Agad na inilabas ni Harvey ang isang talisman kasama ng kaunting cinnabar, at sinindihan niya ito. Pagkatapos, inilublob niya ito sa isang mangkok ng tubig.Nakangiti niyang inabot ang mangkok kay Aston.“Heto. Posible kang magtae pagkatapos mong inumin ‘to, pero sapat na ito upang linisin ang masamang enerhiya sa katawan mo.”“Uminom ka ng mas maraming tubig at magpahinga ka. Siguradong iigi ang pakiramdam mo bukas.”“Oo naman. Salamat, Master York. Ga…”Nanginig ang katawan ni Aston, at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang sikmura, tinuro niya si Harvey habang nanginginig siya.Hindi nagtagal ay bumagsak siya sa lupa pagkatapos nito.“A-Anong pinainom mo sa’kin, hayop ka?”Nagsimulang bumula ang kanyang bibig, at tumigil siya sa paghinga. Wala siyang pinagkaiba sa isang bangkay.“Aaah!”Nagulat ang ibang mga customer, napaatras sila sa takot.Nagsigawan ang mga babae sa sobrang takot.Hindi sila makapaniwala sa kanil
Agad na napaatras sa takot ang mga customer na dumating sa Fortune Hall.Dumating sila Cliff, Luca, at ang iba pa matapos nilang marinig ang sitwasyon. Agad silang sumimangot nang makita nila na patay na si Aston.Madali lang solusyonan ang sitwasyong ito: kailangan lang nilang bayaran ang mga tao.Hindi rin mahihirapan si Harvey na makaalis sa sitwasyong ito ng walang kagalos-galos.Subalit, habangbuhay nang sira ang reputasyon ng Fortune Hall.Pagkatapos niyang marinig ang balita, halos maluha na si Leona.Hindi siya nag-aalala sa Fortune Hall. Sa halip, natatakot siya na baka wala nang magawa si Harvey kundi ang tumigil sa pagiging isang geomancy expert at umalis sa lugar.Huminahon si Castiel at lumapit siya kay Harvey.“Hindi ko maramdaman ang pulso niya, Master York…”“Ano na ang gagawin natin ngayon?”Nanginig si Castiel pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ‘yun. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, dahil ito ang unang pagkakataon na naharap sila sa ganitong sit
Walang pakialam si Harvey sa kaguluhan, at wala rin siyang pakialam sa nagsisigawang mga tao. Kalmado siyang nagpadala ng isang text bago siya nagsalita.“Nakakatuwa naman kayo.”“Ni hindi niyo man lang pinansin si Aston tapos ngayon sinisigawan niyo ako, at sinasabi niyo na patay na siya.”“Hindi ba dapat tumawag kayo ng ambulansya?”“Isa pa, limang minuto pa lang siyang patay. Wala pang tumawag ng kahit sino dito, at nandito na kayong lahat bitbit ang mga bakal na pamalo?”“Siguradong alam niyo na mamamatay siya, tama ba?”Nag-vibrate ang phone ni Castiel. Pagkatapos niyang makita ang text sa may screen, umalis siya ng walang ingay.“Kalokohan!”Walang balak ang babae na makipag-usap ng maayos kay Harvey. Mukhang galit na galit siya.“Pinatay mo siya, at ngayon kami ang sinisisi mo?!”“Tao ka pa ba?”Nagpakita ng mga makatarungang ekspresyon ang iba at nagsimula rin silang sumigaw.“Tama ‘yun! Nakita ng lahat na namatay siya pagkatapos mo siyang painumin ng kung anong bag
Inangat ng babae ang kanyang ulo at mayabang siyang tumingin sa kanyang paligid.Nanatiling nakangiti si Harvey.“Pero, hindi ko gusto ang mga kondisyon.”“Paano kung ganito na lang? Bubuhayin ko ang dad mo ngayon mismo.”Nanigas ang babae noong narinig niya ang mga salitang iyon.“Ano ang ibig mong sabihin dun?”Nagulat din ang iba pang mga customer.Kinurot ni Castiel ang kanyang ilong, habang hawak ang isang mangkok. Isang napakabahong amoy ang kumalat sa hangin nang maglakad siya papasok sa loob ng bulwagan.Pumangit ang ekspresyon ng mukha ng babae.“Anong ginagawa mo?”“Patay na ang dad mo. Mayroon akong gamot na ginawa ko mismo para sa pagbuhay ng mga patay.”Kinurot ni Harvey ang kanyang ilong habang nagsasalita siya.“Sinusumpa ko sa pangalan ko…”“Na sa oras na inumin niya ito, mabubuhay siya ng kasing bilis ng kidlat!”“Kung hindi, isasara ko ang lugar na ito at ibabalik ko ang pera mo—hindi, hindi pa sapat ang 1.5 million! Babayaran kita ng 15 million!”Umatr
“Blargh!”Ng pumasok ang gamot sa bibig ni Aston, nanginginig ang kanyang katawan. Iminulat niya ang kanyang mga mata sa gulat, pilit na inilalabas ang lahat sa kanyang bibig."Ano?!"Naghiyawan sa takot ang mga tao sa paligid niya at napaatras. Lahat sila ay parang nakakita ng multo.Wala sa kanila ang nag-isip na ang isang patay na tao ay talagang mabubuhay sa ganitong paraan.Si Cliff at ang iba ay mukhang tuliro.“Ito ang nagliligtas-buhay na bagay dito, matanda! Kailangan mong inumin ang lahat para hindi ka masumpa muli,” Sabi ni Harvey.Idiniin niya ang paa kay Anton, na nagpatigil sa pagpupumiglas ni Anton. Pinagmasdan niya ang mabahong gamot na pumasok mismo sa bibig ni Anton.Naiinis ang mga tao. Gusto nilang sumigaw, ngunit hindi nila magawa. Kahit na ang nasa katanghaliang-gulang na babae at ang kanyang mga lalaki ay walang magawa sa sitwasyon.Hindi nagtagal, nilunok ni Anton ang lahat ng gamot. Inilayo ni Harvey ang kanyang paa."Maglinis ka na, Castiel," Sabi ni
Nakakatakot ang mga ekspresyon ni Aston at ng iba pa.Sila ay hindi makapaniwala. Hindi nila akalain na masasabi ni Harvey na gumagamit sila ng anting anting para pekein ang pagkamatay ni Aston.Ang pinakamahusay na paraan upang kontrahin ang anting anting na iyon ay isang bagay na marumi. Ang pig swill ay natural na ang pinakamahusay na gamot.Ikinaway ni Cliff at ng iba ang kanilang mga kamay, malamig na ngumiti. Maraming manggagawa ang sumugod, hawak ang mga bakal na bat.Dati, nakonsensya sila dahil akala nila nakapatay sila ng tao. Ngayong nakuha na nila ang kanilang mataas na moralidad, gusto nilang gumanti.Sa wakas ay naunawaan ng iba pang mga customer ang sitwasyon.Nandito si Aston at ang kanyang mga kamag anak para manggulo!Hindi lamang nakita ni Harvey ang kanilang geomancy arts, ngunit pinahiya niya rin sila sa publiko.Matapos mapagtanto na sila ay ganap na naloko ng mga walanghiyang taong ito, ang mga kostumer ay nakatayo sa mga bangko na may matuwid na tingin.
“Tingnan mo ito. Alamin mo kung bumisita si Aston sa Volton Hall dati. Kung nagawa niya, humanap ng paraan para piyansahan siya,” Sabi ni Harvey.Muling sumulpot si Cliff nang matapos ni Harvey ang kanyang ikatlong pot ng tsaa.“Sir York, pumunta nga siya sa Volton Hall bago pumunta sa lugar namin. Paglabas niya doon, parang naging ibang tao na siya.”"Binili ko ang isa sa mga empleyado doon, at nakumpirma ko na ang mga aktor ay mula sa parehong lugar.""Kasali ang Volton Hall!"“Matapos nilang pumalpak na gumawa ng gulo nakaraan, pinahiya nila ang sarili nila at naubusan ng negosyo. Wala silang pagpipilian kundi umasa sa mga libreng serbisyo para makaakit ng mga customer.”"Sila ay umaasa na isara ang Fortune Hall sa pagkakataong ito."“Nakakalungkot. Nahigitan mo sila! Siguradong magdurusa ang Volton Hall.”Kinagat ni Castiel ang isang mansanas, puno ng paghanga ang kanyang mukha."Dapat hindi tayo naging madali sa kanila noong nakaraan, Master York!""Sino ang may ari ng V
"Master York?""Babayaran ang pabor?"Napakunot noo ang medyo may edad na lalaki kay Harvey, malamig na ngumiti."Hindi ka pa nararapat, at narito ka upang hamunin ang aming master?""Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob?"Pinalaki ni Harvey ang lalaki, at may nakita siyang itim sa noo."Nakakawili," Nagtataka niyang sabi. “Anong klaseng negosyo ang ginagawa niyo dito? Bakit ang isang graverrobber na tulad mo ay naglilingkod sa mga customer?"Agad na nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Natakot siya ng walang kwenta pagkatapos marinig ang mga salitang iyon.“A...anong ibig mong sabihin diyan?”“Binabalaan kita, bata! Mas mabuting huwag kang maglabas ng kalokohan!""Idedemanda kita kung gagawin mo!"Malaki ang pagsasalita ng lalaki, ngunit siya ay mukhang kakilakilabot. Natural, nasapul ni Harvey ang bagay na iyon."Kung tama ang hula ko, nakakita ka ng malaking libingan ng isang may ari ng lupa mula sa Whip Dynasty. Pinlano mong hukayin ang lahat at ibenta ang mga ito par