Share

Kabanata 3874

Penulis: A Potato-Loving Wolf
Sobrang natuwa si Nellie Padlow nang nakita niyang dumating ang lalaki. Kaagad niyang niyakap ang braso ng lalaki nang may malambing na boses ekspresyon bago bumulong, "Sakto ang dating mo, Inspector Miller! Tinawag kaming imoral ng h*yop na yan bago niya pinagsasampal ang lahat!

"Sinipa niya pa ako sa sikmura!

"Kailangan mo siyang hulihin! Kailangan niyang isipin ang nagawa niya. Kailangan niyang malaman kung anong mangyayari kapag kinalaban niya ako!"

Tinuro ni Nellie si Harvey York nang may mapagmataas na ekspresyon sa mukha niya.

Sabay-sabay na nagsalita sina Rayne Bell at ang iba pa. Sinigawan nila si Harvey sa pagiging hindi makatwiran at sa paggawa ng gulo.

"Ano? Sinong nanakit kay Director Padlow?!

"Sa katirikan ng araw?!

"Wala bang halaga ang batas?!"

Tinitigan nang malamig ni Inspector Miller si Harvey. Pagkatapos niyang mapansing hindi mula sa South Sea si Harvey, malamig na tumawa si Inspector Miller.

"Dalhin niyo siya! Kakausapin ko siya nang masinsinan pagka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3875

    Nanahimik ang lahat. 'Masyadong mayabang ang turistang to!''Umatras na si Inspector Miller, pero sinubukan niya pa siyang pahirapan! Ang saklap nito!'Bumangon si Inspector Miller mula sa lapag. Hindi niya matukoy kung gaano ba talaga kalakas si Harvey nang tinitigan niya ulit siya sa mata. Kumulo ang dugo niya sa galit. "Wag kang sosobra, bata…" galit na sigaw ni Inspector Miller.Pak! Inihampas ni Harvey ang likod ng palad niya sa mukha ni Inspector Miller. "Alam mo dapat kung kailan dapat umamin ng pagkakamali.""Paanong hindi mo nauunawaan ang ganito kasimpleng konsepto?"Sinara ni Inspector Miller ang kamao niya habang nagngitngit ang ngipin niya. Gusto niyang barilin si Harvey sa sandali ring iyon pero hindi niya magawa. "Patawad!"Natural na hindi siya natatakot kay Harvey. Natatakot talaga siya kay Inspector Failes. Hindi niya tatangkaing labanan si Harvey dahil dito. Pagkatapos marinig ang paghingi niya ng tawad, humakbang paharap si Harvey bago tinapik

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3876

    “Si Gael Padlow?Kalmadong nginitian ni Harvey York si Nellie Padlow. "Siya ang major shareholder mo at ang pinakamalaking suporta mo?""Tama ka. Natatakot ka na ba?"Lumuhod ka na at dilaan mo ang sapatos ko ngayon din! "Babaliin ko ang binti mo at magbabayad ka ng 1.5 million. Doon ko lang papakiusapan si Young Master Padlow na panatilihin kang buhay!"Kung hindi, makalagot ang bawat isa sa inyo!"May namumuhing ekspresyon si Nellie. Inisip niyang walang binatbat si Harvey kay Young Master Padlow at sa South Sea Martial Arts Alliance. "Sir York, si Young Master Padlow ay isang top talent ng South Sea Martial Arts Alliance. Ang ama niya ay ang vice leader ng Blackburn City Martial Arts Alliance. Mahirap siyang kalabanin."Tumango lang si Harvey nang may ngiti sa mukha niya. "Hindi mahalaga yun. Mga payaso lang naman sila.""Mga payaso?"Malamig na suminghal si Nellie pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. "Sinong nagbigay sa'yo ng tapang na magsabi ng ganyan?

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3877

    Kalmadong ngumiti si Harvey York bago niya tinitigan si Gael Padlow. "Paano kung ayaw ko yan?""Tatanggihan mo ang kabutihang-loob ko?"May mapaglarong titig si Gael na para bang naglalaro siya ng habulan kay Harvey. Gusto niyang tanggihan ni Harvey ang alok niya sa umpisa pa lang. "Kung ganun, pasensya ka na pero hindi kita pwedeng palampasin para kay Ms. Cobb. "Masisira ang reputasyon ko kapag ginawa ko yun."Namumuhi ang mukha nina Nellie pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. 'Nagyayabang pa rin siya sa harapan ni Young Master Padlow?''Nakatayo na nga siya sa harapan ng kamatayan ngayon!''Hindi ka pa rin aatras pagkatapos kang bigyan ni Young Master Padlow ng daan palabas?! Talagang malalagot ka sa talas ng dila mo!'Kumaway si Gael bago naglakad ang isang dosenang taong nakabalabal mula sa likuran. Ang bawat isa sa kanila ay may mabangis na itsura sa mukha nila habang binunot nila ng mga espada nila. Malokong tumawa sina Nellie, Rayne, at ang iba pa nang nak

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3878

    'Lalaki niya?'Mahina ang boses ni Katy Cobb, pero nagulat ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Lalo na't malaki ang pagkatao ni Katy! Hindi na ganun kalakas ang Cobb family ngayon, pero malinaw pa rin ang awtoridad nila!At bilang kasalukuyang pinuno ng head house ng Cobb family sa suporta ni Dean Cobb…Natural na pambihira rin ang kapangyarihan ng lalaki niya! Maliban sa Lee family at Moreno family, walang kahit na sino sa Blackburn City ang magtatangkang kalabanin si Harvey habang pinoprotektahan siya ni Katy. Medyo natatangi ang pagkatao ni Gael Padlow. Siya ang anak ng vice leader ng Blackburn City Martial Arts Alliance…Pero hindi rin siya makakakibo kapag pinilit ni Katy na protektahan si Harvey. Maliban na lang kung bumagsak ang Cobb family at nilamon sila nang buo ng pwersa ng Blackburn City, mananatili pa rin ang kapangyarihan ni Katy. Ang mas mahalaga pa roon, tinatrato ni Gael si Katy bilang isang babae dahil matagal na niya siyang nililigawan

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3879

    Nahiya nang sobra si Gael Padlow habang nagkikiskisan ang kanyang ngipin.“Pag-isipan mo ito nang maigi, Katy Cobb! Sa puntong ito, hindi na iba sa isang gulay ang lolo mo!“Baka hindi na magtagal ang posisyon mo bilang leader ng head house!“May karapatan ka lang na sabihin ito ngayon dahil marami ang humahabol sa’yo ngayon! Hindi rin matapang ang Cobb family para alisin ka sa pamilya!“Kapag kumalat ang mga sinasabi mo, nang wala ang suporta ng mga young master…“Anong kapangyarihan ang mahahawakan mo sa pamilya?“Tingin mo hanggang kailan mo matutuloy ang pagpapanggap na ito?“Sigurado ka bang mapapanatili mong ligtas ang lalaking ito?”Galit na galit na si Gael, ngunit nagawa niya pa ring manatiling kalmado. Hindi siya naniniwalang isasantabi ni Katy ang kaligtasan ng kanyangg pamilya dahil lang sa isang lalaki.Higit sa lahat, hindi naman ito tungkol sa takot. Tungkol ito sa halaga. “Sasabihin ko ngayon at uulitin ko ito sa susunod…” seryosong sigaw ni Katy.“Kahit n

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3880

    Sumama ang mukha ni Gael Padlow nang maltratuhin ni Katy Cobb ang exchange student. Alam niyang wala siyang laban kay Harvey York sa araw na iyon. "Talo na ako Harvey, pero may oras pa!"Hindi ka mapprotektahan ng babaeng ito habang buhay!"Gusto kong makita kung gaano ka tatagal nang ganito!" Tinitigan niya nang masama si Harvey habang tumatawa, tapos ay naglakad palayo. Suminghal sila Nellie Padlow. 'Tingin ng tagalabas na ito ang galing na niya dahil lang inaalagaan siya ng babaeng 'yun..?''May oras pa naman para magdusa siya.' "Sandali!Nagsalita na si Harvey pagkatapos manahimik nang matagal. "Sinabi ko bang pwede kayong umalis?" Naramdamang binabalot ng aura ni Harvey ang buong lugar. Alam niyang mas mabuting protektahan siya ni Katy… Ngunit naunawaan na niya sa wakas ang sitwasyon habang nakikinig sa tabi. Mula sa paraan ng pagkilos niya, hindi niya hahayaang magdusa si Katy para sa pansarili niyang kapakinabangan. Kakaiba ang titig ng lahat nang mak

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3881

    Hinawakan ni Nellie Padlow ang kanyang mukha habang nakatayo siya sa tabi ni Gael Padlow. "Alam mo dapat kung anong makabubuti sa'yo Harvey York!"Pinapalagpas ka na nga namin para kay Ms. Cobb! Pinapatakas ka na namin ngayon!"Ang kapal naman ng mukha mong humingi pa?! Hindi mo magugustuhan kapag talagang naglaban tayo!"Puno ng hinanakit si Nellie. Hindi lamang siya patuloy na binastos ni Harvey, nagawa niya pang makalusot dito habang sinasampal siya nang walang-tigil. Para sa isang mapagmataas na babaeng tulad ni Nellie, hindi ito katanggap-tanggap. Pagkatapos makitang hinahamon ni Harvey si Gael, hindi na mapigilan ni Nellie ang nararamdaman niya. Kinamumuhian niya ang mga taong alagain na tulad ni Harvey. Naniniwala siyang ginagamit lang nito ang kapangyarihan ni Katy Cobb para magyabang! Sa isipan ni Nellie, walang laban si Harvey sa isang taong tulad ni Gael! Sigurado siyang maraming beses na sanang namatay si Harvey kung hindi nito kasama si Katy. "Gusto mo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3882

    Boom!Si Gael Padlow ay isa ring miyembro ng Martial Arts Alliance. Ang kanyang guro ay nagmula sa South Sea Martial Arts Alliance, at ang kanyang ama ay ang vice leader ng Blackburn City Martial Arts Alliance. Hindi lamang maalam ang kanyang pamilya sa martial arts, isa rin siyang talentadong lalaki. Sa sandaling makalapit siya kay Harvey York, kaagad siyang sumuntok nang napakalakas. Ang kahihiyang tiniis niya dahil kay Katy Cobb ay naging enerhiya na inilabas niya kay Harvey. Ayon sa kanya, sigurado siyang bawat isang buto ni Harvey ay mababali, kahit na hindi ito mamatay sa suntok na iyon. "Mamatay ka na!" Natawa si Gael nang sumunggab sila paharap nang napakabilis. Ang suntok pa lang na ito ay kaya nang pumatay ng toro! Para kay Nellie Padlow at sa iba, takot na takot si Harvey. "Nakita mo 'yan, Ms. Cobb?! "Ito ang lalaking pinuli mo. Ito qnt live-in son-in-law ng Dean Cobb family!Bukod sa pagkakaron ng matalim na dila, ano pang kayang gawin ng lalaking 'yan

Bab terbaru

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5297

    Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5296

    ”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5295

    "Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5294

    Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5293

    Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5292

    Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5291

    Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5290

    Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5289

    Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status