Ngumiti si Harvey York.“Huwag kang mag-alala! Mga payaso lang ‘yan!”Hindi mapigilan ni Xynthia Zimmer na sumimangot. Pakiramdam niya sumobra na si Harvey sa insultong iyon.Ngunit hindi na siya nagsalita dahil sa respeto niya dito.“Tinatawag mo kaming payaso?!”“Sinong nagbigay sa’yo ng tapang na sabihin ‘yan?!”“Kilala mo ba kung sino kami?!”“Hindi kami kapantay ng upper social circle, pero mga kamag-anak kami ng gobyerno dito!”“Pwede naming durugin ang mga tulad mo gamit ng isang daliri!”“Saan mo nakuha ang tapang na tawagin kaming payaso?!”Nakatingin nang masama ang mga tao kay Harvey habang nakangisi.“Patay ka na bata! Wala lang kung kalabanin mo si Director Baker dito, pero hindi ka makakaalis dito nang buhay sa panlalait mo sa amin nang ganyan!”“Oh! Ang gaganda ng mga dalagang ito ah! Paglaruan ko nga sila mamaya! Sayang naman kung hindi!” Tumatawa ang mga mayayamang babaero habang nakatingin kay Harvey, para bang isa siyang tupang kakatayin.Winagayway ng
“Marami na akong nakitang mayayabang sa buong buhay ko…”“Pero ngayon lang ako nakakita ng isang taong talagang nagtapang na hamuhin ako!”Ngumiti si Brady Torres nang mapang-asar habang nakatingin siya nang masama kay Harvey York.Itinaas niya pa ang kanyang hinlalaki para kay Harvey.“Hindi ko alam kung kaninong young master ka…“Hindi ko alam kung saang pamilya ka nanggaling…“Pero masasabi ko sa’yong hawak ko ang buong Flutwell!“Luluhod ka sa harapan ko!“Kahit sino ka man!“Wala akong oras para makipaglaro sa’yo!“Baliin mo ang mga braso mo!“Iwan mo sa akin ang mga babae sa loob ng tatlong araw!“Hahayaan na kita pagkatapos nito!“Kung hindi ka masaya dito, bibigyan kita ng kalahating oras para tawagan ang kahit sinong gusto mong tawagan!“Kapag nagawa mo akong takutin, luluhod ako at tatawagin kitang ‘Daddy’!“Pero kung hindi, kailangan mong baliin ang mga braso mo!“Naiintindihan mo ba?!”Walang-bahalang sinindihan ni Brady ang kanyang sigarilyo habang mayaban
“Aaah!”Narinig ang namimilipit na sigaw.Hinawakan ni Brady Torres ang kanyang binti habang nangingisay sa sahig.Nagulantang sila Paula Baker at ang mga taong nanlalait kay Harvey York.Hindi nila mawari na si Harvey ay magiging matapang para apakan ang binti ni Brady kahit malinaw na mas makapangyarihan ito.Narinig nila ang tawag ni Harvey, ngunit walang nakakaalam na si Ansel Torres, ang first-in-command ng Flutwell Police Station ang nasa kabilang linya.Nagalit ang mga kasamahan ni Brady sa sandaling ito.Hindi sila natitiniag sa Flutwell. Laging sila ang nananamantala ng mga tao.Walang nagtatapang na kalabanin sila!Isa itong malaking kalokohan!Isang dosenang guwardiya ang lumapit, handang durugin si Harvey at ang lahat ng mahal niya.Binalewala sila ni Harvey at kalmadong tumingin kay Brady.“Aalis ka ba at isasama mo ang mga tao mo?“O hihintayin mo pang baliin ko ang mga binti mo bago mo gawin ‘yan?”Kalmado ang pananalita ni Harvey.Ngunit mararamdaman ang
Kumumpas si Brady Torres sa kanyang mga kasamahan, sinasabihan ang mga ito na huwag kikilos.Pagkatapos ay umupo siya nang tuwid at tumingin kay Harvey York nang mukhang miserable.“Sir York…“Patawad. Nagkamali ako…“Hindi ko alam kung sino ka…”‘Humingi siya ng tawad?’‘Si Young Master Torres mismo?’Muntik nang matumba sila Paula Baker nang makita nilang taos-pusong nanghihingi ng tawad si Brady habang namumutla ang kanyang mukha.Nabigla sila. Hindi nila inakalang ang taong ito ay talagang yuyuko sa harapan ni Harvey.Talaga bang malakas ang basura sa harapan nila?Ang isang tawag lang ay sapat na para pigilan ang isang makapangyarihang taong tulad ni Brady?Si Paula, na inakalang ang kanyang suporta ay sobrang tibay, ay nanghina. Bigla siyang nagkaroon ng masamang kutob dito.“Naiintindihan mo na ba?Mukhang kalmado si Harvey habang nakatitig kay Brady.“Pero sadyang hindi pa ‘yan sapat.”Ngumiti si Brady nang maramdaman niya ang titig ni Harvey.“Ipapakita ko sa’y
Tinawag ni Harvey York sila Kayden Balmer dito nang maaga.Sa utos ni Kayden, ang grupo ng mga tao mula sa Hatchet Gang ay tumawag ng isang ambulansya bago dalhin si Mandy Zimmer sa loob.Nakahinga nang maluwag si Harvey nang makaalis sila Mandy.Pagkatapos ay naglakad si Kayden sa tabi ni Harvey bago ito yumuko.“May impormasyon ako, Sir York.“Ang mga taong gumawa nito kay Mandy ay isa sa Gang of Six, ang Bharata Gang.“Malinaw na ang Bharata Business Council ang nasa likod nito.“Magiging mahirap kung sila ang hahabulin natin.”“Mahirap?” tanong ni Harvey.“Dahil kasama mo na ako ngayon, dapat alam mong walang mahirap.“Pwede nating ayusin ang problemang ito sa pagpapatumba ng ilang tao…“Dahil ako ang pakay nila, ayos lang sa akin na burahin ang gang nila.Tinapik ni Harvey si Kayden sa balikat.“Maghanda ka nang sakupin ang gang nila.”“Gagawin ko ang kahit anong sasabihin mo!”Nasabik si Kayden sa sinabi ni Harvey.Kasama siya sa Gang of Six, pero noon pa man ang
“Kahit anong mangyari, hindi isang karaniwang tao si Aaron Garcia. Dapat kang mag-ingat, Sir York.”“Hindi ba hinahabol ng gobyerno ang Bharata Gang sa pagbubukas nila ng mga pasugalan na tulad nito?” tanong ni Harvey York.“Ilang beses na nilang ginawa pero nakakatakas pa rin ang mga ito.”Nagdalawang-isip si Kayden Balmer.“Atsaka, ang Bharata Business Council ay laging lumilitaw at ginagamit ang kanilang diplomatic immunity. “Ito ang dahilan kung bakit walang magawa ang gobyerno. “Matagal nang nakikipagnegosyo ang mga tao ng Bharata Business Council sa mga tao ng Flutwell’s upper social circle nitong nagdaang mga taon. Kaya ang lakas ng Bharata Gang kamakailan…”Natawa si Harvey.“Ang koneksyon pa lang nila ay sapat na para takutin ang gobyerno?“Ang Bauer family?“Nabalitaan ko na ang vice chairman ng Bharata Business Council at si Joseph Bauer ay matalik na magkaibigan…”Sumama ang titig ni Harvey nang marinig ang salitang iyon.Kung ganoon nga talaga, ang pagbabalak
Ang maganda at natatanging babaeng dealer ay ngumiti kay Harvey at sinabi, "Pakiusap alisin mo ang iyong kamay mula sa lamesa.""One, two, three! Six! Iyan ay small!"Ang pera ni Harvey ay nawala sa isang iglap."Mukhang ako ay medyo malas ngayong gabi…"Ngumiti si Harvey. Tapos, tinapon niya ang dalawang chips na nagkakahalaga ng isang daan at limampung libong dolyar."Imposible na magkaroon ng isa pang small muli. Heto ang tatlong daang libo!"Ang Indian na babae at dealer ay nagpalitan ng tingin, parehong mapaglarong ngumiti.Tapis ang dealer ay inalog ang baso. Merong mainit na ngiti sa kanyang labi."Kung gayon, ngayon. Pakiusap alisin mo ang iyong kamay sa lamesa!"Ang mga tao ay nagbuntong hininga. Hindi nila mapigilan na magbigay ng misteryosong mga tingin kay Harvey.'Mukha siyang madaling puntiryahin, pero siya talaga ay mayaman!"'Siya ay naglabas ng tatlong daang libong dolyar matapos na mawalan ng isang daan at limampung libo?!"Kaagad pagkatapos, ang tao na na
Nanliit ang mata ng dealer ng makita ang tingin ng desperasyon kay Harvey at check sa lamesa.Sa loob ng sampung minuto, natalo si Harvey ng tatlong round ng sunod sunod. Ang buong pangyayari ay nakakahalaga ng labing limang milyong dolyar!Ang mga tao ay tuluyang nagulat.Nagpakita ng namumugtonh mata si Harvey at and kanyang buhok ay magulo.Ang kanyang buong katawan ay nanginginig habang hawak ang kanyang checkbook.Tumingin ang mga tao sa lamesa ni Harvey matapos marinig ang tungkol sa insidente.Sa parehong oras, isang gwapong lalaki na may buhok na papunta sa likod ang lumitaw sa second floor. Ang lalaki ay nagtatakang nakatitig kay Harvey.Ang lalaki ay si Aaron Garcia.Hindi niya alam kung sino si Harvey sa sandaling iyon, pero gusto niya pa din makita ang cash cow sa kanyang casino."Hindi ka pwedeng patuloy na maglaro, Sir York! Mauubis lahat ng pera na inenvest mo sa Flutwell kapag ginawa mo…"Humakbang paharap si Rachel at hinawakan ang kamay ni Harvey na may hawa