Nahiya nang sobra si Gael Padlow habang nagkikiskisan ang kanyang ngipin.“Pag-isipan mo ito nang maigi, Katy Cobb! Sa puntong ito, hindi na iba sa isang gulay ang lolo mo!“Baka hindi na magtagal ang posisyon mo bilang leader ng head house!“May karapatan ka lang na sabihin ito ngayon dahil marami ang humahabol sa’yo ngayon! Hindi rin matapang ang Cobb family para alisin ka sa pamilya!“Kapag kumalat ang mga sinasabi mo, nang wala ang suporta ng mga young master…“Anong kapangyarihan ang mahahawakan mo sa pamilya?“Tingin mo hanggang kailan mo matutuloy ang pagpapanggap na ito?“Sigurado ka bang mapapanatili mong ligtas ang lalaking ito?”Galit na galit na si Gael, ngunit nagawa niya pa ring manatiling kalmado. Hindi siya naniniwalang isasantabi ni Katy ang kaligtasan ng kanyangg pamilya dahil lang sa isang lalaki.Higit sa lahat, hindi naman ito tungkol sa takot. Tungkol ito sa halaga. “Sasabihin ko ngayon at uulitin ko ito sa susunod…” seryosong sigaw ni Katy.“Kahit n
Sumama ang mukha ni Gael Padlow nang maltratuhin ni Katy Cobb ang exchange student. Alam niyang wala siyang laban kay Harvey York sa araw na iyon. "Talo na ako Harvey, pero may oras pa!"Hindi ka mapprotektahan ng babaeng ito habang buhay!"Gusto kong makita kung gaano ka tatagal nang ganito!" Tinitigan niya nang masama si Harvey habang tumatawa, tapos ay naglakad palayo. Suminghal sila Nellie Padlow. 'Tingin ng tagalabas na ito ang galing na niya dahil lang inaalagaan siya ng babaeng 'yun..?''May oras pa naman para magdusa siya.' "Sandali!Nagsalita na si Harvey pagkatapos manahimik nang matagal. "Sinabi ko bang pwede kayong umalis?" Naramdamang binabalot ng aura ni Harvey ang buong lugar. Alam niyang mas mabuting protektahan siya ni Katy… Ngunit naunawaan na niya sa wakas ang sitwasyon habang nakikinig sa tabi. Mula sa paraan ng pagkilos niya, hindi niya hahayaang magdusa si Katy para sa pansarili niyang kapakinabangan. Kakaiba ang titig ng lahat nang mak
Hinawakan ni Nellie Padlow ang kanyang mukha habang nakatayo siya sa tabi ni Gael Padlow. "Alam mo dapat kung anong makabubuti sa'yo Harvey York!"Pinapalagpas ka na nga namin para kay Ms. Cobb! Pinapatakas ka na namin ngayon!"Ang kapal naman ng mukha mong humingi pa?! Hindi mo magugustuhan kapag talagang naglaban tayo!"Puno ng hinanakit si Nellie. Hindi lamang siya patuloy na binastos ni Harvey, nagawa niya pang makalusot dito habang sinasampal siya nang walang-tigil. Para sa isang mapagmataas na babaeng tulad ni Nellie, hindi ito katanggap-tanggap. Pagkatapos makitang hinahamon ni Harvey si Gael, hindi na mapigilan ni Nellie ang nararamdaman niya. Kinamumuhian niya ang mga taong alagain na tulad ni Harvey. Naniniwala siyang ginagamit lang nito ang kapangyarihan ni Katy Cobb para magyabang! Sa isipan ni Nellie, walang laban si Harvey sa isang taong tulad ni Gael! Sigurado siyang maraming beses na sanang namatay si Harvey kung hindi nito kasama si Katy. "Gusto mo
Boom!Si Gael Padlow ay isa ring miyembro ng Martial Arts Alliance. Ang kanyang guro ay nagmula sa South Sea Martial Arts Alliance, at ang kanyang ama ay ang vice leader ng Blackburn City Martial Arts Alliance. Hindi lamang maalam ang kanyang pamilya sa martial arts, isa rin siyang talentadong lalaki. Sa sandaling makalapit siya kay Harvey York, kaagad siyang sumuntok nang napakalakas. Ang kahihiyang tiniis niya dahil kay Katy Cobb ay naging enerhiya na inilabas niya kay Harvey. Ayon sa kanya, sigurado siyang bawat isang buto ni Harvey ay mababali, kahit na hindi ito mamatay sa suntok na iyon. "Mamatay ka na!" Natawa si Gael nang sumunggab sila paharap nang napakabilis. Ang suntok pa lang na ito ay kaya nang pumatay ng toro! Para kay Nellie Padlow at sa iba, takot na takot si Harvey. "Nakita mo 'yan, Ms. Cobb?! "Ito ang lalaking pinuli mo. Ito qnt live-in son-in-law ng Dean Cobb family!Bukod sa pagkakaron ng matalim na dila, ano pang kayang gawin ng lalaking 'yan
Nagdilim ang mukha ni Gael Padlow sa isang iglap. "Ako si Gael Padlow! Kasama ako sa Blackburn City Martial Arts Alliance! "Ang guro ko ang vice leader ng South Sea Martial Arts Alliance! "Mamamatay ka dahil ginawa mo sa akin ito! "Magbabayad ka!"Nagsalita si Gael habang nakahiga siya sa sahig, hindi makagalaw. Bam!"Tabi. Sinipa ni Harvey York palayo si Gael. Tumalsik ang katawan nito sa pader bago ito mawalan ng malay habang bumubuhos ang dugo sa bibig nito. "Wala akong pake kung sinong nasa likod mo. Wala rin akong pake kung anong kapangyarihan ang mayroon ka. Umabante si Harvey bago tapikin ang maputlang mukha ni Gael. "Bibigyan kita ng isang pagkakataon. Itigil mo ang negosyo. "Kapag nalaman kong nangingikil ka na naman ng pera, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari." ***Binalewala nang tuluyan sila Nellie Padlow. Sinipa ni Harvey ang mga disipulo bago pumasok sa kotse ni Katy habang sinisigurong ligtas si Ellen Moreno. Pagkatapos, dumaan s
Nagkaroon ng pagkadismaya sa mata ni Katy Cobb bago siya muling ngumiti. "Hindi ako naniwala noong sinabi ng mga tao na isa kang manloloko… "Ngayon, sigurado na akong ganun ka nga talaga. "Wala ka na agad sa sandaling matapos ka sa paglalaro. Wala ka talagang pag-asa." Kumirot ang bibig ni Harvey York. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa walang-tigil na panghaharot ni Katy. Higit sa lahat, laging napakahirap na tanggapin ang grasya ng isang taong maganda. Hindi kokontrahin ni Harvey ang pagmamahal ng ganito katapang na tao. Walang magawa si Harvey kundi ibahin ang usapan. "Mula sa naging usapan niyo ni Gael Padlow, mukhang malaki ang problema ng pamilya mo ngayon. "Bukod sa royal family ng South Sea, ang three great families ang may pinakamalaking pagkatao." Walang balak na maglihim si Katy kay Harvey. "Bukod pa riyan, ang mapagmataas na Martial Arts Alliance, ang first at second-rated families, kasama ng ilang maliliit na pwersa dito, ay gumagawa ng kaguluhan s
Naging seryoso ang mukha ni Harvey York bago siya natawa. "Ganun ba talaga 'yun kalala? Hindi ka ba kampanteng hayaan ako dito?"O sinasabi mo bang ayaw mong ibahagi ang kinikita mo sa akin ngayong ayos na ang lahat?" "Hindi naman ganun kalala. Alam kong ayaw mong namomroblema," sagot ni Katy Cobb habang nakatingin kay Harvey. "Malaki na ang utang na loob ko sa'yo sa paggamot sa mga sugat ng lolo ko."Hindi na dapat ako humingi pa ng tulong. "Heto ang tatlong first-class ticket sa eroplano bukas ng alas otso."Iimbitahan kita ulit dito kapag maayos na ang lahat. Sisiguruhin kong tatratuhin kita nang maayos sa oras na iyon." Pagkatapos, inilapag ni Katy ang isang sulat sa harapan ni Harvey at tinitigan nang maigi ang mata ni Harvey bago umalis. Hinawakan ni Harvey ang sulat habang nakangiti siya kay Katy. "Nagiging interesante na ang mga bagay. Dadalawin ko si Elder Cobb bukas nang umaga. Kung walang nangyayari, babalik na ako pagkatapos nito…" Pagkatapos ay tumalikod
"Nabastos mo si Young Master Padlow para lang sa isang random na estranghero?""Atsaka sasabihin mong siya ang manugang ng pamilya?""Gaano ka kawalanghiya?""Wala ka bang pakialam sa reputasyon ng pamilya?!" Napasigaw si Eden sa galit."Hindi mo ba alam na kami ang naging pinakamalaking biro ng Blackburn City, lahat ay dahil sayo?!"Hindi napigilan ni Eden na bumangon at sampalin si Katy sa mukha.Hindi maka react ng mabilis si Katy, at nakaramdam siya ng matinding sakit pagkaraan.Kitang kita ang maliwanag na pulang palm print sa kanyang matikas ngunit namamaga na mukha.Hindi napigilan ni Valery at ng ilang matatanda si Eden. Nagpahayag sila ng tuwa ng makita nilang sinampal sa mukha si Katy.“Kaya ko ang sarili kong mga problema. Hindi ko kailangan na turuan mo ako kung paano gawin ang mga bagay."Tiniis ni Katy ang sakit at galit sa kanya, at huminga ng malalim. Alam niyang ang kanyang mga aksyon ay tiyak na magbibigay sa pangalawa at pangatlong bahay ng dahilan para pun