Sa dami ng pinagdaanan niya nitong nagdaang mga araw, naunawaan ni Xynthia na ang mga problema niya ay sobrang dali lang para asikasuhin ni Harvey. Ngumiti si Harvey. "May batas sa Mordu at Buckwood." "Pero… kakaiba ang lugar na ito." "May batas dito, pero dahil sa kasaysayan ng lugar na ito, tingin ng lahat kapangyarihan ang pinakamahalaga." "Kung ganoon, ipapakita natin ang kapangyarihan natin." "Kung hindi, hindi tayo makakahanap ng luhar na matutuluyan, lalo na ang mailigtas ang ate at nanay mo." "Oo nga pala. Sabihin mo sa akin ang nangyari." "Diba pumunta kayo sa gold mine ng Flutwell? Paanong naloko ang nanay at ate mo para makulong sila?" Umupo si Xynthia at nagsalin ng tsaa para sa kanyang sarili bago alalahanin ang nangyari nang tanungin siya ni Harvey. "Naaalala ko na! Siguradong may nagplano nito." "Pagkatapos magpunta ng thirteenth young master ng Bauer family sa Mordu, patuloy nitong niligawan si Ate. Nagbigay rin siya ng maraming mamahaling gamit ka
"Pinagbintangan si Mama at Ate, Brother-In-Law!" "Kailangan mo silang iligtas!" Bumuntong-hininga wi Xynthia, habang napupuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Si Lilian at Mandy ay parehong lumaki sa layaw. Hindi nila kayang mabuhay sa bilangguan! Tinapik ni Harvey ang balikat ni Xynthia at sumagot nang kalmado, "Kailangan nating maghintay.""Malinaw na may pumupuntirya atin. Masyado itong delikado." "Kung ganoon, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos." "Sinabihan ko si Kayden na magpunta kasama ang kanyang mga pwersa. Tingnan natin kung pwede nating mailabas si Lilian at Mandy sa ganitong paraan." Nanigas si Xynthia. "Ang Hatchet Gang ay isa sa Gang of Six, pero diba wala silang laban sa Golden Palace at Bauer family?" "Magagamit ba natin si Kayden?" "Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan," kalmadong sagot ni Harvey. "Sa isang banda, masusubukan natin ang kakayahan niya." "Sa kabilang banda, makikita natin kung gaano ba kalalim ang sitwasyon." Nak
”Huwag kang mag-alala. Ngayong nandito ako, hindi magtatagal ay magiging sa'yo rin ang Flutwell," kalmadong sinabi ni Harvey. "Pero bago 'yan, kailangan ko munang makita ang halaga mo, diba!?" "Pwede kong iangat ang kahit sinong gusto ko, pero hindi naman pwedeng basta na lang ako pumili ng susuportahan ko, tama?" Nanginig si Kayden pagkatapos marinig ang sinabi ni Harvey. Nakita na niya ang tunay na lakas ni Harvey. Kapag tinulungan ng lalaking ito na umangat si Kayden… Baka ang Hatchet Gang ang maging pinuno ng Gang of Six. Kaagad na nasabik si Kayden. "Tama. Dahil wala pa dito ang second-in-command…""Bakit hindi mo muna sabihin sa akin kung sino ba ang taong ito?" Inutusan ni Harvey si Rachel na magsalin ng tsaa at sumandal siya pagkatapos. Nang makitang hindi galit si Harvey, magalang na sumagot si Kayden, "Ang pangalan niya ay Logan Bowie, Sir York." "Bowie? Malayong kamag-anak ba siya ng Bauer family?" tanong ni Harvey, napukaw ang interes niya. "Tama. Siy
"Ang Bauer family?" Natawa si Harvey. Hindi niya inakalang ang isang tao mula sa Bauer family ay lantarang ilalagay ang sarili nito sa ganitong sitwasyon. "Nasaan na sila ngayon?" kusang tanong ni Kayden. "Sa tapat ng pinto. Mukhang medyo galit si Director Bowie, at sinasabi niyang masyado ka daw bastos para hindi siya salubungin sa labas.""Mukhang galit din ang isang tao mula sa Bauer family…" Kumunot ang noo ni Kayden. "Sir York. Kung tama ang hula ko, ang taong nandito ngayon ay si Elder Mac Bauer," mahinang sinabi ni Kayden. "Isa siyang kilalang tao sa panig ni Joseph." "Maganda rin ang ugnayan niya sa maraming government official ng Flutwell." "Sa pagkakataong ito, sa ilalim ng utos ng thirteenth young master." "Magiging mas magulo ito sa inaasahan natin." Itinaas ni Harvey ang kanyang baso at kalmadong sinabi, "Wala akong pake kung sino sila. Hindi ko sila bibigyan ng respeto kapag naisipan nilang magyabang sa harapan ko." "Sabihan mo sila na pumasok." "
"Hayop ka!" "Sino ka ba?!" "Ang kapal ng mukha mong kausapin si Elder Bauer nang ganyan kung ganito ka nga kabata?" "Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob?!" Tinitigan nang masama ng babae si Harvey pagkatapos marinig ang sinabi niya kay Mac. "Gusto mo bang mamatay?!" Tinitigan nang masama ng iba si Harvey at Kayden. Magkakaroon na ng away anumang oras. "Huwag kang bastos, Lydia!" Tinitigan ni Mac si Harvey bago siya matulala. Nang makitang nanatiling nakaupo si Harvey at magalang itong sinasamahan ni Kayden sa gilid, nagsimulang magbago ang tingin ni Mac kay Harvey. Kasabay nito, naunawaan niyang ito ang taong gustong makita si Logan. Pagkatapos pagalitan si Lydia, tinitigan ni Mac nang maigi si Harvey… "Hindi ko alam kung saan ka galing…" "Pero nagawa mong mapasunod ang pinuno ny Hatchet Gang." "Siguradong malakas ka!" "Masyado ka bang malakas? O habang tumatagal ay nawalan na ng kwenta si Kayden kaya natalo siya?" Pagkatapos marinig na si Harvey an
"Elder Bauer, Director Bowie. Pakiusap kumalma kayo…"Kumikirot nang husto ang mata ni Kayden nang makita niyang nagiging magulo na ang pagtatagpong ito. Pagkatapos masangkot sa underworld sa loob ng maraming taon, ito ang unang pagkakataong nakita niya ang ganitong pangyayari. "Pakiusap! Magbigay naman kayo ng respeto!" sigaw niya nang mukhang nagmamakaawa. "Lawakan niyo ang isip niyo!" Bam!"Respeto?!" "Ang kapal naman ng mukha mong gamitin sa akin ang salitang respeto?!" Tumayo si Mac at sinampal si Kayden sa mukha. Kaagad na namaga ang mukha ni Kayden. Makikita ang galit sa mata ni Kayden, ngunit wala siyang magawa kundi pigilan ito nang maalala niya ang pagkatao ni Mac. Higit sa lahat, ang thirteenth young master at ang Bauer family ay nakasuporta kay Mac. Kahit gaano pa kalakas si Kayden, wala siyang laban sa mga ito. Pinigilan niya ang kanyang galit at sa halip ay ngumiti na lamang. "Elder Bauer, Director Bowie. Nagpunta kayo dito para makipag-usap, tama?
"Gusto mo ba akong maging state witness?"Maliit na ngiti ang nakasulat sa mukha ni Harvey York."Talagang nagkakamali ka, Director Bowie.""Hindi ko gagawin ang bagay na iyan.""Pero, siguradong palalayain ko sila.""Bibigyan kita ng isang oras."Tinaas ni Harvey ang kanyang kamay para tumingin sa kanyang Rolex na may kalmadong tingin sa kanyang mukha."Kung hindi ko sila makita matapos iyan…""Kung gayon, gagawin kong katotohanan ang ang kontratang ito."Pumalakpak si Harvey pagkatapos noon.Naglabas si Rachel Hardy ng ilang litrato ng kontrata at hinampas ito sa harap ni Logan Bowie at iba pa.Ang mukha ni Logan ay biglang nandilim matapos makita ang mga litrato.Ito ang parehong kontrata na dala ni Lilian Yates.Pero ito ay dapat hawak ng pulis. Paano ang tulad mo nagawang ipuslit ang mga litratong tulad nito?Ng walang pagdadalawang isip, nanlalamig na tumitig si Logan kay Kayden Balmer.Tanging siya lang ang may kakayahang gumawa ng ganitong bagay sa panig ni Harve
"Ikaw…"Halos magsuka si Logan Bowie ng dugo mula sa kanyang bibig dahil sa mga sinabi ni Harvey York.Napagtanto niya na naglakas loob na lumaban sa Flutwell Police Station ay isang makapangyarihang taga labas…Pero hindi niya inasahan na ang taong iyon ay ganito mapagmataas.Wala siyang pakialam na tignan man lang si Logan!Ng si Logan ay kikilos, si Mac Bauer ay nagpakita ng mainit na ngiti at sinabi, "Harvey, tama?""Mas mabuti makipagkaibigan dito, alam mo ba?""May alam din ako tungkol sayo. Kung sabagay, nabasa ko ang iyong dossier…""Ang live-in son-in-law ng pamilya Jean, si Prince York ng Sky Corporation at pinuno ng Law Enforcement ng Longmen. Mali ba ako?"Nagbuntong hiniga si Logan matapos marinig ang pagkatao ni Harvey. Siya ay hindi makapaniwala, lalo na matapos marinig ang pagkatao bilang pinuno ng Law Enforcement.Hindi niya inakala na si Harvey ay talagang ganito makapangyarihan.Sumenyas si Mac sinasabihan si Logan na kumalma."Pero Sir York, dapat malama