”Pitong araw lang pwedeng manatili si Chiba Nobita ayon sa visa niya! Kakailanganin niyang bumalik pagkatapos nito!“Kapag nangyari ‘yun, huhupa na ng lahat!“Magiging ligtas ka na rin!”Laging iniisip ni Xynthia Zimmer ang kaligtasan ni Harvey York, umaasang magiging ayos siya.Pero maririnig ang sigaw ni Lilian Yates sa sandaling matapos si Xynthia sa pagsasalita.“Kinakausap mo pa rin ang walang utang na loob na ga*ong ‘yan?!“Muntik na tayong mamatay dahil sa kanya! Siya ang may kagagawan nito!“Ang kapal niyang tumawag dito?!“Sinusubukan ka ba niyang akitin?!“Sabihin mo sa kanya magpakamatay na siya!“Ga*o!“Walang hiya siya!”Dinampot ni Lilian ang phone at sinigawan ito sandali bago ibaba ang linya.Natawa si Harvey. Alam niyang nahihiya nang sobra si Lilian sa nangyari kay Silas John.Hindi na niya nakita ulit si Mandy Zimmer mula noon.Gusto niyang bumalik sa sandaling kumalma si Lilian, pero wala siyang magagawa kundi sa susunod na lang ulit.Tinitigan ni Ha
Nasabik si Prince Gibson nang marinig na binibigyan siya ni Harvey York ng pagkakataon.“Huwag kang mag-alala, Uncle Harvey!“Dadalhin ko ang mga tao ko para kausapin si Chiba Nobita ngayon na!“Siguradong kailangan niya akong respetuhin!”Pagkatapos, lumabas rin kaagad si Prince. Upang ipakita ang kanyang lakas, tinawag niya rin si Shay Gibson para samahan siya.Hindi na nag-abala sa kanya si Harvey.May paraan ng pakikipag-usap ang mga mayamang babaero. Ang kailangan lang niyang gawin ay manood at maghintay.Voom voom voom!Umalog ang phone ni Harvey sa sandaling ito. Tumatawag ang Braff family.Tatlong araw na ang dumaan mula noong sinabi ni Harvey sa pamilya na sunugin ang larawan ng karpa, pero umaasa ang mga itong bibisita siya dahil medyo nababahala pa rin ang mga ito.Nakarating si Harvey sa ancestral house ng Braff family nang alas otso nang gabi.Pagkatapos panoorin si Eliel Braff na sinusunog ang natitira sa larawan at nakikita ang lungkot na napapalitan ng sigla,
”Sa tingin ko, hindi ka masyadong iba sa dalawang iyon.”Iniba ni Eliel Braff ang mga saalita niya, dinidiin ang papuri niya patungo kay Harvey York.Tiningnan niya si Harvey, iniisip kung pababalikin ba niya ang mahal niyang apo mula sa pag-aaral nito sa America.Higit sa lahat, may pwesto ang pamilya nila para sa isang live-in sson-in-law.Ngumiti nang bahagya si Harvey.“Salamat sa paghanga sa akin nang ganito, Mr. Braff.”Natutukoy ni Eliel na ayaw nitong makumpara kay Emery Wright, kaya iniba niya ang usapan.“Anong mga balak mo sa hinaharap, Sir York?”Natulala si Harvey. Mayroon siyang magiting na kasaysayan bilang ang Chief Instructor. Walang makakapantay sa ganitong bagay.Pagkatapos mag-isip sandali, sumagot siya, “Gusto kong mabuhay nang normal kasama ang asawa ko. Gusto kong magkaroon kami ng anak na lalaki at babae at mapanood namin silang lumaki.Natulala si Eliel bago tumawa nang malakas.“Hindi ka gagawa ng pangalan sa mga talento mo? Bakit hindi ka mag-ambag
Kumunot ang noo ni Harvey York.‘Ganito ba ang tingin sa akin ng mga higher-ups?‘Nakiusap si Gavin Bauer sa akin na maging Chief Instructor ng siyam na pinakamalaking pwersang militar bilang pagsubok?“Sa kaalaman ko, walang ganyang ambisyon ang Chief Instructor.“Kung meron, nakaupo na sana siya sa isang trono noong nasa itaas pa siya.”Ngumiti si Eliel Braff.“Malay natin?“Hindi natin dapat husgahan ang tao sa panlabas…“Baka naman wala siyang ganitong hangarin.“Pero siguro baligtad ang iisipin ng higher-ups.”Kumirot ang mga mata ni Harvey habang tinutungga ang kanyang tsaa.Napagtanto niyang masyado siyang walang muwang.Nagbago na ang mga tao.Siguro susunod rin ang bansa sa pagbabagong ito.Hindi niya ito hahayaang mangyari.***Sa gitna ng gabi, umalis na si Harvey sa ancestral house ng Braff family.Tumingin siya sa hilaga nang halo-halo ang emosyon. Napagtanto niyang kailangan niyang pumunta ng Wolsing pagkatapos niyang asikasuhin ang Evermore.Ayaw niyang
Kumunot ang noo ni Mandy Zimmer sa sandaling tumayo siya. “Sino kayo? Sinong nagsabing pwede kayong pumasok?” galit niyang sigaw.“Kailangan niyong magbayad sa mga pinsala, alam niyo.Kumumpas si Ensley Johnson habang hindi pinapansin si Mandy.Kaagad na kumilos ang mga bodyguard at Ronin.Tumayo sila sa tapat ng mga pasukan at labasan bago sipain ang mga pinto.Nagulo ang buong bahay, pero walang ibang nandoon.Nagalit nang sobra si Mandy nang makita ang nangyari.“Ano bang gusto niyo?!“Alam niyo bang sinira niyo ang isang sinaunang porcelain vase at kiln?!“Walang kapantay ang halaga ng mga bagay na iyon!“Sinong nagsabing pwede niyong gawin ‘yun?!”“Ikaw si Mandy, tama?”Tinitigan siya ni Ensley gamit ng mahaba at singkit nitong mata. Malinaw na makikita ang galit sa mukha nito.“Tawagin mo si Harvey York! Sabihin mo pumunta siya!” sigaw niya.“Ngayon na!”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Mandy.“Sino ka ba sa kanya?“Para saan at hinahanap mo siya?!”Tumitig na
”Tatawag ako ng pulis! Mabibilanggo kayo!”Inilabas ni Mandy Zimmer ang kanyang phone, balak niyang tumawag.“Heh! Gagawin mo ‘yan sa harapan ko?!“Gusto mo talagang mahirapan, ano?!”Seryosong tumawa si Ensley bago ituro si Mandy.“Dali! Turuan niyo siya ng leksyon! Ipaalam niyo sa kanya kung sinong kinakausap niya!”Kasabay ng utos ni Ensley, dalawang babaeng Islander ang humablot sa kamay ni Mandy bago may umagaw sa phone niya.“Anong ginagawa mo?!”Nagpumiglas si Mandy, ngunit hindi sapat ang lakas niya para pumalag sa mga taong ito.Hinawakan nang maigi ang ulo at kamay niya.Sinubsob siya sa sopa, pinipigilan siyang makagalaw.Sa paningin nila, si Mandy ay isa lang preso.Wala siyang pag-asang makatakas.Malinaw na mga expert martial artist ang mga babaeng iyon. Walang laban si Mandy sa kanila.Wala siyang magawa kundi pagkiskisin ang kanyang ngipin habang galit na sumisigaw, “Mga barbaro kayo!“Ito ay ang Country H, ito ay isang bansang may batas!“Magbabayad kay
“Hindi na kailangang magpigil. Ituloy mo.”Tuwang tuwang binugbog ng mga Islander si Mandy Zimmer matapos marinig ang utos ni Ensley Johnson.Kung tutuusin, kung walang katayuan, ang mga babae ay minamaliit ng mga lalaking walang katayuan na kapareho ng antas.Marami silang pinaghirapan para makarating sa puntong ito. Ngayong nakapagpakitang gilas na sila, walang pag aalinlangan nilang sinamantala ang pagkakataon.Nakahawak pa rin ang mga kamay at ulo ni Mandy. Wala siyang paraan para lumaban. Wala siyang magawa kundi panoorin habang walang tigil ang paghampas ng mga babae sa kanya.Nanginginig ang buong katawan ni Mandy sa sakit. Sa paghusga sa kanyang saloobin, siya ay lubos na nagalit ngunit hindi kailanman sumuko.Hindi siya kailanman yuyuko sa mga taong iyon.Bam!Hindi nagtagal, nagsimulang maglaho ang kamalayan ni Mandy. Nanginginig ang buong katawan ni Mandy bago siya bumagsak sa lupa.***Tanghali na nang mabilis na dumating si Harvey York sa People’s Hospital.Naki
Biglang napagtanto ni Lilian Yates na nasa emergency room pa rin si Mandy Zimmer matapos marinig ang mga salita ni Simon Zimmer. Masama kung maapektuhan ng kaguluhan ang paggamot ni Mandy.Walang pagdadalawang isip, nilunok niya ang kanyang galit at mapang asar na tumingin kay Harvey York.Halatang sinakal niya si Harvey hanggang sa mamatay kung hindi dahil sa maling pagkakataon."Kamusta si Mandy?"Hindi mapakali si Harvey na libangin si Lilian dahil alam niya kung paano ito kikilos. Bukod dito, bahagyang responsable din siya sa nangyari.“Dito lang kami nakarating, pero ang sabi ng security ay puno ng pasa ang mukha at tiyan ni Mandy. Naka posas din ang mga kamay niya sa likod niya."Ang galit ay nakasulat sa buong mukha ni Simon.“Ang aking anak na babae ang pinuno ng ninth branch! Hindi ba natatakot ang mga taong iyon na maghiganti tayo?!"May halong galit at pag aalala ang ekspresyon ni Simon. Ang sama ng loob at kawalan ng kapangyarihan ay maaari ding maramdaman mula sa k