Simpleng nagsalin si Harvey ng isang tasa ng black tea para sa sarili niya bago uminom. Si Joseph ay isang lalaking alam kung paano magsaya; malamang ay nagkakahalaga ng ilang libong dolyar kada gramo ang tsaa mismo. "Sinasabi ng mga tao sa labas na nakarating ka lang nang ganito kalayo dahil sa mga babaeng kinakapitan mo." "Pero aaminin ko, isa kang mahusay na lalaki." Binaba ni Joseph ang kubyertos niya, sabay tumingin kay Harvey nang may paghanga. "Hindi ka lang magaling sa pakikipaglaban, napakatuso mo rin." "Alam mo nang wala akong takas nang ginawa mo to, tama?""Iisipin ng ibang taong ginagamit mo lang ang kapatid ko laban sa'kin…" "Pero hindi ko mapigilang mamangha sa mga taktika mo!" Hindi ito ang unang beses ni Joseph na magdusa sa mga kamay ni Harvey, pero malinaw niyang nakikita kung gaano kalaking hadlang si Harvey pagkatapos ng labang ito. Iyon ang dahilan kung bakit siya tumigil sa walang kabuluhan niyang panlalaban Mas mawawalan lang siya ng magagaw
"Bw"sit ka!" Galit na hinampas ni Joseph ang mesa. "Managinip ka na lang, Harvey!" "Kahit mabulok pa ang bagong district… Kahit na mamatay pa ako, hinding-hindi ko to ibebenta sa'yo!" "Sige. Hindi ko to bibilhin." "Kung ganun, binebenta mo ba ang chain Budokans mo?"Nagbigay na naman ng pagkakaibigang suhestiyon si Harvey nang hindi man lang nagalit sa pagwawala ni Joseph. "Sinisira naman ang mga chain Budokan mo araw-araw. Imposibleng makapagnegosyo ka gamit nun. Sirang-sira na rin ang reputasyon mo." "Bibigyan kita ng isandaang at limampung milyon kung ibibigay mo sa'kin lahat ng chain Budokan mo. Isasama ko rin ang mga instructor at iba mo pang trabahador!" "Di ba? Ginagawa ko ang lahat ng to para sa'yo! Mababawasan ka ng problema. Magkakaroon ka rin ng pera para sa iba mo pang negosyo!" "Isa talaga akong mabuting kaibigan, tama?" "H*yop ka!" Nagbago ang ekspresyon ni Joseph. "Nagkaganito ang mga chain Budokan ko dahil sa walanghiyang taktika mo! Tapos nandi
Nakangiting tumayo si Harvey. Lumapit siya kay Joseph at tinapik ito nang marahan sa mukha.“Bakit ang hirap mong lapitan, Young Master Bauer?”“Alam na alam mo kung gaano ka tatagal.”“Kahit na panghawakan mo pa ang mga pagmamay-ari mo, sino sa tingin mo ang tutulong sa’yo?”“Sino sa tingin mo ang magpapahiram sa’yo ng pera?”“Si Clyde? O si Elliot?”“Tingin mo ba talagang mga mabuting kaibigan sila para ilayo ka sa gulo?” “Huwag kang mangmang…”“Ibebenta mo rin ang lahat kalaunan. Ang tanong na lang diyan ay kung kanino mo ito ibebenta.”“Ayos lang kung hindi mo ito ibenta sa akin.”“Hahanap lang ako ng maraming tao para bilhin ‘yan mula sa’yo.”“Hindi magtatagal, mapapasakamay ko ang mga pagmamay-ari mo.”“Habang lalo mong pinapatagal, lalong bababa ang presyo niyan.”“Ayos lang sa akin ang maghintay; tingnan natin kung mauuna kang sumuko o hindi.”“Gayunpaman… Sana palarin ka.” Basta na lang dinampot ni Harvey ang isang tinapay at kinagatan ito bago lumabas habang
Makalipas ang kalahating oras, bumaba ng isang dosenang puntos ang stocks ng Flutwell’s business alliance.Habang umaangat ang stocks, malaking kapital ang bumuhos sa merkado.Dumiretso sa alliance ang kapital, at binili ang maliliit na stocks sa isang iglap.Nagulat ang mga investor nang makita nila ang daan-daang mga parating na order.Ibinenta nila ang kanilang stocks nang sabay-sabay, natatakot na baka maubos ito nang tuluyan.Sa loob lamang ng ilang minuto, bumaba ang business alliance ng Flutwell mula san apatnaput-apat na dolyar papunta sa dalawamput-walong dolyar. Ang isang-katlo ng market value ng alliance ang kaagad na naglaho.Bukod sa mga tao ng Flutwell, na sinusubaybayan ang sitwasyon, mga investor mula sa ibang bansa na walang kaalam-alam. Ang pinakasimpleng paraan para mapatigil ganitong sitwasyon ay ang pigilan ito na mangyari.Sa ganitong sitwasyon, ang presyo ng stocks ng Flutwell’s business alliance ay tuluyan nang masisira kapag patuloy na binili ng mga
Muling nagbukas ang stock market nitong hapon.Hindi pa umaalis si Harvey sa bakuran ng Bauer family; ipinakita niya ang stocks ng Flutwell’s business alliance sa tapat gamit ng isang projector.Malinaw na gustong inisin ni Harvey ang pamilyang ito. Pagkatapos itong makita, ang mga pamilyang masama ang tingin kay Joseph ay dumiretso sa bakuran.Lahat sila ay nagtatangkang pahirapan ang Flutwell’s business alliance; sayang naman kung hindi nila kukunin ang gusto nilang kunin sa loob.Habang nagpapatuloy ang matinding labanan sa stock market, si Mandy, na nasa loob ng Hearthstone Corporation, ay biglang narinig na tumunog ang kanyang phone. Wala siyang balak na sagutin ang tawag, ngunit wala siyang magawa pagkatapos makita ang pangalan sa screen.Suminghal siya.“Sinabi ko na sa’yong ‘wag ka nang mag-trade pa ng stocks!”“Bakit ayaw mong makinig sa akin kahit isang beses lang?!”“Hindi mo lamang inilagay ang lahat ng pinag-ipunan mo sa Flutwell’s business alliance, bumibili k
“Propose?”Nanigas si Ruby; kahit siya ay hindi maunawaan kung gaano katanga talaga si Lilian.Ngunit para sa plano nila, nanatili siyang kalmado.“Mrs. Yates, syempre mag-ppropose si Young Master Bauer kay CEO Zimmer. Pero hindi ngayon, at hindi dito.”“Gusto namin siyang papuntahin dito upang hindiin ang kanyang tulong…”“Anong klaseng tulong?”Nagtaka si Lilian.“Binibigyan ng problema ng mahal mong son-in-law si Young Master Bauer ngayon.”“Sobrang sama ng loob ni Young Master Bauer. Umaasa kaming makukumbinsi ng anak mo si Harvey na tumigil.”“Higit sa lahat, hindi maganda ang magagawa nito sa kahit kaninong madadamay dito!”May hindi sinabi si Ruby; kahit hindi makakatulong si Mandy, gagamitin pa rin nila ito para abalahin si Harvey.Kailangang magawa ang lahat ng ito bago pa matapos ang stock market nitong hapon. Kung hindi, mapupunta sa wala ang lahat ng ito.“Pinapahirapan ng hayop na ‘yun si Young Master Bauer?!”Kagad na tumaas ang boses ni Lilian.“Ayaw niya b
“Tama na ang satsat!”“Anong gusto mo?!”Naging alerto si Mandy.Natawa si Ruby.“Mabuti pa at kausapin mo si CEO Zimmer, Mrs. Yates.”“Hindi magandang makisali kaming mga tagalabas.”“Basta tatanggapin ni CEO Zimmer ang aming alok, tutuparin namin ang mga hiling mo.”Nang marinig niya ang sinabi ni Ruby, tinitigan ni Lilian si Mandy, para bang ginanahan siya.“Pinapahirapan ng hayop na Harvey na ‘yun si Young Master Bauer! Hindi ko alam kung anong klaseng demonyo ang nagpapagawa sa kanya nito, pero sinisira niya ngayon ang stocks ni Young Master Bauer!”“Tawagan mo siya ngayon na!”“Sabihin mo itigil niya ito ngayon na!”“Kapag hindi siya tumigil, tuturuan ko siya ng leksyong hindi niya malilimutan!”Nanigas si Mandy. Pagkatapos nito ay kaagad niyang tinitigan nang masama si Ruby.“Wala kang hiya!”Nakangiting sumagot si Ruby. “Paano mo nagagawang sabihin ‘yan?”“Hindi kami ang nakiusap nito. Ang nanay mo.”“Basta tawagan mo lang si Harvey at sabihan siya na itigil a
Subalit, apat sa mga guwardiya ni Mandy ang umabante nang walang alinlangan.Sumugod si Mandy patungo sa pinto.Alam niyang kailangan niyang makaalis anuman ang mangyari.Kapag nakuha siya ni Ruby, gagamitin siya laban kay Harvey.Sa ngayon, hindi siya nag-aalala sa kaligtasan ni Lilian.Natutukoy niyang nasa panig ng kalaban si Lilian ngayon.“Hindi ka pwedeng umalis Mandy!” kusang sigaw ni Lilian.Tuluyan nang mawawala ang stocks niya kapag umalis si Mandy!150,000,000 dolyar iyon!Kaagad na umalis si Mandy nang hindi lumilingon.Bam, bam, bam!Bago pa makapasok sa kotse si Mandy, narinig ang mga sigaw mula sa likuran.Tumalsik ang lahat ng mga bodyguard.Kumalat ang dugo sa paligid pagbagsak nila sa sahig at kaagad silang nawalan ng malay.Ngumisi si Ruby habang naglalakad siya palabas kasama ang mga tao niya.Natural, hindi niya pwedeng hayaang makalusot si Mandy.“Dali, CEO Zimmer!”Ang bodyguard na nanatili para magbantay ay naglabas ng baril habang hinahatid si