Natawa si Boden Osborne nang marinig niya ang mga salitang iyon bago humakbang paharap.“May matibay kaming pruweba, Harvey York!“Anong masasabi mo sa sarili mo?!”‘Mga tanga…’Kumumpas si Harvey para pigilan si Dillon Lee sa pagsasalita bago niya tingnan ang mga matatanda.“Tingnan niyo muna nang maigi bago kayo magsalita sa teaching manual ko. Sa puntong ito, pwede niyo lang basahin ang mga unang pahina ng manual.”“Tigilan mo na ang pagtatangkang makalusot pa dito! “Akala mo ba nag-iisip lang kami ng kung anu-ano?!Isang deacon na may apelyidong Lee ang humalukipkip habang nagsasalita.“Madaming taon na akong nagtuturo! Natutukoy ko kung gaano kapangit ko kaganda ang mga sacred text at mga teaching manual sa pagtingin ko pa lang dito!“Wala namang kakaiba sa manual mo! Makikita mo ito kahit saan!“Kung mayroon ka ng isa sa mga karaniwang Budokan na nakatuon sa pagpapalakas ng katawan, wala akong masasabi dito…“Pero ang laki ng perang kinukuha mo sa mga tao, sinasabi m
Madaling maunawaan ang teaching manual ni Harvey York, ipinapaliwanag ang mga paraan ng pagsasaayos ng enerhiya kasama na ang fundamentals of Neijia. Kahit na walang magiging pinakamalakas pagkatapos sundan ang pagtuturo ni Harvey, hindi magiging mahirap para sa mga ito na lumaban sa sampung tao pagkatapos maturuan sa ganitong paraan.Kaagad na kumunot ang noo nila Boden Osborne nang mabasa nila ang manual. Hindi niya inakalang ganito pala kabuti ang kalooban ni Harvey.Tiningnan ni Harvey sila Deacon Lee.“Alam kong may tiwala sa akin ang mga taong nagpupunta dito…“Pero kailangan ko pa ring panagutan ang mga estudyante ko!“Hindi ko kailangan ang pera nila. Ang mga bayad na ito ay kailangan para makasali sila!“Kung hindi nila kayang gumastos ng ganito kalaking halaga sa mga lesson, paano kakayanin ang mga susunod na bayarin?“Dahil tinanggap ko ang pera, natural lang na gawin ko ang trabaho ko!“Basta gustong matuto ng mga estudyante nang paunti-unti, marami silang matutut
”Dali! Isara niyo ang lugar na ito!“Arestuhin niyo rin si Harvey York!“Tayo mismo ang pupuksa sa kriminal na ito!”Seryosong ikinumpas ni Boden Osborne ang kanyang kamay, para bang pinapatupad niya ang batas…Ngunit nag-alinlangan ang lahat ng lalaki sa paligid niya. Mga martial artist silang lahat. Alam na alam nilang ang mga Budokan na tulad ng Martial Hall ay pambihira. Kahit saan ito tingnan, ang Martial Hall ay makakatulong sa pag-usbong ng martial arts.Ito ang dahilan kung bakit hindi makumbinsi ng mga lalak ang kanilang sarili na sisihin ang Martial Hall at ipasara ito.Higit pa rito, hindi nila magawang kalabanin ang isang napakabuting taong tulad ni Harvey.“Ano? Mga bingi ba kayo?!“Sinusuway niyo ba ako?!Nagkiskisan ang ngipin ni Boden bago sumigaw.“Ang Martial Hall ay dawit sa isang scam! Malinaw na ang may-ari nito ang pinakakaduda-duda dito! Isara niyo na ang lugar na ito at arestuhin siya ngayon na!“Mga hayop kayo! Ang kapal ng mukha niyo?!”Bago pa
“Alam kong matagal ka nang naghahanap ng isang maayos na Budokan nitong mga nagdaang taon…“Pero scam lang ang isang ito!“Hindi ka dapat magpunta dito!“Ipapakilala kita sa isang Budokan na tunay na mahusya pagkatapos ko dito.”Alam ni Boden kung sino si Aldo John. Kahit na isa lamang siyang malayong kamag-anak, siguradong magagawa niyang takutin si Boden kung iisipin ang kanyang katayuan sa John family.Higit sa lahat, ang Golden Palace ang sumusuporta sa pamilyang ito. Kahit gaano pa kalakas ang Martial Arts Allowance, si Boden ay isa lamang hamak na team captain. Hindi naman siya itinuturing na isang deacon. Kung ganoon, paano niya magagawang banggain ang John family o ang Golden Palace?“Tabi!” seryosong sinabi ni Aldo.“Hawak na ng John family ang lugar na ito!”Kaagad na nagbago ang mukha ni Boden.“Young Master John, hindi pwede! Ito ay…”Pak! Hindi na nag-abala pa si Aldo sa pakikinig. Kaagad niyang pinatalsik si Boden sa isang sampal.“Linisin niyo ang lugar!”
Isang nakakabinging sigaw ang narinig mula sa loob. Kaagad na kumibo dito si Layne Naiswell habang siya ay nagpapalit ng damit. Kaagad siyang nagtago sa isang sulok, ngunit napuruhan pa rin siya nang malubha.Namutla ang kanyang mukha. Isa itong masalimuot na pangyayari. Kung ibang araw ito, hindi sana siya nahirapang maiwasan ang truck…Ngunit pagkatapos maubos ang halos lahat ng kanyang enerhiya sa pagpapagaling kay Aldo John, para na lamang siyang isang karaniwang babae. Malinaw na nasaktan siya dahil dito. “Layne!”Natulala si Harvey York bago sumugod para buksan ang pinto ng truck. Pagkatapos, hinila niya ang isang lalaking kalbo na amoy alak bago ito ihagis sa pader.Sumigaw ang lalaki sa sakit. Makikita ang kasamaan sa mukha nito.Habang nakatulala pa sila Dillon Lee, hinudyatan sila ni Harvey na ilabas ang truck.Sinubukang ng ibang instructor na alisin si Layne mula sa guho.Kahit na naiwasan niya ang truck, dumudugo pa rin ang kanyang katawan. Malubha siyang napuru
”May nagsabi sa akin na sabihin daw sa’yo na hindi ka daw dapat nandito!“May mga taong hindi mo dapat binabangga, hangal!“Kapag binangga mo sila, magbabayad ka nang malaki!“Sa ngayon nasaktan na ang mga tao sa paligid mo, pero baka hindi na ganito sa susunod!”Patuloy na mukhang nang-aasar ang kalbong lalaki.Seryoso ang titig ni Harvey York. “Tama ka. May mga taong hindi mo talaga dapat binabangga.”Ngumisi ang kalbong lalaki.“Nagyayabang ka pa rin ba sa ngayon, Sir York?“Simula pa lang ito!“Ikaw ang pakay ng boss ko!“Mag-iingat ka sa susunod na lalabas ka! Huwag kang makakatagpo ng mga taong tulad ko!“Tama! Nasa Hearthstone Corporation ang asawa mo, at nasa ospital naman ang sister-in-law mo, tama?“Kung ganoon, siguruhin mong ligtas sila!”Mukhang nang-iinis ang kalbong lalaki. “Sinong nasa likod ng lahat ng ito?!” sigaw ni Harvey.“Hulaan mo! Diba magaling ka?! Bakit hindi mo masabi?!” mapang-asar na sagot ng kalbong lalaki.“Kahit malaman mo pa kung sino
Kinabukasan ng umaga, ang truck sa harapan ng Martial Hall ay naalis na.Kumuha si Dillon Lee ng ilang renovation company para kaagad na linisin ang kalat, umaasang babalik na muli sa negosyo ang Martial Hall.Buong araw nang nakatayo at walang tulog sa loob ng Martial Hall si Harvey York.Ayaw niyang pumatay, pero alam niyang hindi na siya makapagpigil ngayong may pumipilit sa kanya.Kapag nagpatuloy pa ito, siguradong mapapahamak sila Mandy at Xynthia Zimmer, baka pati pa si Yvonne Xavier, Kait Walker, Queenie York, at ang ibang tao sa paligid niya…“Balita ko naaksidente ka daw kagabi, Brother-In-Law! Ayos ka lang ba?”Nabalitaan ito ni Xynthia paglabas niya ng ospital. Kaagad siyang nagpunta ng Martial Hall pagkatapos.Hindi niya tinanong kung paano nakuha ni Harvey ang Martial Hall o kahit tungkol sa kahit ano bukod sa kaligtasan nito.“Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako. “Papatuluyin ko kayo ng ate mo dito kapag tapos nang ma-renovate ang lugar.”Naglaho ang lungkot s
”Sa susunod na semester?Humalukipkip ang binata habang naglalakad papasok ng Martial Hall bago nito tingnan ang paligid.“Ikaw ba ang nagpapatay sa kalbong driver?“Ginawa mo ba ‘yan para lang mapalabas ako?“Nandito na ako. Anong gagawin mo? Maghihiganti?“O nandito ka ba para magmakaawa?”Patuloy na tumingin ang binata sa paligid nang nanghahamak…Ngunit kumislap ang kanyang mata nang makita niya si Xynthia Zimmer, para bang nagising siya.“Sawakas nandito ka na…Kalmadong tiningnan ni Harvey York ang binata.“Ikaw pala ang tao sa likod nila Wilbur Lee, Boden Osborne, at ng kalbong driver, tama?“Marami akong kalaban dito sa Flutwell. May kilala akong mga young master mula sa Bauer family, ang John family, at ang malalakas na Indian na sinusubukan akong patayin…“Kilala ko ang mga taong iyon, pero hindi kita kilala.“Mula dito, ikaw siguro ang maalamat na si Clyde Osborne, si Prince Osborne mismo. Tama ba ako?”Hindi pa nakikita ni Harvey si Clyde noon, pero alam niyan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai