“Harley, ikaw…”Hindi inaasahan ni Westin na tumalon din ang sarili niyang kapatid. Galit na galit siya hanggang sa maubo na siya ng dugo. Wala siyang masabi kahit isang salita.“Matalino. Matalino talaga…”Humagalpak ng tawa si Ronnie."Hindi lang talaga maganda ang kapatid mo, matalino din siya..."“Paano ito? Dapat sumama ka sa akin!"Naningkit ang mga mata ni Harley."Salamat sa pagkakataon! Ito ay ang aking karangalan!"Natural, alam ni Harley na ang Deepsky Corporation ay nasa bingit ng bangkarota. Kung hindi siya makakahanap ng makakapitan sa lalong madaling panahon, wala na siyang paraan upang tamasahin ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa kaluwalhatian at kayamanan.Matapos makita ang kakilakilabot na itsura ni Westin, humagalpak ng tawa si Ronnie at inakbayan ang dalawang babae.“Halika! Kung kayo ang magpapasaya sa akin, gagawin ko kayong dalawa na mga dyosa ko!""Kayong dalawa ay nakakakuha ng isang daan at limampung libong dolyar bawat buwan!""Ngayon, sim
Napatingin sina Henley at Harley, saka nakita si Harvey na may dalang kutsilyo.“Harvey…”Natigilan agad ang dalawa.Nakilala rin ni Westin ang mukha na iyon.Hindi niya matanggap ang katotohanang nakasalubong niya si Harvey sa pinakamahihiya niyang sandali ng buhay niya. Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa pader.Ang dalawang babaeng aalis na sana ay humila sa mga braso ni Ronnie bago itinuro si Harvey at tahimik na bumulong sa kanyang mga tenga.Inilapit ni Ronnie ang kanyang mga tao na may mapaglarong tingin sa kanilang mga mukha.Natakot si Westin. Inakala niyang hinahabol na naman siya ng mga tao, at mabilis siyang natisod palabas ng lugar.Galit na galit siya, pero alam niyang hindi siya kalaban ni Ronnie.Daranas siya ng isang kakilakilabot na kamatayan kung mananatili pa siya.Bam!Saktong naghahanda na si Harvey sa paghiwa ng kanyang steak, agad na sinipa ni Ronnie ang isang upuan sa kanya.Napaatras si Harvey, dali daling umiwas sa upuan.Isang malakas na kalabog
Hindi pinansin ni Harvey si Ronnie."Tabi!""Hayop ka!"Galit na galit na hinampas ni Ronnie ang lamesa."Hindi mo alam ang makabubuti sa'yo ha?!""Sige! Ipapakita ko sa'yo kung anong mangyayari kapag kinalaban mo ako!"Kinumpas ni Ronnie ang kanyang kamay at ipinadala ang maraming guwardiya patungo kay Harvey nang sabay-sabay."Hoy Ronnie! Sinong nagbigay sa'yo ng tapang na kalabanin si Sir York?"Maraming malalaki at mababangis na lalaki Makikita ang galit na mukha ni Kellan sa harapan.Sugatan siya, ngunit ang buong katawan niya ay napapaligiran ng isang matinding liwanag.Napansin ni Harvey na ang ilang tauhan niya ay mga martial art expert din.Natapos na ni Kellan ang anumang inaatupag niya sa taas. Nakatanggap na siya ng buong suporta mula sa mga taong nakaalalay sa kanya.“Kapatid ko si Sir York! Ang sinumang babangga sa kanya, papatayin ko!”Ipinakita ni Kellan ang kanyang hinaing, para bang tauhan talaga siya ni Harvey.Nanigas si Westin; hindi niya inakalang
”Lumuhod ka na lang dapat Harvey!”Hindi mapigilang magsalita ni Harvey, makikita ang kayabangan sa kanyang mukha.Gusto niyang makitang luhaan ang live-in son-in-law na ito, nagmamakaawa.“Hindi lang basta lalaki si Ronnie, Harvey! Ang pagkatao at katayuan niya ay hindi mo maiintindihan!”“Sa ngayon kaya ka pang protektahan ni Kellan, pero hindi ka niya mapoprotektahan habang buhay!”Mayabang na itinaas ni Harley ang maganda niyang mukha.“Kapag hindi ka lumuhod ngayon na, magbabayad ka sa susunod!”“Mabuti pa at gawin mo ang lahat ng sinasabi ni Ronnie bago siya magalit!”“Kung hindi, huli na ang lahat para sa’yo!”Naningkit ang mata ni Harley kay Harvey habang tumatawa siya.“Si Young Master Lee ay hindi isang taong kaya mong banggain, Harvey!”“Maaaring maganda ang relasyon niyo ni Kellan para tawagin ka niyang kapatid.”“Maaaring kaya mong labanan ang sampung tao nang mag-isa.”“Pero ano naman?”“Hindi mo kakayanin ang lakas ni Young Master Lee at ng mga taong nakasu
Kakaiba ang itsura ni Kellan; hindi niya alam ang sasabihin niya.Napagtanto niyang minaliit niya talaga si Harvey.Malinaw na aalis na si Ronnie ngunit tumayo pa rin si Harvey para bastusin ito.Walang nakakaalam kung sadyang walang pakundangan si Harvey o may lakas talaga siya para durugin ang isang bubwit na tulad ni Ronnie.Nabigla ang ibang mga mamimili na makita ito.Natural, wala sa kanilang naniniwalang may aasal nang ganito sa harapan ni Ronnie sa isang lugar na tulad ng Golden Sands!"Sinira mo ang isang buong pagsasalo, dinumihan ang damit ko, at sinira mo ang timpla ko," sinabi ni Harvey nang mukhang malakas ang loob."Tapos tingin mo pwede ka na lang bastang umalis nang ganyan?""Para kay Kellan, hindi ako makikipagtalo sa'yo.""Basta lumuhod ka at bayaran mo ako ng 1.5 million dollars, palalampasin ko ito.""Kung hindi, papahigain kita sa labas."Nagulat ang mga tao sa sinabi ni Harvey.Tinitigan nilang lahat si Harvey, hindi makapaniwala.'Nababaliw na siya!
"Mula ka sa Lee family diba, bata?"Humalukipkip si Wes habang nakatitig nang masama kay Ronnie."Nahingi mo na ba ang pahintulot ng tatay mo bago ka magyabang nang ganito?""Tawagan mo siya. Itanong mo sa kanya kung magtatapang ba siyang kausapin ako nang ganito."Kumirot nang husto ang mga mata ni Ronnie. Kaagad siyang yumuko habang nagkikiskisan ang ngipin."Pasensya na, Mr. Pagan! Masyadong marami ang nainom ko! Pasensya na at ganito ako magsalita!""Hindi ko na uulitin!""Hindi ko kailangan ang patawad mo. Lumuhod ka kay Sir York.""Palalagpasin ko ito kapag pinatawad ka niya.""Kung hindi, tapusin na natin ang lahat dito ngayon!"Kumirot nang husto ang mga mata ni Henley.'Diba live-in son-in-law lang naman si Harvey? Diba basura lang naman siya?!''Bakit siya prinoprotektahan ng isang maalamat na taong tulad ni Wes?!'Sumama ang mukha ni Harley.Akala niya madudurog na niya si Harvey nang madali kapag binenta niya ang katawan niya kay Ronnie…Subalit, napagtanto n
Hindi lamang sinampal sa mukha si Ronnie, sinampal din siya sa sahig.Nabigla sila Henley nang makita nila ito.Hindi mapigilan si Henley na sampalin ang kanyang sarili sa mukha para masigurong hindi siya nananaginip.Hindi makapaniwala si Harley.Hindi siya makapaniwala sa katotohanang tuwing hinahamon niya si Harvey, tueing akala niya nakajalamang na siya, binabaligtad nito lagi ang lahat.Hindi ito matatanggap ng kanyang mapagmataas na ugali Gusto niyang makaramdam ng takot si Harvey. Kaya gusto niyang kumapit kay Ronnie. Gusto niyang magmakaawa si Harvey at panghinaan ng loob."Ang kapal ng mukha mo Harvey?!"Natumba si Ronnie mula sa sahig."Tingin mo ba natatakot ako sa'yo?!'"Tingin mo ba madali akong apihin para lang kayan-kayanan mo?!""Binabalaan kita…"Pak!Muling sinampal ni Harvey sa mukha si Ronnie."Binabalaan mo ako na ano?"Natulala si Ronnie pagkatapos masampal nang sobrang tagal."Ano bang gusto mo?""Lumuhod ka at humijgi ng tawad!"Hinawi ni Har
Nang hindi pinapansin ang awtoridad at pinagmulan…Sigurado si Ronnie na kaya niyang ma ng sampung Harvey.'Kung wala si Wes, siguradong patay na si Harvey!'"Huwag kang masyadong maingay, Harvey!""Papatayin talaga kita kapag may pagkakataon!"Tumayo si Ronnie bago nagsalita sa boses na sila lang ni Harvey ang nakakarinig."Papatayin ko rin ang bawat taong mahal mo!""Aking susunugin ang lahat ng iyong mga ninuno sa lupa!""Maaga o huli, sasagutin kita ng mga score!""Ganoon ba?"Mahinahong tumawa si Harvey bago sinipa si Ronnie sa harap ng lahat.Walang imik si Wes at ang iba pa nang makita ito.'May death wish ba talaga ang lalaking ito? Bakit ngayon pa niya tinatakot si Harvey?’Napangiti si Harvey."Hihintayin kita.""Ngunit tandaan…""Pinananatili kitang buhay para sa kapakanan ni Mr. Pagan at Kellan.""Sa susunod, iba na ang kwento."Pinandilatan ni Ronnie si Harvey na may masamang tingin.Nilunok niya ang kanyang galit bago siya tuluyang umalis sa lugar na iy
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai