Kusang tinaas ng ilang dosenang eksperto mula sa Longmen Warband ang mga sandata nila pagkatapos marinig ang utos ni Arya Johnson. Mabangis ang itsura nilang lahat nang sinigawan nila ang mga eksperto ng Bauer family na nagpaatras sa kanila. Gustong harangan ng ilan sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Lucca Bauer ang daan nila, pero kaagad silang sinampal ng Longmen Warband. Kahit na galit na galit ang mga ekspertong iyon, wala silang ibang magawa kundi magparaan. Pagkalipas ng tatlong minuto, simpleng umupo si Harvey York sa Toyota Prado niya bago sumenyas. Sinenyasan niya ang mga tao ni Arya na dalhin si Lillian Yates sa ospital. Bumakat ang mga ugat ni Arya sa noo niya bago siya lumapit. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Harvey?!"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! "Naghanda si Young Master Bauer ng banquet para lang sa'yo!""Bumalik ka at magsabi ka sa kanya ng kahit na ano…" sagot ni Harvey habang pinaandar niya ang makina ng kotse niya. "Ang lahat ng nangyari nga
"Lumpo na si Joseph Bauer. Patay na rin ang pinagkakatiwalaang tao ni Harold Bauer… "Siguro tuwang-tuwa na si Jeff Bauer sa puntong to, tama? "Dahil dito, napilitan kami ni Harold na maglaban. "Kapag nalumpo ko si Harold dahil dito, mananalo si Jeff sa laban para sa trono nang hindi man lang kumikilos." Naningkit ang mga mata ni Harvey nang may kalmadong ekspresyon sa mukha niya. "Iniisip mo ba sinasadyang gawin ni Harold ang lahat ng to? O hindi kaya niloko siya ni Jeff na gawin to?" Nagkatinginan sina Rachel Hardy at ang iba pa. Tama si Harvey. Para bang nagkataon lang ang buong insidente, pero masyado naman ito. Para bang masyadong sinadya ang paglitaw nina Lucca Bauer at Arya Johnson. Kung ang lahat ng ito ay parte ng mga plano ni Jeff, mas tuso pala siya kaysa sa inaakala ng lahat. Nanginig ang mga mata ni Rachel. "Kung ganun, anong susunod nating gagawin, Sir York?" mahinang tanong ni Rachel ."Magpapatuloy ba tayo sa acquisition plan ni Secretary Xavier?
Habang nagsalita ang staff, ilang lalaking naka-security uniforms ang lumapit nang may nagdududang tingin nang tinitigan nila nang masama sina Xynthia Zimmer at ang iba pa. "Nandito kami para kunin ang mga chain Budokan na dating mga sa Flutwell's business alliance. "Hindi namin ito nagpaalam sa inyo kaagad dahil kulang kami sa oras… "Pero wag kayong mag-alala. Isa lang itong pangkaraniwang paglilipat ng property rights. Hindi niyo maaapektuhan ang trabaho niyo." Malinaw na naghanda si Xynthia. Para ba siyang isang bihasang babae sa sandaling nagsalita siya. "Xynthia ang pangalan ko. Pakisabi sa management niyo ang tungkol dito para magawa na natin ang paglilipat." Pagkatapos, iniabot ng assistant ni Xynthia na nasa likuran niya ang opisyal na dokumento para basahin ng staff. "Kukunin niyo ang mga chain Budokan?" Para bang nagulat ang staff, pero alam niya rin kung anong nangyari nitong nakaraang araw. Tumango siya bago pumasok sa loob nang hindi nagsasalita. Hindi n
"Tama na ang salita!" Kaagad na pinutol ni Audrey Lopez si Xynthia Zimmer sa pagsasalita nang may naiinis na ekspresyon. "Wala tayong hindi pagkakaunawaan, at wala ring magkakaibigan rito! "Hindi ko kailangang tumawag ng kahit na sino!"Pagmamay-ari na'to ngayon ni Young Master Bauer! "Umalis na kayo rito ngayon din! Wag niyo nang sirain ang negosyo namin! "Kung hindi, sasabihin ko kay Young Master Bauer na turuan si Harvey York ng leksyon na hindi niya makakalimutan! Pagkatapos, kumaway siya nang may malamig na ekspresyon. "Dali! Palabasin niyo sila rito!" Isang dosenang gwardya ang galit na sumugod nang may hawak na baril. Ito ang unang beses ni Xynthia na makakita ng ganitong eksena. Pagkatapos mag-alinlangan sandali, nagpasya siyang sumunod pansamantala. "Aalis na kami!" Galit na bumalik si Xynthia sa Martial Hall. "Binili ni Jeff Bauer ang bawat isang property ng business alliance ng Flutwell?"Lumiwanag ang mga mata ni Harvey pagkatapos marinig ang paliw
"Sabihin mo sa lahat na gumamit si Joseph Bauer ng masamang paraan para kumita ng pera dahil minanipula ni Jeff Bauer ang lahat! "Tapos sabihin mo sa kanila na para pagtakpan ang katotohanan, inabuso ni Jeff ang awtoridad niya at pinasala ang mga tauhan niya para patayin ang isa sa mga tao ni Harold Bauer! "Si Harold ay isang makatarungang lalaki, sinusubukan niyang ibunyag ang lahat sa publiko! "Gumawa pa kayo ng ilan pang bersyon ng kwentong to!"Sobrang niyo ang mga detalye hanggang sa makakaya niyo… "Kahit na anong mangyari, kailangang malaman ng lahat na magkakampi sina Jeff at Joseph! "At patuloy na inaatake si Harold dahil sa pagiging makatarungan niya! "Magsisimula kay Jeff ang away sa Bauer family…"Bibigyan natin sila ng malaking kaguluhan!" Kroom!Habang sinasagawa ni Rachel Hardy at Kayden Balmer ang mga misyon nila sa labas, kumalabog ang kulog mula sa langit. Mainit at basa ang hangin sa Flutwell. Isang bagyo ang paparating…Pagdating ng hapon. Sa lo
Nang masayang nag-uusap-usap ang grupo… Isang battery-powered four-wheel-drive umandar papalapit sa kanila bago huminto malapit kina Jeff Bauer at iba pa. Bumaba mula sa kotse si Elanor Stanton na may eleganteng makeup kasama ng suot niyang sportswear at sunhat. Nakakatulala ang itsura niya. Maski si Jeff na pamilyar sa bawat isang parte ng katawan niya ay hindi napigilang maakit pagkatapos siyang makita. Kaagad na naningkit ang mga mata ni Audrey Lopez nang nakita niyang lumitaw ang karibal niya. "Hindi ka naman pinapunta rito ngayon ni Young Master Bauer, Elanor. Ano bang gusto mo?"Wala bang halaga sa'yo ngayon ang mga salita niya?"Mainit ang ngiti ni Jeff habang kinaway niya ang kamay niya. "Para na kayong magkakapatid, Audrey. Kailangan niyong maging mabait sa isa't-isa. Hindi mo kailangang magselos."Natural na natutuwa si Jeff na pinag-aagawan siya ng mga babae niya. Lalo't na't maipapakita lang ang karisma at katayuan niya dahil dito. Malamig na suminghal si A
Sa pitompu't dalawang mistresses, kakaunti lang sa kanila ang may daan-daang milyong dolyar na halaga ng assets. Si Elanor Stanton ang may kontrol sa pinakamaraming assets kaya madalas siyang nakahiwalay mula sa iba pang mga mistress. Kung hindi sa kayabangan ni Jeff Bauer, sinimulan na nilang pagalitan si Elanor sa pangangaliwa niya kay Jeff sa puntong ito. Nanginig si Elanor sa sandaling naintindihan niya ang ginagawa ni Audrey Lopez. Napailing siya nang sinabi niyang, "Wag mo kong masamain, Young Master Bauer. "Nag-aalala lang ako sa'yo. "Lalo na't napakamapanganib ng h*yop na yun. Kapag nagalit siya dahil dito, may masaklap na mangyayari…" Malamig na tumawa si Audrey. "Magagalit siya? Ano bang karapatan niya? Kahit na magalit siya, sa tingin mo ba talaga kaya niyang labanan si Young Master Bauer? "Gaano ka ba kaignorante?! Halatang nang-iinis ka lang ngayon!" "Sige. Tama na yan. Hindi natin kailangang magtalo sa ganito kaliit na bagay." Kuminang ang mga mata n
“Ang bawat malaking media sa Flutwell ay nagsasabing ayaw talaga ng mga young master ng Bauer family sa isa’t isa dahil sa labanan nila para sa trono!“Si Joseph Bauer, na may masamang balak sa publiko, ay talagang sinusuportahan ni Jeff Bauer mismo!“Si harold Bauer ata ang pinakamabait sa tatlong young master!“Para maiwasang magbayad, inilipat ni Joseph at bawat isa niyang pagmamay-ari sa pangalan ni Jeff!“Ang paglaho ni Joseph na parang bula ay mukhang kagagawan rin ni Jeff!”Pagbalik sa manor, nanggigil sa galit si Jeff pagkatapos makita ang balita.‘Kawalang-hiyaan!’‘Napakasama!’Hindi lamang naiipit si Jeff, ngunit ang mga bagay na hindi dapat malaman ng publiko ay nailabas rin kasabay nito!Ang lahat ng galit kay Joseph ay naibaling kay Jeff.Ang pagkuha ni Jeff sa pagmamay-ari ni Joseph ay totoo.Maraming mga pahayagan ang nagkakalat ng mga dokumentong pinirmahan ng dalawa!Sa madaling salita, ang mga taong may galit kay Joseph ay inaatake rin si Jeff!Ang tangi