Kaagad na bumalik ang tapang ni Reina Lee pagkatapos makita si Paula Baker na tumayo sa tabi niya. Hinawakan niya ang mukha niya habang naglakad papunta kay Paula bago tinuro sina Harvey York at ang iba pa. "Sila yun, Director! Hindi lang nila ginamit ang operating room natin, ginawa pa nila ito bago pa gumawa ng kahit na anong klase ng diagnosis! Lumabag sila sa patakaran! "Sinabihan ko silang umalis, pero tumanggi pa sila bago nila ako sinaktan! "Binabastos talaga nila tayo!" Nagalit si Paula pagkatapos marinig na may nagtangkang lumabag sa patakaran ng ospital niya at hindi naglabas ng pera. "Tumawag kayo ng security! Sabihin mo sa kanila na may gumagawa ng gulo dito! "Hindi pa tayo tapos dito!" Aroganteng naglakad si Paula papunta kina Harvey at sa iba pa bago sila tinitigan nang may pangmamaliit. Wala siyang pakialam sa mga taong kagaya nila sa umpisa pa lang. Nabalitaan niyang nabugbog si Mandy Zimmer bago siya dinala dito. Wala man lang tumawag ng pulis. An
"At paano kung humindi ako?" "Hindi?" Malamig na tumawa si Paula Baker. "Syempre, pwede kang humindi!" sagot niya nang may mataray na tono. "Pero kung magpapatuloy kayong bastusin ako…"Wag niyo kong sisihin sa kung anong susunod na mangyayari. "Pero wag kayong mag-alala! Isa akong sibilisadong babae! Hindi ako mananakit ng kahit na sinong gusto ko! "Ipapadala ko lang siguro kayong lahat sa psychiatric ward buong buhay niyo!" Malinaw na ganito ganito kumilos si Paula. Ang mga taong magtatangkang lumaban sa kanya ay ipapadala lahat sa ward. Ang kapalaran nila ay magiging mas malala kaysa ipatapon sila sa kulungan. Nakangisi nang masama sina Reina Lee at ang iba pa pagkatapos marinig ang mga salita ni Paula. Napuno silang lahat ng tuwa sa sandaling yun. Para bang iniinsulto nila si Harvey sa pagiging ignorante. 'Sa wakas ay alam na niyang ang mga mas mababang taong kagaya niya ay walang karapatang magyabang sa Fraternity Hospital!' Kumukulo ang dugo ni Xynthia
Sa sandaling ito, punong-puno ng pagkamuhi ang titig ni Harvey York. Galit na galit si Paula Baker na ang tinuro niya si Harvey gamit ng kanyang maputla at manipis na daliri. "Sugod! Sugurin niyo siya ngayon din!" sigaw niya. "Lumpuhin niyo ang bawat isa sa kanila rito! "Akong ang aako ng responsibilidad sa kahit na anong mangyayari!" Pinalibutan ng tatlomput apat na security guards sina Harvey at ang iba habang malamig na tumatawa. "Aaah! Sasaktan nila tayo!" Nagtago si Lilian Yates sa ilalim ng kama ni Mandy Zimmer sa takot. Masama ang ekspresyon sa mukha nina Rudolph at ng iba pa. Nirerespeto sila kahit saan sila magpunta. Hindi nila kailangang makaranas ng ganito kahit kailan. Mag-ingat ka, Harvey!" Nanghihinang sigaw ni Mandy. Namutla ang mukha ni Xynthia. Hindi niya inasahan na pati ang mga tao sa ospital na ito ay ganito ka-arogante. "Anong gagawin natin, Brother-In-Law…?" hindi niya napigilang magtanong. Suminghal si Reina Lee. "Anong gagawin mo? "An
Pak pak pak! Narinig ang sunod-sunod na mga sampal bago tumilapon ang mga guard pagkatapos makaramdam ng sakit sa mga pisngi nila. Sa sampung segundo lang, nakahiga na ang lahat ng tatlumput apat na security guards sa lapag. Nanginginig silang lahat habang bumubula ang bibig nila. Wala man lang silang lakas para makatayo. Kalmadong lumingon si Harvey York kay Paula Baker. "Walang kwenta ang mga security guard mo!" sigaw niya. "Hindi mo kayang manalo sa'kin nang ganito." "Ikaw… "Baliw ka!" Natatarantang umatras si Paula. Hindi niya napigilang sumigaw pagkatapos lubusang mapahiya sa eksena. "Isa itong makatarungang mundo! Ang lakas ng loob mong magsalita ng ganitong bagay!"Gusto mo bang mamatay?! "Tawagin mo ang pulis, Reina Lee! Sabihan mo sila na magpadala ng tao rito! "Sabihin mo sa kanila may nanggugulo dito! "Wala akong pakialam kung magaling kang lumaban! Imposible rin namang sasaktan mo ang pulisya!" Nagpakita ng aroganteng itsura si Paula. Kampante n
"Katapusan na ng magagandang araw mo. Sabihan mo ang mga tao sa likod mo na malulugi na ang Fraternity Hospital." Napakamakapangyarihan ng mga kalmadong salita ni Harvey York. Malamig na suminghal sina Paula Baker, Reina Lee, at ang mga nars. Matagal na silang nagtatrabaho sa ospital na ito. Malinaw na nakakita na sila ng maraming taong nagsabi ng kalokohan pagkatapos mapagsamantalahan ng mga staff dito. Sayang lang at solido ang background ng Fraternity Hospital. Walang kahit na sino ang makakagulat sa kanila sa puntong ito. Ang bawat isang taong bumangga sa kanila ay kundi isang nagsisinungaling na basura o isang walang kwentang taong nakasandal sa kapangyarihan ng iba. Sa mga mata nila, parang ganun na rin si Harvey. Malamig na tumawa si Paula. "Oh? Saan mo natutunan ang lahat ng yan? "Tinignan mo ba sa phone mo ngayon lang? "Baka isipin pa ng mga taong hindi nakakaalam na ikaw ang first-in-command ng Ministry of Health! "Sino ka ba sa tingin mo? "Alam mo ba
"Dali! Hulihin niyo sila! Paparusahan natin sila rito kapag nanlaban sila!" sigaw ni Captain Jose Williams. Interesadong tumingin si Harvey York kay Captain Williams at nagsabing, "Mula ka sa Flutwell Police Station, tama? "Bakit hindi mo iniimbestigahan ang sitwasyon ngayong nandito ka na? "Aarestuhin niyo lang ang kahit na sinong gusto niyo? "Naisip niyo ba ang kahihinatnan ng gagawin niyo?" Malamig na tumawa si Captain Williams. "Ako ang captain dito, g*go! Hindi mo ko kailangang leksyunan! "Ikaw ang lumabag sa batas! Bilang alagad ng batas, syempre kailangan kitang arestuhin! "Babarilin kita ngayon din kung magpapatuloy ka sa pagdakdak!" Tinaas ni Captain Williams ang tono niya habang nagpapakita ng galit na ekspresyon. Iniunat niya ang kamay niya para sampalin si Harvey sa mukha para maipagyabang niya ang awtoridad niya. "Ano? Balak mo kong saktan?" kalmadong tanong ni Harvey habang tumatawag sa phone niya. "Bakit di mo muna sagutin ang tawag na'to at pag-i
Nakikita sa mukha ni Jose Williams ang matingkad na pulang mga bakas ng palad. Nanginig ng buo niyang katawan. Gustong-gusto niyang barilin si Harvey York. "Patawad, Sir York!" sigaw niya. Wala siyang ibang magagawa sa puntong ito. Hindi niya maikukumpara ang sarili niya kay Ansel Torres! Paano niya lalabanan si Harvey sa ganitong lugar?"Halika." Sinenyasan ni Harvey si Jose gamit ng daliri niya. Wala siyang intensyong pakawalan siya. "Sabihin mo sa'kin. Magkano ang binabayad sa'yo ni Paula kada buwan?" Nanginig si Jose. "I… Isang libo at apat na raang dolyar…" Pak! Sinampal ulit ni Harvey si Jose sa mukha. "Ganun ka ba talaga kamura?! "Nabili ka niya kapalit ng barya?! "Isang libo at apat na raang dolyar?! "Pinapahiya mo ang buong kapulisan!" Pak pak pak! Sinampal ni Harvey si Jose nang ilan pang beses. "Ang lakas ng loob mong magsalita sa'kin tungkol sa batas ngayong tumatanggap ka ng suhol?"Sige! Sabihin mo sa'kin kung anong kahulugan ng batas
Nasabik sila Reina Lee nang makita nila ang pagdating nito. "Young Master Torres!" sigaw nila. Inangat ng lalaki ang baba ni Reina bago sipain si Jose Williams. "Basura! Wala kang karapatang pagsilbihan ako!" Nahiya si Jose. Noon pa man ay nananamantala na siya ng mga tao saan man siya magpunta. Isang libo at apat na daang dolyar ang napupunta sa kanyang bulsa bawat buwan.Ngunit wala siyang kwenta kung kailan kailangan siya. Wala siyang laban kahit kanino. Subalit, hindi siya kaagad umalis. Pumunta siya sa gilid para makita kung sinong mas malakas. Sa ganitong paraan, magkakaroon siya ng ideya kung kanino siya sasama.“Sasabihin ko sa’yo, hayop ka! Si Young Master Torres ay ang pamangkin ni Elder Torres!“Siya rin ang pinsan ni Ansel Torres at Nelson Torres!“Siya si Brady Torres!Lumakas ang loob ni Paula nang makita niya ang pinakamalaking suporta niya dito. Tinuro niya si Harvey gamit ng kanyang ilong bago siya suminghal.“Si Young Master Torres rin ang pinakama