Si Ruby Murray, Ozzy Murray, August Bauer, at ang iba ay nakatayo sa tabi ni Joseph Bauer. Magalang nilang hinintay na matapos si Joseph sa kanyang pagsasanay bago sila umabante. Nang iabot ng isa sa mga utusan ang isang mangkok ng tubig, kalmadong naghugas ng kamay si Joseph bago magsalita. "Sining tumawag kay Nelson Torres?" "Ako." Umabante si Ozzy nang mukhang maligaya. "Nakatanggap ako ng balita na ang hayop na si Harvey York, ay dinamay si Ansel dito. "Kaya tinawagan ko rin si Nelson. "Ayon sa natanggap kong balita, wala na talaga sa usapan si Ansel ngayon. "Hindi na siya pwedeng mangialam pa sa kasong ito. "Kung wala si Ansel, malabo nang makalabas si Harvey. "Mamamatay si Harvey bago pa may makapansin, Young Master." "Patay?" Mukhang walang pakialam si Joseph. "Kailan ko sinabing tawagan mo si Nelson? "Kailan ko sinabing gusto kong mabilanggo habang buhay si Harvey?" Nanigas si Ozzy at Ruby habang tumatagaktak ang malamig na pawis sa kanilang liku
Pinag-isipan ni Ozzy Murray ang sitwasyon bago siya ngumiti nang nanlulumo. Tulad ng sinabi ni Joseph Bauer, kung totoong talagang pinatay ni Harvey York ang buong Bauer family, siguradong mamamatay siya ngayong nadawit na dito si Nelson Torres. Ngunit dahil ang buong planong ito ay para itumba si Harvey, siguradong masisira ng matinding pandama ni Nelson ang buong plano. Kapag nangyari ito, ibig-sabihin nito pinahirapan ni Ozzy ang kanyang sarili. Lumapit si August Bauer nang makita niya ang takot na takot na mukha ni Ozzy. "May pinag tatakahan ako, Young Master. "Bakit tatanggi si Mandy Zimmer sa napakabuti mong alok? "Sa madaling salita, dapat naiisip niyang iligtas ang kanyang asawa. "Pero, ang ginagawa niya ngayon ay nakakaperwisyo pa lalo kay Harvey, diba? "Dapat bang lapitan muna natin siya?" "Ang babaeng ito ay mas delikado sa inaasahan ko. Mukhang seryoso si Joseph habang pinag-uusapan si Mandy. "Natutukoy kong may nararamdaman siya para kay Harvey kahi
Kinabukasan, nitong umaga. Ang himpapawid ng Flutwell ay medyo madilim tulad ng kadalasan. Lalong lumamig ang kalye sa biglang pagbaba ng temperatura. Ang mga tindahan ay medyo huli na din nagbukas dahil dito. Dalawang inaantok na imbestigador ang nagpapatrolya sa labas ng Flutwell Police Station. Nang kakain na sana sila… Dose-dosenang kotse ang biglang dumating. Hindi nagtagal, daan-daang mga tao ang lumabas sa mga kotse. Napalaktaw ng tibok ang puso ng mga imbestigador habang hawak nila ang baril sa kanilang baywang. Malinaw na bihasa ang mga taong nakasuot ng balabal. Ang dalawang imbestigador ay hindi sapat para pigilan sila. Ngunit sa sandaling ito, wala silang ginawa. Hindi pa nila sinubukang paligiran ang mga imbestigador. Kumaway ang lalaking nangunguna sa grupo bago magsimulang magdalamhati. Kasabay nito, may nagdala ng isang bandera mula sa isa sa mga kotse. Ang banderang ito ay kulay puti at may itim na nakasulat dito, hinihingi ang buhay ng pumaslang
Kaswal na binuksan ni Harvey ang kahon ng pagkain at lumingon. "Hindi ba nila alam na ako ang head ng Law Enforcement? "Hindi ba sila natatakot na baka patayin ko sila sa panggugulo nila sa akin nang ganito?" Natawa si Ansel Torres nang nanlulumo. "Kung ibang okasyon, matatakot sila. "Pero bakit sila matatakot sa'yo ngayon? "Sa paningin nila, hindi ka na makakalabas dito. "Kasabay ng pag-uudyok sa kanila ng iba na gawin ito, wala nang mas magandang oras para sipain ang isang tao habang nasa ibaba ito bukod sa ngayon." Natawa si Harvey bago dumampot ng pritong manok. "Nalaman mo ba kung sinong gumagawa ng gulong ito?" "Hindi pa, pero imposibleng nagkataon lamang ang mga pangyayaring ito. "Gusto ng kalaban na mamatay ka na agad…" "Hindi 'yan ang gusto nila noong umpisa…" kalmadong sinabi ni Harvey. "Pero ngayong nandito na ang kapatid mo, siguradong ipapatupad niya nang maayos ang batas at malulutas niya ang kaso. "Natatakot ang kalaban na baka mapunta sa wala
Kalahating oras makalipas, maraming tao ang dumagsa sa entrance ng police station.Dinala ni Rachel ang grupo ng tao mula sa Law Enforcement ng Longmen pati na ang Hatchet Gang at bumuo ng linya para pigilan kahit sino na makapasok sa loob.May mga bagay na hindi kayang gawin ng pulis, pero kayang gawin ng Law Enforcement at ng Hatchet Gang.Sinbi ito, alam ng kalaban na si Harvey malamang may paraan para asikasuhin ang sitwasyon.Habang ang parehong pang ay nagkasalubong, mas marami pang tao ang nagpakita para manood sa palabas, pinapalala ang problema.Kahit ang Flutwell TV, ang boses ng city, ay nagpadala ng ilang propesyonal na mga journalist sa lugar.Para palakihin ang buong sitwasyon at hayaan ang lahat sa city na malaman ang buong insidente…Ang tinatawag na rally ay naging press conference.Ang mga camera ay nakatutok sa eksena, pinapakita ang buong sitwasyon live.Hindi alam ni Ansel ang iniisip ni Harvey. Ng makita niya ang malaking grupo ng mga journalist at ang pa
Matapos marinig ang mga numerong iyon, ang mga tao ay napabuntong hininga.Para sa ordinaryong tao, ang mga ito ay napakalaking mga numero.Tutal si Harvey ay handa na gumastos ng pera niya para patunayan ang kanyang pagiging inosente, ibig sabihin nito na hindi siya ang pumatay.Kung sabagay, walang gagawa ng ganitong bagay ng walang rason.“Nagsisinungaling siya!”“Siya ang pinakamalaking suspect! Siya ang pumatay!”“Nagbibigay siya ng ganitong pera dahil siya ay nakokonsensya!”“Bakit siya gagawa ng ganitong bagay kung hindi iyon ang kaso?!”Subalit, isang bagong problema ang lumitaw sa sandali na ang isa ay natapos.Ilang tao na nakasuot ng robe ang humakbang paharap.Silang lahat ay matangkad at may magandang pangangatawan at nagawang lumusot sa Hatchet Gang, na sinusubukan panatilihin ang kaayusan.Ang mga disipulo ng Law Enforcement ay sumimangot ng mapagtanto na ang mga taong ito ay pamilyar ang mga mukha.“Hayaan mo kaming magsalita! Kaming lahat ay kamag anak ni
Medyo napangiti si Harvey ng makita niya na nagpakita si August.“Masyado itong lame, hindi ba?”“Hindi mo dinala palabas ang iyong thirteenth young master para maglaro sa ganitong malaking okasyon?”“Sa halip pinaharap niya ang kanyang panakip butas?”“Hindi ba’t masyado tong lame?”“Ang thirteenth young master? Lame?”Ang ekspresyon ni August ay biglang nagbago matapos marinig ang sinabi ni Harvey.“Ikaw ang pumatay dito, Harvey! Nandito lang kami para magbigay ng hustisya, pero patuloy ka pa din na tinatraydor si thirteenth young master!”“May sakit ka!”“Ang mga pamilya, mga tao at mga journalist ay may mata!”“Hindi mo maloloko kahit sino sa amin!”Saglit na pinaliwanag ni August ang kanyang “karanasan” at pinakita ang footage sa lahat ng nandoon.Ang mga journalist ay masaya na makita ang mga nangyayari.Sa puntong ito, ang insidente ay siguradong magiging susunod na malaking balita sa susunod na araw.“Handa ka bang makinig sa pamilya ng biktima, Mr. York?” Sabi n
Ang lahat ay nagulat sa pangyayari. Walang naglakas loob na kwestyunin ang kredibilidad ng lalaki. Matapos ang lahat, ang ginawa ng lalaki ay talagang nakakabaliw!Ang mga journalist ay nagiisip na ng title habang sila ay kumukuha ng litrato.“Sinubukan ng pumatay na tumakas sa batas, ang pamilya ng biktima ay nagpadugo para patunayan ang kabaliktaran…”Tumingin si Harvey sa pangyayari na may nalilibang na tingin.Akala ng mga journalist na si Harvey ay masyadong mayabang at na ang batas ay dapat siyang parusahan.Samantala, ang iba pang mga kamag anak ay nagsimulang magsalita habang lahat ay nangyayari. Mga kaibigan at pamilya ng pamilya Bowie ay sumugod paharap sa nangyayari.Lahat sila ay sigurado na si Harvey ang pumatay at na kailangan niya magbayad ng kanyang buhay para sa lahat ng krimen na ginawa niya.Ang mga tao ay may makatwirang tingin sa kanilang mga mukha. Silang lahat ay pareho ang nasa isip.‘Masama na siya ay isang mamamatay tao, pero binayaran niya ang buong p
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai