Mayabang na tinitigan nang masama ni Simon si Esther.“Nasa geomancy market ako ng Empire Hall, Silas…” panimula niya. “May Esther John na nagtatangkang mangikil ng pera mula sa akin. Kailangan ko ang tulong mo. Ikaw…”“Hello? Hello?”“Anong sinabi mo Uncle? Humihina ata ang signal…”Beep, beep, beep!Naputol na ang tawag pagkatapos.Nanigas si Simon. Tinawagan niya ang numero nang ilang beses ngunit laging tumutunog ang busy tone. Nang wala ang tulong ni Silas, hindi niya alam kung paano niya aayusin ang sitwasyon.“Mukhang hindi ka pupuntahan ni Young Master John!” sigaw ni Esther.Ang totoo, alam niyang si Blaine ang may-ari ng lugar na ito. Kahit anong mangyari, nakababatang kapatid lang niya si Silas!Nababaliw na si Silas kung kakalabanin niya si Blaine para sa kapakanan ng iba.Hindi nagsalita si Harvey habang nagtatalo sila. Yumuko siya at tiningnan ang mga basag na piraso sa sahig.Ang magandang statwa ay gawa sa purong porselana. Bukod sa kahoy na isda na hawak ng
Nanginginig sa galit si Simon. Ito ang unang beses niyang makatikim ng ganitong kahihiyang mula noong makarating siya sa Golden Sands.Nagkiskisan ang kanyang ngipin habang hawak ang kanyang phone. “Hindi ko sinira ang statwa! Bakit ko kayo babayaran? Bakit ako mananagot dito?”“Tama! Anong karapatan mong ibaling sa tatay ko ang sisi nang walang report mula sa mga pulis?” sigaw ni Gabriel.“Atsaka, nasaan ang pruwebang talagang 1.5 million dollars ang halaga ng statwa?”“Baka peke ‘yan!”Sa sobrang galit ni Simon, napatalon siya sa kanyang pwesto.“Tama! Peke ang statwang ito!”Hinawakan ni Harvey ang mga bubog sa sahig. “Tunay ang statwang ito. Walang duda.”Natulala ang lahat. Nagtataka silang napatingin kay Harvey.Malinaw na kakampi siya ni Simon, pero nagsasalita siya para kay Esther.‘Anong nangyayari dito?’‘Pinagtataksilan ba ang lalaking ito?’Tiningnan ni Esther si Harvey at ngumiti.Nanggigigil sa galit si Simon. “Anong sinasabi mong hayop ka?”“Itigil mo na
”Huwag kang mag-alala, Pa.”“Ako na ang magbabayad sa pinsala.”Dinampot ni Harvey ang kahoy na isda, at inabot ang kanyang Black Card kay Esther.“1.5 million. Ibigay mo sa akin ang resibo.”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Simon. “Saan mo nakuha ang pera? Ninakaw mo ba ‘yan kay Mandy?”Kaagad na nainggit si Gabriel nang marinig niya ito.“Oo nga! Ninakaw mo siguro ‘yan ano!” sigaw niya.“Binabalaan kita Harvey! Kakasuhan kita kapag ginastos mo nang ganito ang pera ni Mandy!”“Gusto kong magdusa ka!”Ang sama ng titig ni Simon, para bang nakatingin siya sa isang talunan.“Tingin mo ba ganyan karami ang pera ni Mandy ngayon?” sagot ni Harvey.Nanigas si Gabriel at Simon, at nahimasmasan pagkatapos. Lahat ng pera ni Mandy ay nagamit na para sa Zimmer Enterprise sa puntong iyon.Kung talagang may pera siya para kay Harvey, hindi madedehado nang sobra ang Zimmer Enterprise at ang ninth branch.“Pinahiram sa akin ni Azrael ang pera.”Basta na lang humanap si Harvey ng ibang si
”Nakakahiya ka!” sigaw ni Simon.“Magmula ngayon, huwag ka nang aapak sa pinto ng pamilya namin!”“Kapag ginawa mo ‘yan, papalayasin kita na parang isang aso!”Sa harap ng mapanghamak na titig ng mga tao, nanggigil sa galit si Simon.Hindi niya magawang sigawan si Esther, kaya wala siyang magawa kundi ibuhos ang galit niya kay Harvey.“Huwag mo nang pansinin ang basurang ‘yan, Papa,” sinabi ni Gabriel.“Dahil ang yaman na niya at kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya, hayaan natin siyang umako ng responsibilidad.”“Tara na, hindi dapat tayo lumapit sa tangang ‘yan. Aakalain ng mga tao kasama talaga natin siya.”Ayaw na ayaw ni Gabriel kay Harvey. Dahil kay Harvey kaya muntik na silang mamatay ng asawa niya kahapon.Sinuri ni Esther si Harvey. Pagkatapos makumpirmang walang mapapala si Harvey, natawa siya.“Wala kaming balak na paligayahin ang mga tao dito.”“Kung gagawin mong katatawanan ang sarili mo, doon ka sa labas.”Kalmadong ngumiti si Harvey bago ilabag ang
Tiningnan ni Harvey ang batong hawak niya, hindi pinapansin ang lahat ng nasa paligid.Gamit ng kanyang geomancy, napansin niyang kumikinang nang bahagya ang bato.May nakabalot sa bato sa labas, kaya mukhang may kayamanang nakatago sa loob.Nginitian ni Harvey si Esther at nagtanong, “Pwede mo ba akong pahiramin ng gamit?”Natulala si Esther at suminghal.“Kahit may maliit pang hiyas sa loob niyan…”“Kalokohan kung makakuha ka ng 150,000 dollars!”“Tingin mo talaga may kakaibang kayamanan sa loob niyan?”“Gusto mong kumita sa geomancy market? Nababaliw ka na ba?”Kahit sinabi niya ito, kinumpas ni Esther ang kanyang kamay para bigyan si Harvey ng mga gamit. Gusto niyang ipahiya lalo si Harvey.“Ganun ba?”“May karanasan ka siguro, Ms. John.”“Gayunpaman, walang sigurado sa mundong ito.”“May mga bagay na higit pa sa nauunawaan mo.”Habang nakatingin ang lahat, dinampot ni Harvey ang ilang kagamitan at dahan-dahang biniyak ang buhangin sa bato. Hindi nagtagal, isang hiyas
Hinawakan ni Harvey ang hiyas, hindi pinapansin ang madla.Kumunot ang noo ni Esther; hindi siya naniwala sa sinabi ni Kian.‘Ang isang Augustea ay nakatago sa isang statwa?’‘Mula kay Caesar Augustus mismo?’‘Kalokohan!’“Imposibleng hindi mapapansin ng lahat ng nandito ang hiyas na ito!’Mas mabagal at maingat ang galaw ni Harvey. Walang nagtapang na magsalita. Tumahimik ang buong lugar.Gusto nilang ipakita ni Harvey ang tunay na anyo ng hiyas, ngunit natatakot rin sila na baka masira niya ito. Hindi nila ito mapapatawad kapag nangyari iyon.Hindi nagtagal, nakikita na ng lahat ang buong hiyas.Makinis ito, bilugan, at malinaw. Kahit ang karaniwang tao ay matutukoy na may kinang sa hiyas na ito.Mapapansin ng mga taong gumagamit ng geomancy na kumikinang ito at may maliwanag na aura.Kaagad na kumislap ang mga mata ni Kian.“Ito nga talaga ang Augustea ninl Caesar!”“Nakita ko lang ito noong nasa royal temple ako ng India.”“Hindi ko inaakalang makikita ko ito ulit!”
Bahagyang ngumiti si Harvey York."Sige lang."Kung ikukumpara sa iba, si Harvey ay ganap na kalmado.Marami na siyang nakitang bagay tulad ng Augustea. Na desensitize na siya sa nakikita sa puntong ito.Sabi nga, interesado pa rin siya sa tinatawag na alamat ng buhay na walang hanggan.Ang hiyas ay magiging magandang bait.Magalang na kinuha ni Kian Foster ang Augustea mula sa kamay ni Harvey bago inilabas ang kanyang magnifying glass para suriin ito.Kasabay nito, naglabas siya ng ilang precision instruments upang iappraise ang hiyas.Tuluyan na ngang hindi nakaimik si Harvey. Hindi niya inaasahan na magkakaroon si Kian ng isang bagay na makaka detect ng isotopes sa isang gemstone.Ang mga instrumentong iyon ay karaniwang makikita sa loob ng isang laboratoryo.Makalipas ang mahabang panahon, nagsimulang matuwa si Kian."Tama iyan! Ang mga isotopes dito ay kapareho ng isa sa maharlikang pamilya ng India!”"Ito ang isa sa siyam na piraso ng Caesar's Augustea!”“Ito ay isan
Pagkalabas ng Empire Hall, excited na iniabot ni Simon Zimmer ang kanyang kamay.“Harvey! Ibigay mo sa akin ang Augustea!"Natuwa siya sa pag iisip ng hindi mabibiling hiyas.Nagpasya na siyang ibigay ito sa pamilya Jean!Sa ganoong paraan, magkakaroon siya ng pagkakataong makabalik at maging pinuno ng pamilya!Ito ay regalo ng Diyos! Wala siyang planong palampasin ang pagkakataong ito!Naniniwala siya na siya ay mas angkop na umangat sa kapangyarihan kaysa sa kanyang anak na babae.Nagpakita si Simon ng matuwid na ekspresyon matapos isipin ang kanyang buhay na puno ng kahalayan.Naiinggit si Gabriel Lee matapos makita ang nasa harapan niya.“Kay Harvey ang hiyas, Padre! Hindi patas na kunin ito sa kanya!""Anong ibig mong sabihin?”Walang planong magsalita ng katwiran si Simon matapos isipin ang magandang kinabukasan.“Ako mismo ang pumili ng estatwa!”“Pinaplano kong makipagtawaran para dito!”“Saka nagpakita ang g*go na ito!”“Ang lakas ng loob niya?”“Malinaw, sa ak