”Kaya humihingi ako ng tulong mo…”Napahinto si Harvey ng marinig niya ang kasaysayan ng pamilya Torres. Isang mapait na ngiti ang nasa labi niya.“Huwag mo kalimutan: Maaaring ako ang Head Coach, pero hindi ako doktor.”“Tama iyan, pero alam mo ang Art of Killing.”“Ang Lifestealing Fingers ay isa sa mga technique na iyon.”“Ikaw lang ang may pagkakataon na magligtas sa ama ko ngayon.”“Talagang hindi ko hihingiin ang tulong mo kung hindi iyon ang kaso.”Natural, alam ni Ansel na si Harvey ay hindi kikilos ng ganoon kadali. Kaya nanatili siyang tahimik ng mahabang panahon.Pero matapos makita ang ama niyang nahihirapan, ang mukha nito na walang kulay, nagdesisyon si Ansel na sumugal at humingi ng tulong kay Harvey ano pa man.“Hindi kailangan maging ganito kapormal, Ansel,” Tugon ni Harvey.“Hindi ko masisiguro na magagamot ko ang iyong ama at maibalik siya sa normal, pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.”“Huwag kang magalala. Kayong lahat ay kapatid sa mata ko.”S
Sabi sa Alamat na ang mansyon ay ginawa noong pagangat ng bansa para sa first-in-command ng Flutwell.Sa halos isang daang taon, ang mga mansyon dito ay patuloy na giniba at tinayo, nagiwan lang ng sampung property sa paligid ng lugar.Ang mga may ari ng mansyon ay hindi dini maliit ang mga nagawa.Sila ay maaaring nakalipas na mga first-in-command ng Flutwell o sila ay nagambag sa malaking pagunlad ng city.Ang mga tao ng walang ganitong nagawa ay walang karapatan na manirahan sa mga bahay na ito.Walang pakialam si Harvey masyado sa lugar, pero naintindihan pa din niya ang kahalagahan nito.Ang sasakyan na pumarada sa Number One Manor ilang minuto makalipas.Si Harvey at Ansel ay naglakad palabas ng sasakyan.Tumingin sa paligid si Harvey nagtataka at nakita ang kakaibang asul na brick at pulang mga tile, perpekto para sa aesthetics ng matatandang tao.Armadong mga tao naka uniporme ay nakapwesto sa paligid din ng lugar. Sapat na ito para ipaiwanag ang maraming bagay.“Pak
Natural, si Colton ay tinignan ang pangalan ni Harvey bago ang lahat. Hindi siya magsasabi ng ganitong bagay kung hindi iyon ang kaso.“Hindi mo magawa ng ayos ang mga bagay, pero ikaw talaga ay sobrang mayabang, bata!”Humakbang paharap si Colton, na para bang sinusubukan niyang pigilan si Harvey gamit ang kanyang aura. Hindi siya nagalit sa mga sinabi ni Harvey.“Maging epektibo habang hindi napapansin. Iyan ang prinsipyo ko,” Tugon ni Harvey.“Naiintindihan ko ang sinasabi mo…”“Pero dapat natin laging tignan ang mas malaking bagay!”“Kung merong paraan na ilagay ang mga bagay ng isang bagsakan, bakit kailangan magsayang ng enerhiya sa umpisa?”“Hatakin ang target bago ubusin ang bugon grupo…”“Iyan ang pinakamagandang paraan sa paggawa ng mga bagay, hindi ba?”“Iyan ang iniisip mo! Iyan ay mga sarili mog prinsipyo lang!” Nanlalamig na pumitik si Colton.“Pero sa akin, ikaw ay hindi sigurado! Sa huli, ang iyong pagdadalawang isip ay nagdulot ng higit na problema pa!”Si A
Nabigla si Ansel, ngunit nanatiling walang ekspresyon si Colton; walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Pagkatapos ay lumapit siya bago tinapik si Harvey sa balikat. Nanatiling nakatayo si Harvey. Wala rin siyang ekspresyon. "Sinabi ko sa'yo nakakamangha si Harvey, Papa. Naniniwala ka na ba sa'kin ngayon?" Bahagyang ngumiti si Ansel. "Pwede na bang tignan ni Sir York ang injury mo?" Bago makapagsalita si Colton, isang boses ang umalingawngaw mula sa labas. "Uncle Torres! Nasaan ka?" "Pumunta tayo sa hall." Pumalakpak si Colton. "Nandito si Sienna." "Sinabi niya sa'kin na hahanapan niya ako ng kilalang doktor ilang araw ang nakaraan." "Balak niya akong ipaayos." "Sir York. Mula sa Wright family si Sienna," bulong ni Ansel sa tainga ni Harvey. "Ang ama niya ay mabuting kaibigan ng ama ko. Kaya maganda ang relasyon ng pamilya namin." "Hindi ko alam na magdadala siya ng doktor. Pasensya na talaga." “Ang Wright family?”Ngumiti si Harvey
Hindi lang dekorasyon ang titulo ni Rudolph. Sinasabing nag-aral siya ng sinaunang panggagamot mula India at Island Nations, pati na rin western at eastern medicine. Itinuturing na walang kapantay ang galing niya sa medisina. Nagawa niya ring tanggalin ang mga hindi kailangang impormasyon at iwan ang mahahalagang parte ng mga medical skills na iyon, na lalong nagpaangat sa kanya. Sinasabing maski ang mga royal family ng Northern Europe ay kukunin siya paminsan-minsan para gamutin sila, na nagpapahaba naman sa mga buhay nila. Gayunpaman, napakataas ng presyo ni Rudolph; naniningil siya ng milyon-milyong dolyar bawat isang beses. Kung kailangan niyang mag-opera ng tao, mas lalong mataas ang magiging halaga nito. Sa kabila nito, buhay na buhay ang negosyo niya. Narinig na ni Ansel ang maalamat na Deathbuster noon. Kahit na kilala ang Torres family sa Flutwell, hindi pa rin sila ganun kagaling para papuntahin dito ang isang taong kagaya ni Rudolph. Kung hindi dahil kay Sien
Nang nakita niya ang namumuhing ekspresyon ni Rudolph… Kalmadong nagsabi si Harvey, "Hindi ako doktor." "At ikaw ang maalamat na Deathbuster." "Kung ganun ka talaga kagaling, bakit hindi mo malunasan ang sarili mong sakit?" "Sa bawat isang beses na subukan mo itong gawin, wala kang lakas na ipagpatuloy ito. Naging miserable ka tungkol dito, di ba?" Nanigas kaagad ang mapagmataas na ekspresyon ni Rudolph. Tinignan niya si Harvey nang hindi makapaniwala. Hindi niya inakalang alam ni Harvey ang tungkol sa pinakatinatago niyang lihim! Masisira ang reputasyon niya kapag kumalat ang tungkol dito! Nagbago ang ekspresyon ni Rudolph. "Inimbestigahan mo ko?!" Tumingin sina Colton at Ansel kay Rudolph nang may kakaibang tingin nang napansin nila ang pagbabago ng ekspresyon niya. Natural na alam nila kung ano ang binabanggit ni Harvey. Medyo natulala si Sienna, pero napagtanto niya kung tungkol saan ang usapan. Hindi niya napigilang mapalunok ng laway nang may namumulan
Pinagpatong ni Rudolph ang mga braso niya habang naglabas ang mga assistant niya ng lahat ng klase ng precision instruments. "Hindi mo pa nakikita ang lahat ng to, ano?" "May sasabihin ako sa'yo: ito ay mga espesyal na equipment na makikita lang sa Switzerland! Kailangan mong magtrabaho buong buhay mo para lang makakuha ng isa sa mga to!" "Gumagamit ng tunay na medical skills ang mga doktor sa bansa ko para magligtas ng mga pasyente nila!" "Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling ngayon din!" Nagtatakang tinignan ni Harvey sandali ang equipment. "Walang sakit si Elder Torres, pero malamang ay sasabihin mong mayroon siyang heart failure." "Hindi ako doktor pero alam ko na kaagad." "Wag mong sabihing gagamitin mo ang lahat ng equipment na'to para gawin mismo ang sinabi ko." Nagtaka si Sienna. "Alam mo kung anong problema kay Uncle Torres?" "Hindi ka naman siguro nagsisinungaling lang, di ba?"Tumawa si Harvey nang hindi nagbibigay ng sagot. Malamig na sumingha
Tumawa si Colton. "Buhay at kamatayan, mahirap at mayaman, nakatadhana ang lahat ng iyan." "Dahil mababa lang ang tyansang mabubuhay siya, kalimutan na natin to." "Mahirap para kay Mr. Rudolph na pumunta rito. Bigyan mo siya ng 1.5 million dollar na tseke."Natural na hindi gusto ni Colton na malagutan ng hininga sa kama. Mapait na ngumiti si Rudolph. "Salamat, Elder Torres…" "Pero hindi ko to kayang tanggapin."Hindi pa balak ni Sienna na sumuko. "Ikaw ang pinakabatang direktor ng International Medical Federation, Mr. Rudolph! Isa kang talentadong lalaki! Ikaw ang Deathbuster! Wala ka ba talagang ibang paraan para tulungan si Uncle Torres?" "Wala nang ibang paraan!" Huminga nang malalim si Rudolph. "Kukunin natin ang pagkakataon, o hahayaan natin siyang mamatay pagkatapos ng tatlong buwan.""Hindi lang ako, wala ring maitutulong maski ang chairman ng federation!" Nanahimik si Sienna pagkatapos marinig ang mga salita ni Rudolph. Kalmadong ngumiti si Harvey at