Kalmadong tumingin si Harvey York kay Vivian Hall. "Wala kang karapatan para maging security blanket ko. "Wala kang kapangyarihan o katayuan para dun." "Heh heh heh… Hindi ba ako sapat para maging security blanket mo? "Kung makapagsalita ka akala mo talagang makapangyarihan kayong mga dayo sa Flutwell!" Tumatawa sa galit si Vivian bago nagngitngit ang ngipin niya. "Sige, tumawag ka! Gusto kong makita kung anong klaseng security ang meron ka!" 'Sinusubukang magyabang ng isang bw*sit na live-in son-in-law sa harapan ko na para ba siyang isang maimpluwensyang tao! Ang laking kalokohan!' Ngumiti lang si Harvey at naisip ang isang tao bago siya tumawag sa isang numero. Beep beep beep…Nasagot ang tawag, ngunit walang tunog na nagmula sa kabilang linya. Hindi nabahala si Harvey. Mahina niyang tinapik ang screen nang tatlong beses at matiyagang naghintay. Isang nasasabik ngunit kinakabahan na tono ang narinig mula sa kabilang linya. "CEO York, ikaw ba yan?" "Ang taga
"Importanteng maging tapat, bata," sabi ng lalaking inspector. "Gumawa ka muna ng homework mo bago mo subukang manloko ng mga taong kagaya namin. "Hindi mo nga alam ang numero ni Director Torres, pero nandito ka at nagpapanggap na tinawagan mo siya? "Kilala mo ba kung sino siya? "Siya ang buhay na alamat ng military force ng bansa, ang personal bodyguard ng Chief Instructor habang nasa Sword Camp pa siya! "Ang Chief Instructor mismo ang nagsanay sa kanya! "Pumatay si Director Torres ng God of War mula sa Island Nations nang mag-isa sa Euro-American battlefield! "Dahil sa mga nakamit niya, siya ang naging director ng Flutwell Police Station sa ganito kabatang edadn "Isa siyang tapat na karakter sa upper social circle ng Flutwell! "Iniisip mo bang malalaman mo ang phone number ng isang taong kagaya niya?! "Iniisip mo kaya mo siyang utus-utusan na lang?! "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Chief Instructor?!" Bahagyang ngumiti si Harvey pagkatapos marinig ang sunod-sunod
Mas sumama ang ekspresyon ni Ansel Torres nang naglakad siya. Napatalon ang puso nina Vivian Hall at ng partner niya bago nila nilapitan si Ansel. “Director Torres!"Anong pinunta niyo rito?" Bumilis ang tibok ng puso ni Vivian. 'Imposibleng nangyayari to ngayon, di ba?' "Inaresto niyo ba ang isang lalaking nagngangalang Harvey York?" malamig na sigaw ni Ansel nang hindi nagsasayang ng isang segundo. "Nasaan siya? "Kailangan ko siyang makita ngayon din!" Pinagpawisan ng malamig sina Vivian at ang partner niya habang nanginginig ang mga mata nila. 'Totoo nga! 'Totoo nga ang lahat ng to!'Tinawagan nga ni Harvey si Director Torres! 'Nagpunta siya rito sa loob lang ng sampung minuto! 'Pero…'***"Bakit di mo ko tinawagan sa sandaling dumating ka rito, CEO York? "Kapag nalaman ng mga brother sa Sword Camp na nakakulong ka rito, pupulbusin nila ang buong bahay ko." Lumitaw si Ansel sa interrogation room limang minuto pagkatapos basahin ang case documents.
"Tama. Pati ang mother-in-law mo nakumbinsi ni Joseph Bauer na magsalita para sa'yo," nagpatuloy si Ansel Torres sa pagsasalita. "Pero tumanggi ang asawa mo sa alok." "Tulad ng inaasahan." Ngumiti si Harvey York at umiling pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. "Mukhang gusto talaga akong ipapatay ng thirteenth young master! "Sa isang banda, gaganda ang imahe niya kay Mandy Zimmer, iisipin nito na isa siyang mabuting tao. "Sa kabilang banda, gusto niyang pigilan na maparusahan ako ng batas. Sa ganitong paraan, mapapakilos niyan ang mga tao sa underworld para ipaghiganti si Jordan Bowie! "Bukod pa riyan, kahit hindi niya ito gawin, pwede siyang gumamit ng pekeng ebidensya para mautus-utusan ako. "Kapag hindi ako sumunod sa utos niya, ibubunyag niya ang lahat ng ito sa publiko at iipitin niya ako! "Ang Bauer family ay may hawak sa media… "Kasabay nito, nasa kanila ang suporta ng halos kabuuan ng underworld ng Flutwell! "Maging ang Gang of Six ay may malalim na ug
Sa pagkakaunawa ni Ansel Torres, alam niyang hindi hahayaan ni Harvey na mangyari ang ganito. "Mahirap humanap ng ebidensyang makakatulong sa akin ngayon," kalmadong sinabi ni Harvey. "Pero tingin ko makakahanap tayo ng butas sa footage na 'yun." "Ang footage?" Naningkit ang mata ni Ansel. Tumango si Harvey. "Kaunti lang naman ang mga tao ditong nakakaalam ny Art of Disguise, tama?" Inisip nang maigi ni Ansel ang sitwasyon… "Ang Demon Monks mula sa India! "Sa kasaysayan, ang Flutwell ay may magandang relasyon sa India. Ang mga Demon Monks ay pinapamana nang maraming beses ang kanilang Dharma sa mga tao ng Flutwell. "At ang Yoga nila ay kayang baguhin nang tuluyan ang itsura ng isang tao! "Isa itong butas! Akong bahala dito!" Nang paalis na ng silid si Ansel… Bam!Biglang may sumipa pabukas ng pinto. Nasa walong tao ang nakapaligid sa lalaking nakasuot ng pormal na damit. Isang aura ng nakatataas ang mararamdaman sa lalaking ito. Mukhang nasa tatlompung ta
"Hindi ko pinapunta dito si Ansel Torres para tumakas sa batas. Nakiusap ako sa kanya na ipatupad nang patas ang batas," sinabi ni Harvey York. "Sumasagot ka pa ngayon?!" Nanggigil sa galit si Nelson Torres nang marinig ang sinabi ni Harvey. 'Malinaw na tinawag niya ang patapon kong kapatid para abusuhin ang kapangyarihan niya, tapos sasabihin niyang gusto niyang sumunod sa batas? 'Tingin ba niya tanga ako? 'Tingin niya hindi ko 'yun mahahalata?' Wala nang balak si Harvey na ipaliwanag ang sitwasyon kay Nelson, na galit na galit sa sandaling iyon. "Wala akong pake kung maniwala ka sa akin o hindi. Ayaw ko lang may maglabas sa akin dito nang walang dahilan," sagot ni Harvey habang umiiling. "Tingin mo may maglalabas sa'yo dito? "Sino ka ba sa tingin mo?" Tinuro ni Nelson si Harvey gamit ng kanyang ilong. Hindi na siya nag-abala pang magtanong. Para sa kanya, si Harvey ay isa lamang mayabang na mahilig magpapansin. "Sabihin mo sa akin, bukod sa patapon kong kapatid,
Si Ruby Murray, Ozzy Murray, August Bauer, at ang iba ay nakatayo sa tabi ni Joseph Bauer. Magalang nilang hinintay na matapos si Joseph sa kanyang pagsasanay bago sila umabante. Nang iabot ng isa sa mga utusan ang isang mangkok ng tubig, kalmadong naghugas ng kamay si Joseph bago magsalita. "Sining tumawag kay Nelson Torres?" "Ako." Umabante si Ozzy nang mukhang maligaya. "Nakatanggap ako ng balita na ang hayop na si Harvey York, ay dinamay si Ansel dito. "Kaya tinawagan ko rin si Nelson. "Ayon sa natanggap kong balita, wala na talaga sa usapan si Ansel ngayon. "Hindi na siya pwedeng mangialam pa sa kasong ito. "Kung wala si Ansel, malabo nang makalabas si Harvey. "Mamamatay si Harvey bago pa may makapansin, Young Master." "Patay?" Mukhang walang pakialam si Joseph. "Kailan ko sinabing tawagan mo si Nelson? "Kailan ko sinabing gusto kong mabilanggo habang buhay si Harvey?" Nanigas si Ozzy at Ruby habang tumatagaktak ang malamig na pawis sa kanilang liku
Pinag-isipan ni Ozzy Murray ang sitwasyon bago siya ngumiti nang nanlulumo. Tulad ng sinabi ni Joseph Bauer, kung totoong talagang pinatay ni Harvey York ang buong Bauer family, siguradong mamamatay siya ngayong nadawit na dito si Nelson Torres. Ngunit dahil ang buong planong ito ay para itumba si Harvey, siguradong masisira ng matinding pandama ni Nelson ang buong plano. Kapag nangyari ito, ibig-sabihin nito pinahirapan ni Ozzy ang kanyang sarili. Lumapit si August Bauer nang makita niya ang takot na takot na mukha ni Ozzy. "May pinag tatakahan ako, Young Master. "Bakit tatanggi si Mandy Zimmer sa napakabuti mong alok? "Sa madaling salita, dapat naiisip niyang iligtas ang kanyang asawa. "Pero, ang ginagawa niya ngayon ay nakakaperwisyo pa lalo kay Harvey, diba? "Dapat bang lapitan muna natin siya?" "Ang babaeng ito ay mas delikado sa inaasahan ko. Mukhang seryoso si Joseph habang pinag-uusapan si Mandy. "Natutukoy kong may nararamdaman siya para kay Harvey kahi