Mukhang ito ang pangunahing kaganapang natapos sa gabing iyon. Huminga nang malalim si Ezra. Tinignan niya pa si Harvey nang may makahulugang tingin. Hanggang sa ngayon, maayos pa ang lahat. Kung magagawa ni Davian na patayin si Harvey at maging bagong head ng Law Enforcement ng Longmen, gagantimpalaan si Ezra ng sampung milyong dolyar. Magpapakasaya siya sa yaman sa ibang bansa at hindi makikisali sa gulo ng Flutwell. Naningkit ang mga mata ni Ezra; matiyaga siyang naghihintay sa sandaling mainis si Harvey at mawalan ng pasensya sa pang-iinis ni Lydia. Humakbang ang judge nang sinenyasan siya ni Ezra. Pagkatapos dinala ng medical staff ang champion paalis, nagsalita siya, "Meron pa bang iba?!" "Kung wala nang hahamon kay Davian…" "Siya na ang panalo sa tournament na'to!" "Kahit ang taong may hawak ng Law Enforcement Badge ay hindi kikilalanin kung hindi sila sasali sa laban!" "Tama!" "Ganun dapat yun!" "Ang panalo lang ng tournament ang dapat na maging head ng La
"Ano bang pake mo kung makuha ko ang posisyon bilang head ng Law Enforcement o hindi? Bakit galit na galit ka ngayon?" Isang babaeng malinis ang kasuotan ang biglang lumapit at minata si Harvey. "Ikaw si Harvey, tama?" "Balak mong bawiin ang posisyon mo bilang head ng Law Enforcement, ano?" "Kung ganoon, may pinapasabi sa akin si Vice Head Bauer para sa'yo!" "Sabi niya wala kang laban kay Davian!" "At dapat umalis ka na ngayon na!" "At kapag nakita ka ni Vice Head Bauer, papatayin ka agad niya!" "Naririnig mo 'yan?! Palalagpasin ka ni Vice Head Bauer aa kabila ng lahat ng ginawa mo sa kanya!" "Gusto mo pa rin bang magpakamatay?!"Ngumiti lamang si Harvey. "Sabihin mo kay Vice Head Bauer na nawawalan na ng bisa ang mga panghahamon niya sa akin." "Tingin mo ba mapapalaban ako ng isang taong tulad ni Davian?" "Wala siyang karapatan." "Dahil gustong-gusto niyo ako sa loob, tingin ko dapat matulog na ako." "Napapagod na ako sa kakapanood ng palabas na ito. Hindi
"Hindi ko inakalang takot na takot ka palang pumasok sa ring." "Oh? Mukha bang takot na takot akong labanan ka?" tamad na sumagot si Harvey. "Narinig ko na ang tungkol sa'yo. Umasa ka sa Nanyang God of War, kay Dean Cobb, para mapuruhan ang dating head ng Law Enforcement bago ka magpakita. Nilumpo mo pa ito!" "At ngayon kumakapit ka kay Kayden at sa babaeng 'yan para magyabang!" "Aaminin ko…""Tuso ka. Mabusay ka dito. Wala ka ring hiya." "Sinubukan mong humanap ng dahilan para umalis dahil alam mong wala kang laban sa akin." "Pero sayang naman! Binangga mo ang isang taong hindi mo dapat binabangga sa simula pa lang." "Binigyan ako ng utos ng thirteenth young master na tapusin ang buhay mo dito ngayon na!" Makikita ang mapanghamak ay masamang titig sa mukha ni Davian. "Pero dahil wala kang hiya, palalagpasin kita kung magmamakaawa ka at ibibigay mo ang Law Enforcement Badge." "Bibigyan kita ng tatlompung segundo para pag-isipan ito. Huwag mo akong bibigyin." Ngum
"Ano? Sabihin mo sa akin!" "Anong dapat mong gawin para pakawalan kita?!" Muling sinampal ni Harvey si Davian at tumalsik na naman ito. Ang pagiging pinakamagaling at kampeon sa paligsahang ito ay wala nang halaga sa sandaling ito. Hindi tumigil si Harvey sa pananampal kay Davian, kahit na nanonood ang mga tao. Nagulat sila nang makitang namamaga ang mukha nito na parang isang baboy. Kahit si Lydia ay nanigas nang makita ito. Si Davian ang pinakamagaling! Natalo niya ang kampeon sa isang atake lamang! Ang husay niya sa espada ay walang kapantay! Ngunit wala siyang kwenta laban kay Harvey. Kumirot nang husto ang mata ni Ezta sa nakita niya. Kaagad niyang naalala ang sandaling sinampal siya sa mukha noong hapon na iyon. Nararamdaman niya ang bawat sampal ni Harvey kay Davian. Pak! Muling tumalsik si Davian bago bumagsak sa ring. Pagkatapos magpumiglas sandali, sumuka siya ng dugo bago siya bumagsak sa sahig. Kalmadong lumapit si Harvey sa ring bago itaas a
Habang nakatingin kay Harvey, na kalmadong nakatayo sa gitna ng ring habang magkapatong ang braso… At si Davian, na nakaluhod habang nakatuwid ang likod… Nagwala ang madla. Pakiramdam ng mga disipulo sila ay nasa isang panaginip. Napatumba ni Harvey su Davian, ang kampeon ng paligsahan. Siya rin ang taong may hawak ng Law Enforcement Badge, ang taong kinilala ng master ng Longmen. Dahil dito, ang kanyang posisyon bilang head ng Law Enforcement ay mapapatibay. Natulala si Lydia. Tinitigan niya nang masama si Harvey; may gusto siyang sabihin, ngunit hindi siya makapagsalita. Ang mga tao sa likod niya, na kanina pang minamaliit si Harvey, ay nakayuko. Kumikirot ang mata nila. Gustong-gusto na nilang umalis sa lugar na ito. Nakaramdam ng lungkot ang babaeng maikli ang buhok sa loob niya. Nagsisisi na siyang hindi siya kumapit kay Harvey. Kung ginawa niya ito kanina, kahati na sana niya si Harvey sa karangalan nito. “Harvey York!”"Pinatay mo si Head Bauer!" "Anong
Kahit gaano kasama ang loob ni Ezra, wala siyang magawa kundi timitig sa mata ni Harvey at manginig. "Kinalulugod… kong makita ka, Head York!" Pagkatapos ay nagmadali siyang sumenyas. Ang kanyang pinagkakatiwalaang tauhan, na hindi masaya sa naging desisyon niya, ay walang magawa kundi lumuhod nang makita ang ginawa ni Ezra. “Head York!”Nanigas ang mga disipulo ng Law Enforcement nang makita nilang lumuluhod si Ezra at Davian sa harapan ni Harvey, na hawak ang Law Enforcement Badge. Kaagad silang lumuhod sa sahig pagkatapos. “Head York!”Natapos na ang lahat! …Pagkatapos ng martial arts tournament ng Law Enforcement ng Longmen, pinalinis ito ni Harvey kay Rachel. Kasama ang tulong ni Kayden sa paghawak sa Law Enforcement, pati na ang lakas ni Rachel at ng kanyang mga tauhan, naging maayos ang lahat. Pagbalik nila sa base ng Hatchet Gang, tiningnan ni Harvey ang kanyang phone para makita kung pinakawalan na sila Lilian at Mandy. Higit sa lahat, hawak na ni Harve
Pagkatapos ibaba ang linya, kaagad na dinala ni Harvey si Xynthia sa Flutwell Police Station. Pagkatapos iproseso ang mga bagay para makalabas ng kulungan sila Lilian at Mandy, sinabi ni Harvey sa mga pulis kung nasaan siya kagabi at ang ebidensyang sumusuporta sa pahayag niya. Higit sa lahat, inatake si Ezra at Dylan dahil sa kanya. Para hindi makuha ng kalaban ang suporta ng pulisya, napagpasyahan ni Harvey na depensahan muna ang kanyang sarili. Si Logan, ang second-in-command ng Flutwell Police Station, ay nagtaka ngunit wala siyang dahilan para tanggihan ang testimonya ni Harvey, lalo na at nagpunta mismo dito si Harvey. Pagkatapos asikasuhin ang lahat, alas tres na ng hapon. Habang hinihintay ni Harvey sa labas si Lilian at Mandy, sumulpot sila Rachel at isang grupo ng mga tao. Bukod sa mga lawyer, assistant, at mga bodyguard, mayroong ilang pamilyar na disipulo ng Longmen na pinili ni Rachel mula sa Law Enforcement ng Longmen. Talagang mahusay si Rachel. Kung iban
Isinantabi ni Harvey si Jordan nang makita niyang lumalabas ang dalawa. "Ayos ka na ngayon," sinabi ni Harvey pagkatapos maglakad palapit. Tumango nang bahagya si Mandy; hindi niya inakalang makakalabas siya nang maayos pagkalipas ng tatlong araw. Hindi niya mawari ang mga bagay na ginawa ni Harvey para lamang makalabas siya nang ligtas. "Maraming salamat, Harvey." Nakahinga nang maluwag si Mandy. Dumapo ang tingin niya kay Rachel, na nakatayo malapit sa kanya. "Ito ay…" "Ipapakilala ko siya sa iyo. Siya ang executive CEO ng Hearthstone Corporation, si Miss Rachel Hardy." Ngumiti si Harvey. "Sa ngayon, nasa kanya na ang 70% ng shares ng kompanya." "Sa madaling salita, hawak niya ang buong gold mine ng Flutwell." Nagulat si Mandy nang marinig niya ang pagpapakilaka ni Harvey. Hindi niya inakalang si Rachel ay isa ring mahusay na babae. Si Lilian, na kanina pang hindi nagsasalita, ay nanigas. Pagkatapos, hinila niya ang manggas ni Harvey. "Sinasabi mo bang nasa