Pagkatapos makita ang likod ni Niko Burton, may seryosong ekspresyon si Axel Garcia sa mukha niya. "Nasa mga kamay mo ngayon ang reputasyon ng India, Niko! Ibigay mo ang lahat! Hindi tayo pwedeng matalo dito!" "Wag kang mag-alala, Master Garcia! Hindi ko ipapahiya ang pangalan mo!" sagot ni Niko nang may malamig na tono. Pagkatapos naglakad siya sa gitna ng ring bago malamig na tinitigan sina Harvey York at ang iba pa. "Ako nang bahala sa kanya!" Bago pa makapagsalita si Harvey, bahagyang ngumiti si Albus Robbins bago niya hinubad ang pang-itaas niya. Nakita ng lahat ang tanso niyang balat nang humakbang siya papasok ng ring. Pagkatapos ay naningkit ang mga mata niya kay Niko. "Dahil isa ka ring brute-force learner… "Hindi kita masyadong papahirapan. "Hahayaan kitang magbato ng tatlong suntok sa'kin nang libre! Kapag umatras ako kahit isang hakbang, panalo ka!" 'Ano?!'Nagulat ang host. 'Anong problema ng batang to?!'Bakit ka nagsimulang magsalita bago ko pa ip
"Ano? Walang nangyari sa batang yun?""Kaya niyang magsalita nang normal! Malinaw na walang nagawa ang suntok na yun sa kanya!" "Tignan niyo ang replay!""Hindi man lang gumiwang kahit kaunti ang bato, lalo na't hindi siya humakbang paatras!" "Baka isipin pa ng mga taong walang kaalam-alam na kinikilita lang siya ng Indian!" "Kung ganun talaga ang nangyari, wala naman palang kwenta ang Indian na'to!" "Ang yabang-yabang niya, tapos ito lang pala ang magagawa niya?!" "Paanong hindi siya nahihiya?! Masyado siyang mahina!" Nagbulungan ang madla. Patuloy silang nagbato ng insulto kay Niko Burton nang walang tigil. Kaagad na sumama ang ekspresyon ni Niko. Huminga siya nang malalim nang hindi nagsasalita bago nagbato ng isa pang suntok kay Albus Robbins. Sa sandaling ito, ginamit niya ang lahat ng lakas niya. Alam niyang hindi pwedeng mapahiya ulit ang mga Indian. Bam!Kasabay ng malakas na tunog, tumama ang suntok ni Niko sa dibdib ni Albus… Pero bago pa siya makap
Pinakita din ng Longmen ang pasasalamat nila. Si Bryce Kennedy na may hawak sa pang-araw-araw na pangangailangan, ay nagpadala ng maraming elixirs kasama ng iba pang mamahaling regalo. Sa kabilang banda, isa itong gantimpala para sa laban ngayong araw. Sa kabilang banda, hiniling nila na magpatuloy sina Harvey York at ang iba pang mga batang talento na durugin ang mga Indian. Lalo na't tinatapak-tapakan naman na sila ng mga Indian sa umpisa pa lang. Hindi lang nakahinga nang maluwag ang higher-ups mula sa Longmen pagkatapos ng laban, halos nanumbalik na rin ang reputasyon ng Longmen. Nakahanap pa sila ng maraming ghostwriters para ipakalat ang nangyari ngayong araw. Pagkatapos ng masarap na hapunan, dinala nina Harvey sina Amber Levine at ang iba pa sa backyard garden. Habang naglalaban sila sa loob ng ring, hindi rin nagtatamad-tamad sina George Zabel, Kayden Balmer, at ang iba pa. Ginamit nila ang lahat ng sources nila at malaking halaga ng pera para maghanap ng impor
"Hindi ko iindahing magsakripisyo para sa bansa ko kung ikaw ang target ko." Bahagyang ngumiti si Zoe Garcia bago sumenyas, sabay dinala niya si Harvey York sa isang box na maaga niyang inihanda. Umupo si Harvey at dumampot ng isang tasa bago ngumiti pabalik. "Isa akong mabuting lalaki, Maiden Garcia. Masyado naman yatang nakakabastos yun, hindi ba? "Hindi gagana ang patibong na'to." "Nakadepende sa pag-uugali mo kung gagana ito o hindi," sagot ni Zoe. "Sa ugali ko?" May mapaglarong tingin si Harvey. "Kung ganun, hindi magiging madali para sa'kin na kumain dito? "Halatang isa tong patibong para sa'kin… "Kung ganun, ano ba talagang gusto mo sa'kin? "Hindi mo kailangang mahiya. Bakit di mo na lang sabihin sa'kin ang lahat?" Bumuntong-hininga si Zoe nang may nanlulumong ekspresyon sa mukha niya. "Hindi mo ba naiintindihan kung bakit kita dinala dito? "Sinetup mo ko sa pinakaunang araw at nahiwalay ako sa iba pang mga Indian. Pinagdududahan nila ako at hiniwalay
"Pag-uusapan natin yan."Nagpakita ng mainit na ngiti si Zoe Garcia bago naglabas ng isang gintong kahon sa ilalim ng mesa at itinulak ito papunta kay Harvey York. Humulas ang jacket niya pababa at nakita ang malambot niyang balikat habang itinulak niya ang kahon. Pagkatapos, lumapit siya na para bang hindi niya napapansin ang kahit na anong nangyayari. "Sir York, gusto ng royal family ng India na sumali ka sa ranggo namin!" sabi ni Zoe nang may mahinang tono. "Gagawin kang Brahmin ng royal family kapag pumayag ka! "Ganun din ang magiging trato sa susunod na henerasyon ng pamilya mo!" Naningkit ang mga mata ni Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. 'Kakaiba ang mga taong ito… Alam ng mga Indian na hindi kulang sa pera si Harvey. Iyon ang dahilan kung bakit ginagamit nila ang titulo bilang pamalit. Sina Zoe, Axel Garcia, Cody Garcia, at Frankie Garcia ay mga Kshatriya lamang… Pero inalok nila si Harvey ng mas mataas na posisyon kumpara sa kanilang lahat.
"Talagang nararapat ng lakas at kakayahan mo para sa mga gantimpalang iyon!" Matamis na ngumiti si Zoe Garcia. "Syempre, para ipakitang gusto mong maging kaisa namin, kailangan ko ng maliit na patunay mula sa'yo. "Lalo na't lahat ng 1.3 billion na tao ng Indian ay gustong-gustong maging Brahmin. "Dahil handang magsakripisyo nang ganito kalaki ng India, dapat ipaunawa mo sa kanila na karapat-dapat ka, tama? "Kung hindi, paano mo mapapasaya ang madla?" "Patunay?" Bahagyang ngumiti si Harvey York. "Wag mong sabihing tungkol ito sa laban bukas?" "Matalino ka, Sir York. Nahulaan mo." Ngumiti si Zoe. "Sabi ni Master Garcia, kapag natalo sina Amber Levine at ang iba pa sa laban nila bukas…"Ibibigay namin sa'yo ang pera at badge! "Ihahanda kaagad ang iba mo pang gantimpala pagkatapos! "Kasabay nito, maghahanda kami ng private jet para sa'yo para makapaglakbay ka sa magiting naming bansa! "Kung gusto mong isama ang mga kaibigan at pamilya mo, pwede rin naming pagha
Nanigas si Zoe Garcia. Nabigla siya sa mga salita ni Harvey York. Sa isipan niya, tatanggihan ni Harvey ang alok niya. Mabilis na bumalik ang ngiti niya bago siya mahinang sumagot, "Syempre!"Yun nga lang, hindi pa ako handa. Bakit hindi na lang pagkatapos ng laban bukas, Sir York?" Para bang medyo nainis si Harvey pagkatapos marinig ang mga salita ni Zoe. "Umaatras ka na ba sa mga sinabi mo?" malamig na tanong ni Harvey pagkatapos huminga nang malalim. "Pinagtatrabaho mo ko nang wala akong makukuha bilang kapalit? "Syempre, kailangan ko muna ng magandang regalo bago ako magtrabaho! "Kung hindi mo to gustong gawin ngayon, pwede natin tong idaan sa ibang paraan!"Heto ang card mo. Ibigay mo muna sa'kin ang pera! "Hindi mo rin kailangang mag-alala na tatakas ako! "Lalo na't mas interesado ako sa'yo! "Gustong-gusto ko na ngang matikman ang katawan mo!" Binunot ni Harvey ang bank card niya bago ito nilagay sa kamay ni Zoe. Kaagad na nanigas ang ngiti ni Zoe. Talag
“Sige. Tama na muna ‘yan, Maiden Garcia.“Umuwi ka na at sabihin mo ito kay Axel Garcia para sa akin.“Hindi tatalab nang ganito ang mga pagbabalak. Kung gusto niyang gumawa ng mga walang kwentang pangako, kahit paano ipakita niya muna ang totoo.“Hindi na masyadong tanga ang mga tao ngayon.“Hindi ako interesado sa alok mo sa simula pa lang, pero interesado ako sa’yo.Tahimik na hinawakan ni Harvey York ang kamay ni Zoe Garcia bago bawiin ang kanyang card nang nakangiti.“Maiden Garcia, ang ilan sa mga bagay na pinapangako mo sa akin ay sadyang hindi makatotohanan. Sadyang hindi maaabot ang mga bagay na iyon…“Pero hindi ang Martial Hall.“Bukas-palad ka naming sasalubungin kapag handa ka na!“Hindi ako tumalikod sa salita ko…”Pagkatapos, tumawa si Fane bago maglakad palayo.Kumirot ang bibig ni Zoe nang magalit siya nang sobra. Tahimik niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bag pagkatapos. Isang card ang dumulas nang walang tunog. Nang mabawi ni Harvey ang kanya