Nang masayang nag-uusap-usap ang grupo… Isang battery-powered four-wheel-drive umandar papalapit sa kanila bago huminto malapit kina Jeff Bauer at iba pa. Bumaba mula sa kotse si Elanor Stanton na may eleganteng makeup kasama ng suot niyang sportswear at sunhat. Nakakatulala ang itsura niya. Maski si Jeff na pamilyar sa bawat isang parte ng katawan niya ay hindi napigilang maakit pagkatapos siyang makita. Kaagad na naningkit ang mga mata ni Audrey Lopez nang nakita niyang lumitaw ang karibal niya. "Hindi ka naman pinapunta rito ngayon ni Young Master Bauer, Elanor. Ano bang gusto mo?"Wala bang halaga sa'yo ngayon ang mga salita niya?"Mainit ang ngiti ni Jeff habang kinaway niya ang kamay niya. "Para na kayong magkakapatid, Audrey. Kailangan niyong maging mabait sa isa't-isa. Hindi mo kailangang magselos."Natural na natutuwa si Jeff na pinag-aagawan siya ng mga babae niya. Lalo't na't maipapakita lang ang karisma at katayuan niya dahil dito. Malamig na suminghal si A
Sa pitompu't dalawang mistresses, kakaunti lang sa kanila ang may daan-daang milyong dolyar na halaga ng assets. Si Elanor Stanton ang may kontrol sa pinakamaraming assets kaya madalas siyang nakahiwalay mula sa iba pang mga mistress. Kung hindi sa kayabangan ni Jeff Bauer, sinimulan na nilang pagalitan si Elanor sa pangangaliwa niya kay Jeff sa puntong ito. Nanginig si Elanor sa sandaling naintindihan niya ang ginagawa ni Audrey Lopez. Napailing siya nang sinabi niyang, "Wag mo kong masamain, Young Master Bauer. "Nag-aalala lang ako sa'yo. "Lalo na't napakamapanganib ng h*yop na yun. Kapag nagalit siya dahil dito, may masaklap na mangyayari…" Malamig na tumawa si Audrey. "Magagalit siya? Ano bang karapatan niya? Kahit na magalit siya, sa tingin mo ba talaga kaya niyang labanan si Young Master Bauer? "Gaano ka ba kaignorante?! Halatang nang-iinis ka lang ngayon!" "Sige. Tama na yan. Hindi natin kailangang magtalo sa ganito kaliit na bagay." Kuminang ang mga mata n
“Ang bawat malaking media sa Flutwell ay nagsasabing ayaw talaga ng mga young master ng Bauer family sa isa’t isa dahil sa labanan nila para sa trono!“Si Joseph Bauer, na may masamang balak sa publiko, ay talagang sinusuportahan ni Jeff Bauer mismo!“Si harold Bauer ata ang pinakamabait sa tatlong young master!“Para maiwasang magbayad, inilipat ni Joseph at bawat isa niyang pagmamay-ari sa pangalan ni Jeff!“Ang paglaho ni Joseph na parang bula ay mukhang kagagawan rin ni Jeff!”Pagbalik sa manor, nanggigil sa galit si Jeff pagkatapos makita ang balita.‘Kawalang-hiyaan!’‘Napakasama!’Hindi lamang naiipit si Jeff, ngunit ang mga bagay na hindi dapat malaman ng publiko ay nailabas rin kasabay nito!Ang lahat ng galit kay Joseph ay naibaling kay Jeff.Ang pagkuha ni Jeff sa pagmamay-ari ni Joseph ay totoo.Maraming mga pahayagan ang nagkakalat ng mga dokumentong pinirmahan ng dalawa!Sa madaling salita, ang mga taong may galit kay Joseph ay inaatake rin si Jeff!Ang tangi
“Tama na ang mga kalokohan mo, Audrey Lopez!” sigaw ni Elanor Stanton habang nakasimangot. “Hindi mo ba alam na si Harvey York ay isa ring edxpert martial artist?! Hindi tatalab ang pwersahan sa kanya!“Sa tingin mo paano niya naitumba si Frankie Garcia at nabastos si Clyde Osborne sa isang lugar na tulad ng Flutwell?!“Libu-libong beses nang namatay ang mga karaniwang tao sa paggawa ng ganito!”“Ano palang dapat nating gawin?!” sigaw ni Audrey.“Magiging katatawanan si Young Master Bauer kapag hinayaan natin si Harvey!“Kapag nangyari ‘yun, sapat na kapag hindi siya pinansin ng mga elder, paano pa ang pag-angat niya!”“Ginawa lang naman ito ni Harvey dahil sumosobra na si Young Master,” sagot ni Elanor pagkatapos huminga nang malalim.“Young Master Bauer, laging ibinabalik ni Harvey kung paano siya itrato ng iba.”“Sa puntong ito, umaasa akong pag-iisipan mo nang mabuti ang mga pagmamay-ari ng Flutwell’s business alliance!“Talagang magandang makuha ang mga property na ito…
Nitong alas siyete nang gabi, nakaupo si Harvey York sa loob ng kotse ni Elanor Stanton at pumasok sa Bauer’s family manor nang walang problema. Tumingin si Harvey sa kanyang paligid pagbaba niya ng kotse.Ang manor ay matatagpuan sa labas ng Flutwell. Ang mga gusali ay nakakabighani, at ang tanawin ay nakakaaliw. Malapit rin ang Holy Lake sa lugar na ito.Sinasabi sa alamat na naliligo si Jeff Bauer sa Holy Lake bilang bahagi ng kanyang pagsasanay.“Hinihintay ka ni Young Master Bauer at Mrs. Lopez, Sir York.” Magalang na inihatid ng ilan guwardiya si Harvey papasok ng mga gusali nang ipakilala ni Elanor kung sino siya. “Sir York, inagahan ni Young Master ang pagsasalo upang humingi ng tawad sa’yo at magpaliwanag,” bulong ni Elanor habang naglalakad sa tabi ni Harvey.“Sabi niya si Joseph Bauer ang nang-uto sa kanya na kunin ang mga property ng Flutwell’s business alliance.“Umaasa akong bibigyan mo siya ng respeto. Pakiusap huminahon ka kapag kausap mo siya mamaya.“Higit
Nakakalaglag-panga ang kalmadong pananalita ni Jeff Bauer.Si Elanor Stanton na nakatayo sa tabi ni Harvey York ay namutla nang husto.Sa sandaling iyon, naunawaan niya na walang balak si Jeff na makipagkasundo kay Harvey…Sa halip, handa siyang pagbintangan si Harvey at itumba ito. Malinaw na nagigipit na siya.Kasabay nito, dose-dosenang eksperto mula sa Bauer family ang nagpakita mula sa dalawang bahagi ng bulwagan.Nakatitig nang masama ang mga taong iyon habang nakasuot ng maskara at may mga palakol sa likod.Natural, hindi sila magdadalawang-isip na durugin si Harvey kung gugustuhin ni Jeff.Ang senior ng Longmen Warband, si Arya Johnson, na nakasuot ng isang puting damit habang nakaupo sa isang sulok.Tinitigan niya si Harvey nang walang emosyon, para bang nakatingin siya sa isang patay na tao.Anumang oras ay magkakaroon na ng away.Dadanak na ang dugo sa lugar anumang oras.“Marami na akong naranasan, Young Master Bauer. Alam kong may binabalak kang ganitong bagay
“Ang ganda naman ng nagawa natin sa ilang beses nating pagtutulungan.”“Basta ibalik mo lang sa akin ang pagmamay-ari ko at humingi ka ng tawad, kahit paano papatawarin kita, diba?”Mukhang nanghihinayang si Harvey York.“Bakit mo ito sisirain?“Pinag-isipan ko ang alok mo.”Mukhang gustong kausapin ni Jeff Bauer nang masinsinan si Harvey.“Sayang lang at may nalimutan ka…“Nasa mahirap na sitwasyon rin ako!“Kahit na ako ang nangungunang young master ng Bauer family, kahit na nakasuporta sa akin ang kalahati sa mga higher-up ng Longmen…“Nakalimutan mong ayaw sa akin ni Grandma Bauer!“Ang tanging gusto niya ay ang umangat si Harold Bauer!“Sa ganitong sitwasyon, hindi ko naman pwedeng hayaang may ibang makakuha ng property ng Flutwell’s business alliance, diba? “Sisirain ko ang kinabukasan ko kapag hinayaan ko ito! Magkakaroon ng dahilan si Grandma Bauer para itapon ako!“Ang mga taong tulad ko ay itinakdang umangat! Kapag nawala ang pagkakataong ito, mamatay na lang ak
Pak! Kalmadong ihinampas ni Harvey York ang likod ng kanyang palad sa mukha ng eksperto sa harapan niya.Nakaramdam ng sakit ang eksperto bago ito mawalan ng malay habang tumatalsik.Bumagsak ito sa mga tao at natumba ang iba.Pagkatapos, hinampas ni Harvey ang kamay niya sa lamesa. Ilang mga plato ang kaagad na nabasag bago tumalsik.“Aaagh!”Narinig ang mga sigaw, ngunit hindi ito sapat para tumigil ang mga eksperto.Tuwing may babagsak, may pumapalit dito. Walang takot ang mga ito. Para silang mga insektong lumalapit sa apoy, walang-humpay na sumusugod kay Harvey.Nanatili pa ring kalmado si Harvey na parang isang pusa. Minsan mas dinadamihan niya ang binabato niyang kubyertos. Minsan, sinasampal niya sa mukha ang mga ito.Hindi makapaniwala ang mga babaeng nagtatago sa dilim sa kanilang nakikita.Ito ang unang beses nilang makakita ng taong ganito kakalmado laban sa ganito karaming eksperto. Napaatras si Elanor Stanton nang mukhang takot na takot, hindi niya mapigilang