Ang mga mata ni Waylon ay pula. Galit na galit siyang nagngangalit, parang gusto niyang kagatin si Harvey hanggang mamatay.Tumingin si Harvey kay Waylon, ayaw niyang mag aksaya ng oras.“Sige. Papayag ako.”"Iginagalang ko ang aking mga nakatatanda, para makapagpasya ka kung paano tayo lalaban."Excited ang mga customer.Ang mga eksperto sa geomancy ay karaniwang mga taong mapaglihim.Noong nakaraan, ang mga ordinaryong tao ay hindi man lang makalapit sa kanilang mga sagradong turo.Ngumisi si Waylon. Nang marinig ang mga salita ni Harvey, natitiyak niyang nasa kanya na ang kapangyarihan."Dahil isang hamon ang pinag uusapan natin, kailangan nating gawin itong mabilis!" Sabi niya, na nakatitig kay Harvey.“Nakakatamad panoorin ang mga Fundamentals. Walang kabuluhan ang maglaban sa ganoong paraan.""Maglaban tayo sa Curse Talismans!"“May dalawang wolfhounds sa likod bahay. Pipili tayo ng isa, pagkatapos ay isumpa ang isa!""Ang sinumang pumatay sa aso ng iba ay mananalo! M
Walang sinuman ang nagtangkang huminto sa labanan. Gusto nilang maranasan ito para sa kanilang sarili.Nawalan ng kulay ang mukha ni Castiel."Master York..." Likas niyang sabi.Sumulyap si Harvey sa kanya, senyales na manatiling kalmado. Pagkatapos, tumingin muli si Harvey kay Waylon."Ano?" Pangungutya niya."Takot ka ba?"Nanginginig ang mga mata ni Waylon. May tiwala siyang kaya niyang ilabas si Harvey, ngunit nagdadalawang isip pa rin siya dahil nasa mga kamay din ni Harvey ang buhay niya."Kung oo, sabihin mo na lang," Sabi ni Harvey."Maaari kong gawing mas madali para sayo.""Kung aaminin mo ang iyong pagkatalo, aalisin ko ang sumpa para sayo.""Hindi ko kailangan na alisin mo ang akin. Kung mamatay ako, isipin mong malas ako.""Papayag ka ba ngayon?"Nakakatakot ang ekspresyon ni Waylon. Kung tatanggihan niya ang hamon, masisira ang kanyang reputasyon bilang geomancy expert ng Golden Sands.Kinagat ni Waylon ang kanyang mga ngipin, saka hinampas ng kanyang mga kam
Biglang umihip ang malakas na hangin sa bulwagan.Kaagad na lumamig ang buong lugar.Marami ang nanginig sa takot at napatingin kay Waylon.‘Ganito talaga ang isang geomancy expert!’Nanatiling kalmado si Harvey, nakahalukipkip lang siya kahit inaatake siya ng isang sumpa.“Interesante,” sinabi niya nang nagtataka habang lumalapit kay Waylon.“Ang mga technique mula sa Country H, Island Nations, at South Sea. Hindi ko inaakalang magagawa mong pagsamahin ang lahat ng ito.”“Pero medyo sumobra ka ata.”“Hindi mo lamang ako balak patayin, pero balak mo ring itali ang heavenly soul para pagsilbihan ka habang buhay.”“Ha?”Nagtaka ang mga tao nang marinig ang sinabi ni Harvey.Wala pa sa kanila ang nakakaranas nito, ngunit nababanggit ito sa ilang mga teleserye.Ang ganitong technique ay karumal-dumal…Ngunit ginamit ito ni Waylon sa isang binata.“Wala siyang pakundangan!”“Talagang balak niyang patayin si Master York!”“Pero ang galing ni Master York. Natutukoy niya agad a
Kinabahan ang lahat, sigurado silang mamamatay si Harvey kapag nagpatuloy pa ito.Natawa si Waylon nang makita niya si Harvey na nakahalukipkip at mukhang kalmado.“Hindi mo ba ito hahanapan ng solusyon?”“Sa sandaling pumasok sa katawan mo ang masamang enerhiya, kahit ako hindi ka na masasagip!”Ngumiti si Harvey, kalmado pa rin. Tiningnan niya nang nagtataka ang masamang enerhiya sa paligid niya na parang isa itong laruan.“Kumilos ka na Master York!”Nataranta si Castiel nang makita niyang hindi kumikibo si Harvey.“Grabe na ito! Kung hindi mo ito magawan ng paraan, sumuko ka na lang!”“Hindi naman ito nakakahiya!”Hindi na mahalaga kung matalo si Harvey; hindi na mahalaga kung mawala rin ang Fortune Hall…Sadyang nag-aalala si Castile para sa kanyang master!Kapag namatay si Harvey dito, hindi niya na alam kung paano ibabahagi ang balita!“Kumilos ka na Master York! Hindi ito ang oras para magyabang!”“Tama! Mananalo ka kung kaya mong sirain ang sumpa!”“Itigil mo na
”Sinasabi ko sa’yo, Harvey! Kahit na maawa ka pa sa akin, hindi ako maaawa sa’yo!”“Hindi tatalab sa akin ang mga pakulo mo!”Kinumpas ni Waylon ang kanyang kamay at lumapit siya sa lamesa, handa nang gumawa ng talisman para alisin ang kanyang sumpa.“Ganun ba? Gusto kong makita kung mauuna ba ang sumpa mo, o mauunang tumalab sa’yo ang pekeng kabutihan ko.”Pinaligiran ng masamang enerhiya si Harvey, ngunit mukhang hindi siya naapektuhan dito.“Naawa ka ba sa hayop na ito, Master?” nagtatakang tanong ng matandang lalaki.“Kahit hindi pa siya patay, dapat nagdudusa na siya ngayon!”“Bakit nakatayo pa rin siya?”Tiningnan ng lalaki ang voodoo doll ni Waylon at nilapitan ito.Sa sandaling mahawakan niya ang manika, kaagad siyang bumagsak sa sahig. Bumula ang kanyang bibig at napasigaw siya sa sobrang sakit.Nakakatakot ito. Malinaw na bihasa ang matandang lalaki, ngunit nakakaawa na ang kanyang kalagayan sa sandaling mahawakan niya ang manika.Sapat na ito para patunayan kung g
“Ako…”Nasamid si Waylon, alam niyang tama si Harvey.Tapos na si Harvey na alisin ang sumpa sa kanya. Dehado na si Waylon.Tumayo siya habang nagkikiskisan ang ngipin. Nagigipit niyang tinibayan ang kanyang katawan habang nakatitig nang masama kay Harvey.“Maswerte ka at natanggal mo ang sumpa ko!”“Pero anong meron sa sumpa mo?”“Natukoy ko na ang sumpa mo! Bakit hindi ko ito maalis?”“Kayang alisin ng talisman mo ang sumpang ginawa ko,” paliwanag ni Harvey.“Pero may nakaligtaan kang mahalagang detalye: magkatulad ang sumpa mo at ang sumpa ko.”“Habang inaasikaso mo ang mga kakaibang sumpang ito, may natitira. Ang mga natirang ito ay bubuo ng isang Sickness Talisman.”‘Hindi ka mapapatay nito, pero sa kakayahan mo, hindi mo ito maaalis.”Tiningnan ni Harvey si Waylon na kumikirot ang mga mata at sumasama ang mukha.“Huwag ka nang magmatigas. Sumuko ka na,” natutuwang sinabi ni Harvey.“Kaya pala! Alam ko na ngayon!”Mukhang napagtanto ni Waylon pagkatapos isipin ang si
’Magaling!’‘Sadyang kahanga-hanga ito!’‘Hindi pa ako nakakakita ng isang geomancy expert na gumawa nito!’Marami ang napatingin nang humahanga kay Harvey.‘Master York! Grabe ang ginawa mo!”Hindi alam ni Castiel ang sasabihin niya.“Master York! Master York!” nagagalak na humiyaw ang madla.Nanginig nang husto ang buong bulwagan.Pinunasan ni Harvey ang kanyang dalirri gamit ang ilang tisyu at tumingin kay Castiel.“Maghanda na kayong magsara at punitin ang karatula.”“Sige!”Masayang tumalon palabas si Castiel, handa nang punitin ang karatula ng Volton Hall.Bam!Sa sandaling iyon, naghiwalay na ang mga tao. Isang grupo ng mga taong nakasuot ng uniporme ang pumasok.Kaagad na sinipa ng pinuno si Castiel.“Sinong nagbigay sa’yo ng tapang na sirain ang shop ng tatay ko?”Isa itong babaeng maiksi ang buhok.Mukhang nasa trenta na ang edad nito. Maganda ang kanyang katawan at ang kanyang uniporme ay lalong nagpaganda sa kanya.Bukod sa kagandahan niya, mayroon siyang
”Geomancy arts ang makasaysayang kayamanan ng bansa sa mahigit limang libong taon!”“Ginagamit ito para tumulong sa tao!”“Hindi para lumaban!”“Ipinagbabawal ang maghamon ng tao sa larangang ito!”“Saang geomancy shop ka mula, bata? Sabihin mo ang pangalan mo!”“Gagamitin ko ang batas para parusahan ka! Ipapasara ko agad ang shop mo!”“Malinaw na hindi ka nararapat na maging isang geomancy expert sa ginawa mo!”“Kapag hindi kita tinuruan ng leksyon ngayon na, baka mas maraming tao pa ang masaktan mo sa susunod na araw!”Si Amaia ay mukhang nagbibigay ng hustisya.Mukha siyang marangal, para bang siya ang nasa tama.Kumbinsido siyang walang magagawa ang lahat kundi sundin siya—para bang siya ang reyna ng mundo.Tinitigan nang masama ng mga tauhan niya si Harvey nang marinig ang sinabi niya. May tumawag pa ng ilang tao para ipasara ang Fortune Hall.Kalmadong ngumiti si Harvey.“Ano ‘to? Sinasabi mo bang wala ka rin hiya tulad ng tatay mo?” sinabi niya.“Sinong tinatawag m