Matapos makita ang Seven Absolute na sabay sabay na nagkukumpulan kay Harvey, mahinang sumigaw si Dean, "Mag ingat ka, Sir York!""Ayos lang."Kaswal na umabante si Harvey.Sabay sabay na sinunggaban ng unang tatlong mamamatay si Harvey. Ang kanilang mga pag atake ay kasing bangis at nangingibabaw tulad ng mga tigre sa bundok.Tatlong machete ang humampas pakanan papunta kay Harvey.Napaatras si Harvey at kalmadong pinitik ang kanyang mga daliri, at ibinaba ang kanyang palad.Slap, slap, slap!Ang mga sampal ay madaling sumingit sa pagitan ng mga talim, na tumama sa mga mukha ng mga pumatay.Mabilis nilang tinakpan ang namamaga nilang mga mukha, napaatras.“Isang God of War!”Sa wakas ay napagtanto ng pinuno ang tunay na lakas ni Harvey."Patayin siya ngayon!" Galit na galit niyang sigaw.Natural, ang mga pumatay ay labis na inggit sa mga nagawa ni Harvey sa kabila ng kanyang murang edad.Kasabay nito ang paglakas ng takot sa kanilang mga puso.Si Two ay agad na inihampas
Pagkatapos ng huling putok, nahuhuli na ang lider. May masamang ekspresyon sa mukha niya. Maliban kay Seven na hindi makakilos sa lapag, ang anim pang killers ay nakatitig nang masama kay Harvey habang nagngingitngit ang ngipin “Ang lakas ng loob mong gumamit ng baril! Pandaraya yun!” sigaw ng lider nang nanginginig ang kamay. Kalmadong tiningnan ni Harvey ang baril na hawak niya. “Wala na kayong kahihiyan?”“Kayo ang naunang gumamit nito. Dinala ko lang to rito.” “Pinatikim ko lang sa inyo ang ginawa niyo, tapos nagrereklamo na kayo?”“Binabalak niyo bang isumbong ako sa pulis kapag sinaktan ko pa kayo?”“Tatawagin niyo ba ang mga pamilya niyo para habulin ako para lang bayaran ko ang mga pamburol niyo kapag namatay kayong lahat pagkatapos nito?”Tinitigan nang masama ng lider si Harvey pagkatapos marinig ang mapaglarong tono ni Harvey. “Sugod! Patayin niyo siya!” galit niyang sigaw. Swoosh, swoosh, swoosh!Pagkatapos malaman ang lakas ni Harvey, hinawakan ng anim n
Bahagyang ngumiti si Harvey bago dinurog ang phone na hawak niya. Pagkatapos ay nilabas niya ang phone niya bago tumawag sa isang numero. “May trabaho ako para sa'yo, Julian.”“Kung kulang ka sa tao, isama mo si Trey sa'yo.”“Matagal na siyang naghihintay ng pagkakataong magpakitang-gilas…”“Maganda nang kunin natin ang pagkakataon.” Habang may kausap sa phone si Harvey, binuhat ni Katy si Dean papunta sa isang bagong wheelchair. Nginitian siya ni Dean para ipakitang ayos lang siya. Lumapit siya kay Harvey at bumulong, “Kumusta ka, Sir York? Kailangan ka ba naming dalhin sa ospital?”Ngumiti si Harvey at umiling. “Ayos lang ako. Pero sa kabilang banda, ang mga taong ito…” May ibang naalala si Harvey. “Natapos ko na ang Seven Absolutes. Hindi na kayo mahihirapan ni Katy na tapusin ang natitira.”“Hindi niyo rin kailangang magmadali.”“Tatapusin ko rin ang Cobb family.”“Lalo na't nagdagdag sila ng bayad para lang patayin ako.”Bumuntong-hininga si Dean bago tumango
”Nasa Hong Kong sila ngayon?”Napahinto si Harvey. “Hindi ba nila alam na sa Hong Kong at Las Vegas, kaya natin silang duruging nang pagkadali-dali gamit ng lakas natin?”Sumagot si Julian nang may seryosong tono, “Hindi sila ganun katanga, Sir York.”“Nagbayad sila ng malaking halaga para makasakay sa cruise at nirehistro rin nila ang pangalan nila mula sa ibang bansa. Puno ang cruise ng mga armadong mersenaryo mula sa Dark Island!”“Maliban roon, mayroon ring daan-daang prominenteng taong bibisita sa Amerika sa cruise na iyon!”“Walang madaling paraan para makasakay dito.”“Iyon ang dahilan kung bakit medyo mahihirapan tayong pabagsakin sina Grandma Cobb at iba pa niyang kasama.”“Ang John family?”Kumunot ang noo ni Harvey. “Isa sa top ten families?”“Sila nga,” sagot ni Julian. “Ang Oceanic Corporation ay ang pinakamalaking pinagkukuhanan ng pera ng John family. May mga negosyo sila sa ilalim ng pangalan ng kumpanya na pinapalago lang nila.”“Narinig ko na maski an
Pagkatapos ibaba ng tawag, naramdaman ni Grandma Cobb na nasa panganib siya. Kung hindi siya patay, alam niyang hahabulin siya nito hanggang sa dulo ng mundo. Mabuti na lang at plinano na niya ang lahat bago pa mangyari ito. Nakapaghanda na siya kung sakaling may masamang mangyari. Lalayag na ang Diamond Cruise…Magagawa niya ang kahit na ano pagkatapos makarating sa Amerika. ‘Kahit na malakas siya, imposibleng habulin niya ko hanggang dito!’“Bakit tayo tumatakbo, Grandma Cobb? Hindi ba nagmukha lang tayong guilty sa ginagawa natin?”“At saka, nang walang matibay na patunay, hindi tayo pwedeng patayin ni Harvey sa Blackburn City kahit na pumalpak ang lahat!” sigaw ni Valery nang nakakunot ang noo. “Ang Blackburn City ay pagmamay-ari ng South Sea! Hindi magpapadalos-dalos dito ang isang lalaki mula sa Country H!”Hindi gustong pagdudahan ni Valery ang spekulasyon ni Grandma Cobb…Gayunpaman, ang ari-arian ng Cobb family ay pagmamay-ari lang ng second house. Dahil sa na
Nagkatinginan sina Valery at Eden pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Grandma Cobb. Inisip nilang masyado naman yata siyang nagiging emosyonal…Bumuntong-hininga si Grandma Cobb. “At saka palagi tayong magkakaroon ng oras basta't buhay tayo!”“Hindi panghabangbuhay ang kasaganahan!”“Malakas si Katy ngayon dahil sa h*yop na Harvey na yun at marami pang iba!”“Hindi tayo pwedeng manalo sa kanya sa sandaling ito!”“Pero basta't manatili tayong buhay sa Amerika at lumapit sa mga tycoon na iyon, magkakaroon tayo ng isa pang pagkakataon para umangat.”“Lalo na't inusubukan ng mga Amerikano na magtayo ng tulay sa South Sea para labanan ang Country H!” “Kapag pinakita natin ang katapatan natin sa kanila, tiyak na susuportahan nila ang layunin natin!”“Kapag nangyari yun, hindi tayo mahihirapang makabawi nang matindi!”Pagkatapos marinig ang mga plano ni Grandma Cobb sa hinaharap, sabay na tumango sina Eden at Valery na para bang kumbinsido na sila. Sa isang banda, wala silang d
”Kahit pagkatapos mong ihanda ang lahat ng to, madali lang para kay Harvey na mahanap tayo ngayong namimigay siya nang ganito kalaking halaga!”“Hahabulin ba niya tayo, Grandma Cobb?”Sobrang nag-alala si Eden. “Dapat sumakay na lang tayo sa eroplano papuntang Amerika!”“Kahit na may hukbo si Harvey, hindi niya mapipigilang lumipad ang eroplano!”“Sino ba siya sa tingin niya? Si Superman?!”“Tanga ka!”Mapait ang ekspresyon ni Grandma Cobb na para bang tinuturuan niya ng leksyon si Eden. “Iyon ang pinakamadaling paraan para mag-iwan tayo ng bakas! Kayang malaman ni Harvey kung saan mismo tayo lalapag kapag ginawa natin yun!”“Iba ang usapan kapag sumakay tayo sa cruise. Marami tayong dadaanang lungsod sa ibang bansa para lang makarating sa Amerika!”“Kahit gaano pa siya kalakas, imposibleng malaman niya kung saan tayo susunod na bababa.” “At saka hindi pa nga tayo nagpapasya kung saan tayo bababa!”“Wala siyang magagawa kapag nagpasya tayong bumaba sa una nating hihintua
“Oo. Narinig ko na ang tungkol dito noon.”“Ang third young master ng pamilya, si Silas John, ay ang sinasabing may hawak sa cruise bilang pagsubok.”“Maliban roon, nandito ang isa sa tatlong mayayamang babae mula sa Patel family, si Rylee Patel!”“Sa madaling salita, sa kabila ng liit ng cruise, pambihira ang kapangyarihan ng mga tao sa likod nito!”“Kahit gaano pa nakakamangha si Harvey, hindi niya lalabanan ang John family at ang Patel family dito.”Nagpakita ng mapagmataas na ekspresyon si Grandma Cobb na para bang nakalkula na niya ang lahat. Sabay na tumango sina Eden at Valery pagkatapos marinig ang simple niyang tono.Natural na kahit gaano pa kaunti ang nalalaman nla, alam nila mismo kung anong ibig sabihin ng top ten families. Ang tinatawag na there great families ng South Sea ay mababang-mababa kumpara sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit madaling nadurog ang Cobb family. Bumuntong-hininga si Eden habang desperadong sinusubukang isantabi ang galit at inis niya.