Walang sinuman ang nagtangkang huminto sa labanan. Gusto nilang maranasan ito para sa kanilang sarili.Nawalan ng kulay ang mukha ni Castiel."Master York..." Likas niyang sabi.Sumulyap si Harvey sa kanya, senyales na manatiling kalmado. Pagkatapos, tumingin muli si Harvey kay Waylon."Ano?" Pangungutya niya."Takot ka ba?"Nanginginig ang mga mata ni Waylon. May tiwala siyang kaya niyang ilabas si Harvey, ngunit nagdadalawang isip pa rin siya dahil nasa mga kamay din ni Harvey ang buhay niya."Kung oo, sabihin mo na lang," Sabi ni Harvey."Maaari kong gawing mas madali para sayo.""Kung aaminin mo ang iyong pagkatalo, aalisin ko ang sumpa para sayo.""Hindi ko kailangan na alisin mo ang akin. Kung mamatay ako, isipin mong malas ako.""Papayag ka ba ngayon?"Nakakatakot ang ekspresyon ni Waylon. Kung tatanggihan niya ang hamon, masisira ang kanyang reputasyon bilang geomancy expert ng Golden Sands.Kinagat ni Waylon ang kanyang mga ngipin, saka hinampas ng kanyang mga kam
Biglang umihip ang malakas na hangin sa bulwagan.Kaagad na lumamig ang buong lugar.Marami ang nanginig sa takot at napatingin kay Waylon.‘Ganito talaga ang isang geomancy expert!’Nanatiling kalmado si Harvey, nakahalukipkip lang siya kahit inaatake siya ng isang sumpa.“Interesante,” sinabi niya nang nagtataka habang lumalapit kay Waylon.“Ang mga technique mula sa Country H, Island Nations, at South Sea. Hindi ko inaakalang magagawa mong pagsamahin ang lahat ng ito.”“Pero medyo sumobra ka ata.”“Hindi mo lamang ako balak patayin, pero balak mo ring itali ang heavenly soul para pagsilbihan ka habang buhay.”“Ha?”Nagtaka ang mga tao nang marinig ang sinabi ni Harvey.Wala pa sa kanila ang nakakaranas nito, ngunit nababanggit ito sa ilang mga teleserye.Ang ganitong technique ay karumal-dumal…Ngunit ginamit ito ni Waylon sa isang binata.“Wala siyang pakundangan!”“Talagang balak niyang patayin si Master York!”“Pero ang galing ni Master York. Natutukoy niya agad a
Kinabahan ang lahat, sigurado silang mamamatay si Harvey kapag nagpatuloy pa ito.Natawa si Waylon nang makita niya si Harvey na nakahalukipkip at mukhang kalmado.“Hindi mo ba ito hahanapan ng solusyon?”“Sa sandaling pumasok sa katawan mo ang masamang enerhiya, kahit ako hindi ka na masasagip!”Ngumiti si Harvey, kalmado pa rin. Tiningnan niya nang nagtataka ang masamang enerhiya sa paligid niya na parang isa itong laruan.“Kumilos ka na Master York!”Nataranta si Castiel nang makita niyang hindi kumikibo si Harvey.“Grabe na ito! Kung hindi mo ito magawan ng paraan, sumuko ka na lang!”“Hindi naman ito nakakahiya!”Hindi na mahalaga kung matalo si Harvey; hindi na mahalaga kung mawala rin ang Fortune Hall…Sadyang nag-aalala si Castile para sa kanyang master!Kapag namatay si Harvey dito, hindi niya na alam kung paano ibabahagi ang balita!“Kumilos ka na Master York! Hindi ito ang oras para magyabang!”“Tama! Mananalo ka kung kaya mong sirain ang sumpa!”“Itigil mo na
”Sinasabi ko sa’yo, Harvey! Kahit na maawa ka pa sa akin, hindi ako maaawa sa’yo!”“Hindi tatalab sa akin ang mga pakulo mo!”Kinumpas ni Waylon ang kanyang kamay at lumapit siya sa lamesa, handa nang gumawa ng talisman para alisin ang kanyang sumpa.“Ganun ba? Gusto kong makita kung mauuna ba ang sumpa mo, o mauunang tumalab sa’yo ang pekeng kabutihan ko.”Pinaligiran ng masamang enerhiya si Harvey, ngunit mukhang hindi siya naapektuhan dito.“Naawa ka ba sa hayop na ito, Master?” nagtatakang tanong ng matandang lalaki.“Kahit hindi pa siya patay, dapat nagdudusa na siya ngayon!”“Bakit nakatayo pa rin siya?”Tiningnan ng lalaki ang voodoo doll ni Waylon at nilapitan ito.Sa sandaling mahawakan niya ang manika, kaagad siyang bumagsak sa sahig. Bumula ang kanyang bibig at napasigaw siya sa sobrang sakit.Nakakatakot ito. Malinaw na bihasa ang matandang lalaki, ngunit nakakaawa na ang kanyang kalagayan sa sandaling mahawakan niya ang manika.Sapat na ito para patunayan kung g
“Ako…”Nasamid si Waylon, alam niyang tama si Harvey.Tapos na si Harvey na alisin ang sumpa sa kanya. Dehado na si Waylon.Tumayo siya habang nagkikiskisan ang ngipin. Nagigipit niyang tinibayan ang kanyang katawan habang nakatitig nang masama kay Harvey.“Maswerte ka at natanggal mo ang sumpa ko!”“Pero anong meron sa sumpa mo?”“Natukoy ko na ang sumpa mo! Bakit hindi ko ito maalis?”“Kayang alisin ng talisman mo ang sumpang ginawa ko,” paliwanag ni Harvey.“Pero may nakaligtaan kang mahalagang detalye: magkatulad ang sumpa mo at ang sumpa ko.”“Habang inaasikaso mo ang mga kakaibang sumpang ito, may natitira. Ang mga natirang ito ay bubuo ng isang Sickness Talisman.”‘Hindi ka mapapatay nito, pero sa kakayahan mo, hindi mo ito maaalis.”Tiningnan ni Harvey si Waylon na kumikirot ang mga mata at sumasama ang mukha.“Huwag ka nang magmatigas. Sumuko ka na,” natutuwang sinabi ni Harvey.“Kaya pala! Alam ko na ngayon!”Mukhang napagtanto ni Waylon pagkatapos isipin ang si
’Magaling!’‘Sadyang kahanga-hanga ito!’‘Hindi pa ako nakakakita ng isang geomancy expert na gumawa nito!’Marami ang napatingin nang humahanga kay Harvey.‘Master York! Grabe ang ginawa mo!”Hindi alam ni Castiel ang sasabihin niya.“Master York! Master York!” nagagalak na humiyaw ang madla.Nanginig nang husto ang buong bulwagan.Pinunasan ni Harvey ang kanyang dalirri gamit ang ilang tisyu at tumingin kay Castiel.“Maghanda na kayong magsara at punitin ang karatula.”“Sige!”Masayang tumalon palabas si Castiel, handa nang punitin ang karatula ng Volton Hall.Bam!Sa sandaling iyon, naghiwalay na ang mga tao. Isang grupo ng mga taong nakasuot ng uniporme ang pumasok.Kaagad na sinipa ng pinuno si Castiel.“Sinong nagbigay sa’yo ng tapang na sirain ang shop ng tatay ko?”Isa itong babaeng maiksi ang buhok.Mukhang nasa trenta na ang edad nito. Maganda ang kanyang katawan at ang kanyang uniporme ay lalong nagpaganda sa kanya.Bukod sa kagandahan niya, mayroon siyang
”Geomancy arts ang makasaysayang kayamanan ng bansa sa mahigit limang libong taon!”“Ginagamit ito para tumulong sa tao!”“Hindi para lumaban!”“Ipinagbabawal ang maghamon ng tao sa larangang ito!”“Saang geomancy shop ka mula, bata? Sabihin mo ang pangalan mo!”“Gagamitin ko ang batas para parusahan ka! Ipapasara ko agad ang shop mo!”“Malinaw na hindi ka nararapat na maging isang geomancy expert sa ginawa mo!”“Kapag hindi kita tinuruan ng leksyon ngayon na, baka mas maraming tao pa ang masaktan mo sa susunod na araw!”Si Amaia ay mukhang nagbibigay ng hustisya.Mukha siyang marangal, para bang siya ang nasa tama.Kumbinsido siyang walang magagawa ang lahat kundi sundin siya—para bang siya ang reyna ng mundo.Tinitigan nang masama ng mga tauhan niya si Harvey nang marinig ang sinabi niya. May tumawag pa ng ilang tao para ipasara ang Fortune Hall.Kalmadong ngumiti si Harvey.“Ano ‘to? Sinasabi mo bang wala ka rin hiya tulad ng tatay mo?” sinabi niya.“Sinong tinatawag m
Tumawa si Amaia.“Makinig kang maigi!”“Ako ang captain ng housing department!”“Ako ang in charge sa geomancy shops na tulad ng sa’yo!”“Handa ka na bang sumuko ngayon?”“Bakit naman?” isang kalmadong boses ang maririnig mula sa likod. “Mula ngayon, tanggal ka na sa posisyon mo.”Kaagad na nagdilim ang mukha ni Waylon nang marinig ang mga salitang iyon.“Sino sa inyong mga hayop kayo ang nagsabi niyan?’ sigaw niya. Pupunitin ko ang bibig mo!”“Ako, si Watson Braff,” sinabi ni Watson.“Halika!”‘Watson Braff?!’Kumirot ang mata ni Amaia.Siya at ang iba ay kaagad na napalingon at napatingin sa labas.Ilang tao ang naglalakad papasok, pinangungunahan ng isang taong nasa isang wheelchair.Isa siyang matikas na lalaki, kahit na medyo maputla siyang tingnan.‘Watson Braff?’‘Ang director ng housing department?’Natakot nang sobra si Amaia. Kaagad siyang tumako patungo kay Watson Braff.“Director Braff!”Pak!Hindi nag-alinlangan si Watson na sampalin siya.“Pupunintin
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai