli, talagang bumaba ang lalaki sa loob ng tatlong minuto.Dati, naglakas-loob si Yuna na maging mayabang sa harap ni Harvey. Ngayon, hindi na siya nangahas.Alam niya at ng iba pang mga manager ng mga celebrities kung paano gumagana ang mga bagay sa circle na ito. Naintindihan nilang mabuti ang lakas ng pera.
Si Mandy Zimmer ay nasiyahan ng husto sa pananatili sa Ostrane One. Itinuturing na niyang tahanan ang lugar…At sa kabila nito, nangyari ang ganitong bagay.Ibinigay ni Harvey York kay Mandy ang isang piraso ng pastry pagkatapos buksan ang kahon."Sa nakikita ko, tinatrato ka ng Jean family na parang isang superhero!""Saanman may problema, ikaw ang haharap dito...""Malamang ay may malaking respeto sila sayo!"Tumawa ng mapait si Mandy."Tinatawag mong respeto yun?"Sinasadya nila akong ipadala sa kamatayan ko!"Ang Wolsing ay isang sinaunang lungsod na may isang libong taon ng kasaysayan!""Mas malalim pa ang tubig doon kaysa sa mismong Atlantic!""Ang Nine Elders, ang top ten families, ang five hidden families, at lahat ng uri ng puwersa ng iba't ibang sagradong martial arts training grounds...""Huwag kalimutan ang mga panlabas na puwersang nagdudulot ng gulo doon..."Ang lugar na iyon ay talagang nakakatakot."Mamamatay ang mga tao doon kung hindi sila mag-iingat."
Kalahating oras ang lumipas, umalis si Harvey York sa Golden Cell sakay ng isang magaspang na off-road na sasakyan.Walang pangangailangan na siya pa ang humawak sa natitirang sitwasyon. Dahil nandito na si Peyton Horan, tiyak na magbibigay siya ng paliwanag kay Harvey tungkol dito.Si Kensley Quinlan ay ikukulong sa buong buhay niya.Tungkol kay Faceless at sa kanyang anak na babae, malamang na magdusa sila pagkatapos mapunta sa kamay ng Golden Cell.Dahil sa kung gaano kalakas at misteryoso ang Evermore, sinubukan ng Bansa H na makahanap ng mga lead tungkol dito ngunit walang nagtagumpay.Mula nang mahuli si Faceless at ang kanyang anak na babae, nakagawa ng ilang progreso ang bansa.Pagbalik sa Fortune Hall, inihanda na ni Castiel Foster ang isang nagliliyab na baga para daanan nina Harvey at ng iba pa.Nagsimula siyang magdasal ng isang bagay pagkatapos noon.Humagulgol si Harvey. Nawalan siya ng masabi matapos makita ang tanawin.Sa wakas, siya ang pinaka-mahusay sa ganit
Nakaramdam ng paghihinagpis si Kensley Quinlan.Ang simpleng mga salita ni Harvey York ay sapat na upang makuha ang pabor ni Jesse Xavier.Dapat ay nasa panig ni Kensley si Jesse, pero madali siyang tinalikuran nito.Si Lexie York, na nanatiling tahimik hanggang ngayon, ay biglang tumayo."Tama ‘yun. Ang paninira sa kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa sa pamamagitan ng pang-aabuso sa kapangyarihan ay isang krimen. Kung hindi mo maipaliwanag ang iyong sarili, kailangan nating imbestigahan ang sitwasyon nang mabuti!"Kung may hindi pagkakaintindihan, o pinipilit kang gawin ito, dapat ka nang magsalita ngayon!"Ang apat na haligi ay lilinisin ang iyong pangalan!"Si Jesse ay ngumiti bago nagpakita ng malalim na ekspresyon sa kanyang mukha."Tama ‘yun. Mabuti pa umamin ka na."Pero, mas mabuti pang huwag kang magsasabi ng kalokohan."Lalo na, mas malaking krimen iyon."Ang tanging paraan para makaalis ka sa sitwasyong ito ay ibigay mo sa amin ang pangalan ng taong nasa l
Natigilan si Kensley Quinlan.Pinilit niyang lumingon bago tumingin kay Harvey York na may nakakatakot na ekspresyon."Idineklara ko nang wala kang sala! Malaya ka na! Ano pa bang gusto mo?!"Ang pagtatanong sa suspek ay responsibilidad ng Dragon Cell!""Kung hindi ka pa rin nasisiyahan, maaari kang humingi ng kompensasyon kapag lumiko ka pakaliwa pagkatapos mong lumabas!"“Ayon sa batas, bibigyan ka namin ng halos labing-anim na libong dolyar bilang kompensasyon.”"Sa tingin mo ba kailangan ko ng pera?"Kinagat ni Kensley ang kanyang mga ngipin."Ano pala ang gusto mo?""Ikinulong mo ako at sinampahan ng kaso nang walang dahilan.""Kung hindi ako pinalad, habambuhay sana akong mananatili sa likod ng rehas, di ba?""Baka barilin na ako sa puntong ito."Si Harvey ay bahagyang umiling."Bakit hindi mo ipaliwanag kung bakit mo ako pinahirapan ng ganito?""Nasaan ang paghingi mo ng tawad?"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley bago siya nagngalit ng kanyang mga ngipin."Pasensy
"Kung nais mo, maaari mong imbestigahan ang lugar at hanapin ang pangunahing salarin.""Sa totoo lang, wala naman akong kapangyarihan bilang isang simpleng first-in-command!""Hahayaan namin si Master Horan na asikasuhin ito bilang paggalang sa Dragon Cell. Ayos lang ba iyon?" tanong ni Samuel Bauer nang kalmado."Oo naman!" sagot ni Peyton Horan, na nakangiti.“Mga kawal!”"Dalhin niyo na sila!"Si Peyton ay ikinumpas ang kanyang kamay bago dinala ng kanyang mga eksperto ang nagngangalit na mag-ama palabas ng lugar.Ang dalawa ay may kakayahan sa martial arts. Si Faceless ay talagang kahanga-hanga dito…Ngunit sa sandaling ito, hindi sila magtatangkang lumaban.Si Samuel at ang iba pa ay muling inalis ang isa pang alas ni Kensley Quinlan.Lalong lumala ang kanyang ekspresyon agad nang makita ang nangyari.Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Alam niyang wala na siyang magagawa kay Harvey York ngayon.“Mukhang inosente pa rin ako."Walang makakapagp
Bago iyon, muling nagsalita si Harvey York nang kalmado.“Sandali lang.” Mayroon kang hindi pa nasasabi sa amin."Anong meron dito?"Pagkatapos, sumulyap si Harvey sa mga karayom.Si Cristan Gibson ay tumingin sa mga karayom bago siya kusang nanginginig."Pagdating ko rito, may lumapit sa akin bago ipasok ang mga iyon sa akin," sabi niya na may tuyong boses."Sabi niya sa akin kung hindi ko sasabihin ang lahat ng gusto niyang marinig, gagamitin niya ang mga restriksyon para patayin ako.""Ang gusto niyang ipasabi sa akin ay sina Sir York at ang iba pa ay kasangkot sa pagkamatay ni Aung."“Naiintindihan ko.”Tumawa si Harvey bago tumingin kay Kensley."Maaaring hindi mahigpit ang seguridad ng Golden Cell, o talagang tapat lang ang mga tauhan mo...""Kung hindi, hindi sana inatake ang saksi na ito, di ba?""Kung pababagsakin mo ako, sana naman humanap ka ng kapani-paniwalang ebidensya."“Ang pag-frame sa akin ng ganito ay masyadong nakakabagot.”"Hindi ka lang nagiging kahi
”Kalokohan!”Galit na galit si Kensley Quinlan."Kailan ko iminungkahi sa'yo ang ganitong bagay?!"Huminga ng malalim si Cristan Gibson bago tumingin kay Kensley na may mukha na kasing puti ng papel."Tuwing tinatanong mo ako, lagi mong sinasabi na maliligtas ako kung aaminin kong sina Sir York at ang iba pa ang mga nakatataas ko!""Di ba iyon ay itinuturing na mungkahi?""Ayon sa mga patakaran, may video footage ng bawat Golden Cell interrogation!""Ang lahat ng sinasabi ko ay mapapatunayan sa sandaling makita natin ang mga iyon!"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley habang siya ay magbibigay ng isang kilos."Ms. Kensley, mas mabuti pang huwag mong utusan ang mga tauhan mo na sirain ang footage," sabi ni Harvey habang pinupunasan ang kanyang mga daliri."Bukod sa pagpapakita na may kasalanan ka talaga, wala kang makakamit na kabutihan!"Muntik nang mabali ang ngipin ni Kensley dahil sa pagngangalit. Na-control ni Harvey ang buong sitwasyon gamit ang kanyang mga salita muli, ha
Tumango si Harvey York kay Peyton Horan bago hampasin si Cristan Gibson sa kanyang noo.Sa susunod na sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay bago ipakita ang asul na karayom na hinugot mula sa ulo ni Cristan.Hindi masyadong inisip ni Kensley Quinlan ito, naniniwala na hindi kayang alisin ni Harvey ang restriksyon ni Cristan…Ngunit agad na namutla ang kanyang mukha nang makita ang karayom.Ang lalaking iyon ang nagtakda ng limitasyon, ngunit napakadali nitong naalis…Pfft!Hinila ni Harvey ang mas maraming karayom mula sa puso at tiyan ni Cristan.Nang hinila ang huling karayom, tila agad na-relieve si Cristan. Ang kanyang masakit na ekspresyon ay hindi na makita.Clink!Binalibag ni Harvey ang karayom sa lupa nang walang pakialam. Si Kensley at ang iba pa ay agad na umatras matapos naamoy ang masangsang na amoy mula sa mga karayom.Tuluyang pinabayaan ni Harvey ang mga tao nang punasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang tissue."Ayan. Ayos na si Cristan n
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p