”Nasa Hong Kong sila ngayon?”Napahinto si Harvey. “Hindi ba nila alam na sa Hong Kong at Las Vegas, kaya natin silang duruging nang pagkadali-dali gamit ng lakas natin?”Sumagot si Julian nang may seryosong tono, “Hindi sila ganun katanga, Sir York.”“Nagbayad sila ng malaking halaga para makasakay sa cruise at nirehistro rin nila ang pangalan nila mula sa ibang bansa. Puno ang cruise ng mga armadong mersenaryo mula sa Dark Island!”“Maliban roon, mayroon ring daan-daang prominenteng taong bibisita sa Amerika sa cruise na iyon!”“Walang madaling paraan para makasakay dito.”“Iyon ang dahilan kung bakit medyo mahihirapan tayong pabagsakin sina Grandma Cobb at iba pa niyang kasama.”“Ang John family?”Kumunot ang noo ni Harvey. “Isa sa top ten families?”“Sila nga,” sagot ni Julian. “Ang Oceanic Corporation ay ang pinakamalaking pinagkukuhanan ng pera ng John family. May mga negosyo sila sa ilalim ng pangalan ng kumpanya na pinapalago lang nila.”“Narinig ko na maski an
Pagkatapos ibaba ng tawag, naramdaman ni Grandma Cobb na nasa panganib siya. Kung hindi siya patay, alam niyang hahabulin siya nito hanggang sa dulo ng mundo. Mabuti na lang at plinano na niya ang lahat bago pa mangyari ito. Nakapaghanda na siya kung sakaling may masamang mangyari. Lalayag na ang Diamond Cruise…Magagawa niya ang kahit na ano pagkatapos makarating sa Amerika. ‘Kahit na malakas siya, imposibleng habulin niya ko hanggang dito!’“Bakit tayo tumatakbo, Grandma Cobb? Hindi ba nagmukha lang tayong guilty sa ginagawa natin?”“At saka, nang walang matibay na patunay, hindi tayo pwedeng patayin ni Harvey sa Blackburn City kahit na pumalpak ang lahat!” sigaw ni Valery nang nakakunot ang noo. “Ang Blackburn City ay pagmamay-ari ng South Sea! Hindi magpapadalos-dalos dito ang isang lalaki mula sa Country H!”Hindi gustong pagdudahan ni Valery ang spekulasyon ni Grandma Cobb…Gayunpaman, ang ari-arian ng Cobb family ay pagmamay-ari lang ng second house. Dahil sa na
Nagkatinginan sina Valery at Eden pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Grandma Cobb. Inisip nilang masyado naman yata siyang nagiging emosyonal…Bumuntong-hininga si Grandma Cobb. “At saka palagi tayong magkakaroon ng oras basta't buhay tayo!”“Hindi panghabangbuhay ang kasaganahan!”“Malakas si Katy ngayon dahil sa h*yop na Harvey na yun at marami pang iba!”“Hindi tayo pwedeng manalo sa kanya sa sandaling ito!”“Pero basta't manatili tayong buhay sa Amerika at lumapit sa mga tycoon na iyon, magkakaroon tayo ng isa pang pagkakataon para umangat.”“Lalo na't inusubukan ng mga Amerikano na magtayo ng tulay sa South Sea para labanan ang Country H!” “Kapag pinakita natin ang katapatan natin sa kanila, tiyak na susuportahan nila ang layunin natin!”“Kapag nangyari yun, hindi tayo mahihirapang makabawi nang matindi!”Pagkatapos marinig ang mga plano ni Grandma Cobb sa hinaharap, sabay na tumango sina Eden at Valery na para bang kumbinsido na sila. Sa isang banda, wala silang d
”Kahit pagkatapos mong ihanda ang lahat ng to, madali lang para kay Harvey na mahanap tayo ngayong namimigay siya nang ganito kalaking halaga!”“Hahabulin ba niya tayo, Grandma Cobb?”Sobrang nag-alala si Eden. “Dapat sumakay na lang tayo sa eroplano papuntang Amerika!”“Kahit na may hukbo si Harvey, hindi niya mapipigilang lumipad ang eroplano!”“Sino ba siya sa tingin niya? Si Superman?!”“Tanga ka!”Mapait ang ekspresyon ni Grandma Cobb na para bang tinuturuan niya ng leksyon si Eden. “Iyon ang pinakamadaling paraan para mag-iwan tayo ng bakas! Kayang malaman ni Harvey kung saan mismo tayo lalapag kapag ginawa natin yun!”“Iba ang usapan kapag sumakay tayo sa cruise. Marami tayong dadaanang lungsod sa ibang bansa para lang makarating sa Amerika!”“Kahit gaano pa siya kalakas, imposibleng malaman niya kung saan tayo susunod na bababa.” “At saka hindi pa nga tayo nagpapasya kung saan tayo bababa!”“Wala siyang magagawa kapag nagpasya tayong bumaba sa una nating hihintua
“Oo. Narinig ko na ang tungkol dito noon.”“Ang third young master ng pamilya, si Silas John, ay ang sinasabing may hawak sa cruise bilang pagsubok.”“Maliban roon, nandito ang isa sa tatlong mayayamang babae mula sa Patel family, si Rylee Patel!”“Sa madaling salita, sa kabila ng liit ng cruise, pambihira ang kapangyarihan ng mga tao sa likod nito!”“Kahit gaano pa nakakamangha si Harvey, hindi niya lalabanan ang John family at ang Patel family dito.”Nagpakita ng mapagmataas na ekspresyon si Grandma Cobb na para bang nakalkula na niya ang lahat. Sabay na tumango sina Eden at Valery pagkatapos marinig ang simple niyang tono.Natural na kahit gaano pa kaunti ang nalalaman nla, alam nila mismo kung anong ibig sabihin ng top ten families. Ang tinatawag na there great families ng South Sea ay mababang-mababa kumpara sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit madaling nadurog ang Cobb family. Bumuntong-hininga si Eden habang desperadong sinusubukang isantabi ang galit at inis niya.
Kasabay nito, sa isa pang presidential suite, isang magandang babaeng nakasuot ng dress ang nakahiga sa isang mahabang upuan. Napakabalingkinitan ng katawan niya; mas pinaganda lang siya lalo ng edad niya. Ang aura niya ng isang babae ay sapat na para maakit ang lahat ng lalaki sa paligid niya. Kahit mga bihasang boss at tycoon ay hindi mapigilang maakit sa kanyang karisma. Isang mahinang sinag ng paglubog ng araw ang lumapag sa maputi at mahaba niyang binti, na para bang isang pares ng ivory na may malumanay na bango. Inalog niya ang baso ng red wine na hawak niya habang bumubulong kay Ellen, na nakasuot naman ng gown na kasing puti ng niyebe. “Hindi ko naisip na mahahanap ng anak ko ang mapapangasawa niya nang ganito kabilis.”“Isa rin siyang young master ng isa sa top ten families ng Country H!”“Nakatadhana kang palarin, Ellen!”Ang magandang babae ay walang iba kundi si Noemi. Mas lalo siyang naging kaakit-akit kumpara sa panahong naroon siya sa Blackburn City.
”Gusto kong pagsisihan ng hayop na ‘yun na binastos niya ako! Gusto kong pagsisihan niyang siya pumayag na maging utusan ko!”“Pagbabayarin ko siya nang sampung beses!”“Hindi siya magkakaroon ng karapatang maging utusan ko pagkatapos ko sa kanya!”Natural, hindi nasisi si Ellen pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Blackburn City…Sa halip, bulag na bulag na ang puso niya sa mga oras na iyon.Hindi niya ito binitawan, kahit na natagpuan na niya ang kanyang prinsipe.Kinain na siya ng galit.“Ang tagal mo na akong minamaliit, Harvey! Pagbabayaran mo ito!”“Gusto kong makita mo akong umangat! Gusto kong makita mo akong nilalasap ang tagumpay!”“Hintayin mo lang!”“Pagsisisihan mo rin ito!”Itinaas ni Ellen ang kanyang tingin, habang mukhang nagmamataas.Ngumiti nang bahagya si Noemi.“Hindi ka na pwedeng magpadalos-dalos mula ngayon, Ellen. Kailangan mong pag-isipan ito nang mabuti!”“Pagkatapos ng ceremony, magiging bahagi na tayo ng John family!”“Sa pangalan nila, kailang
”Tama na ang tungkol diyan Ma!”Tumango si Noemi.Ang anak niya ay isang kilalang tao; nakakahiya naman kung pag-usapan nila ulit si Eden.Kahit na wala talaga silang hiya, hindi titiisin ng John family ang ganitong kahihiyan.“Aalis na ako, Ma. Malapit na ang oras para puntahan si Young Master John. Huwag kang ma-lalate!”Iniba ni Ellen ang usapan bago tumayo.Isang grupo ng tao ang kaagad na dumumog sa kanya sa sandaling lumabas siya ng kwarto.Itinaas niya ang kanyang tingin na parang isang mayabang na pabo bago dumiretso sa kwarto ni Silas.“Magaling! Talagang magaling!”Natuwa si Noemi nang makita ito; kahit na magiging laruan siya ng mga young master, ayos lang ito sa kanya.Kumpara sa mga bagay na pwede niyang makuha sa ganito, mahalaga pa ba kung ibigay niya ang kanyang katawan?Hindi na siya malinis at inosente; wala syang pake sa ganitong bagay!Pagkatapos ngumiti nang nanghihina, handa na si Noemi na isuot ang kanyang itim na Balenciaga habang nararamdaman ang si