“Sige. Tama na muna ‘yan, Maiden Garcia.“Umuwi ka na at sabihin mo ito kay Axel Garcia para sa akin.“Hindi tatalab nang ganito ang mga pagbabalak. Kung gusto niyang gumawa ng mga walang kwentang pangako, kahit paano ipakita niya muna ang totoo.“Hindi na masyadong tanga ang mga tao ngayon.“Hindi ako interesado sa alok mo sa simula pa lang, pero interesado ako sa’yo.Tahimik na hinawakan ni Harvey York ang kamay ni Zoe Garcia bago bawiin ang kanyang card nang nakangiti.“Maiden Garcia, ang ilan sa mga bagay na pinapangako mo sa akin ay sadyang hindi makatotohanan. Sadyang hindi maaabot ang mga bagay na iyon…“Pero hindi ang Martial Hall.“Bukas-palad ka naming sasalubungin kapag handa ka na!“Hindi ako tumalikod sa salita ko…”Pagkatapos, tumawa si Fane bago maglakad palayo.Kumirot ang bibig ni Zoe nang magalit siya nang sobra. Tahimik niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bag pagkatapos. Isang card ang dumulas nang walang tunog. Nang mabawi ni Harvey ang kanya
Kumunot ang noo ni Harvey York. Natutukoy niya na kagagawan ito ng mga Indiano kahit hindi niya pa ito naiimbestigahan.Madaling sabihin na masyado silang tuso at sabay nilang isinagawa ang dalawang maduming taktika.Gayunpaman, alam ni Harvey na hindi papatayin ni Axel Garcia sila Amber Levine para mapigilan ang mga tao ng Country H na isumpa siya. Higit sa lahat, masyado itong magiging halata.Kaya hindi masyadong nag-aalala si Harvey.“May kaduda-dudang tao bang pumasok sa Martiall Hall kanina?” tanong ni Harvey pagkatapos isipin ang sitwasyon.“Wala naman, pero dumating ang mga panggulo ng Golden Palace.“Pero hindi sila nagpunta para gumawa ng gulo. Nagpunta sila para humingi ng tawad sa kanila Amber.“Lumuhod ang babae sa harapan nilang tatlo…”“Ang Golden Palace?”Kumunot ang noo ni Harvey. Kaagad niyang natukoy na may kakaiba.Higit sa lahat, pinili nila ang kakaibang oras para bumisita.Kaagad na tumawag ng isang cab si Harvey bago bumalik ng Martial Hall.Nakarati
“Gayunpaman, kung ito talaga ang potion na tinutukoy natin, ang tanging paraan para magkaganito sila Amber Levine ay dahil may nainom sila.“Pero ang mga disciple ng Longmen’s Law Enforcement ang may hawak ng lahat ng kinakain at iniinom namin dito. Imposibleng bigla na lang din nila kami pagtataksilan.“May nakain ba sila o nainom na dinala ng mga tagalabas?”“Dinala ng mga tagalabas…?”Nagbago ang mukha ni Layne Naiswell.“Tsaa…”“Ano?”Kusang napatingin si Harvey York.Kaagad na sumama ang mukha ni Layne.“Tungkol sa mga taong nagpunta para humingi ng tawad. Nagsalin ng tatlong tasa ng tsaa ang babae para sa mga estudyante habang lumuluhod sa sahig.“Sinabi niya na ang pag-inom ng tsaa ay mangangahulugang pinatawad siya ng mga ito. Kapag hindi nila ito ininom, habang-buhay siyang luluhod sa sahig…“Pero ang dahon ng tsaa at ang tubig ay sa atin. Paano…?” Nagdilim ang mukha ni Harvey bago siya suminghal.“Magiging sobrang dali para sa kanila na lasunin ang tatlo.“Hali
Nitong alas diyes ng gabi. Sa Golden Courtyard.Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng sacred martial arts training grounds ng Flutwell, ang Golden Palace, at isa rin itong mahalagang base ng mga kilalang tao.Bumubuhos ang ulan sa labas, ngunit ang bakuran ay punong-uno pa rin ng ilaw at naglalakad ang mga tao sa buong lugar.Nakalagay ang mga palamuti sa buong bulwagan. Talagang napakaganda nitong tingnan.Higit sa lahat, ito ang engagement banquet ng pinakamalakas na outer disciple ng Golden Palace, si Koen Bierstadt mismo.Ang kanyang kabiyak ay walang iba kundi ang anak ng isang elder ng Golden Palace.Madaling sabihin na isa itong malakas na alyansa.Inimbita ni Koen ang maraming kaibigan niya sa martial arts world para sumama sa pagsasalo.Ang pagsasalong ito ay isang okasyon kung saan nakikipagkaibigan ang mga nasa upper social circle sa isa’t isa.Kahit na maraming martial artist na nandito, lahat sila ay maayos manamit.Ang mga babae ay nakasuot ng mga damit na may mam
Manipis ang katawan ni Emily Bennett habang nakatali ang kanyang buhok. Ang kanyang leeg ay nababalot rin ng alahas.Isang diamanteng kasing laki ng itlog ng kalapati ang nasa kanyang daliri, nasisilaw ang mga babae sa paligid niya.Kung hindi titingnan nang maigi, aakalain talaga ng mga tao na ang dalawa ay isang napakalakas na magkasintahan.Tumawa nang malakas si Koen Bierstadt habang pinagsisilbihan sila ni Emily ng mga tao sa harapan niya.“Pakiusap, kayong lahat! Iinom ako kasabay niyo! Huwag niyong pahirapan si Emily!”“Iinom rin ako para sa kanila!”Masayang ininom ni Koen ang baso ni Emily ng wine.Ngumiti si Emily nang makita ito.“Masyado kang mabait, Koen. Nanghihinayang ako at hindi kita nakilala nang maaga.”“Hahaha! Huwag mong ipakita ang pagmamahalan niyo sa harapan namin!”“Tara! Tara! Uminom tayo! Nawa’y magkaroon kayo ng masayang pagasasama!”Nagsalo ang mga young master at mayayamang babae bago nila inumin ang wine nang nakangiti.“May narinig ako kailan
Sa takot na baka may makahalata, kaagad na tumayo si Koen Bierstadt at ngumiti.“Hindi naman masyadong seryoso ang hidwaan sa pagitan namin ni Harvey York.“Ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa insidenteng iyon.“Atsaka, ang mga tulad namin ay walang pake a maliliit na bagay tulad ng paghihiganti.Anuman ang mangyari, marami nang nagawa si Havrey para sa bansa sa pamamagitan ng pagsali sa mga laban.“Para sa akin, pakiusap huwag mo na siyang hanapin.“At sa kung anong kalalabasan ko, siya na rin ang bahala dito.”Tumango ang mga babae ng young master nang marinig ang sinabi ni Koen.“Masyado kang mabait, Young Master Bierstadt!”“Tayo ang mga makikitid ang utak na magsasabi ng ganitong bagay dito!”Ginawa ni Harvey ang masasamang bagay na ito at binangga ang sobrang daming tao. Dapat siyang maparusahan! Hindi ka na kailangan kung may nagagawa ba.Sige, tama na dito. Kumain tayo at uminom hangga’t gusto natin!Tumayo si Emily Benett para ibahin ang usapan bago niya itulak an
Ngunit pagkatapos nilang mabigla, sumama ang mukha ng lahat.Parang naalala nila ang pangalang ito. Kaagad silang nahimasmasan pagkatapos.‘Diba isa siya sa pinakamahusay na lumalaban sa mga Indian?’Sayang at lahat ng nasa Flutwell ay naniniwalang bukod sa kanila Amber Levine, walang kwenta na ang iba.Tingin nila maswerte lang si Harvey dahil hindi nagpunta ng Flutwell ang mga Indiano para hamunin siya.Kung hindi, katapusan na niya sa oras na iyon.‘Ang kapal naman ng mukha niyang gumawa ng gulo dito?’‘Sino ba siya sa inaakala niya?’‘Isang God of War?’Kaagad na nagdilim ang mukha ni Koen Bierstadt at Emily Benett.Hindi nila inakalang dadating si Harvey sa ganitong oras.Hindi lamang niya hinahamon ang magkasintahan, kundi hinahamon rin niya ang buong Golden Palace!Humalukipkip si Harvey habang naglalakad siya papasok sa gitna ng ulan.Hindi nagtagal, walong disipulo ng Law Enforcement ng Longmen ang kalmadong pumasok.Dala nila ang isang itim na kabaong habang mar
Swoosh, swoosh, swoosh!Sa isang sandali, isang string ng gintong mga knife ang mabangis na lumabas ng magkakasunod.Isang mabilis at walang awang atake!Maraming mga disipulo ng Golden Palace ang bumagsak, sumisigaw sa sakit ng bumbagsak sila, gumulong sa sahig habang tinatakpan ang kanilang mga wrist.Si Harvey ay napabilib. Mukhang si Layne ay nakabawi ng kaunti.Kung hindi iyon ang kaso, hindi dapat niya magagawa ang ganitong pangyayari.“Ano?!”Ang mga nananatiling mga disipulo ng Golden Palace ay nagulat.Alam nilang lahat kung sino si Layne, pero hindi nila kailanman naisip na siya ay talagang ganitong nakakatakot!Si Layne ay naglabas ng mahaba, manipis na gintong espada.Humakbang siya paharap at tapos sumugod lampas sa mga disipulo sa bilis ng kidlat. Ang mga disipulo ay lahat tumumba at kaagad hinawakan ang kanilang mga wrist.Sa isang atake lang, lahat sila ay biglang natalo!Ang lahat ng mga disipulo ay mula sa parehong sacred martial arts training ground, pero