Nag aalala si Mandy Zimmer nang makita niya si Harvey York.Sa totoo lang, ang mga taong iyon ay nandito na mula umaga. Hindi lang niya tinawagan si Harvey para makapag focus siya sa pakikipaglaban...Pero dumating pa rin siya.Pakiramdam ni Mandy ay siya ang humila rito.Hindi niya napigilang iyuko ang ulo nang hindi nagdadalawang isip.Isang matamis na ngiti ang ipinakita ni Harvey kay Mandy para malaman niyang hindi dapat mag alala bago ibinalik ang tingin kay Rachel Hardy.Ipinadala ni Rachel ang kanyang mga tauhan sa harap ni Mandy at ng iba pang mga nakatataas upang mapanatili silang ligtas.Pagkatapos, mahinahong sinulyapan ni Harvey ang mga taong nakaupo sa mga couch."Nasaan si Pedro Benett?" Malamig na bulalas ni Harvey."Paalisin mo siya dito."“Oh? Sa tingin mo ikaw ay hari dahil lang sa nanalo ka ng ilang laban sa ring?""Ang lakas ng loob mo na palabasin si Young Master Benett?"“Oo! Ang Young Master Benett ay hindi lang isang taong makikita mo kung gusto mo!"
"Takot?!" Natawa nang malakas si Pedro Benett pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. "Bakit naman ako matatakot?! Binibiro mo ba ako?!"Iniisip mo may karapatan kang magyabang sa harapan ng Benett family dahil nagawa mong lumpuhin ang pipitsugin kong kapatid at bayaw ko?! "Hangal ka! Gusto mo yatang mamatay! "Ang totoo niyan, naghanda ang Golden Palace ng walong eksperto para lang tapusin ka! "Ang bawat isa sa kanila ay kayang durugin ang bodyguard mo! "Kung ako sa'yo, susuko na'ko ngayon at hindi ko lalabanan ang Golden Palace! "Lalo na't mamomroblema ka kapag ginawa mo yun!" "Ano bang gusto mo?" kalmadong tanong ni Harvey York. "Simple lang!" Humithit si Pedro ng sigarilyo. "Una. Dahil hindi mo maibigay ang mga shares ko sa kumpanya, kailangan mong ibigay sa'kin ang lahat ng shares na meron ka!"Bibilhin ko ang mga yan sa halagang isandaang at limampung libong dolyar! Ako ang may huling salita rito! "Pangalawa. Dahil sinaktan mo ang kapatid ko at ang baya
“Aaagh!”Sumigaw si Pedro Benett sa sakit bago siya umatras habang hawak ang mukha niya. Isang pulang bakas ng palad ang malinaw na nakikita sa mukha niya sa sandaling iyon. Nagulat ang lahat ng mga trabahador nang nakita nila ang eksena. Hindi inakala ng lahat na talagang sasaktan ni Harvey si Pedro. Lalo na't isa siyang disipulo ng inner circle ng Golden Palace at ang young master ng Benett family. Hindi lang siya marunong pambihirang katayuan, marami rin siyang koneksyon. Ang mga taong magtatangkang saktan si Pedro ay mga taong gustong mamatay!Hindi makapaniwala tumayo si Pedro habang hawak ang mukha niya. "Sinong nagbigay sa'yo ng tapang?! Sinong nagsabing pwede mong ipagyabang ang lakas mo sa lugar na kagaya ng Flutwell?!" Bumunot lang si Harvey ng ilang wet wipes at nilinis ang kamay niya. "Disipulo ka lang ng Golden Palace. Wala ka ring thirty percent ng shares ng kumpanya. "Anong karapatan mong sagutin ang CEO na nagmamay-ari ng 70 percent ng shares? "Anong
Pagkalipas ng tatlong minuto, biglang sinipa pagbukas ang pinto ng building. Hindi nagtagal, walong lalaking nakadilaw na balabal ang naglakad papasok .Pagkatapos makita ang mga lalaki, mabilis na tumakbo si Pedro Benett papunta sa kanila nang may namamagang mukha. "Nabugbog ako, Senior…" Interesadong tumingin si Harvey. Ang mga senior ni Pedro ay malamang na nagmula sa Golden Palace. Bam!Isang malakas na aura ang lumabas mula sa lalaking nasa harapan bago siya humakbang paharap. Nasira ang mga tiles sa ilalim ng paa niya. "May nagtatangkang lumaban sa Golden Palace?" malamig niyang sabi. "Sino ka ba sa tingin mo? Gusto mo bang mamatay?" Pagkatapos ay kumaway ang lalaki. Dose-dosenang lalaking nakabalabal ang pumasok sa susunod na sandali at hinarangan ang bawat isang labasan ng main hall. Lumingon si Pedro bago malagim na tumawa. "Patay ka na, Harvey…" Si Mandy Zimmer, ang pinoprotektahan ni Rachel Hardy sa sandaling ito, ay nag-aalalang naglakad papunta ka
"Hindi na masama! Matapang ka!" sigaw ni Senior Lee bago tumawa nang malamig. "Hindi mo lang binugbog ang junior ko, nanghihingi ka pa sa'min ng pera! "Bakit hindi mo muna tanungin kung paano tinatrato ang mga tao ng Golden Palace?! "Mambugbog ka ng disipulo sa harapan ko kung kaya mo!" Pak! Hindi nagsayang ng oras si Harvey York at sinampal ulit si Pedro Benett. Isa na namang pulang bakas ng palad ang lumitaw sa kabilang parte ng mukha niya. Umatras siya habang hawak ang mukha niya nang nakitang tumulo ang dugo mula sa gilid ng bibig niya. Malamig na tumawa si Harvey. "Sa tingin mo nakakamangha ang Golden Palace? "Akala mo ba pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo sa Flutwell? "Sinampal ko siya sa harapan mo. Ano na?" Kaagad na dumilim ang mukha ni Pedro nang tinakpan niya ang mukha niya. "Nakita mo, Senior Lee! Tignan mo kung gaano kaarogante ang h*yop na'to! Hindi niya talaga nirerespeto ang Golden Palace!" "Magaling! Magaling! Matapang ka para hamuni
Hinipan ni Harvey York ang usok mula sa baril bago tinignan si Pedro Benett. "Hindi naman malalakas ang mga ekspertong inihanda mo. "Ano? Bakit di mo na lang isipin ulit ang mga kondisyon ko? "Habang maganda pa ang timpla ko… Nanginig ang mga mata ni Pedro bago siya tumingin sa mga tao ng Golden Palace. Isang maliit at may katabaang lalaki ang naglakad nang may seryosong ekspresyon. Sa kabila ng itsura niya, napakaliksi niya. Natural na mas malakas siya kumpara kay Senior Lee. "Ako si Hudson Ward ng Golden Palace!" Malamig na tinitigan ni Hudson si Harvey. "Magaling ka. Mukhang medyo may kakayahan ka. Kung ganun, alam mo dapat ang pangalan ko." "Hindi kita kilala," sagot ni Harvey. "Ikaw…" Nagbago kaagad ang ekspresyon ni Hudson. Sobra siyang nahiya habang nagngitngit ang ngipin niya. "Kahit ano pa yan, dahil sinaktan mo ang isang taong mula sa Golden Palace, ikaw…"Bang!Bago pa man matapos ni Hudson ang sinasabi niya, kinalabit ulit ni Harvey ang gatilyo
Sapat na ang mga kalmadong salita ni Harvey para manginig ang mga mata ng mga disipulo. Ang mga taong nagpunta para magyabang kasama ni Pedro Benett ay konektado rin sa Golden Palace. Habang mas pinagyabang nila ang katayuan nila sa labas, mas lalo silang hindi makapaniwala sa sandaling iyon. Lalo na't hindi inakala ng lahat na may makakatalo nang ganito kadali sa walong eksperto ng Golden Palace na para bang mga walang kwentang basura silang lahat. Kung naibang araw lang ito, tatawagin ng lahat na baliw si Harvey… Pero may isa nang ekspertong ibinato sa lapag, dalawang nalumpo gamit ng baril, at limang napalipad nang tig-isang sampal. Sa mismong sandaling ito, si Harvey ang nakakalamang! Napakabigat ng ere sa sandaling ito. Nagulat ang ilan, ang iba ay natakot, ang iba naman ay nagalit, pero wala sa kanila ang nagtangkang magsalita ni-isa. Maski si Pedro, ang pinakamayabang kanina, ay hindi napigilang makaramdam ng takot. Palihim niyang kinuha ang phone niya bago
"Hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan," sabi ni Senior Oswald nang may naaawang tingin. Nagpakita siya ng napakamiserableng ekspresyon na para bang mamatay si Harvey York kapag kumilos talaga siya. "Makinig ka sa'kin. Ibigay mo sa junior ko ang mga shares, iwan niyo ang babae rito, at baliin niyo ang mga binti niyo. Doon ko lang pag-iisipan kung hahayaan kitang mabuhay kapag ginawa mo ang lahat ng yun."Tumawa si Harvey. "Hindi ba kayo natatakot sa mangyayari? Paano kung binabangga niyo ang isang taong hindi niyo kayang labanan?"Parang ang hina ko naman kapag nagawa mo kong mapasuko sa mga banta mo." Malamig ang titig ni Senior Oswald. "Kilala mo ba kung sinong kausap mo?" sabi niya. "Naiintindihan mo ba kung anong mangyayari kapag kinausap mo ko nang ganito?" "Gusto kong malaman yan mismo," kalmadong sagot ni Harvey. Para bang gustong pumatay ng titig ni Senior Oswald. "Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Pupunitin kita kapag hinintay mo kong kumilos! Susunugin ko