Makikilala ni Lilian ang taong ito kahit maging abo ito dahil siya ang walang kwentang live-in son-in-laws—si Harvey! Hindi dahil sa hindi pa siya nakakita ng Porsche, pero ang kanya ay isang entry-level model, na nagkakahalaga ng halos isang daang libong dolyar.Gayunpaman, ang minaneho ni Harvey ay special edition Panamera na ang presyo ay humigit-kumulang four hundred thousand dollars. Ang kotse ni Mandy ay maliit lamang ang halaga kumpara doon. Kahit na ang pamilya Zimmer ay nagpapatakbo ng malaking negosyo, second-class family pa rin sila. Mahirap para sa mga ordinaryong tao ang magbayad ng ganitong halaga upang makabili ng kotseng tulad nito.Ang kotseng ito ay pwedeng ituring na dream car ni Lilian. Kung kaya, hindi siya makapag-react kahit na lumabas ang kanyang walang kwentang son-in-law sa kotse.Walang pakialam dito si Harvey. Sa halip, lumakad siya at binati si Mandy habang may bitbit sa kanyang kamay. "Nakabalik na ako."Medyo nataranta din si Mandy. Tumingin siya kay
Samantala, nakapila si Harvey para mamili ng milk tea. Nag-ring ang kanyang cell phone. Rinig ang boses ni Yvonne sa kabilang linya. "CEO, may nag-upload ng video ni Zack na itinaboy sa internet. Kinukwestyon na tayo ng mga netizen, masyado daw tayong malupit. Kailangan ba nating magsagawa ng isang press conference para maipaliwanag ito?"Nag-isip sandali si Harvey at sinabi, “May kuha ba sa meeting room sa araw na iyon? Takpan na lang ang mukha ng babaeng nasa front desk at humanap ng magpo-post nito online.”"Opo!" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne nang marinig niya iyon. ‘Si CEO talaga ang CEO. Ang bilis niyang nalutas ang isang malaking isyu sa dalawang pangungusap lang. Bakit hindi ko naisip iyon?'Binaba na ni Harvey ang cellphone at hindi na hinintay ang papuri ni Yvonne. Kinuha niya ang kanyang milk tea at handa nang umuwi.Bigla siyang nakarinig ng tili ng preno sa likuran niya sa paglalakad niya sa gilid ng kalsada. Isang Audi A4 ang biglang huminto sa likuran ni Harvey at h
“Oo, Brother Howard, ang galing mo. Nakahanap ka ng trabahong may annual salary na seventy six thousand dollars. Paano niya—isang live-in son-in-law, maiintindihan ang mga ito?!” Ang babaeng may makapal na make-up ay ubod ng yabang na tila ay nakatagpo siya ng isang mayamang asawa.Gulat na tumingin si Harvey kay Howard. Mukhang may talento ang taong ito.Akala ni Howard ay naiinggit si Harvey nang makita ang kanyang tingin. Nagpakumbaba siya at sinabi, “Huwag mong inisin ang dati kong kaklase. Swerte lang ako. Ang pinsan ko—si Don Xander ay isang senior executive ng York Enterprise. Pinadala niya dati sa kumpanya ang resume ko, at tingin ng kumpanya ay mahusay ako. Kaya kinuha nila ako. Wala yun.”Si Howard ay ubod ng yabang nang binanggit niya ang York Enterprise. Kung sabagay, alam ng lahat na ang mga York—and top family ng Niumhi ang nasa likod ng York Enterprise. Magkakaroon siyang promising career kung makakapag-trabaho siya kasama ang isang maimpluwensyang pamilya.Napatigil
"Isa pala siyang live-in son-in-law. Isa siyang kahihiyan sa mga kalalakihan!""Hoy, sinasabi ng gwapong ito na ang live-in son-in-law na ito ay tinukso ang mga kaklase niyang bumili ng mamahaling wine sa kanilang reunion dinner. Pero, hindi siya nagtagumpay na lokohin ang mga kaklase niya. Pinagyayabang niya pang may hinayaan siyang i-waive ang bill para sa kanila.”"Paanong may ganong tao? Kahihiyan siya sa mga kalalakihan!""Napaka-walang kwentang basura! Bakit hindi na lang siya sagasaan?"Pinag-tsitsismisan sila ng mga tao, at agad nagalit si Harvey.‘Napakaganda ng mood ko ngayon. Lumabas lang ako para bumili ng milk tea ng asawa ko. Paano kami nagkita ng tangang ito? Bakit hindi ko alam na ungas si Howard?'Mas naging arogante ang babaeng katabi ni Howard ngayon.Nang malapit nang magpatuloy si Howard, maingat na nilapag ni Harvey ang milktea sa lupa. Malamig niyang sinabi, "Howard, binabalaan kita dahil kaklase kita, huwag mo nang palakihin ito!"“Bakit? Anong kaya mong
Lumaki ang ulo ni Howard at sinadyang ilagay sa speaker mode ang cellphone niya para marinig ng lahat. Pagkatapos ay umubo siya at sinabi nang malakas, “Manager, sabi niyo ba pinirmahan na ng CEO ng York Enterprise ang appointment letter ko?”Ang mga usisero ay nakatingin kay Howard na may paghanga nang sinabi niya ang mga salitang iyon.“Sinabi ng elite na to na magtatrabaho siya sa York Enterprise na may annual salary na seventy-six thousand dollars!”“Tiyak na siya ay galing sa senior management, at maganda ang kanyang kinabukasan!”“Ito ang ibig sabihin ng maging matagumpay habang bata pa. Sabi daw na ang York Enterprise ay napaka-demanding kahit sa paghahanap ng security guard nila. Isa pa, napakaraming koneksyon ng kumpanyang ito. Ang mga nakakapasok sa kumpanya ay mga industry elite!”Sa sandaling ito, maraming tao ang naiinggit sa kanya at nais na mapunta sa pwesto niya.Sa sandaling ito, ang may makapal na make-up na nakatayo sa tabi ni Howard ay nakatingin sa kanya na m
Nagdilim ang mukha ni Lilian Yates nang makita si Harvey York na papasok sa bahay. “Ikaw na basura ka, bakit ang tagal mong mamili? Palagay mo ba magkakaroon ka ng anak? Hindi mo ba alam na si Senior Zimmer ay nagpadala ng tauhan para dalhin si Mandy at ikaw doon?”Habang nakikinig sa mga insulto at tinitingnan ang nandilim na mukha ni Lilian, alam ni Harvey na ang kooperasyon sa pagitan ng pamilya Zimmer at ng York Enterprise ay nasira na. Baka pinapahiya na naman ng pamilya Zimmer si mandy Zimmer. Kung hindi man, hindi mukhang kakila-kilabot si Lilian.Nag-aalala si Mandy sa sandaling ito. Agad siyang umupo sa Porsche ni Harvey nang makita niyang nakauwi na siya. Wala na nga siyang oras para uminom pa ng milk tea. Hindi masyadong nagsalita si Harvey at mabilis na pinaandar ang sasakyan.Hindi nagtagal, dumating sina Harvey, Mandy, at Lilian sa Zimmer Villa.Sa sandaling ito, tinawag na ni Senior Zimmer ang mga may karapatang magsalita sa pamilya Zimmer.Ang mukha ng lahat ay pun
Malamig na tiningnan ni Senior Zimmer si Mandy at hindi na nagpaliwanag pa. Si Mandy Zimmer ay ipinanganak na babae at walang nakuhang pagmamahal. Ngayon, gumawa siya ng ganito kalaking gulo. Ang pagtakwil sa kanila ay isang malaking pabor sa kanila.Nang mukhang kaawa-awa at litong-lito sina Mandy at Lilian Yates, si Harvey York na nanonood sa gilid kalaunan, ay mabagal na tumayo at nakangiting nagsalita. “Senior Zimmer, palagay ko hindi ka nagiging patas.”Ano?Hindi patas?Hahahaha!Maraming tao ang hindi mapigilang tumawa sa sandaling ito sa orihinal na meeting room na puno ng tensyon.Talagang nakakatawa si Harvey. Anong klaseng okasyon ito? Meron ba siya—isang live-in son-in-law na karapatang magsalita? Sabihing hindi patas si Senior Zimmer? Tingin niya ba rito ay isang soap opera?Si Senior Zimmer ay may isang salita. Hindi siya umaatras sa kanya nang napagpasyahan. Ang lakas ng loob ng walang kwentang live-in son-in-law na ito na bigyan siya ng leksyon!Sa sandaling ito
Ngumiti si Harvey York. “Zack, huwag mong isiping walang nakakaalam kung anong ginawa mo…”“Anong alam mo? Anong alam ng isang tagalinis na tulad mo? Sigaw ni Zack Zimmer. “Lolo, sinusubukan ng lalaking itong guluhin ako. Bilisan niyo at utusan niyo ang mga security na paalisin siya!”Samantala, sinabi rin nang malamig ni Senior Zimmer, “Harvey, bibigyan kita ng pagkakataon dahil ikaw ay para na ring miyembro ng pamilya Zimmer. Ngayon, lumuhod ka at humingi ng tawad kay Zack. Kung hindi, huwag mo akong sisihin kung magiging barumbado ko.”Hindi man tumingin si Senior Zimmer kay Harvey nang sinabi niya ito.Naniniwala talaga siyang ang investment ay binawi dahil sa contract fraud. Hindi na siya nag-isip pa ng ibang mga posibilidad.Ang mga miyembro ng pamilya Zimmer ay nagagalak habang nakikita nila ang matandang nagsasalita nang ganito.“Lumuhod ka! Live-in son-in-law! Lumuhod ka na! Baka matulungan ka pa naming humingi ng awa!”“Zack, hayaan mo siyang lumuhod. Kung hindi siya l
Bandang alas-singko ng hapon, nagmaneho si Kairi para sunduin si Harvey.Ang pamilyang Patel ay isa sa limang nakatagong pamilya, ngunit walang nakakaalam na sila ay naninirahan sa isang magandang maliit na bayan na daan-daang milya ang layo mula sa Golden Sands.Ang Tahanan ng mga Patel!Medyo rustic ang pangalan. Si Harvey ay medyo na-bingi sa gulat nang dumating siya.Akala niya magiging isang tahimik na kanayunan, pero makikita niya ang mga villa at townhouse sa lahat ng dako. Ang mga kalye ay puno ng mga mamahaling sasakyan.Isinasaalang-alang na ang lugar na ito ay kung saan nagmula ang pamilya Patel, ito ay isang mayamang lugar. Walang karaniwang tao ang makakapag-isip kung ano ang hitsura ng lugar na ito.Mabilis na naintindihan ni Harvey ang sitwasyon pagkatapos ng paliwanag ni Kairi.Ang mga pangunahing sangay ng pamilya Patel ay kumalat sa buong mundo. Ngunit kahit gaano sila kalayo—kahit gaano pa sila kagaling, maipagmamalaki pa rin nila ang kanilang tahanan sa Patel
”Tungkol kay Peyton, sa tingin ko wala rin itong kinalaman sa kanya."Posibleng na-set up siya...“O baka pinilit siya."Sa huli, ang karakter ng mga matatandang ito ay hindi basta-basta maaring gayahin ng mga kabataan."Sinabi ni Harvey kay Kairi ang lahat ng nangyari, na parang hindi siya ang nakaranas nito ng personal.Sumimangot si Kairi."Ang iyong kahanga-hangang kakayahan sa pakikipaglaban ay lalo lamang magpapalakas ng pagnanais ni Blaine na patayin ka.“Mayroon kang malapit na relasyon sa Patel family at sa anim na Hermit Families."Walang sinuman sa amin ang nakapansin, naging tagapagsalita ka na para sa aming mga interes."Gusto ng John family ang Golden Sands para sa kanilang sarili. Hindi titigil si Blaine hanggang hindi ka namamatay.”"Kung talagang kasabwat niya ang Evermore at ang Island Nations, hindi ko siya palalampasin," sagot ni Harvey.Huminga ng malalim si Kairi at tumango. "Oo nga pala, narinig ko na si Mandy ay malapit nang pumunta sa Wolsing."Bigl
Habang nag-iisip pa, bumalik si Harvey sa Fortune Hall.Hindi alam nina Castiel at ng iba pa na siya ay dumaan sa isang sitwasyon ng buhay at kamatayan. Agad nilang inihain kay Harvey ang isang tasa ng tsaa pagpasok niya.“Nasaan si Mandy?”Nang makita niyang walang tao sa lugar, tumingin si Harvey sa back hall.Nag-atubili si Castiel sandali."May gusto sanang sabihin sa'yo ni Mrs. Zimmer."Nagpunta siya para magpaalam."Kung handa kang pumunta sa Wolsing kasama siya, maaari mo siyang tawagan kahit kailan."Natigilan si Harvey; nabanggit ni Mandy ang pagpunta sa Wolsing, pero hindi niya akalain na ganito siya kabilis.Tumingin si Harvey sa direksyon ni Mordu.Hindi siya maniniwala kung ang pag-alis ni Mandy ay walang kinalaman sa pamilya Jean o sa sampung pinakamalalaking pamilya. Marahil hindi niya alam na ginagamit na siya bilang isa sa mga trump card laban sa kanya.Ang mga taong pinakamalapit sa kanya ang siyang makakasakit sa kanya ng pinakamarami, pagkatapos ng lahat!
May ngiti sa magandang mukha ni Lexie."Sa usaping katandaan, kailangan mo akong tawaging Tita."Hindi ko papatayin ang isang tao para lang patahimikin sila!“Alam ko na ang mga Islander ay mga mapagsamantala, at ikaw ay isang binatang halos walang karanasan!"Iyon ang dahilan kung bakit ako nagpakita para patayin ang mga taong ito!"Sinagip kita! Kahit hindi mo ako pasalamatan, sana huwag mo naman akong siraan ng ganyan!”Nagpakita si Lexie ng isang kaawa-awang ekspresyon nang walang magawa siyang tumingin kay Harvey. Parehong walang kapintasan ang kanyang mukha at katawan. Anumang lalaki ay maloloko sa kanyang kaakit-akit na kilos.Si Harvey ay kumunot ang noo kay Lexie, pagkatapos ay ngumiti."Kung ano ang inaasahan mula sa ginang ng Dragon Palace.""Hindi lang ikaw magaling sa pagbaril, magaling ka rin sa mga salita.""Wala akong laban sa'yo, sa totoo lang."“Gayunpaman, medyo mabagal ka.“Sinabi na sa akin ng elder ang kailangan kong malaman."Hindi pa tayo tapos dito
Mas mahalaga, si Harvey ay gumagamit lamang ng kanyang palad.Kung gumamit siya ng anumang galaw mula sa sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts, aaminin ng mga nakatatanda ang pagkatalo.Sa wakas, ang mga sining ng pakikidigma ng Country H ay hindi matutumbasan.Gayunpaman, ang mga atake ni Harvey ay simple. Ang kanyang bilis ay talagang pambihira.Bawat sampal ay tila mahina, ngunit ang mukha ng matanda ay ngayon ay lubos nang namamaga. Patuloy siyang natitisod paatras.Sige na! Ikaw ay isang kilalang tao sa Island Nations!Sabihin mo sa akin nang tapat!“Sa kabila ng iyong Bushido Spirit, ang tanging magagawa mo lang ay lumuhod, di ba?”Patuloy na pinagsasampal ni Harvey ang matanda hanggang napilitan itong gumapang muli sa lupa.Ang iba pang pitong matatanda ay natigilan sa kanilang kinalalagyan. Hindi sila maglalakas-loob na gumalaw kahit kaunti, at agad silang lumuhod sa lupa.‘Nagbibiro ka ba? Ang mga sampal niya ay talagang nakakatakot!Ang mga sampal niya ay tal
”Tapusin na natin ‘to, Harvey!”Matapos makita na lahat ng iba ay itinaboy, ang nakatatandang lalaki sa harap ay natumba mula sa lupa at itinutok ang kanyang espada kay Harvey."Ako pa rin ang elder ng pamilya Masato! Ako ay isang tunay na royalty, na may dugong maharlika!“Maging sa Island Nations, ako ay isang pigura na sinasamba ng maraming tao!”"Kaming makapangyarihang mga Islander ay hindi mapapahiya ng isang katulad mo!"Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso. "Lumuhod ka, at hindi kita papatayin.""Gusto mong lumuhod ako?!"Ang elder ay nag-aapoy sa galit. Galit na galit siyang tumawa."Sino ka ba sa akala mo, hayop ka?"Talaga bang iniisip mo na magagawa mo ang lahat ng gusto mo dahil lang ikaw ang kinatawan ng Country H Martial Arts Alliance at ang young master ng Longmen?""Walang sinuman sa buong bansa ang makapagpapaluhod sa akin!"Kahit na ang Head Coach niyo!“Mas pipiliin ng pamilya Masato na mamatay kaysa magmakaawa para sa aming buhay!"Mga onmyoji kam
Nakita ang pagbabago kay Harvey, ang ekspresyon ng nakatatanda ay patuloy na nagbabago. Dinala niya ang kanyang espada patungo sa lalamunan ni Harvey sa bilis ng liwanag.Hinampas ni Harvey ang kanyang daliri sa talim nang walang balak na umiwas dito.Clang!Isang malakas na tunog ang narinig; ang matanda ay umatras ng ilang hakbang, ang buong katawan niya ay nanginginig. Isang sigaw ang biglang narinig mula sa Demon Sword.Pinunasan ni Harvey ang kanyang mga daliri nang may pagduduwal habang nakatayo sa kanyang pwesto, na parang may nahawakan siyang nakakadiring bagay.Ang matanda ay sumabog sa galit; siya ay lumundag sa hangin bago muling ibinaba ang kanyang espada. Siya ay isang onmyoji, ngunit mayroon din siyang malalim na pag-unawa sa martial arts ng Island Nations.Ang kanyang atake ay katulad ng killer move ng Shindan Way.Gayunpaman, hindi man lang maalala ni Harvey ang pangalan ng galaw, lalo na hindi siya nagmamalasakit. Tinapakan niya ang lupa; nagkabasag-basag ang mg
Swoosh, swoosh, swoosh!Winasiwas ng natitirang pitong elder ang kanilang mga kamay, agad nilang hinagis ang mga talisman nila.Lahat ng klaseng napakasamang hugis na kamukha ng iba’t ibang bagay ang sumulpot sa ere. Mga fox, mga python, at sumulpot din ang isang cyclops.Bumuntong-hininga si Harvey, pagkatapos ay muli niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Nagsimulang umubo ng dugo ang pitong elder, agad na nanginig ang kanilang mga katawan.“Witchcraft! Anong ginawa mo?!”Galit na galit ang pinuno ng mga elder.Walang nagawa ang isang elder kay Harvey… Pero ngayon, kahit na ang pito ay hindi man lang siya nagalusan.“Paninira! Isa itong paninira!” sigaw ni Harvey.“Natutunan ko lang ito mula sa Book of Changes!“Malinaw na isa itong geomancy art, pero sinasabi niyo na isa itong witchcraft?“Gaano kawalanghiya ba kayong mga tao kayo?”“Ang Book of Changes?”Tumingin ang mga elder sa isa’t isa.Ayon sa mga alamat, ang Book of Changes ay mayroong maraming anyo, kabilan
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e