"Prince York?"Natawa si Lilian nang marinig iyon."Naniniwala ka pa rin diyan, Mandy?"“Anong kalokohan!”"Kung siya talaga si Prince York, bakit kailangan niyang ibigay ang kanyang mga serbisyo bilang isang dalubhasa sa geomancy?""Kung iyon ang kaso, bakit kailangan niyang maging under na lalaki ni Kairi?""Bakit si Queenie York ang kasalukuyang pinuno ng mga York ng Hong Kong, at hindi siya?""Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko pa rin ang lahat ng iyon ngayon?""Ang kanyang tinatawag na background, kapangyarihan, at mga koneksyon...""Nariyan lang dahil siya ay isang pinananatiling tao!""Nakakapit lang siya sa iba't ibang babae sa puntong ito!""Pag usapan na lang natin ang tungkol sa Golden Sands!""Kung wala si Kairi, ano ang magagawa niya?!"“Saul, Kellan, at Azrael…”"Inaalagaan lang nila siya dahil suportado siya ng hidden family!""Kapag tapos na si Kairi sa kanya...""Sa tingin mo ba ay magkakaroon pa siya ng pagkakataong tumayo sa harapan natin?"Inihagis
Hindi nanatili sa villa si Harvey pagkatapos ng pagtatalo nila Lilian at Mandy. Bumalik siya kaagad sa Fortune Hall.Umagang umaga, marami na siyang naasikaso.Pagkatapos ng kanyang pakikipaglaban kay Waylon, ang Fortune Hall ay naging napakakilala.Hindi man lang nagkaroon ng oras si Harvey para uminom. Wala siyang ibang magawa kundi ang gawin sina Reece at Rodney na asikasuhin ang lugar bilang bahagi ng kanilang pagsasanay.Kung gumawa sila ng magandang trabaho, nangako siyang aayusin ang Book of Changes ni Waylon at ituro sa kanila ang lahat.Medyo nalungkot ang dalawa noong una, ngunit tuwang tuwa sila nang marinig nila ang pangako ni Harvey. Masaya silang nagsagawa ng kanilang mga puwitan pagkatapos.Hindi gaanong na pressure si Harvey, dahil nagtatrabaho rin ang dalawa sa kanyang mga alagad. Ganun pa man, hapon lang naman siya nagpahinga.Ng makita na ang bulwagan ay puno ng mga customer, nagpasya siyang bumili ng ilang mga bagay sa geomancy market.Ang papel at cinnabar
Nandoon rin si Gabriel. Silang dalawa ay namumula ang mukha habang nakikipagtalo sa ilang mga staff.Maraming tao rin ang nagwawala.Hindi nagtagal, isang babaeng nakasuot ng bestida ang nagpakita. Mukhang siya ang manager ng lugar na ito, maganda ang mukha at katawan nito.Nang maningkit ang kanyang mata, makikita ang kayabangan sa kanyang titig.Natutukoy ni Harvey na delikado si Simon. Hindi ganito ang gagawin nito kung hindi.Kumunot ang noo niya sandali bago siya humakbang paharap.Ayaw niyang madamay, ngunit biyenan niya pa rin si Simon. Natural lang na magtanong siya tungkol sa nangyayari.“Anong nangyayari, Pa?” tanong ni Harvey habang naglalakad paharap.Sumulyap sa kanya si Simon nang nagkikiskisan ang ngipin ngunit hindi ito nagsalita.Tinitigan nang masama ni Gabriel si Harvey. Nang maisip ang nangyari noong isang araw, hindi niya magawang maliitin si Harvey. Kapag nagalit si Harvey at humingi ng tulong ni Azrael, patay na siya bago pa niya ito mapansin!Bago pa m
Mayabang na tinitigan nang masama ni Simon si Esther.“Nasa geomancy market ako ng Empire Hall, Silas…” panimula niya. “May Esther John na nagtatangkang mangikil ng pera mula sa akin. Kailangan ko ang tulong mo. Ikaw…”“Hello? Hello?”“Anong sinabi mo Uncle? Humihina ata ang signal…”Beep, beep, beep!Naputol na ang tawag pagkatapos.Nanigas si Simon. Tinawagan niya ang numero nang ilang beses ngunit laging tumutunog ang busy tone. Nang wala ang tulong ni Silas, hindi niya alam kung paano niya aayusin ang sitwasyon.“Mukhang hindi ka pupuntahan ni Young Master John!” sigaw ni Esther.Ang totoo, alam niyang si Blaine ang may-ari ng lugar na ito. Kahit anong mangyari, nakababatang kapatid lang niya si Silas!Nababaliw na si Silas kung kakalabanin niya si Blaine para sa kapakanan ng iba.Hindi nagsalita si Harvey habang nagtatalo sila. Yumuko siya at tiningnan ang mga basag na piraso sa sahig.Ang magandang statwa ay gawa sa purong porselana. Bukod sa kahoy na isda na hawak ng
Nanginginig sa galit si Simon. Ito ang unang beses niyang makatikim ng ganitong kahihiyang mula noong makarating siya sa Golden Sands.Nagkiskisan ang kanyang ngipin habang hawak ang kanyang phone. “Hindi ko sinira ang statwa! Bakit ko kayo babayaran? Bakit ako mananagot dito?”“Tama! Anong karapatan mong ibaling sa tatay ko ang sisi nang walang report mula sa mga pulis?” sigaw ni Gabriel.“Atsaka, nasaan ang pruwebang talagang 1.5 million dollars ang halaga ng statwa?”“Baka peke ‘yan!”Sa sobrang galit ni Simon, napatalon siya sa kanyang pwesto.“Tama! Peke ang statwang ito!”Hinawakan ni Harvey ang mga bubog sa sahig. “Tunay ang statwang ito. Walang duda.”Natulala ang lahat. Nagtataka silang napatingin kay Harvey.Malinaw na kakampi siya ni Simon, pero nagsasalita siya para kay Esther.‘Anong nangyayari dito?’‘Pinagtataksilan ba ang lalaking ito?’Tiningnan ni Esther si Harvey at ngumiti.Nanggigigil sa galit si Simon. “Anong sinasabi mong hayop ka?”“Itigil mo na
”Huwag kang mag-alala, Pa.”“Ako na ang magbabayad sa pinsala.”Dinampot ni Harvey ang kahoy na isda, at inabot ang kanyang Black Card kay Esther.“1.5 million. Ibigay mo sa akin ang resibo.”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Simon. “Saan mo nakuha ang pera? Ninakaw mo ba ‘yan kay Mandy?”Kaagad na nainggit si Gabriel nang marinig niya ito.“Oo nga! Ninakaw mo siguro ‘yan ano!” sigaw niya.“Binabalaan kita Harvey! Kakasuhan kita kapag ginastos mo nang ganito ang pera ni Mandy!”“Gusto kong magdusa ka!”Ang sama ng titig ni Simon, para bang nakatingin siya sa isang talunan.“Tingin mo ba ganyan karami ang pera ni Mandy ngayon?” sagot ni Harvey.Nanigas si Gabriel at Simon, at nahimasmasan pagkatapos. Lahat ng pera ni Mandy ay nagamit na para sa Zimmer Enterprise sa puntong iyon.Kung talagang may pera siya para kay Harvey, hindi madedehado nang sobra ang Zimmer Enterprise at ang ninth branch.“Pinahiram sa akin ni Azrael ang pera.”Basta na lang humanap si Harvey ng ibang si
”Nakakahiya ka!” sigaw ni Simon.“Magmula ngayon, huwag ka nang aapak sa pinto ng pamilya namin!”“Kapag ginawa mo ‘yan, papalayasin kita na parang isang aso!”Sa harap ng mapanghamak na titig ng mga tao, nanggigil sa galit si Simon.Hindi niya magawang sigawan si Esther, kaya wala siyang magawa kundi ibuhos ang galit niya kay Harvey.“Huwag mo nang pansinin ang basurang ‘yan, Papa,” sinabi ni Gabriel.“Dahil ang yaman na niya at kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya, hayaan natin siyang umako ng responsibilidad.”“Tara na, hindi dapat tayo lumapit sa tangang ‘yan. Aakalain ng mga tao kasama talaga natin siya.”Ayaw na ayaw ni Gabriel kay Harvey. Dahil kay Harvey kaya muntik na silang mamatay ng asawa niya kahapon.Sinuri ni Esther si Harvey. Pagkatapos makumpirmang walang mapapala si Harvey, natawa siya.“Wala kaming balak na paligayahin ang mga tao dito.”“Kung gagawin mong katatawanan ang sarili mo, doon ka sa labas.”Kalmadong ngumiti si Harvey bago ilabag ang
Tiningnan ni Harvey ang batong hawak niya, hindi pinapansin ang lahat ng nasa paligid.Gamit ng kanyang geomancy, napansin niyang kumikinang nang bahagya ang bato.May nakabalot sa bato sa labas, kaya mukhang may kayamanang nakatago sa loob.Nginitian ni Harvey si Esther at nagtanong, “Pwede mo ba akong pahiramin ng gamit?”Natulala si Esther at suminghal.“Kahit may maliit pang hiyas sa loob niyan…”“Kalokohan kung makakuha ka ng 150,000 dollars!”“Tingin mo talaga may kakaibang kayamanan sa loob niyan?”“Gusto mong kumita sa geomancy market? Nababaliw ka na ba?”Kahit sinabi niya ito, kinumpas ni Esther ang kanyang kamay para bigyan si Harvey ng mga gamit. Gusto niyang ipahiya lalo si Harvey.“Ganun ba?”“May karanasan ka siguro, Ms. John.”“Gayunpaman, walang sigurado sa mundong ito.”“May mga bagay na higit pa sa nauunawaan mo.”Habang nakatingin ang lahat, dinampot ni Harvey ang ilang kagamitan at dahan-dahang biniyak ang buhangin sa bato. Hindi nagtagal, isang hiyas