"Layas! Hindi ka namin gusto rito!"May mapagmataas na ekspresyon si Eden nang nakita niya ang "miserableng" ekspresyon ni Harvey. "Para kay Ellen, palalampasin kita sa ngayon!""Dahil diyan, wag mo kong sisihin sa mangyayari bukas!"Tinignan ni Harvey si Ellen nang hindi nagsasalita; hindi niya sana papakialaman si Eden para sa kanya, pero…Kung gagawa pa ng problema si Eden, ayos lang kay Harvey na tapusin si Eden. "Harvey, sandali!"Nang paalis na si Harvey, may naalalang mahalaga si Ellen. Kumaway siya para tawagin ang lahat. May kaunting pag-aalinlangan sa mukha niya, ngunit napalitan ito kaagad ng determinasyon. "Boyfriend ko si Eden. Mabuti kitang kaibigan, Harvey, at ganun din si Katy!""Alam ko hindi maganda ang tingin niyo ni Katy sa Cobb family. Alam kong binabalak niyong magbukas ng negosyo laban sa kanila pagdating ng anniversary nila.""Alam ko ring binigay mo kay Katy ang orihinal na formula para sa Silver Elixir ng Cobb family…""Pero para sa'kin, pwede
Kalmadong tinanggihan ni Harvey ang alok ni Eden. Pagkatapos marinig na nagtangkang manlaban ang masunuring lalaki…Dumilim ang magandang mukha ni Ellen at kumunot ang noo niya. Nagngitngit ang ngipin niya at sinigawan niya si Harvey. "Dahil masyado kang walang puso, Harvey! Sige… Dahil hindi mo binibigyan ng kahit kaunting respeto, wag mo kong sisihin sa susunod na mangyayari!""Hindi mo na makukuha ang office building o ang tulong ng kumpanya ko!""Sabihan mo ang mga tao mong tanggalin lahat ng gamit niyo bukas—hindi, ngayon din!""Sisirain ko rin ang buong lugar! Wala kang makukuha sa'kin!""Lalo na't kailangan mong tulungan ang boyfriend ko at ang magiging pamilya ko. Hindi ako pwedeng kumampi sa kalaban!"'Tanggalin lahat ng gamit?''Sisirain ang buong lugar?'Napahinto si Harvey at nagtatakang tinitigan si Ellen. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa kanya, hindi niya naisip na aabot siya sa ganito…Kahit na ganun, pagkatapos niyang makipagbalikan kay Eden,
Bumuntong-hininga si Harvey. Sa mga mata niya, isang makatuwirang tao si Ellen. Kung kaya't hindi niya naisip na magkakaganito siya para kay Eden. Sinusubukan niyang pagsamantalahan si Harvey, pero umarte siya na para bang pinapagalitan niya siya at nasa tama siya. Hindi man lang alam ni Harvey kung anong sasabihin. "Naiintindihan ko kung anong sinasabi mo. Alam ko ang halaga ng formula!"Tumaas pa lalo ang pride ni Ellen pagkatapos mabastos ni Harvey. Napakasama ng ekspresyon sa mukha niya. "Kahit na ganun, alam mo dapat na ang formula na hawak mo ay pagmamay-ari pa rin ng Cobb family!""Hindi mo ba naiintindihan kung gaano ka kawalanghiya na ninakaw mo ang formula tapos nanghihingi ka ng pera kapalit nito?!""Tama!" Malamig na sigaw ni Eden. "Ninakaw ang formula namin apatnapung taon ang nakaraan! Hula ko ikaw ang magnanakaw na yun!""Kung hindi mo ibibigay sa'min ang formula, makukulong ka habangbuhay!""Narinig mo yan, Harvey? Tatawag siya ng pulis anomang sandal
"Bibigyan kita ng dalawang oras! Linisin mo lahat sa loob ng dalawang oras!""Kahit na sirain ko ang buong store, hindi kita hahayaang gamitin yun!" Sigaw ni Ellen nang nagngingitngit ang ngipin. Tumawa nang malakas si Eden."Wag kang maaksaya, Ellen!""Ibigay mo na lang yan sa pamilya namin. Balak naman naming magbukas ng malaking flagship store.""Kapag nangyari yun, ikaw ang mag-host ng anniversary. Ipapakita natin sa buong lungsod kung sino ang pinakamasayang magkasintahan rito!"Mayabang na tinitigan ni Eden si Harvey. 'Ang lakas ng loob ng probinsyanong mula sa Country H na labanan ako!' galit niyang naisip. 'Gusto niya bang mamatay?!'Tinitigan nang masama ni Ellen. Si Harvey. Gusto niyang makita kung anong magiging reaksyon niya—gusto niyang makita kung magagalit siya tungkol dito. "Sige," kalmadong sabi ni Harvey. Tumalikod siya at umalis. Hindi man lang niya sinubukang patagalin ang kahit na sino. Sa kinilos niya, para bang kumakausap ng pader sina Ellen at Ed
Tumango si Ellen pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Eden. Kung talagang na kay Harvey ang formula, dapat napakayaman na niya ngayon! Bakit siya magbubukas ng shop kasama ni Katy?Higit pa roon, wala si Katy habang nangyayari ang lahat. Naka nagpapanggap lang din si Harvey tungkol sa pagbubukas ng store. Baka sinusubukan niya lang matawag ang atensyon ni Ellen para magamit niya siya sa pagbawi niya. Pagkatapos mawalan ng pagkakataon, walang nagawa si Harvey kung umalis nang nanlulumo. Malaman ay hindi na makikita ni Ellen ang mukha niya kahit kailan. Nang hindi nag-aalinlangan, hinaplos ni Ellen ang mukha ni Eden nang may malambing na ekspresyon. "Pasensya ka na, Eden. Sobra kang nasaktan dahil sa'kin…""Wala lang to.""Para sa'yo, wala lang ang sakit na'to. Ito ang simbolo ng pag-ibig ko para sa'yo.""Pagkatapos nito, mas mamahalin pa natin ang isa't-isa!"Malungkot na ngumiti si Eden sa kanya. "Hindi na ako gagawa pa ng gulo kay Harvey para sa'yo. Pero ang Blackburn
"Ayos lang kung umalis tayo, Sir York, pero hindi natin kayang dalhin to kasama natin. Hindi rin kaya ng mga trabahador natin ang panahon. Kung hindi tayo makakahanap ng storage place para sa lahat ng to, mawawalan ng saysay ang lahat!"Nanlumo ang mga disipulo ng Longmen ng Hong Kong at Las Vegas na nagpunta rito habang tinignan nila ang mga materyales at gamot. Sa nagdaang ilang araw, binuhos nila ang puso't kaluluwa nila rito. Pinag-isipan sandali ni Harvey ang sitwasyon. "Harper, isama mo ang mga trabahador para makita kung may iba pang lugar na pwede nating upahan.""Hindi mahalaga kung gaano pa yan kamahal. Mas maganda kung pwede nating bilhin iyon."Sinabi ni Ellen na kailangang umalis ng lahat sa store sa mismong araw na iyon, pero hindi naman magiging problema kahit di sila umabot paglampas ng hatinggabi. Mabilis na tumakbo si Harper palabas kasama ng ilang trabahador. Dumekwatro si Harvey at umupo sa harapan ng store nang mukhang kalmadong-kalmado. Hindi nagtag
Pagkatapos magdalawang-isip magdamag, sa wakas ay nagpasya si Ellen na hindi na magpigil dahil hindi naman pinahalagahan ni Harvey ang mga pabor na binigay niya.Maaga kinabukasan, dinala niya si Eden at isang malaking grupo ng tao sa ni-renovate na store para tignan kung wala na ba sila Harvey doon.Maliban sa mga produkto at materyales, naroon pa rin ang lahat ng iba pang bagay. Medyo nainis si Ellen nang nakita niya iyon. Pagkatapos nito, napansin nila ang isang maliit na tindahan sa tabi ng office building. "Huh? Tignan mo roon! Mukhang nagtayo ng bagong store si Harvey York.""Nagbebenta siguro siya ng pekeng produkto!""Napakaliit ng pwestong yan, at tatlompung taon na nang huling ni-renovate yan. Itim din ang mga pader nito!""Kahit ang store na ni-renovate ni Ellen ay mas mababa kumpara sa store ng Cobb family, paano pa kaya to?!""Hindi kaya nabaliw siya pagkatapos ng lahat ng pagdurusang iyon? Bakit siya magbubukas ng ganitong store?""Sigurado ka bang ginagamit mo
Dahan-dahang naglakad si Noemi papunta kay Harvey at tumingin sa kanya nang may masungit na ekspresyon. Natural na alam niya ang lahat ng nangyari kahapon; kabilang na ang pagbabalikan nina Ellen at Eden.Para sa anak niya, ito ang pinakamagandang lugar na nababagay sa kanya. Hindi lang nandito si Noemi para bastusin si Harvey, nandito rin siya para ipagtanggol sina Ellen at Eden. "Kumusta, Harvey?""Ngayon, pinagsisisihan mo na bang hindi ka nakinig sa mga babala ko?""Kung wala ka sanang motibo sa umpisa pa lang—kung di mo sana sinubukang pagsamantalahan ang anak ko para umakyat, baka maging tauhan ka na niya ngayon.""Hindi mo kakailanganing umalis sa store at makukuha mo siguro ang lahat ng suporta ng Moreno family.""Sayang lang at naunahan ka ng kasakiman mo. Lahat lang ng iniisip mo ay umakyat ang katayuan mo!" Lumapit ang eleganteng mukha ni Noemi kay Harvey habang bumulong siya, "Huli na para magsisi ka ngayon.""Wala ka nang kinalaman ngayon sa high-end office b