Habang nagpaplano si Jeff na gumawa ng espasyo para sa iba pang babae… Sa sumunod na araw, sa loob ng courtyard ng Martial Hall… Komportableng nakaupo si Harvey sa rocking chair niya bago binuksan ang mga mata niya sa pagsikat ng araw. "Rachel, may nakuha ka na ba mula kay George?" "Pinadala niya ang lahat ngayong umaga." Nagsalin si Rachel ng isang tasa ng mabangong black tea sa tabi ni Harvey nang may mainit na ngiti. "Sa kaalaman natin, na kay Jeff ang kalahati ng suporta ng Longmen pati ang Inner at Outer Halls." "Maliban roon, kumampi rin sa kanya ang ilan sa mga elder sa loob ng Longmen." "Sa panlabas, mukha ngang si Jeff ang pinakamalakas na young master sa buong Bauer family. Matindi rin ang awtoridad niya…" "Puno ng mga tao niya ang pamahalaan ng Flutwell, ang militar, at ang underworld." "Kahit na ganun, lahat ng malalakas na young master ay may nakamamatay na kahinaan rin." "Mukha pa siyang bata, pero magaling lang siyang mag-alaga ng sarili niya." "A
"Pero base sa kasalukuyang sitwasyon, kailangan pa rin natin ang impluwensya niya sa Flutwell para tapusin si Joseph." "Hindi pa oras para labanan natin si Jeff." Tumayo si Harvey. "Kailangan pa rin nating tapusin si Joseph sa lalong madaling panahon…" Lumamig ang mga mata ni Rachel "Sir York, mukhang malapit na nating pabagsakin si Joseph." "Gayunpaman, gagamitin ba ng ibang pwersa ang pagkakataong ito kapag ginawa natin yun?" "Siguro. Siguro hindi," sagot ni Harvey. "Hindi naman ganun kalalim ang tubig sa Flutwell. Mas lalo nating palalabuin ang tubig pagkatapos nating tapusin si Joseph. Sa ganung paraan, magagamit natin ang lahat." "Tara. Tatao tayo sa isang street stall." Pagkatapos ng kalahating oras, lumitaw si Harvey sa harapan ng pintuan ng courtyard ng Bauer family. Ito ang tinutuluyan ni Joseph; nagpunta si Harvey sa harapan at sinabihan si Rachel na magtayo ng stall dito na may nakasabit na karatula ng Martial Hall. Dahil sa Martial Hall, nagising ang
"Yun na yun?" Umupo si Joseph sa tapat ng mahabang mesa habang kalmadong iniinom ang gatas niya. "Yun lang ba ang kaya niyang gawin?" "Naubusan na ba siya ng plano?" "Nakakayamot naman." Kumunot ang noo ni Ruby. "Hindi lang yun, Young Master Bauer." "Bumabagsak ang stocks ng business alliance ng Flutwell simula nitong umaga dahil sa nangyari nitong dalawang araw." "Naglaho ang one tenth ng stocks natin sa loob lang ng ilang minuto!" "May malalaking opinyon ang elders ng business alliance tungkol sa'tin ngayon." "Tumawag sila rito para sabihan kang tapusin ang h*yop na Harvey na yun sa lalong madaling panahon." "Kung hindi, gusto nilang bayaran mo ang mga nawala sa stock market." "Lalo na't pumirma sila ng isang capital guarantee agreement…" Pagkatapos ng ilang laban kay Harvey, mas malakas na si Joseph kumpara noon. Ngunit pagkatapos marinig ang mga salita ni Ruby, halos napasuka siya ng dugo. "Ang mga gurang na yun!" Nakamamatay sa lamig ang titig ni Jo
“Young Master Bauer!”Nang paalis na si Ruby, sumugod ang isang steward ng pamilya nang may nagtatakang ekspresyon. Hindi man lang lumingon si Joseph. "Ano yun?" "Sabi ni Harvey, gusto ka raw niyang makita," sagot ng steward. Napahinto si Joseph. "Para saan?" tanong niya nang may nagtatakang ekspresyon sa mukha niya. "Sinusubukan ba ako ng lalaking yun?" "O nandito lang siya para pagtawanan ako?" Nag-alangan ang steward. "Ang sabi niya may gusto siyang bilhin; gusto niyang makipagbati sa'yo." Binalak ni Joseph na hindi pansinin si Harvey, pero kumirot ang puso niya pagkatapos marinig ang mga salita ng steward. "Papasukin mo siya," sabi niya pagkatapos ng matagal na sandali. Kung handang makipag-usap si Harvey, ayos lang iyon para kay Joseph. Lalo na't maraming mawawala sa parehong panig kung magpapatuloy silang maglalaban. Hindi nagtagal, lumitaw si Harvey sa courtyard ng Bauer family nang magkapatong ang mga braso sa dibdib niya. Ngumiti si Harvey nang
Ngumiti si Harvey pagkatapos marinig ang mga banta ni Joseph. "Matalino tayong lahat, Young Master Bauer." "Hindi mo na kailangang magpaligoy-ligoy pa nang ganyan." "Kung kaya nitong sirain ang reputasyon ko, ginawa mo na yun ngayon gamit ng awtoridad mo." "Bakit mo ko pagbabantaan gamit nito ngayon?""Hindi mo ginawa to dahil alam mong walang mangyayari kapag nagsalita ang mga taong to." Napuno ng matinding galit si Ruby nang nakita niya ang kayabangan at kabastusan ni Harvey. "Wala ka ba talagang isip?!" sigaw niya habang hinampas ang mesa. "Anong ibig mong sabihing walang mangyayari?" "Mga tao mo yun! Malalaman ng lahat na umarte ka lang kapag nagsalita sila!" "Katapusan mo na!" "Tatalikuran ka ng mga taong humahanga sa'yo!" "Ipapaalam namin sa'yo kung anong pakiramdam ng mawalan ng kapangyarihan mamaya lang!" Clap, clap, clap!Pumalakpak si Harvey nang may mapaglarong ekspresyon. "Matalas ang dila ang tauhan mong to…" "Mabagal nga lang ang utak niya."
Simpleng nagsalin si Harvey ng isang tasa ng black tea para sa sarili niya bago uminom. Si Joseph ay isang lalaking alam kung paano magsaya; malamang ay nagkakahalaga ng ilang libong dolyar kada gramo ang tsaa mismo. "Sinasabi ng mga tao sa labas na nakarating ka lang nang ganito kalayo dahil sa mga babaeng kinakapitan mo." "Pero aaminin ko, isa kang mahusay na lalaki." Binaba ni Joseph ang kubyertos niya, sabay tumingin kay Harvey nang may paghanga. "Hindi ka lang magaling sa pakikipaglaban, napakatuso mo rin." "Alam mo nang wala akong takas nang ginawa mo to, tama?""Iisipin ng ibang taong ginagamit mo lang ang kapatid ko laban sa'kin…" "Pero hindi ko mapigilang mamangha sa mga taktika mo!" Hindi ito ang unang beses ni Joseph na magdusa sa mga kamay ni Harvey, pero malinaw niyang nakikita kung gaano kalaking hadlang si Harvey pagkatapos ng labang ito. Iyon ang dahilan kung bakit siya tumigil sa walang kabuluhan niyang panlalaban Mas mawawalan lang siya ng magagaw
"Bw"sit ka!" Galit na hinampas ni Joseph ang mesa. "Managinip ka na lang, Harvey!" "Kahit mabulok pa ang bagong district… Kahit na mamatay pa ako, hinding-hindi ko to ibebenta sa'yo!" "Sige. Hindi ko to bibilhin." "Kung ganun, binebenta mo ba ang chain Budokans mo?"Nagbigay na naman ng pagkakaibigang suhestiyon si Harvey nang hindi man lang nagalit sa pagwawala ni Joseph. "Sinisira naman ang mga chain Budokan mo araw-araw. Imposibleng makapagnegosyo ka gamit nun. Sirang-sira na rin ang reputasyon mo." "Bibigyan kita ng isandaang at limampung milyon kung ibibigay mo sa'kin lahat ng chain Budokan mo. Isasama ko rin ang mga instructor at iba mo pang trabahador!" "Di ba? Ginagawa ko ang lahat ng to para sa'yo! Mababawasan ka ng problema. Magkakaroon ka rin ng pera para sa iba mo pang negosyo!" "Isa talaga akong mabuting kaibigan, tama?" "H*yop ka!" Nagbago ang ekspresyon ni Joseph. "Nagkaganito ang mga chain Budokan ko dahil sa walanghiyang taktika mo! Tapos nandi
Nakangiting tumayo si Harvey. Lumapit siya kay Joseph at tinapik ito nang marahan sa mukha.“Bakit ang hirap mong lapitan, Young Master Bauer?”“Alam na alam mo kung gaano ka tatagal.”“Kahit na panghawakan mo pa ang mga pagmamay-ari mo, sino sa tingin mo ang tutulong sa’yo?”“Sino sa tingin mo ang magpapahiram sa’yo ng pera?”“Si Clyde? O si Elliot?”“Tingin mo ba talagang mga mabuting kaibigan sila para ilayo ka sa gulo?” “Huwag kang mangmang…”“Ibebenta mo rin ang lahat kalaunan. Ang tanong na lang diyan ay kung kanino mo ito ibebenta.”“Ayos lang kung hindi mo ito ibenta sa akin.”“Hahanap lang ako ng maraming tao para bilhin ‘yan mula sa’yo.”“Hindi magtatagal, mapapasakamay ko ang mga pagmamay-ari mo.”“Habang lalo mong pinapatagal, lalong bababa ang presyo niyan.”“Ayos lang sa akin ang maghintay; tingnan natin kung mauuna kang sumuko o hindi.”“Gayunpaman… Sana palarin ka.” Basta na lang dinampot ni Harvey ang isang tinapay at kinagatan ito bago lumabas habang