Nanlalamig na titig ang lumitaw sa mata ni Lilian Yates.“Sabi ko na ang g*gong ito ay bayolenteng baliw!”“Alam ko na gagawa siya ng bagay tulad nito pagdating ng panahon! Nararapat siya sa kulungan!”“Dadalhin ko ang hustisya sa kanya ngayon!”Tumingin si Mandy Zimmer sa kanyang ina na may nalilitong tingin sa kanyang mukha.“Paano mo nasabi iyan?! Nandito lang tayo kahapon kasama si Harvey York!”“Sinabi mo na kausapin siya ng magisa bandang eleven o’clock, sinasabi na paalisin mo kami pareho!””Kinausap mo siya! Paano mo nasabi ang bagay tulad niyan?!”“Imposible!” Sigaw ni Xynthia Zimmer.“Nanakit si Brother-in-law ng tao, pero hindi siya mamamatay tao! Bakit niya papatayin ang isang buong pamilya para sa maliit na bagay?!”“Siya ay malinaw na naframe up!”Tuluyang pinagkakatiwalaan ni Xynthia si Harvey.Kung talagang gusto ni Harvey na pumatay, bakit siya magiiwan ng bakas niya mismo para siya ay madaling mahanap?Si Rachel Hardy ay nagpakita ng masamang ekspresyon s
Naging miserable si Xynthia Zimmer pagkatapos makita ang sarili niyang ina na desperadong subukang pagbintangan si Harvey York. Alam na alam niyang ang testimonya ni Lillian Yates ang pinakaimportante sa tatlo. Mawawala lang ang suspisyon kay Harvey kung babawiin ni Lilian ang sinabi niya sa umagang iyon. Kumunot ang noo ni Mandy Zimmer. Naniniwala rin siya na hindi gagawa nang ganitong bagay si Harvey. Ngunit alam niya rin ang ugali ng nanay niya. Wala silang magagawa kahit nasubukan pa nila siyang kumbinsihin sa sandaling ito. Base sa kinikilos ni Lilian, mawawalan ng pagkakataon si Harvey na linisin ang pangalan niya kung ibubuhos niya ang lahat at maging kanyang "corrupt witness". Dadalhin niya ang alaala ng pagsaksak sa kanya ni Harvey sa sikmura sa Hong Kong buong buhay niya… Ang kagustuhan niyang maging mother-in-law ng isang top-rated na pamilya ang nagtulak din sa kanya na gawin ito. Nang nag-iisip si Mandy ng paraan para kumbinsihin as ng nanay niya, ilang Rol
"Anong sinasabi mo, Young Master?!" "Wala ka nang pakialam dun." Kaagad na pinutol ni Lilian Yates si Mandy Zimmer sa pagsasalita. "Talagang pinanganak na bayolente ang hayop na Harvey York na yun! Siya lang ang makakagawa nang ganito kasamang bagay! "Nararapat lang talaga sa kanya to! "Siya ang pumatay sa lahat ng taong yun! "Siya ang nararapat na magbayad!" "Tama na, Mama! Manahimik ka na!" Hindi napigilan ni Mandy na pagalitan ang nanay niya bago niya tinaas ang mukha niya para tignan si Joseph Bauer. "Wala kang kinalaman dito, Young Master. "Ayaw ko ring makipagtalo tungkol sa kung sinong nasa mali. "Basta tumigil ka na lang sa pangingialam!" Bumunot si Joseph ng isang mahaba at manipis na sigarilyo at nilagay ito sa bibig niya nang may maliit na ngiti. "Anong sinasabi mo, Mandy? "Tauhan ko si Jordan Bowie kahit na anong mangyari! Dapat maging responsable ako kung may mangyari ulit na ganito."Pinag-iisipan ko ang sitwasyon nang nagpunta ako rito. Gusto
"Kaya pala isa ka sa pinakamaimpluwensyang lalaki sa Flutwell sa ganitong edad pa lang! "Makakahinga ako nang maluwag kung makakasama ka ni Mandy Zimmer!" Hindi gusto ni Lilian Yates ang pagiging plastik ni Joseph Bauer, ngunit napuno siya ng tuwa. Kung si Joseph ay isang lalaking mahilig magpanggap, mabubuhay nang puno ng karangyaan si Lilian kung ikakasal si Mandy sa kanya! Tumingin si Lilian kay Mandy nang may mapait na ekspresyon sa mukha niya nang hindi nagdadalawang-isip. “Oh, Mandy!"Kailangan mong pahalagahan ang lalaking nasa harapan mo! "Kung hindi, hindi ka na makakakuha ng isa pang pagkakataon!"Kumunot ang noo ni Mandy. Hindi niya maintindihan kung anong binabalak ni Joseph. Hindi niya talaga maintindihan ang mga salita ni Joseph. Para bang nananaginip lang siya. Nagpakita ng maliit na ngiti si Joseph pagkatapos marinig ang papuri ni Lilian. "Masyado ka namang mabait, Auntie Lilian! "Maliit na bagay lang naman to. "Basta't magiging masaya si Mandy
Habang nagkakagulo sa labas, natutulog si Harvey York sa loob ng interrogation room. Walang nagtanong sa kanya ng kahit ano simula nang dinala siya sa loob. Mukhang nakatuon ang Flutwell Police Station sa mga ebidensya sa pinangyarihan ng krimen at mga testigo pagkatapos gabayan ng ilang mga eksperto. Dahil dito, hindi nila pinansin si Harvey. Hindi alam kung isa itong psychological tactic o sinusubukan lang nilang makakuha ng mas maraming ebidensya para mawawalan si Harvey ng pagkakataong itanggi ang mga paratang sa kanya. Kahit ano pang mangyari, medyo matagal nang naiwan rito si Harvey nang mag-isa. Wala namang pakialam si Harvey. Natutulog siya bago niya sinimulang isipin ang insidente. Malinaw na may taong nasa likod ng pagkamatay nina Ezra Bauer, Dylan Bowie, at Jordan Bauer. Bihira ang mga taong kayang kumontrol sa mga ganitong pangyayari sa Flutwell. Ang nakakapagtaka lang dito ay magiging mahirap na gamitin ang pagkakataong ito para tapusin ang buhay ni Harvey
May makatwirang ekspresyon si Vivian Hall nang mabangis siyang sumigaw, "Sabihin mo sa'min ang lahat! "Bakit mo sila pinatay?! "Paano mo sila pinatay?! "Anong klaseng mga tao ang pinatay mo?! "Magsalita ka! Gusto ko ang lahat ng detalye! "Pagbabayarin ka ng batas!" Interesadong tinignan ni Harvey York si Vivian. "Wala ka namang pruweba na pumatay ako ng kahit na sino, di ba? "Papaniwalaan mo ba ako kung sinabi kong wala akong pinatay?"Napahinto ang lalaking inspector bago siya malamig na tumawa. "Kitang-kitang sa footage na nandun ka sa crime scene! May motibo ka rin na gumawa nang ganitong bagay! "Anong punto ng pagtanggi mo ngayon?!" Nagkibit-balikat si Harvey. "Mga hula pa lang yan. "Wag na nating sabihing hindi ako ang taong nasa footage. "Kahit na ako yun, walang mapapatunayan yun. "Baka naglalakad-lakad lang ako at tinitignan ang tanawin. "Tsaka, maraming binanggang tao si Jordan Bowie sa Flutwell. Normal lang na gusto siyang patayin ng ibang tao
Kalmadong tumingin si Harvey York kay Vivian Hall. "Wala kang karapatan para maging security blanket ko. "Wala kang kapangyarihan o katayuan para dun." "Heh heh heh… Hindi ba ako sapat para maging security blanket mo? "Kung makapagsalita ka akala mo talagang makapangyarihan kayong mga dayo sa Flutwell!" Tumatawa sa galit si Vivian bago nagngitngit ang ngipin niya. "Sige, tumawag ka! Gusto kong makita kung anong klaseng security ang meron ka!" 'Sinusubukang magyabang ng isang bw*sit na live-in son-in-law sa harapan ko na para ba siyang isang maimpluwensyang tao! Ang laking kalokohan!' Ngumiti lang si Harvey at naisip ang isang tao bago siya tumawag sa isang numero. Beep beep beep…Nasagot ang tawag, ngunit walang tunog na nagmula sa kabilang linya. Hindi nabahala si Harvey. Mahina niyang tinapik ang screen nang tatlong beses at matiyagang naghintay. Isang nasasabik ngunit kinakabahan na tono ang narinig mula sa kabilang linya. "CEO York, ikaw ba yan?" "Ang taga
"Importanteng maging tapat, bata," sabi ng lalaking inspector. "Gumawa ka muna ng homework mo bago mo subukang manloko ng mga taong kagaya namin. "Hindi mo nga alam ang numero ni Director Torres, pero nandito ka at nagpapanggap na tinawagan mo siya? "Kilala mo ba kung sino siya? "Siya ang buhay na alamat ng military force ng bansa, ang personal bodyguard ng Chief Instructor habang nasa Sword Camp pa siya! "Ang Chief Instructor mismo ang nagsanay sa kanya! "Pumatay si Director Torres ng God of War mula sa Island Nations nang mag-isa sa Euro-American battlefield! "Dahil sa mga nakamit niya, siya ang naging director ng Flutwell Police Station sa ganito kabatang edadn "Isa siyang tapat na karakter sa upper social circle ng Flutwell! "Iniisip mo bang malalaman mo ang phone number ng isang taong kagaya niya?! "Iniisip mo kaya mo siyang utus-utusan na lang?! "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Chief Instructor?!" Bahagyang ngumiti si Harvey pagkatapos marinig ang sunod-sunod