"Hindi ko iindahing magsakripisyo para sa bansa ko kung ikaw ang target ko." Bahagyang ngumiti si Zoe Garcia bago sumenyas, sabay dinala niya si Harvey York sa isang box na maaga niyang inihanda. Umupo si Harvey at dumampot ng isang tasa bago ngumiti pabalik. "Isa akong mabuting lalaki, Maiden Garcia. Masyado naman yatang nakakabastos yun, hindi ba? "Hindi gagana ang patibong na'to." "Nakadepende sa pag-uugali mo kung gagana ito o hindi," sagot ni Zoe. "Sa ugali ko?" May mapaglarong tingin si Harvey. "Kung ganun, hindi magiging madali para sa'kin na kumain dito? "Halatang isa tong patibong para sa'kin… "Kung ganun, ano ba talagang gusto mo sa'kin? "Hindi mo kailangang mahiya. Bakit di mo na lang sabihin sa'kin ang lahat?" Bumuntong-hininga si Zoe nang may nanlulumong ekspresyon sa mukha niya. "Hindi mo ba naiintindihan kung bakit kita dinala dito? "Sinetup mo ko sa pinakaunang araw at nahiwalay ako sa iba pang mga Indian. Pinagdududahan nila ako at hiniwalay
"Pag-uusapan natin yan."Nagpakita ng mainit na ngiti si Zoe Garcia bago naglabas ng isang gintong kahon sa ilalim ng mesa at itinulak ito papunta kay Harvey York. Humulas ang jacket niya pababa at nakita ang malambot niyang balikat habang itinulak niya ang kahon. Pagkatapos, lumapit siya na para bang hindi niya napapansin ang kahit na anong nangyayari. "Sir York, gusto ng royal family ng India na sumali ka sa ranggo namin!" sabi ni Zoe nang may mahinang tono. "Gagawin kang Brahmin ng royal family kapag pumayag ka! "Ganun din ang magiging trato sa susunod na henerasyon ng pamilya mo!" Naningkit ang mga mata ni Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. 'Kakaiba ang mga taong ito… Alam ng mga Indian na hindi kulang sa pera si Harvey. Iyon ang dahilan kung bakit ginagamit nila ang titulo bilang pamalit. Sina Zoe, Axel Garcia, Cody Garcia, at Frankie Garcia ay mga Kshatriya lamang… Pero inalok nila si Harvey ng mas mataas na posisyon kumpara sa kanilang lahat.
"Talagang nararapat ng lakas at kakayahan mo para sa mga gantimpalang iyon!" Matamis na ngumiti si Zoe Garcia. "Syempre, para ipakitang gusto mong maging kaisa namin, kailangan ko ng maliit na patunay mula sa'yo. "Lalo na't lahat ng 1.3 billion na tao ng Indian ay gustong-gustong maging Brahmin. "Dahil handang magsakripisyo nang ganito kalaki ng India, dapat ipaunawa mo sa kanila na karapat-dapat ka, tama? "Kung hindi, paano mo mapapasaya ang madla?" "Patunay?" Bahagyang ngumiti si Harvey York. "Wag mong sabihing tungkol ito sa laban bukas?" "Matalino ka, Sir York. Nahulaan mo." Ngumiti si Zoe. "Sabi ni Master Garcia, kapag natalo sina Amber Levine at ang iba pa sa laban nila bukas…"Ibibigay namin sa'yo ang pera at badge! "Ihahanda kaagad ang iba mo pang gantimpala pagkatapos! "Kasabay nito, maghahanda kami ng private jet para sa'yo para makapaglakbay ka sa magiting naming bansa! "Kung gusto mong isama ang mga kaibigan at pamilya mo, pwede rin naming pagha
Nanigas si Zoe Garcia. Nabigla siya sa mga salita ni Harvey York. Sa isipan niya, tatanggihan ni Harvey ang alok niya. Mabilis na bumalik ang ngiti niya bago siya mahinang sumagot, "Syempre!"Yun nga lang, hindi pa ako handa. Bakit hindi na lang pagkatapos ng laban bukas, Sir York?" Para bang medyo nainis si Harvey pagkatapos marinig ang mga salita ni Zoe. "Umaatras ka na ba sa mga sinabi mo?" malamig na tanong ni Harvey pagkatapos huminga nang malalim. "Pinagtatrabaho mo ko nang wala akong makukuha bilang kapalit? "Syempre, kailangan ko muna ng magandang regalo bago ako magtrabaho! "Kung hindi mo to gustong gawin ngayon, pwede natin tong idaan sa ibang paraan!"Heto ang card mo. Ibigay mo muna sa'kin ang pera! "Hindi mo rin kailangang mag-alala na tatakas ako! "Lalo na't mas interesado ako sa'yo! "Gustong-gusto ko na ngang matikman ang katawan mo!" Binunot ni Harvey ang bank card niya bago ito nilagay sa kamay ni Zoe. Kaagad na nanigas ang ngiti ni Zoe. Talag
“Sige. Tama na muna ‘yan, Maiden Garcia.“Umuwi ka na at sabihin mo ito kay Axel Garcia para sa akin.“Hindi tatalab nang ganito ang mga pagbabalak. Kung gusto niyang gumawa ng mga walang kwentang pangako, kahit paano ipakita niya muna ang totoo.“Hindi na masyadong tanga ang mga tao ngayon.“Hindi ako interesado sa alok mo sa simula pa lang, pero interesado ako sa’yo.Tahimik na hinawakan ni Harvey York ang kamay ni Zoe Garcia bago bawiin ang kanyang card nang nakangiti.“Maiden Garcia, ang ilan sa mga bagay na pinapangako mo sa akin ay sadyang hindi makatotohanan. Sadyang hindi maaabot ang mga bagay na iyon…“Pero hindi ang Martial Hall.“Bukas-palad ka naming sasalubungin kapag handa ka na!“Hindi ako tumalikod sa salita ko…”Pagkatapos, tumawa si Fane bago maglakad palayo.Kumirot ang bibig ni Zoe nang magalit siya nang sobra. Tahimik niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bag pagkatapos. Isang card ang dumulas nang walang tunog. Nang mabawi ni Harvey ang kanya
Kumunot ang noo ni Harvey York. Natutukoy niya na kagagawan ito ng mga Indiano kahit hindi niya pa ito naiimbestigahan.Madaling sabihin na masyado silang tuso at sabay nilang isinagawa ang dalawang maduming taktika.Gayunpaman, alam ni Harvey na hindi papatayin ni Axel Garcia sila Amber Levine para mapigilan ang mga tao ng Country H na isumpa siya. Higit sa lahat, masyado itong magiging halata.Kaya hindi masyadong nag-aalala si Harvey.“May kaduda-dudang tao bang pumasok sa Martiall Hall kanina?” tanong ni Harvey pagkatapos isipin ang sitwasyon.“Wala naman, pero dumating ang mga panggulo ng Golden Palace.“Pero hindi sila nagpunta para gumawa ng gulo. Nagpunta sila para humingi ng tawad sa kanila Amber.“Lumuhod ang babae sa harapan nilang tatlo…”“Ang Golden Palace?”Kumunot ang noo ni Harvey. Kaagad niyang natukoy na may kakaiba.Higit sa lahat, pinili nila ang kakaibang oras para bumisita.Kaagad na tumawag ng isang cab si Harvey bago bumalik ng Martial Hall.Nakarati
“Gayunpaman, kung ito talaga ang potion na tinutukoy natin, ang tanging paraan para magkaganito sila Amber Levine ay dahil may nainom sila.“Pero ang mga disciple ng Longmen’s Law Enforcement ang may hawak ng lahat ng kinakain at iniinom namin dito. Imposibleng bigla na lang din nila kami pagtataksilan.“May nakain ba sila o nainom na dinala ng mga tagalabas?”“Dinala ng mga tagalabas…?”Nagbago ang mukha ni Layne Naiswell.“Tsaa…”“Ano?”Kusang napatingin si Harvey York.Kaagad na sumama ang mukha ni Layne.“Tungkol sa mga taong nagpunta para humingi ng tawad. Nagsalin ng tatlong tasa ng tsaa ang babae para sa mga estudyante habang lumuluhod sa sahig.“Sinabi niya na ang pag-inom ng tsaa ay mangangahulugang pinatawad siya ng mga ito. Kapag hindi nila ito ininom, habang-buhay siyang luluhod sa sahig…“Pero ang dahon ng tsaa at ang tubig ay sa atin. Paano…?” Nagdilim ang mukha ni Harvey bago siya suminghal.“Magiging sobrang dali para sa kanila na lasunin ang tatlo.“Hali
Nitong alas diyes ng gabi. Sa Golden Courtyard.Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng sacred martial arts training grounds ng Flutwell, ang Golden Palace, at isa rin itong mahalagang base ng mga kilalang tao.Bumubuhos ang ulan sa labas, ngunit ang bakuran ay punong-uno pa rin ng ilaw at naglalakad ang mga tao sa buong lugar.Nakalagay ang mga palamuti sa buong bulwagan. Talagang napakaganda nitong tingnan.Higit sa lahat, ito ang engagement banquet ng pinakamalakas na outer disciple ng Golden Palace, si Koen Bierstadt mismo.Ang kanyang kabiyak ay walang iba kundi ang anak ng isang elder ng Golden Palace.Madaling sabihin na isa itong malakas na alyansa.Inimbita ni Koen ang maraming kaibigan niya sa martial arts world para sumama sa pagsasalo.Ang pagsasalong ito ay isang okasyon kung saan nakikipagkaibigan ang mga nasa upper social circle sa isa’t isa.Kahit na maraming martial artist na nandito, lahat sila ay maayos manamit.Ang mga babae ay nakasuot ng mga damit na may mam