Nagkagulo ang mga estudyante. Akala nila ay umuusad sila sa martial arts nila. Iyon ang dahilan kung bakit nila hinangaan sina Layne Naisewell at ang iba pa. Ngunit pagkatapos ituro ni Harvey ang problema ng dalawang estudyante nang ganun kadali, kakaiba ang ekspresyon sa mukha nila nang tumingin sila sa mga instructor nila. Hindi rin nila iniisip na umaarte lang ang mga estudyante. Ang lahat ng mga taong nakakapag-enroll sa lugar na ito ay nagmula sa mayayamang pamilya. Kilala nila ang isa't-isa rito. Hindi sila biglang aarte para lang sa kaunting pera. "Hindi ko alam kung sino sa inyong mga tanga kayo ang naglagay sa mga estudyanteng ito sa ganitong lugar para magsanay!" sigaw ni Harvey. "Napakamaalinsangan dito! Tataas lang ang moisture ng katawan mo kapag nagsanay ka rito nang matagal! "Wala mang halatang nangyayari ngayon, pero baka mamaga ang bawat isang parte ng katawan ng mga estudyante! Sa tingin mo, paano sila magsasanay pagkatapos nun? Paano sila maglalaban?
Naglakad palayo ang lahat ng instructors nang may mayabang na ekspresyon. Natural na inisip nina Layne Naiswell at ng iba pa na tiyak na pagsisisihan ni Harvey York ang desisyon niya. Naniniwala silang luluhod si Harvey sa harapan nila pagkatapos lang ng tatlong araw. Nagkatinginan ang lahat ng estudyante. Pagkatapos magdalawang-isip, tumalikod din sila at umalis. Kahit na para bang may katotohanan sa mga salita ni Harvey, mas pinagkatiwalaan nila sina Layne at ang iba pang instructors. Kahit ang dalawang estudyanteng may problemang nabanggit ni Harvey ay umalis din. Kahit na tama si Harvey, naniwala pa rin ang mga estudyante na nagkulang lang sina Layne dahil hindi sila nagbigay ng sapat na pera. Inisip nilang may matututunan sila kung trinato nila nang maayos sina Layne at ang iba pa! Hindi nagtagal, nawalan ng laman ang buong Martial Hall. Tahimik na tahimik ang hall. Tanging si Harvey at Dillon Lee lang ang natira. Tinangay ang mga balabal sa lapag nang umihip a
Ngumiti si Harvey York. "Siya nga pala, dapat kong imbitahan si Elder Torres sa isang hapunan ngayong may pag-aari na ko rito. "Tatawagan ko siya mamaya. Dahil nandito ka na…"Magana kung kumain tayong lahat nang sama-sama." Pumalakpak si Sienna Wright pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. "Magaling! Ang tagal na rin nung huli kong nakausap si Uncle Torres." "Kung ayos lang sa'yo, bakit di natin imbitahan rin sina Nelson Torres at Ansel Torres dito?"Natural na gusto ni Sienna na paglapitin sina Nelson at Harvey dahil alam niyang katamtaman lang ang relasyon nila. Bahayang tumango si Harvey bago tinawagan si Ansel. Pagkatapos ay tinawagan niya sina Rachel Hardy at Kayden Balmer para magpadala rito ng ilan sa mga tao nila. Gustong ipalinis ni Harvey ang lugar bago niya imbitahan sina Colton Torres dito. Dahan-dahang lumipas ang oras habang naghahanda ang lahat. Hindi nagtagal, oras na para maghapunan. Kakatapos lang mag-usap nina Harvey at Sienna nang nari
Nakapalibot ang mga kotse sa lugar nang lumingon sina Harvey York sa labas. Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa kotse habang minamanmanan ang buong lugar nang may mabangis na itsura. Malinaw na nakikita roon sina Ai Kamino at Senior Miller. Pero hindi na si Ai ang nauuna sa grupo. Isang kalbong lalaking nasa tatlompung taong gulang ang nakatayo sa gitna ng mga tao sa sandaling iyon. Medyo maliit ang taas niya at may malaking tiyan. Naglakad siya nang may masungit na mukha habang pinagyayabang ang makinis niyang ulo na para bang kinamumuhian niya ang buong mundo. "Lumabas ka rito ngayon din, Harvey!" Bago pa makarating sa pinto ang grupo, sumigaw na kaagad si Senior Miller nang may mabangis na ekspresyon sa mukha niya. Masasaya rin ang magagandang babae sa likuran niya. Pagkatapos mapahiya nang sobra nitong nakaraan, gusto nilang maghiganti. "Merong nagtatangkang gumawa ng gulo sa sandaling nagbukas ako? "Kakaiba talaga. "Magsaya lang kayo rito. Titingin lang ako
"Ikaw pala si Harvey York?" Naglakad paharap ang kalbong lalaki kasama ng magagandang babaeng nakapalibot sa kanya. Humihinto siya sandali sa bawat isang beses na humakbang siya, at nagmukha siyang nakakatakot dahil dito. Hindi man lang lumingon si Harvey para tignan ang lalaki. "At sino ka naman?""Siya si Commissioner Thompson, ang lalaking namamahala sa lahat ng prominenteng tao sa Wolsing!"Pinapunta ko siya rito para tumulong!"Nagpakita ng malarong ekspresyon si Ai Kamino habang tinitigan niya si Harvey. "Nga pala! Baka hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng titulong yan…"Sa madaling salita, walang binatbat ang first-in-command ng Flutwell Police Station sa harapan niya!" Isang manipulatibong lalaki si Ai. Gusto niyang pigilan si Harvey na manghingi ng tulong. Iyon ang dahilan kung bakit niya binanggit na may mas mataas na posisyon si Commissioner Thompson kaysa kay Ansel Torres. Balak niyang magdala ng takot sa puso ni Harvey. Tumawa lang si Harvey. “Co
"Tatlong bagay! "Una: Gusto ko ng 1.5 billion dollars mula sa'yo! "Pangalawa: lumuhod ka at baliin mo ang isa sa mga braso mo, pagkatapos, humingi ka ng tawad kay Mr. Kamino! "Pangatlo: ibigay mo sa'min ang asawa mo at sister-in-law mo para paglingkuran kami ng isang buong buwan! Walang labis, walang kulang!" Tinaas ni Commissioner Thompson ang tatlo sa daliri niya nang may malamig na ngisi sa mukha niya. "Syempre, hindi ka obligadong pumayag sa mga kondisyon ko! "Pero kung hindi ka papayag, wala akong magagawa kundi isama ka at makausap ka nang matagal!" Dose-dosenang nakaunipormeng lalaki ang humakbang paharap nang may mabangis na mga titig, para bang handa silang patumbahin si Harvey York at durugin ang Martial Hall. Bumuntong-hininga si Harvey. "Palalampasin ko sana kayo kung ang ginawa niyo lang ay magyabang sa harapan ko… "Gusto niyo yatang mamatay sa pananamantala niyo nang ganito sa ibang tao!" "Ang kapal ng mukha mo!" Lumapit si Senior Miller nang umuus
Kumukulo ang dugo ni Commissioner Thompson sa galit!'Iniisip ba ng h*yop na'to na dekorasyon lang ako?!'Nagmula si Commissioner Thompson sa isa sa top ten families! Hindi palalampasin ng isang lalaking kagaya niya ang pagpapahiyang ito! "H*yop ka! "Ang kapal ng mukha mo!"Walanghiya ka!"May malamig ekspresyon si Commissioner Thompson sa mukha niya. "Akala mo ba wala ako rito, Harvey?!" Dose-dosenang lalaking nakauniporme ang humakbang paharap sa sandaling narinig nila ang sigaw ni Commissioner Thompson. Mababangis ang mga mukha ng mga lalaki habang pinalibutan nila si Harvey. Kumibit-balikat lang si Harvey. "Wala bang nakarinig sa inyo? Napakarami niyo rito!"Nagmakaawa ang lalaking yan na saktan ko siya! "Ginawa ko lang ang sinabi niya! Paanong ako ang mali?""Masyado mo kong ginagalit, h*yop ka! Tapos ka na!" Binunot ni Commissioner Thompson ang baril niya at tinanggal ang safety bago ito tinutok kay Harvey. "Tatapusin na kita ngayon din! "Pwede kang
Natural na alam ni Commissioner Thompson na may makapangyarihang pagkatao sa likod ni Rachel na hindi niya kayang banggain… Ngunit wala siyang magagawa kundi pabagsakin si Harvey York. Kung hindi, wala siyang maipapakita kay Clyde. Tumawa si Rachel. "Kung ganun, sinasabi mong lalabanan mo ako kahit na anong mangyari?" Nanigas si Commissioner Thompson bago malamig na nagsabi, "Tinatawag lang kitang vice head dahil nirerespeto kita!"Wag mong isiping magaling ka talaga! "May ilang mga bagay na hindi mo pwedeng pakialaman!"Halimbawa, wala kang karapatang sabihin sa'kin kung anong dapat kong gawin!" Ngumiti si Rachel. "Sa tingin ko nagkakamali ka ng akala. "Akala mo ba pakialamera lang ako? Nandito lang ako para bigyan ka ng babala para sa kapakanan ng pagkakakilala natin. "May ilang mga bagay na may mabigat na kapalit… "Kapag nagpatuloy ka sa landas na'to, wala nang balikan para sa'yo."Kumunot ang noo ni Commissioner Thompson bago niya hinimas ang malagkit niyan