“Ang tagapagligtas mo?”Nagtaka si Ari Foster. Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin ni Kairi Patel. Tinuro ni Kairi si Harvey York. “Ayan! Siya yun! Si Harvey!“Siya rin ang nagligtas sa'kin sa eroplano. “Ibig sabihin nito ay dalawang beses na niya akong niligtas.” “Dalawang beses?”May kakaibang ekspresyon si Ari nang tinignan niya si Harvey. “Siya?“Siya ang tagapagligtas mo?”Ngumiti lang si Kairi. “Tama! Balak ko ring ibigay ang katawan ko sa kanya!“Sayang nga lang at di niya ko gusto…”Naging malamig ang ekspresyon ni Ari bago niya tinitigan nang masama si Harvey. “Dali! Pabagsakin niyo ang lalaking to!“Patayin niyo siya kapag nagtangka siyang manlaban!”Nagbago ang ekspresyon ni Kairi. “Anong ibig sabihin nito?”Malamig na tumawa si Ari. “Nagawa talagang pabagsakin ng isang binatang kagaya niya ang isang King of Arms ng isa sa scared martial arts training grounds…“Isa siguro siya sa kanila!“Sugod!”Binunot ng mga tauhan ni Ari ang mga
Malamig na ngumisi si Ari Foster nang naningkit siya kay Harvey York. Galit na sumigaw ang lalaki kay Harvey. “Ang lakas ng loob mong gawin to sa'kin?! Gusto mo bang mamatay?!”Bam!Kaagad na sinipa ni Harvey ang lalaki at pinalipad siya bago bumagsak sa lapag nang walang malay. Nagulat ang lahat sa bilis ng pagkilos ni Harvey. Lalo na't napakahusay niya rin. “Sino ka bang h*yop?!” sigaw ni Ari. Walang pakialam si Harvey na magbigay ng kahit na anong sagot. Kaagad niyang tinutok ang baril niya sa kabilang direksyon bago kinalabit ang gatilyo. Bang!Narinig ang nagsabay-sabay na tunog ng putok ng baril. Sa sumunod na sandali, nakahiga na sa lapag ang lahat ng taong nakapalibot kay Harvey habang hawak ang mga binti nila. Mabilis na nagbago ang ekspresyon nina Gaspian Patel at ng iba pa nang nakita nila ang eksena. Natural na hindi nila inasahang gagawin ito ni Harvey. Galit na galit si Ari pagkatapos makita ang eksena. “Ang lakas ng loob mong saktan ang isa sa mg
Pagkatapos iligtas si Kairi Patel, umalis si Harvey York sa eksena para ipalinis ito sa kanya. Naniniwala siyang hahawakan niya nang maayos ang lahat base sa kakayahan niya. Pagkatapos, tinawagan niya si Thomas Burton para ipagmaneho silang dalawa sa isang lugar para kumain. Gustong pumunta ni Harvey sa isang stall sa tabi ng daan, pero nagpumilit si Thomas na ilibre siya ng masarap na pagkain. Nagpunta ang dalawa sa Golden Sands Hotel. Napakatahimik ni Thomas habang nasa daan siya. Hindi siya nagsalita ng kahit na ano pagkatapos makita ang karahasan sa harapan niya kanina lang. Hindi niya tinanong si Harvey tungkol sa mga detalye na para bang walang nangyari. Namangha si Harvey sa kinikilos ni Thomas. Masasabing isa siyang lalaking malayo ang mararating pero pinipigilan lang siya ng kamalasan sa sandaling ito. Hindi nagtagal, pumarada ang kotse sa harapan ng Golden Sands Hotel. Mabilis na bumunot si Thomas ng bank card at binigay ito kay Harvey nang may naalala siya. “He
Pagkatapos marinig ang buntong-hininga ni Thomas Burton, malinaw na nararamdaman ni Harvey York ang pagod ng isang lalaki. Kumunot ang noo ni Harvey. “Sinong nanggugulo sa'yo?“Kahit ang mga daring kakumpetensya mo ay hindi gagawa ng ganito para lang magsayang ng enerhiya, tama?”Mapait na tumawa si Thomas. “Isa sa kanila ay matalik kong kaibigan, habang ang isa naman ay ang babaeng minahal ko…“Hindi lang sila nagsama pagkatapos ng pagbagsak ko, pero paulit-ulit din nila akong tinatapak-tapakan!“Pagkatapos, nalaman kong ninanakawan ako ng pera ng kaibigan ko sa nagdaang ilang taon…“Kasabwat din niya ang babaeng iyon…“Tanga ako. Hindi ko napansin na trinaydor na nila ako. “Hindi nila ako hahayaang umangat muli kahit na anong mangyari. “Alam nilang dudurugin ko sila sa sandaling mangyari yun. “Kaya tumigil ako sa pagnenegosyo. May kotse ako rito. Siguro pwede kong subukang maging driver…“Makakahinga nang maluwag ang mga taong yun at ganun din ako.“Kapag tapos n
”Siya ang dati kong nobya, si Sydney Lee.“Ilang taon din kaming nagsama. Minahal ko siya. Handa akong ibigay ang buong mundo sa kanya.“Ngunit hindi ko alam na matagal na pala silang nagsasama ng matalik kong kaibigan!“Matapos kunin ng gobyerno ang lahat ng aking mga ari-arian at negosyo, hindi lang niya kinuha ang natitirang kong pera, nagsabwatan pa sila ng matalik kong kaibigan para lokohin ako na pumirma sa isang kontrata, kaya napilitan akong saluhin ang lahat ng utang na iyon…“Mabuti na lang at pinalad ako. Pinakulong ko na sana ang mga bastardong yun kung hindi lang nangyari sa akin ang bagay na yun! “Gayunpaman, dapat kong pasalamatan si Mandy Zimmer sa pagligtas niya sa akin noon..”Bakas ang respeto sa mukha ni Thomas Burton. Napangiti si Harvey York.“Galit ka pa rin ba sa kanya?”“Syempre naman, ngunit habang iniisip ko ang tungkol dito nitong mga nakaraang araw…Naging seryoso ang ekspresyon ni Thomas. “Ang pagkamuhi sa isang babae ang pinakawalang kwenta
”At sino naman ang tabatsoy na ito?! Mukha siyang probinsyano, at nakatingin pa nga siya sa atin!” “Baka isa siyang manyak! Tingnan niyo! Nakatingin naman siya ngayon sa hita ko!”“Ah! Hindi ako makapaniwala na nakalimutan kong isuot ang stockings ko ngayong araw! Nakita niya ng buo ang hita kita! Nakakadiri!” “Hindi ba?! Nakakadiri talaga ang mga ganyang tao! Hindi niya ba alam na tayo ay mga inosente at dalisay na mga babae?!”“Papaano na tao ikakasal pagkatapos nito?!”“Nakakadiri!”“Manyak!”“Ang isang lalaki na kagaya niya ay gustong makatikim?”“Asa ka pa!”Maingay na nagtsismisan ang mga babae. Si Sydney Lee, na may kausap sa phone, ay tumingala sa mga sandaling iyon. Isang pilyang ngiti ang makikita sa kanyang mukha nang masilayan niya si Thomas Burton. “Nagtataka ako kung sino! Si Young Master Burton pala!”Halata naman na naaalala pa ni Sydney kung sino si Thomas. Lalo na, matagal din silang nagsama. Matapos niyang malala ang nakaraan nila, pakiramdam ni
Matapos hamaklin ng kanyang dating kasintahan at ng mga kaibigan nito, hindi na napigilan pa ni Thomas Burton ang kanyang nararamdaman kahit na isa itong mabuting tao. “Sumosobra ka na, Sydney Lee!” sigaw ni Thomas habang may malamig na tingin. “Alam mo kung paano kita inalagaan dati! Wala akong pakialam kung gaano mo man ako hamakin…“Ngunit kapag pinagpatuloy mo ang panlalamang sa ibang tao, huwag mo akong sisihin kung ano ang susunod na mangyari sayo…”“Anong sinabi mo?!”Nagpakita si Sydney ng isang masamang tingin. “Isa ka lang walang basura! Sa tingin mo ba ay ikaw pa rin ang Garbage King o kung sino pa man?! “Hindi mo kayang tiisin ang kahit na ano! Lalake ka ba o ano?!”Hindi alam ni Thomas kung paano siya sasagot matapos walang habas na malait. Tinapik ni Havey ang balikat ni Thomas ng may ngiti sa mukha nito. “O siya. Huwag mo nang sayangin ang laway mo sa mga malupit na tao na to. Pumasok na tayo sa loob.”“Anong sinabi mo?!“Tinawag mo kaming malupit?!
Nanigas si Thomas Burton bago nagpakita ng isang nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha. Bigla niyang naalala na ang membership card ay may annual renewal fee na nagkakahalaga ng ilang libong dolyar. Pagkatapos mawala ang lahat ng kanyang ari-arian, wala na siyang pera para bayaran ang membership fees. Humagalpak sa kakatawa ang mga babae matapos nilang marinig ang sinabi ng waitress. “Expired na ito?”“Paano ka nagkaganito, Young Master Burton?”“Ang lakas naman ng loob mo para kumain dito?”“Hindi ka nga makapasok sa pinto, tabatsoy!”“Isa ka lang pulubi at walang perang tabatsoy! Bakit nagpapanggap ka pa rin na isang mayaman na boss?! Simulan mo nang manlimos ng pagkain! Wala ka namang hiya!”Walang tigil sa pagkibot ang mga mata ni Thomas habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. Galit na galit na siya, ngunit napakamiserable niya. Isang lalaki na walang kapangyarihan ay mas mababa pa kaysa sa mga pangkaraniwang tao. Ngayon ay naranasan na niya ang bagay na it