Si Prince Gibson ay isang mayabang, mayaman na playboy, ngunit hindi siya tanga.Hindi na kailangang ipaalala sa kanya ni Quill Gibson na ang katayuan ni Harvey York ay ganap na nagbago. Alam niyang hindi niya kayang makipaglaban kay Harvey.Kung patuloy siyang magdudulot ng gulo, malamang na mabali ang bawat paa ng kanyang ama.Matapos ang hindi mapakali na gabi, natisod siya sa Fortune Hall matapos marinig na darating si Shay Gibson upang linisin ang lugar.Ang kanyang layunin ay simple: Gusto niya ang kapatawaran ni Harvey habang inaayos din ang kanilang relasyon, marahil kahit na ginagamit ang pagkakataon na kumapit sa kanya.Halatang nasabi na ni Harvey ang pinaplano niya noon.“Nandito si Shay para maglinis ng sahig, Prince. Bakit ka nandito?”Nakaramdam si Harvey ng tuluyang hindi makapagsalita.“Ito ay isang maliit na lugar. Hindi ito angkop para sayo.""Huwag mo sabihin iyan, Sir York," Takot na tugon ni Prince habang nakahawak sa saklay niya.“Ang tanga ko kanina. S
’Diba pinaasikaso ko na kay Kellan Ruiz ang pamilya?‘Anong nangyayari dito?’Natulala si Harvey York.“Anong nangyari?”“Siguro kagagawan ito nila Chiba Nobita!Mukhang nababahala nang sobra si Xynthia Zimmer.“Sinabihan ko na si Mama at Papa na huwag lumabas, pero ayaw nilang makinig!“Nabugbog nang husto sila Gabriel Lee at ang asawa niya pagkatapos ilagay sa sako nitong umaga! Pareho silang sinugod sa ospital pagkatapos niyan!“Gusto silang dalawin ni Mama at Papa, pero binangga sila ng isang pickup truck sa sandaling makalabas sila! Muntik na silang mamatay dahil dito!“Muntik nang madakip si Mandy paglabas niya! Salamat at may ilang taong nandoon at tumulong sa kanya!“Isang dosenang taong nakamaskara ang nagbuhos ng gasolina sa buong bahay!“Pero bago pa nila ito masilaban, nahuli agad sila ng security…“Mas lalala pa ang sitwasyon kung hindi iyon nangyari…“Sinabihan pa ni Chiba si Ensley Johnson na tawagan ako, sinasabing painitin ko daw ang kama para sa kanya buk
”Pitong araw lang pwedeng manatili si Chiba Nobita ayon sa visa niya! Kakailanganin niyang bumalik pagkatapos nito!“Kapag nangyari ‘yun, huhupa na ng lahat!“Magiging ligtas ka na rin!”Laging iniisip ni Xynthia Zimmer ang kaligtasan ni Harvey York, umaasang magiging ayos siya.Pero maririnig ang sigaw ni Lilian Yates sa sandaling matapos si Xynthia sa pagsasalita.“Kinakausap mo pa rin ang walang utang na loob na ga*ong ‘yan?!“Muntik na tayong mamatay dahil sa kanya! Siya ang may kagagawan nito!“Ang kapal niyang tumawag dito?!“Sinusubukan ka ba niyang akitin?!“Sabihin mo sa kanya magpakamatay na siya!“Ga*o!“Walang hiya siya!”Dinampot ni Lilian ang phone at sinigawan ito sandali bago ibaba ang linya.Natawa si Harvey. Alam niyang nahihiya nang sobra si Lilian sa nangyari kay Silas John.Hindi na niya nakita ulit si Mandy Zimmer mula noon.Gusto niyang bumalik sa sandaling kumalma si Lilian, pero wala siyang magagawa kundi sa susunod na lang ulit.Tinitigan ni Ha
Nasabik si Prince Gibson nang marinig na binibigyan siya ni Harvey York ng pagkakataon.“Huwag kang mag-alala, Uncle Harvey!“Dadalhin ko ang mga tao ko para kausapin si Chiba Nobita ngayon na!“Siguradong kailangan niya akong respetuhin!”Pagkatapos, lumabas rin kaagad si Prince. Upang ipakita ang kanyang lakas, tinawag niya rin si Shay Gibson para samahan siya.Hindi na nag-abala sa kanya si Harvey.May paraan ng pakikipag-usap ang mga mayamang babaero. Ang kailangan lang niyang gawin ay manood at maghintay.Voom voom voom!Umalog ang phone ni Harvey sa sandaling ito. Tumatawag ang Braff family.Tatlong araw na ang dumaan mula noong sinabi ni Harvey sa pamilya na sunugin ang larawan ng karpa, pero umaasa ang mga itong bibisita siya dahil medyo nababahala pa rin ang mga ito.Nakarating si Harvey sa ancestral house ng Braff family nang alas otso nang gabi.Pagkatapos panoorin si Eliel Braff na sinusunog ang natitira sa larawan at nakikita ang lungkot na napapalitan ng sigla,
”Sa tingin ko, hindi ka masyadong iba sa dalawang iyon.”Iniba ni Eliel Braff ang mga saalita niya, dinidiin ang papuri niya patungo kay Harvey York.Tiningnan niya si Harvey, iniisip kung pababalikin ba niya ang mahal niyang apo mula sa pag-aaral nito sa America.Higit sa lahat, may pwesto ang pamilya nila para sa isang live-in sson-in-law.Ngumiti nang bahagya si Harvey.“Salamat sa paghanga sa akin nang ganito, Mr. Braff.”Natutukoy ni Eliel na ayaw nitong makumpara kay Emery Wright, kaya iniba niya ang usapan.“Anong mga balak mo sa hinaharap, Sir York?”Natulala si Harvey. Mayroon siyang magiting na kasaysayan bilang ang Chief Instructor. Walang makakapantay sa ganitong bagay.Pagkatapos mag-isip sandali, sumagot siya, “Gusto kong mabuhay nang normal kasama ang asawa ko. Gusto kong magkaroon kami ng anak na lalaki at babae at mapanood namin silang lumaki.Natulala si Eliel bago tumawa nang malakas.“Hindi ka gagawa ng pangalan sa mga talento mo? Bakit hindi ka mag-ambag
Kumunot ang noo ni Harvey York.‘Ganito ba ang tingin sa akin ng mga higher-ups?‘Nakiusap si Gavin Bauer sa akin na maging Chief Instructor ng siyam na pinakamalaking pwersang militar bilang pagsubok?“Sa kaalaman ko, walang ganyang ambisyon ang Chief Instructor.“Kung meron, nakaupo na sana siya sa isang trono noong nasa itaas pa siya.”Ngumiti si Eliel Braff.“Malay natin?“Hindi natin dapat husgahan ang tao sa panlabas…“Baka naman wala siyang ganitong hangarin.“Pero siguro baligtad ang iisipin ng higher-ups.”Kumirot ang mga mata ni Harvey habang tinutungga ang kanyang tsaa.Napagtanto niyang masyado siyang walang muwang.Nagbago na ang mga tao.Siguro susunod rin ang bansa sa pagbabagong ito.Hindi niya ito hahayaang mangyari.***Sa gitna ng gabi, umalis na si Harvey sa ancestral house ng Braff family.Tumingin siya sa hilaga nang halo-halo ang emosyon. Napagtanto niyang kailangan niyang pumunta ng Wolsing pagkatapos niyang asikasuhin ang Evermore.Ayaw niyang
Kumunot ang noo ni Mandy Zimmer sa sandaling tumayo siya. “Sino kayo? Sinong nagsabing pwede kayong pumasok?” galit niyang sigaw.“Kailangan niyong magbayad sa mga pinsala, alam niyo.Kumumpas si Ensley Johnson habang hindi pinapansin si Mandy.Kaagad na kumilos ang mga bodyguard at Ronin.Tumayo sila sa tapat ng mga pasukan at labasan bago sipain ang mga pinto.Nagulo ang buong bahay, pero walang ibang nandoon.Nagalit nang sobra si Mandy nang makita ang nangyari.“Ano bang gusto niyo?!“Alam niyo bang sinira niyo ang isang sinaunang porcelain vase at kiln?!“Walang kapantay ang halaga ng mga bagay na iyon!“Sinong nagsabing pwede niyong gawin ‘yun?!”“Ikaw si Mandy, tama?”Tinitigan siya ni Ensley gamit ng mahaba at singkit nitong mata. Malinaw na makikita ang galit sa mukha nito.“Tawagin mo si Harvey York! Sabihin mo pumunta siya!” sigaw niya.“Ngayon na!”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Mandy.“Sino ka ba sa kanya?“Para saan at hinahanap mo siya?!”Tumitig na
”Tatawag ako ng pulis! Mabibilanggo kayo!”Inilabas ni Mandy Zimmer ang kanyang phone, balak niyang tumawag.“Heh! Gagawin mo ‘yan sa harapan ko?!“Gusto mo talagang mahirapan, ano?!”Seryosong tumawa si Ensley bago ituro si Mandy.“Dali! Turuan niyo siya ng leksyon! Ipaalam niyo sa kanya kung sinong kinakausap niya!”Kasabay ng utos ni Ensley, dalawang babaeng Islander ang humablot sa kamay ni Mandy bago may umagaw sa phone niya.“Anong ginagawa mo?!”Nagpumiglas si Mandy, ngunit hindi sapat ang lakas niya para pumalag sa mga taong ito.Hinawakan nang maigi ang ulo at kamay niya.Sinubsob siya sa sopa, pinipigilan siyang makagalaw.Sa paningin nila, si Mandy ay isa lang preso.Wala siyang pag-asang makatakas.Malinaw na mga expert martial artist ang mga babaeng iyon. Walang laban si Mandy sa kanila.Wala siyang magawa kundi pagkiskisin ang kanyang ngipin habang galit na sumisigaw, “Mga barbaro kayo!“Ito ay ang Country H, ito ay isang bansang may batas!“Magbabayad kay