Kakaiba ang itsura ni Kellan; hindi niya alam ang sasabihin niya.Napagtanto niyang minaliit niya talaga si Harvey.Malinaw na aalis na si Ronnie ngunit tumayo pa rin si Harvey para bastusin ito.Walang nakakaalam kung sadyang walang pakundangan si Harvey o may lakas talaga siya para durugin ang isang bubwit na tulad ni Ronnie.Nabigla ang ibang mga mamimili na makita ito.Natural, wala sa kanilang naniniwalang may aasal nang ganito sa harapan ni Ronnie sa isang lugar na tulad ng Golden Sands!"Sinira mo ang isang buong pagsasalo, dinumihan ang damit ko, at sinira mo ang timpla ko," sinabi ni Harvey nang mukhang malakas ang loob."Tapos tingin mo pwede ka na lang bastang umalis nang ganyan?""Para kay Kellan, hindi ako makikipagtalo sa'yo.""Basta lumuhod ka at bayaran mo ako ng 1.5 million dollars, palalampasin ko ito.""Kung hindi, papahigain kita sa labas."Nagulat ang mga tao sa sinabi ni Harvey.Tinitigan nilang lahat si Harvey, hindi makapaniwala.'Nababaliw na siya!
"Mula ka sa Lee family diba, bata?"Humalukipkip si Wes habang nakatitig nang masama kay Ronnie."Nahingi mo na ba ang pahintulot ng tatay mo bago ka magyabang nang ganito?""Tawagan mo siya. Itanong mo sa kanya kung magtatapang ba siyang kausapin ako nang ganito."Kumirot nang husto ang mga mata ni Ronnie. Kaagad siyang yumuko habang nagkikiskisan ang ngipin."Pasensya na, Mr. Pagan! Masyadong marami ang nainom ko! Pasensya na at ganito ako magsalita!""Hindi ko na uulitin!""Hindi ko kailangan ang patawad mo. Lumuhod ka kay Sir York.""Palalagpasin ko ito kapag pinatawad ka niya.""Kung hindi, tapusin na natin ang lahat dito ngayon!"Kumirot nang husto ang mga mata ni Henley.'Diba live-in son-in-law lang naman si Harvey? Diba basura lang naman siya?!''Bakit siya prinoprotektahan ng isang maalamat na taong tulad ni Wes?!'Sumama ang mukha ni Harley.Akala niya madudurog na niya si Harvey nang madali kapag binenta niya ang katawan niya kay Ronnie…Subalit, napagtanto n
Hindi lamang sinampal sa mukha si Ronnie, sinampal din siya sa sahig.Nabigla sila Henley nang makita nila ito.Hindi mapigilan si Henley na sampalin ang kanyang sarili sa mukha para masigurong hindi siya nananaginip.Hindi makapaniwala si Harley.Hindi siya makapaniwala sa katotohanang tuwing hinahamon niya si Harvey, tueing akala niya nakajalamang na siya, binabaligtad nito lagi ang lahat.Hindi ito matatanggap ng kanyang mapagmataas na ugali Gusto niyang makaramdam ng takot si Harvey. Kaya gusto niyang kumapit kay Ronnie. Gusto niyang magmakaawa si Harvey at panghinaan ng loob."Ang kapal ng mukha mo Harvey?!"Natumba si Ronnie mula sa sahig."Tingin mo ba natatakot ako sa'yo?!'"Tingin mo ba madali akong apihin para lang kayan-kayanan mo?!""Binabalaan kita…"Pak!Muling sinampal ni Harvey sa mukha si Ronnie."Binabalaan mo ako na ano?"Natulala si Ronnie pagkatapos masampal nang sobrang tagal."Ano bang gusto mo?""Lumuhod ka at humijgi ng tawad!"Hinawi ni Har
Nang hindi pinapansin ang awtoridad at pinagmulan…Sigurado si Ronnie na kaya niyang ma ng sampung Harvey.'Kung wala si Wes, siguradong patay na si Harvey!'"Huwag kang masyadong maingay, Harvey!""Papatayin talaga kita kapag may pagkakataon!"Tumayo si Ronnie bago nagsalita sa boses na sila lang ni Harvey ang nakakarinig."Papatayin ko rin ang bawat taong mahal mo!""Aking susunugin ang lahat ng iyong mga ninuno sa lupa!""Maaga o huli, sasagutin kita ng mga score!""Ganoon ba?"Mahinahong tumawa si Harvey bago sinipa si Ronnie sa harap ng lahat.Walang imik si Wes at ang iba pa nang makita ito.'May death wish ba talaga ang lalaking ito? Bakit ngayon pa niya tinatakot si Harvey?’Napangiti si Harvey."Hihintayin kita.""Ngunit tandaan…""Pinananatili kitang buhay para sa kapakanan ni Mr. Pagan at Kellan.""Sa susunod, iba na ang kwento."Pinandilatan ni Ronnie si Harvey na may masamang tingin.Nilunok niya ang kanyang galit bago siya tuluyang umalis sa lugar na iy
Nang makaalis si Kellan, nakangiting lumapit si Harvey kay Wes."Salamat sa pagsipot mo ngayong gabi.""Kung wala ka, medyo nahihirapan ako."Humagalpak ng tawa si Wes."Masyado kang mabait, Sir York.""Natural lang sa akin na tumulong kapag nailigtas mo na ang buhay ko.""At saka, hindi ka mahihirapan kahit na walang tulong ko.""Naglalagay lang ako ng icing sa cake sa puntong ito."Naturally, alam ni Wes na si Harvey ay isang maingat na tao.Nakakahiya para kay Harvey kung hindi niya kayang harapin ang gulo nang mag-isa.Naglakad si Arlet papunta kay Harvey, saka sumandal sa tenga niya."Sa halip, ako dapat ang pasalamatan mo, Harvey!"“Ako ang kumuha ng shots! Nabaril ka sana ng mga tauhan ni Ronnie kung hindi dahil sa akin!"Humalakhak si Harvey.“Oo naman. Salamat diyan.”“Paano ito? Bibigyan kita ng isang buwang pahinga. Bumalik ka na sa trabaho pagkatapos nito.""Ikaw!"Hindi nakaimik si Arlet.“Ang damot mo!”“Niligtas ko ang buhay mo, pero hindi mo pa rin ka
Lumabas si Arlet sa gilid bago nagsalita."Dapat tumingin ka rin sa akin, Harvey!"Mabilis itong tumabi sa kanya.Nakangiting tumango si Harvey, saka pinag-aralan si Arlet.“Kakaiba iyan. Your luck is not supposed to be that good…” nakakunot ang noo niyang sabi."Bukod sa iyong swerte sa kapalaran, nagkakaroon ka rin ng suwerte sa mga tuntunin ng pag-iibigan.""Nakakilala ka ba ng lalaking gusto mo kamakailan?"Natigilan si Arlet."Hindi. Wala akong nakitang tao pero…”Namula ang mukha ni Arlet, at pinigilan niya ang sarili.Hindi mapakali si Harvey na ilantad siya pagkatapos makita siyang mukhang kinakabahan.Muli niyang tinignan si Arlet bago muling sumimangot. Isang pahiwatig ng dead air ay nakasabit din sa kanya.Ito ay mukhang ganap na kapareho sa isa kay Wes."May problema ba, Sir York?" Likas na tanong ni Wes matapos makita ang pagmumukha ni Harvey.Napangiti si Harvey.“It’s not that big of a deal. Sabi nga, mas mabuti pa ring mag-iingat."Pagkatapos ay iginuhit
Sa sandaling nagpakita sina Wes at Arlet, medyo nawala ang pagmamataas sa mukha ng lalaki. "Halika halika. Hayaan mong ipakilala kita." "Ito si Lachlan Bree, ang martial arts senior ni Arlet." “Galing siya sa isa sa mahiwagang sacred martial arts training grounds. Siya ay isang natatanging tao mula sa nakababatang henerasyon ng mga martial artist!" Masigasig na ipinakilala ni Wes si Lachlan kay Harvey. Napahagikgik si Arlet nang marinig ang mga salitang iyon. "Ang aking senior ay kahanga-hanga, Harvey!" "Nakakasira siya ng ilang brick nang sabay-sabay sa isang chop!" Bahagyang ngumiti si Lachlan, nakatingin kay Arlet na parang nakatingin sa private property niya. Malinaw na may nararamdaman siya para sa kanyang junior. Si Wes, sa kabilang banda, ay walang ideya kung ano ang iniisip ng mga kabataan. “Young Master Bree, ito si Harvey York. Siya ay bihasa sa mga tuntunin ng geomancy arts." “Maaari kang humingi ng tulong sa kanya kung nahihirapan ka. Baka nagula
Malinaw na ipinakita sa ugali ni Wes na mas mahalaga si Harvey kaysa kay Lachlan. Tumingin si Lachlan kay Wes, nagpipigil ng pagmamalaki at hindi umiimik. Ganun pa man, malamig pa rin ang panunuya niya kay Harvey. "Kami na ang bahala sa lahat dito. Huwag kang gagawa ng anumang katangahan, at makinig sa aming mga utos!" "Sa amin dito, hindi lang Mr. Pagan at Arlet, kundi magiging maayos din kayo." "Kaya itago mo na lang ang sarili mo!" "Hindi kami mananagot kapag may nangyari sa iyo!" Kalmadong ngumiti si Harvey habang tinitingnan ang mapagmataas na ekspresyon ni Lachlan. "Wala akong gagawin hangga't ligtas si Mr. Pagan at Arlet." Isang masamang tingin ang lumitaw sa mukha ni Lachlan. Ang dalawang magagandang babae sa likod niya ay walang ibang laman kundi pagkasuklam din. 'Sino siya sa tingin niya?' ‘Masama na nga na nanloloko siya ng mga tao para mabuhay, pero nakikisali pa siya sa underworld!’ ‘Nakakabaliw lang yan!’ 'Marahil ay luluha siya