Natigilan si Soren, saka ngumisi."Minamaliit kita, Sir York.""Bumalik tayo sa kailangan pagusapan, kung gayon.""Ang lahat ng iyong mga bakas mula sa insidente ni Marlon ay ganap na nawala.""Gayunpaman, kailangan pa rin nating ipaliwanag ang sitwasyon ni Anthony.""Anong iniisip mo?""Sa puntong ito, hindi ba pwedeng bigyan mo na lang ako ng Good Citizen Award?" Tanong ni Harvey.Nanliit ang mga mata ni Soren, pagkatapos ay tumawa siya."Sa tingin ko ay hindi sapat iyon..."Tama si Harvey na manindigan para sa kung ano ang nararapat. Gayunpaman, magkakaroon ng lubos na pagtatalo kung siya ay pumunta sa korte dahil lamang sa nais niyang iligtas ang kanyang dating asawa.Kahit si Soren ay hindi mangahas na bigyan siya ng Good Citizen Award.Ng makita ang mapait na ekspresyon ni Soren, ngumiti si Harvey.“Kalimutan mo na. Hindi na kita pahihirapan pa," Sabi niya."Asikasuhin mo lang ang kaso ayon sa nararapat.""Ibibigay ko sayo ang aking buong suporta.""Kailangan mo ba
Naramdaman ni Harvey na may nakatingin sa kanya ng maupo siya sa passenger seat ng sasakyan.Siya ay likas na lumingon, at nakita ang Porsche. May nagliligpit ng bintana ng sasakyan.“Mandy…”Kumunot ang noo ni Harvey. Gusto niyang ipaliwanag ang sitwasyon, ngunit umandar na ang Porsche.Napabuntong hininga siya, alam niyang galit ito. Nagpasya siyang humanap ng isa pang pagkakataon para ipaliwanag ang sarili bago masira ang muling pagpapakasal.Napagtanto na may kung ano sa isip ni Harvey, tumigil si Kairi sa panunukso sa kanya. Mabilis siyang umalis matapos siyang dalhin sa Fortune Hall.Hindi rin hiniling ni Harvey na manatili si Kairi. Nagsimula siyang mag asikaso sa mga customer pagkatapos magpakulo ng tsaa para sa sarili niya.Sa isang banda, gusto niyang idistract ang sarili sa ibang mga bagay pansamantala. Sa kabilang banda, gusto niyang palaguin ang kanyang negosyo para talagang maakit niya ang Evermore.Hindi man lang siya titignan ng organisasyon kung wala siyang neg
“Walong taon na kaming kasal. Noon pa man ay gusto na namin ng anak, pero hindi namin magawa," Sabi niya."Nakapunta na kami sa bawat pangunahing ospital sa Wolsing at Mordu, ngunit wala kaming mahanap...""Sinabi sa amin ng isang kamag anak na maaaring dahil ito sa aming kakulangan ng enerhiya.""Kailangan namin ng isang geomancy expert na tutulong sa amin!""Narinig namin na ang Fortune Hall ay ang pinakalumang lugar sa Golden Sands.""Ang may ari dito ay isa ring kahanga hangang eksperto sa geomancy."“Pakiusap! Tulungan mo kami na matignan!”“Kailangan talaga natin ng anak! Pakiusap!”Sa wakas ay nagsalita ang kanyang magandang asawa."Huwag kang mag alala, mahal.""Narinig ko na ang Fortune Hall ay ipinasa sa siyam na magkakaibang henerasyon. Dati ay may isang prinsipe na hindi makagawa ng sanggol sa panahon ng Whip Dynasty, ngunit agad niyang hinarap ang problema pagkatapos kumonsulta sa Fortune Hall!""Kakayanin nila ang lahat!""Hindi nila tayo bibiguin!"Kumunot a
Nagtinginan ang mga customer. Nandito lang sila dahil may nagsabi sa kanila tungkol sa mga nagawa ng Fortune Hall.Hindi nila inakalang maiinis nang ganito si Harvey.Malala na nga na hindi niya maayos ang problema, ngunit sinabihan pa niya ang mga mamimili na umalis nang walang-alinlangan.Nagsimulang magbulungan ang mga tao, nakatingin kay Harvey nang may pagdududa at panghahamak.Nagtaka rin si Castiel."Anong ginagawa mo Master York? Kahit na hindi tayo makakatulong, hindi natin dapat basta itaboy ang mga customer."Tinitigan nang masama ni Harvey si Castiel. "Medyo kulang ka pa sa karanasan. Ngayon, kailangan mong kopyahin ang lahat ng laman ng Centennial Book nang sampung beses." Pagkatapos ay uminom siya ng tsaa para mawala ang kanyang uhaw."Sigurado ka bang ayaw mo pang umalis?""Magiging masama kapag humaha pa ang usapang ito."Tinitigan nang masama nv kalaki si Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon."Anong ibig-sabihin nito?""Sinong nasa katinuan ang
'Isang lalaki?''Hindi magkaanak?'Nanigas ang madla, tapos tumigil sila sa pagtawag.Nabigla ang magkasintahan. Tumingin sila kay Harvey nang nagtataka."Ang kapal naman ng mukha mong siraan kami, hayop ka?!"Hindi nagtagal ay nahimasmasan ang lalaki."Napakaganda ng asawa ko, pero sinasabi mong lalaki siya?""Isa itong malaking insulto!""Sisirain ko ang buong store mo ngayon na!""Talaga ba?"Ngumiti si Harvey at muling sinampal ang magkasintahan."Binigay niyo sa akin ang impormasyon tungkol sa isang lalaki, tapos tatanungin niyo ako kung bakit hindi siya magkaanak?""Tapos gusto mong ayusin ko 'to?""Tingin niyo ba wala lang ang Centennial Book?""Tingin niyo ba hindi ko napapansin?""Sinabi niyo na lang sana na kaya niyong magkaanak! Hahanap pa ako ng magandang petsa para sa inyo!"Sinipa ni Harvey ang sinasabing babae bago hilahin ang panyo nito.Makikitang mayroon itong Adam's apple.Sadyang hindi na kailangan ng paliwanag.Natulala ang mga tao."Isa siyang
Mukhang may napagtanto si Castiel."Kaya pala…""Palalampasin na lang ba natin ‘to ng ganun kadali?"“Nagpunta sila dito para gumawa ng gulo! Hindi ba tayo magmumukhang mahina kapag hinayaan lang natin sila?”“Hindi na kailangan,” ang sagot ni Harvey.“Dapat natin silang bigyan ng pagkakataon. Dapat lang na pigilan natin ng kaunti ang mga sarili natin.”“Isa pa, siguradong malaking halaga ang kakailanganin nila para maayos ang mga nabaling braso nila.”“Kung alam nila kung ano ang makakabuti sa kanila, hindi na nila tayo guguluhin pagkatapos nito.”“Syempre, kung gusto talaga nilang mamatay, hindi rin ako magdadalawang-isip na tuluyan sila.”“Ayos!”Tumango si Castiel. Marami siyang natutunan sa pamamagitan lamang ng pagsubaybay sa kung paano magtrabaho si Harvey.Ininom ni Harvey ang kanyang tsaa; hula niya ay pumunta ang dalawang iyon dito upang subukan siya para kay Evermore. Kaya naman, ayaw niyang makahatak ng atensyon na hindi niya kailangan.Naging maayos ang lahat p
Agad na inilabas ni Harvey ang isang talisman kasama ng kaunting cinnabar, at sinindihan niya ito. Pagkatapos, inilublob niya ito sa isang mangkok ng tubig.Nakangiti niyang inabot ang mangkok kay Aston.“Heto. Posible kang magtae pagkatapos mong inumin ‘to, pero sapat na ito upang linisin ang masamang enerhiya sa katawan mo.”“Uminom ka ng mas maraming tubig at magpahinga ka. Siguradong iigi ang pakiramdam mo bukas.”“Oo naman. Salamat, Master York. Ga…”Nanginig ang katawan ni Aston, at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang sikmura, tinuro niya si Harvey habang nanginginig siya.Hindi nagtagal ay bumagsak siya sa lupa pagkatapos nito.“A-Anong pinainom mo sa’kin, hayop ka?”Nagsimulang bumula ang kanyang bibig, at tumigil siya sa paghinga. Wala siyang pinagkaiba sa isang bangkay.“Aaah!”Nagulat ang ibang mga customer, napaatras sila sa takot.Nagsigawan ang mga babae sa sobrang takot.Hindi sila makapaniwala sa kanil
Agad na napaatras sa takot ang mga customer na dumating sa Fortune Hall.Dumating sila Cliff, Luca, at ang iba pa matapos nilang marinig ang sitwasyon. Agad silang sumimangot nang makita nila na patay na si Aston.Madali lang solusyonan ang sitwasyong ito: kailangan lang nilang bayaran ang mga tao.Hindi rin mahihirapan si Harvey na makaalis sa sitwasyong ito ng walang kagalos-galos.Subalit, habangbuhay nang sira ang reputasyon ng Fortune Hall.Pagkatapos niyang marinig ang balita, halos maluha na si Leona.Hindi siya nag-aalala sa Fortune Hall. Sa halip, natatakot siya na baka wala nang magawa si Harvey kundi ang tumigil sa pagiging isang geomancy expert at umalis sa lugar.Huminahon si Castiel at lumapit siya kay Harvey.“Hindi ko maramdaman ang pulso niya, Master York…”“Ano na ang gagawin natin ngayon?”Nanginig si Castiel pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ‘yun. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, dahil ito ang unang pagkakataon na naharap sila sa ganitong sit