Nagkagulo ang Hatchet Gang nang may nagpatunog ng alarm. Maraming elite ng gang ang sumugod palabas sa pinakamabilis na paraang magagawa nila. Walang pakialam si Aiden sa mga iyon. Simple niyang hinila ang hunting rifle niya at patuloy na naglakad. Walang pangkaraniwang tao ang kayang panatilihin ang pagiging kalmado na mayroon siya ngayon. Walang intensyon si Harvey na pigilan si Aiden na sakupin ang sentro ng base. Sa kabilang banda, naramdaman ni Riley na matuyo ang lalamunan niya sa lahat ng kaguluhan. Masyadong hindi kapani-paniwala ang eksena sa harapan niya. Kahit ang pinakamagagandang pelikula sa Hollywood ay hindi ganito katindi. Hindi makatotohanan ang lahat ng ito! Hindi napigilan ni Riley na haplusin ang nanigas niyang mukha habang nanginginig sa takot. "Nasa daan-daang tao ang narito, Harvey!" "Magaling ang tauhan mo, pero marami ang Hatchet Gang!""Hindi makatotohanan na labanan ang lahat ng mga taong ito gamit lang ng isang baril!" "Alam ng lahat s
Bago pa matapos ni Riley ang pangungusap niya, nanigas ang buong katawan niya at namutla ang mukha niya. Hindi binigyan ni Aiden ang kahit na sino ng pagkakataon na makakibo at sinipa ang pinto bago itinaas ang hunting rifle niya. Nabigla naman ang mga tao sa loob ng kwarto. Bam!Isang malakas na tunog ang narinig, pagkatapos ay tumalsik ang lalaking nasa pinakaharapan bago bumangga sa mga tao sa likuran niya. Humakbang si Aiden at kinalabit ang gatilyo sa nagtatakang goons na nakahiga sa lapag. Wala sa kanila ang may pagkakataong makalapit kay Aiden. Sa isang sandali lang, ang naiwan na lang sa kanila ay ang lakas na sumigaw sa sakit habang gumulong sila sa lapag. "H*yop ka!" Galit na galit ang lalaking nasa harapan sa nakita niya. Bubunutin niya sana ang baril niya ngunit… Tumawa ulit si Aiden at humakbang papunta sa lalaki, pagkatapos ay pinatong niya ang baril niya direkta sa ulo ng lalaki. Bam!Bago pa nakakibo ang lalaki, hinapas ni Aiden ang rifle sa ulo ng lal
Isang eleganteng babaeng may maikling buhok at may itim na rosas na nakatato sa dibdib niya ang naglakad paharap nang may malamig na mukha. "Ang lakas ng loob niyong gumawa ng gulo sa base namin!" "Gusto niyo bang mamatay?!" Tumawa si Aiden pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Pagkatapos, bumunot siya ng isang granada. Napahinto si Harvey; hindi niya inasahan na may dalang ganitong bagay si Aiden. 'May dala ba siyang maliit na arsenal?' Humakbang si Harvey para pigilan si Aiden na bunutin ang pin ng granada. Pagkatapos, nagsabi siya sa babae, "Sabihan mo si Kayden na lumabas rito!" "Bibigyan ko siya ng isang minuto." "Kapag hindi namin siya nakita pagkatapos…" "Paluluhurin ko ang bawat isa sa inyo sa sentro ng lungsod para pagsisihan ang mga kasalanan niyo." Kalmado ang mga salita ni Harvey; walang kahit na anong bakas ng galit na maririnig mula sa kanya. Gayunpaman, sapat na ang mga salitang iyon para tuluyang magalit ang Hatchet Gang. "H*yop ka!" "Sin
Isang maharlikang aura ang nararamdaman mula sa katawan ng lalaki. May matinding prestihiyo ang mukha niya. Nagbigay daan ang lahat ng higher-ups ng gang sa sandaling nakita nila ang lalaki. “Boss Balmer!”Naningkit ang mga mata ni Harvey; kaagad niyang nakilala ang lalaki. Ang lalaking ito ay ang head ng Hatchet Gang at isa sa anim na gang leaders ng Flutwell—si Kayden Balmer. "Wala akong hinanakit sa'kin ba ang sabi mo?" Kalmadong naglakad si Harvey habang nakatitig nang maigi kay Kayden. "Nakakamangha kayo!" "Kinidnap mo ang sister-in-law ko sa katirikan ng araw, at pinilit nito siyang pumirma ng papeles para ipahamak ang asawa at biyenan ko!" "Tapos ngayon sasabihin niyo sa'kin walang hinanakit sa pagitan natin?""Gumagana ba ang mga utak niyo?" Sinipa ni Harvey si Boss Dart papunta kay Kayden. Nang nakita ito ni Kayden, malapit na niyang pagtapak-tapakan si Boss Dart hanggang sa mamatay siya. Matagal nang nabubuhay si Dart ng maluhong pamumuhay sa base camp…
"Kaya binibigyan kita ng pagkakataon." "Pwede mong ibuhos ang buong lakas mo. Gamitin mo ang kahit na anong sandatang gusto mo. Basta't masasalag mo ang sampal ko…" "Hahayaan kitang hawakan ang sitwasyon sa kahit na anong paraang gusto mo." "Pero kung hindi mo man lang kayang gawin yun…" "Magiging alipin kita mula ngayon." "Kuha mo?" Napahinto si Kayden. Pagkatapos nito, nagbago kaagad ang ekspresyon niya; galit na galit siya. "H*yop ka! Ako ang head ng Hatchet Gang! Ang lakas ng loob mong pahiyain ako!" "Papatayin kita!" Humakbang paharap si Kayden at pinagpag ang mga kamay niya. Sa isang iglap, sumabog ang mga damit niya at nakita ang katawan niya. Tanned ang buong katawan niya at halata rin ang mga muscle niya. Sa unang tingin, para bang nagsanay si Kayden ng isang tradisyonal na martial art style kagaya ng Golden Shield o Iron Skin. Ginamit ni Kayden ang buong lakas niya para sumigaw nang napakalakas. "H*yop ka!" "Ipapaalam ko sa'yo…" "Kung anong ibig
Sa sandaling lumuhod ang lahat, pinilit ni Kayden na ngumiti at sinabi, "Master! Pwede mong parusahan ang mga tauhan ko sa kahit anong paraan mo gusto dahil sa kanilang kamangmangan!" Nang makita ang pagiging masunurin nito, natuliro ang lahat ng tao. Hindi lamang lumuhod ang pinuno ng Hatchet Gang, ngunit hindi pa nito sinalba ang sariling dignidad nito. Nagulat nang sobra si Riley. Sa loob niya, si Kayden ang jsa sa mga pinakanakakatakot na tao sa Flutwell!Ang karaniwang taong maglalakas-loob na banggain siya ay mamamatay nang hindi nila nalalaman kung bakit! Gayunpaman, nandito siya, lumuluhod sa harapan ni Harvey!Lumuhod siya sa isang iglap! Diba live-in son-in-law lang naman si Harvey? Anong karapatan niyang paluhirin si Kayden? Dahil sa nangyari ngayong araw, akala ni Riley tapos na sila Harvey at Xynthia, at mamamatay sila nang hindi nalilibing… Hindi niya inakalang si Kayden pala ang luluhod. Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nakikita. Si Xynthia lam
Sa dami ng pinagdaanan niya nitong nagdaang mga araw, naunawaan ni Xynthia na ang mga problema niya ay sobrang dali lang para asikasuhin ni Harvey. Ngumiti si Harvey. "May batas sa Mordu at Buckwood." "Pero… kakaiba ang lugar na ito." "May batas dito, pero dahil sa kasaysayan ng lugar na ito, tingin ng lahat kapangyarihan ang pinakamahalaga." "Kung ganoon, ipapakita natin ang kapangyarihan natin." "Kung hindi, hindi tayo makakahanap ng luhar na matutuluyan, lalo na ang mailigtas ang ate at nanay mo." "Oo nga pala. Sabihin mo sa akin ang nangyari." "Diba pumunta kayo sa gold mine ng Flutwell? Paanong naloko ang nanay at ate mo para makulong sila?" Umupo si Xynthia at nagsalin ng tsaa para sa kanyang sarili bago alalahanin ang nangyari nang tanungin siya ni Harvey. "Naaalala ko na! Siguradong may nagplano nito." "Pagkatapos magpunta ng thirteenth young master ng Bauer family sa Mordu, patuloy nitong niligawan si Ate. Nagbigay rin siya ng maraming mamahaling gamit ka
"Pinagbintangan si Mama at Ate, Brother-In-Law!" "Kailangan mo silang iligtas!" Bumuntong-hininga wi Xynthia, habang napupuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Si Lilian at Mandy ay parehong lumaki sa layaw. Hindi nila kayang mabuhay sa bilangguan! Tinapik ni Harvey ang balikat ni Xynthia at sumagot nang kalmado, "Kailangan nating maghintay.""Malinaw na may pumupuntirya atin. Masyado itong delikado." "Kung ganoon, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos." "Sinabihan ko si Kayden na magpunta kasama ang kanyang mga pwersa. Tingnan natin kung pwede nating mailabas si Lilian at Mandy sa ganitong paraan." Nanigas si Xynthia. "Ang Hatchet Gang ay isa sa Gang of Six, pero diba wala silang laban sa Golden Palace at Bauer family?" "Magagamit ba natin si Kayden?" "Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan," kalmadong sagot ni Harvey. "Sa isang banda, masusubukan natin ang kakayahan niya." "Sa kabilang banda, makikita natin kung gaano ba kalalim ang sitwasyon." Nak